Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Zora


"Ozarus, huwag ka diyan!" Sigaw ko nang makitang gumagapang ang anak ko papalabas. Agad ko siyang binitbit at inilapag sa kaniyang higaan na hinding-hindi niya makakayanang lumabas. Nakatingin ito sa akin gamit ang mga seryoso niyang mga mata na manang-mana pa niya sa kaniyang Ama. Natawa na lang ako dahil sa mga kakaiba nitong tingin.

"Bata mo pa pero kuhang-kuha mo na ang mga klaseng paninitig ng Ama mo." Nakangiti kong turan, hindi ito nagsalita at naupo na lang sa kaniyang higaan.

Masaya kong naipanganak si Ozarus at hindi ko alam kung paano susukatin ang saya at galak nang una kong makita ang mukha ng anak namin ni Nyctimus! At masayang-masaya ako dahil si Lara mismo ang nagpangalan sa anak namin, gano'n na rin ang kay Baby Azacro na anak nina Luna at Sol!

"Mahal!" Rinig kong tawag sa akin ni Nyctimus mula sa kusina. Napailing na lang ako at ngumiti sa anak ko.

"Mukhang kailangan ako ng Ama mo, Ozarus. Dito ka lang ah? Huwag kang makulit." Sabi ko rito. Mas ngumiti ako ng matamis ng mapansing parang tumango ito ng kaunti. Agad akong lumabas ng kwarto at pinuntahan ang kusina, nakita ko ang hubad na katawan ni Nyctimus habang nakatalikod ito sa akin.

"Ang bango ah?" Turan ko, lumingon ito sa akin kaya malaya ko ng nakikita ang matikas niyang pangangatawan habang wala itong suot na kahit anong salawal sa kaniyang buong katawan. Napailing na lang ako dahil naging normal na rin ito sa akin, hindi naman kasi gano'n kamanyak ang asawa ko para pagdiskitahan ang isipan ko sa mga ganitong bagay. Hindi na rin naman na ako nahihiya dahil nasanay na rin ako sa ganitong itsura niya tuwing umaga.

"Mahal, ikaw na muna magluto nito. Kailangan ko na munang magbihis kasi aalis ako." Turan nito sa akin, ngumiti ako sa kaniya at tumango. Pagkalapit ko ay agad niya akong binigyan ng matamis na halik sa labi, mabilis lang 'yon pero ramdam na ramdam ko parin ng libo-libong boltahe galing sa labi niya.

"Saan ka ba pupunta, mahal?" Tanong ko rito na may pag-iingat na boses.

"Pupuntahan ko si Reyna Lara, kailangan ko ng manghingi ng permiso para sa magiging misyon nating dalawa." Unti-unti naging seryoso ang ekspresiyon ko dahil sa sinabi niya, at parang natigilan.

Napagkasunduan nga pala namin na pagkatapos kong manganak ay gagawin na namin ang misyon. Aalamin na namin kung sino ang pumatay sa kaniyang Ina at kung bakit ito kinitil ng isang demonyo.

"Sigurado ka na ba, mahal? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Nagtaka siya sa tanong ko na siyang ikinahinga ko ng malalim.

"Akala ko ba mahal gusto mo ring malaman kung ano talaga ang nangyari kay Ina? Kung sino ang nasa likod ng pagkamatay niya?" Litaniya nito. Maririnig mo pa rin ang pagtataka sa boses nito.

"Oo gusto ko, kaya nga kita sasamahan diba? Pero ikaw lang naman ang inaalala ko, kakayanin mo ba ang posible mong malaman sa Charybdis na 'yon?" Mahaba kong sagot sa kaniya. Huminga rin siya ng malalim dahil sa sinabi ko kaya alam kong kinakabahan siya kahit hindi niya ipinapakita sa akin ang ganoong klaseng ekspresiyon. Kilala ko siya, asawa ko siya kaya nababasa ko ang mga kinikilos niya.

"Mahal, wala na akong ibang gustong malaman at matanggap kundi ang katotohanan ng pagkamatay ng aking Ina. Pagkatapos nito, wala na akong ibang iisipin pa kundi kayo ng anak natin." Tumango ako sa sinabi niya, tumingin ako saglit sa niluluto niya bago ulit tumingin sa kaniya pabalik.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang-balikat nito. Nginitian ko siya ng matamis at tinanguan.

"Huwag kang mag-alala, nandito naman ako na asawa mo... nandito kami ng anak mo para suportahan ka." Ngumiti siya sa akin ng matamis, mabilis niya akong hinalikan sa pangalawang beses na siyang ikinatibok ng mabilis ng puso ko.

Ewan ko, kahit na ang tagal na namin ay gano'n pa rin ang kilig na ibinibigay niya sa akin. Na para bang nasa bagong relasiyon pa lang kaming dalawa!

"Alam ko 'yon, mahal."

Ilang oras pa ang dumaan pagkatapos ng masinsinan naming pag-uusap ni Nyctimus. Matagal rin kaming natapos sa hapag-kainan kasama ang anak namin sa pagkain dahil nga sa kuwentuhan naming mag-asawa.

"Are you okay, Zora?" Napalingon ako kay Kyogra na ngayo'y seryoso lang na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Nagtatrabaho na si Nyctimus sa Resto, hindi ko alam kung pinayagan ba siya ni Lara o hindi pero mukhang papayagan naman siya dahil may rason naman kung bakit namin gagawin ang misyon na 'yon. At wala rin namang problema dahil binabantayan na ngayon ni Kyogra ang anak namin. Sabi ko nga ay si Stheno na o si Euryale ang magbantay pero sabi ni Kyogra ay kaya niya naman.

Gustong-gusto ni Kyogra ng mga bata kaya nagtataka ako at bakit parang ayaw niya pang magkaanak eh isa rin naman siyang bearer!

"Iniisip ko lang kung ano ang magiging resulta ng misyon na gagawin namin." Sagot ko sa tanong niya, bitbit niya ngayon si Ozarus na tulog na tulog na sa bisig niya.

"Tsk, trust your powers and instincts okay? I know both of you can do it, especially you. You are strong, a Dragon, so you'll accomplish this easiest mission." Napangiti na lang ako ng tipid.

Wala namang problema sa akin ang misyon, ang pinoproblema ko ay kung ano ang magiging eskpresiyon o kung ano ang mararamdaman ni Nyctimus kapag nalaman niya na ang katotohanan... kung sino ang pumatay sa kaniyang Ina at kung bakit ito pinatay.

"You're not just an ordinary Dragon, Zora. You're a Divine Dragon, A Dragon that can do anything!" Dagdag pa niya.

Nito ko lang rin nalaman na hindi lang ang pagkontrol ng ulan at ng kagubatan ang kakayahan ko bilang isang Dragon. Natuklasan ko rin kasi na kaya kong gayahin ang kapangyarihan na apoy ni Zaporah, ang yelong kapangyarihan ni Kyogra at ang kapangyarihan ni Zachariuss. Hindi ko alam kung paano pero kapag nakikita ko ang mga mata nila ay parang nagbabago ang takbo ng kapangyarihan at enerhiya ko sa katawan.

"Si Nyctimus lang naman ang iniisip ko, Kyogra. Baka kasi ano ang maging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng kaniyang Ina. At tiyaka, hindi ko pa nakitang galit na galit ang asawa ko." Hindi ko alam kung normal lang ba na hindi kami mag-away pero napapansin ko kapag may problema kaming dalawa ay siya agad ang humihingi ng kapatawaran.

Minsan hindi ko talaga alam kung bakit ganito kabait si Nyctimus, madali rin siya pakisamahan at madaling pagsabihan. Hindi siya 'yong tipong lalaki na kahit awayin na awayin ko pa ay magagalit at magtatago ng poot sa puso. Hindi halata pero mabait talaga siya, sobra!

"I don't know the deal between you but I think Nyctimus has reasons. And you, as his husband, need to understand his situation. He needs you." Napatango na lang ako sa sinabi ni Kyogra. Napalingon ako sa likuran nito nang makitang nakangiting papalapit si Esterno.

"Yelo!" Tawag nito sa kasintahan niya, agad namang lumingon si Kyogra at binigyan siya ng ngiti. Minsan ko lang rin talaga nakikita ang kaibigan ko na ngumiti, at si Esterno lang ang laging dahilan sa mga pagngiting 'yon.

"Apoy!" Tawag rin sa kaniya pabalik ni Kyogra na siyang nagpailing na lang sa akin at nagpangiti.

"Kyogra, akin na muna si Ozarus. Mukhang may pag-uusapan kayo ni Esterno." Bago pa siya makapagsalita ay agad ko ng kinuha mula sa kaniya ang anak ko. Hindi naman ito nagising kaya napahinga ako ng malalim, mahirap kasi siyang patulugin kaya masaya ako kapag matagal siyang gumigising.

Umalis na ako doon.

Napagdesiyunan kong lumabas ng lungsod ng Mystic Emerald habang karga-karga ang anak ko na natutulog pa rin. Nang makalabas ako ay lumingon ako sa likuran at napansin ang liwanag na bumabalot sa kabuuan ng lupain namin na siyang makikita lang kapag ikaw ay nasa labas. Ang kapangyarihan na siyang nagpoprotekta sa buong lugar.

"Huwag ka munang lumaki agad, anak ah?" Ngiting bulong ko rito, gumalaw ng kaunti ang labi nito na siyang ikinangiti ko pa lalo. Ang buhok nito ay katulad ng akin, berde pero ang mga magagandang mata niya ay namana niya sa kaniyang Ama.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagyakap ng malamig na hangin sa aking kabuuan. Ang liwanag mula sa araw ay parang hinahanap ang aking kinakatayuan para mabigyan ng init, proteksiyon mula sa lamig. Mas dinamdam ko ang paligid nang marinig ang matamis na huni ng mga ibon, ang mga tunog mula sa mga dahon ng bawat puno at ang mahinang boses ng ilog na nasisiguro akong nagmumula sa kaduluduluhan ng aking kuweba na tinirhan noon.

Isa akong Divine Dragon, noong una ay akala ko na isa lang talaga akong tagabantay ng kagubatan na'to. Tagapangalaga ng panahon at ng kagubatan mula sa dulo ng kuweba. Pero nang matuklasan ko na kaya kong gayahin ang kapangyarihan ng mga Dragon, napagtanto ko na hindi nga talaga ako ordinaryong Dragon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, basta ang alam ko ay kayang-kaya ko ng protektahan ang pamilya ko gamit ang kakaibang kapangyarihang Dragon ko.

Bigla akong naalerto nang may kumaluskos hindi gaano malayo sa kinakatayuan ko. Nanliit ang mga mata ko nang may mapansing parang may presensiya sa likuran sa isa sa mga puno.

"Sino 'yan?" Sigaw na tanong ko, nang hindi ito sumagot ng ilang segundo ay agad na akong nakaramdam ng kaunting kaba at takot.

Hindi maganda 'to.

Nang wala talaga akong makitang ni sino man, kinontrol ko ang mga puno na siyang parang naghawi upang magkaroon ng malaking daan. Umuyog pa ng kaunti ang lupa dahil sa ginawa ko pero laking pagtataka ko ay wala talagang nilalang ang nandodoon! Pero ramdam na ramdam ko pa rin ang presensiya niya, ang enerhiya at ang kakaibang kapangyarihan nito.

Napatingin ako sa anak ko ng umiyak ito bigla, tinahan ko ito ng mabuti at sabay lingon sa paligid.

"May kalaban." Bulong ko na lang dahil alam kong hindi normal ang nararamdaman ko ngayon sa presensiya na kanina pa nagtatago.

"Anong balak niya? Espiya ba siya sa ibang bansa?" Bulong ko ulit.

"Zora! Mahal!" Lumingon ako sa likuran at nakitang patakbong papalapit sa akin si Nyctimus. Hinihingal niya akong tinignan sa mga mata na siyang ipinagtaka ko.

"Saan ka galing? Kanina ko pa kayo hinahanap!" Mabilis nitong turan, lumapit ako sa kaniya at binigay sa kaniya si Ozarus.

"Nakaramdam ka ng delubyo, tama ba? May kakaiba dito sa labas." Seryoso kong tanong ko sa kaniya. Ang kaniyang nag-alalang ekspresiyon ay naging malamig at seryosong mukha dahil sa sinabi ko.

Tama ako.

"Pumasok na kayo, mahal. Kami na bahala rito sa labas." Turan nito. Hindi na ako nakipagtalo pa at tumango na lang sa sinabi niya. Alam niya ang ginagawa niya, alam kong alam niya na may mali ring nangyayari sa labas ng lupain namin.

Kinuha ko ulit si Ozarus sa mga bisig niya at pumasok na sa lupain, agad kong naramdaman ulit ang kakaibang kapangyarihan na bumabalot ngayon sa buong lugar. Napalingon ako sa likuran, nagbabakasakaling may makita ulit at laking gulat ko nang may makita akong pulang mga mata habang nakatingin sa akin. Pero hindi lang 'yon!

Maliban sa pulang mga mata, may mahahabang sungay at kakaibang hugis din ng katawan ang nilalang na 'yon!

A-Ano 'yon?

Napalingon na naman ako sa aking anak nang ngumawa na naman ito. Huminga ako ng malalim at lumayo na sa pintuan palabas. Habang si Nyctimus ay naiwan at nagmasid kasama ang bagong dating na mga taong-lobo.

*******

"Talaga ba, Zora? Sabihin natin kay Reyna Lara!" Gulantang na turan ni Medusa pero huminga lang ako ng malalim. Bago ako dumating rito ay pinahawak ko muna si Ozarus kay Stheno at pinagbantay, masaya naman 'yon dahil alam niya sa sarili niya na gustong-gusto niya ng mga bata.

"Kailangan na muna nating alamin kung ano nga ba 'yon bago natin ipaalam kay Lara, Medusa. Alam mo namang ang dami na nitong ginagawa kaya siguro, alamin na muna natin kung ano nga 'yong nakita ko." Sagot ko sa kaniya, natigilan siya sa sinabi ko pero alam kong nagdadalawang-isip pa rin siya.

"Tama si Zora, mahal. Mukhang napakaraming ginagawa ni Reyna Lara ngayon, sa mga bagong lungsod at sa escuelahan na pamumunuan ni Kyogra." Sabat ni Diablo na siyang nagpatango sa akin.

"Kung kalaban nga ang nilalang na'to, kayang-kaya natin 'tong patumbahin." Turan ko.

"Pero mukhang hindi pa naman ito gumagalaw pero ang nasisiguro ko lang, may balak itong pasukin ang lupain natin." Dagdag ko na siyang ikinatigil ni Medusa. Napatayo siya sa kaniyang kinakaupuan at huminga ng malalim habang nakatingala sa kalangitan.

Si Medusa ay isa sa mga malalakas na Serpentes na kilala ko, sumunod naman sa kaniya si Polyphemus na hindi ko pa nakikitang lumalaban pero alam kong hindi rin bihira ang kakayahan niya. Si Stheno at Euryale naman ay malalakas rin naman, na kahit kulang pa ang kani-kanilang karanasan ay nagagawa pa rin nilang makipagsabayan.

"Kalaban na naman." Mahinang sambit ni Medusa. Hindi ko alam kung anong iisipin ko pero kung tama nga ang hinala ko, delikado na naman ang lupain namin.

"Hindi na ba tayo mauubusan ng kalaban?" Dagdag pa nitong sambit na siyang ikinatayo ko na rin sa aking kinkaupuan.

Sa hardin na ito ng Eden ay malayo sa mga nakakarinig, na para bang pinipigilan ng mga bulaklak at puno ang iba na marinig kung ano ang pinag-uusapan dito. Kaya nga ito rin ang naging paboritong tambayan ni Lara, dahil nga sa ang lugar na ito ay napakatahimik at napakaaliwalas.

"Medusa, mataba ang lupain dito at masagana sa pinagkukuhanan ng mga prutas at mga karne kaya hindi na ako nagtataka na maraming gustong akuin ang lugar na ito." Sagot ko sa kaniya.

"Tama si Zora, mahal. Makikita't malalaman mo talaga na kaakit-akit ang lugar na 'to kaya hindi imposible na maraming gustong agawin ang lupain na 'to." Segunda naman ni Diablo na siyang kinasang-ayon ko rin. Tama siya, noong bago ko pa makilala si Lara ay nasaksihan ko kung paano maglaban ang mga duwende at taong-lobo dahil lang sa lupain na 'to. Na pati ang mga anghel ay gusto ring akuin ang lugar na ito, at hindi ko alam kung marami pa nga bang gustong sakupin ang buong lugar na 'to.

Tiyaka, hindi ko rin malilimutan na halos masakop na rin ang lugar na ito ng mga kalaban na mga salamangkero!

"Wala pa namang balita galing sa mga anghel, lalo na kay Heraphim na mukhang hindi na ata humihinto sa pagbabantay ng kalangitan kasama si Arakiel." Diablo.

"Hihintayin pa ba natin na may mangyaring masama sa lupain na 'to? At tiyaka, hindi rin natin tiyak kung malakas nga ba ang kalaban na nakita mo Zora! Puwede rin naman na tayo na ang kumilos at kitilin ang nilalang na 'yan." Mahabang litaniya ni Medusa pero huminga lang ako ng malalim, umupo ako sa upuan ko ulit at tinignan siya ng seryoso sa mga mata.

"Medusa, hindi rin natin tiyak kung mahina nga rin ba ang nilalang na 'yon. At tiyaka, kakaiba ang naramdaman ko sa nilalang na 'yon. Hindi bihira ang kaniyang enerhiya at kapangyarihan na bumabalot sa kabuuan niya." Sagot kong mahaba sa kaniya, natigilan siya doon. Inis itong umupo ulit sa kaniyang upuan habang si Diablo naman ay tumayo at mahinang hinilot ang mga balikat nito.

"Kailangan na lang muna natin maghanda, mukhang may bumabalak talaga sa lupain natin eh. O baka, may mga nilalang na gustong maghiganti? Hindi natin alam... na baka kasi galing sa Villador, sa Glamorossa, o di kaya 'yong mga natalong rebel guilds sa Roha at Raja." Dagdag kong litaniya.

"O baka sa ibang bansa?" Natigilan naman ako do'n sa dinagdag ni Medusa. Hindi rin imposible ang sinabi niya kaya puwedeng-puwede rin 'yong rason. Tulad nga ng sinabi ni Diablo, kakaiba ang lupain dito, mayaman sa pagkain tulad ng prutas at mga karneng hayop.

"Magandang hapon sa inyo." Lahat kami napatayo nang may nagsalita sa aking likuran, nang makita ko kung sino ay agad kong iniyuko ang aking ulo. Pag-angat ko ay nahihiya itong ngumiti sa amin.

"Prinsipe Ruthvann." Sambit namin sa pangalan niya. Nagulat ako hindi dahil sa nandito siya, nagulat ako dahil sa hindi ko naramdaman ang presensiya niya na paparating! Paano niya nagawa 'yon?

Napalingon din ako sa kasama nitong lalaki. Napakaseryoso niya at sa pamamaraan niya ng pagtitig ay sobrang lamig... si Zachariuss, ang Death Dragon. Ramdam na ramdam ko ngayon ang kapangyarihang bumabalot sa kaniya, ang umaapaw na enerhiya sa kaloob-looban niya!

"S-Sorry for interrupting your conversations but did you see King Ruthven?" Magalang nitong tanong.

"Nasa bagong lungsod ang Hari, Prinsipe Ruthvann. Inaayos nila ang lungsod ng Mystic Greenland, at ang rebulto ng babaeng nagngangalang Nieve." Nanliit ng kaunti ang mga mata ng Prinsipe, iniisip kung sino nga ba ang babaeng sinambit ni Diablo pero nang mapagtanto, ngumiti ito malapad.

"T-Thank you! Alis na kami. I'm sorry again." Ngumiti ito ulit at tiyaka tumalikod na sa amin habang si Zachariuss naman ay nakasunod lang sa Prinsipe.

Nang mawala na sila sa aming paningin ay agad akong lumingon kay Medusa.

"Mukhang may namamagitan sa kanila, noh?" Tanong ko rito, nagbikit-balikat lang si Medusa at ngumiti ng tipid.

"Misteryoso pa rin talaga sa akin ang babaeng si Nieve." Sambit niya na siyang ikinatango ko.

"Ako rin naman pero siya daw ang babaeng nagsakripisyo para mas bigyan ng enerhiya ang bawat isa na lumaban do'n sa Villador. 'Yong puso niya ay gawa sa malakas na enerhiya kaya kung dudurugin niya 'yon, lahat ng mga kaibigan at kakampi niya ay magkakaroon ng dagdag na lakas." Mahabang sagot ko sa kaniya.

Hindi ko man nakita at nakilala si Nieve, pero alam kong mabait siyang babae. Tinulungan niya ang mga kakampi niya na walang pagdadalawang-isip kahit alam niya na ang buhay niya ang magiging kapalit.

"At gano'n rin ang nangyari kay Arachne na kaibigan ni Nieve, binuwis niya rin ang buhay niya para makatakas ang grupo ng Prinsipe. Balita ko rin, nakipaglaban ang Prinsipe kaya malaki ang enerhiya na nawala rito." Dagdag ko.

Sila ang mga tauhan ni Ruthven, ang malalakas na mga tauhan na pinagawan ng sikretong Guild House. Dahil kapag kailangan ng tulong ng Hari namin dito, ay nandiyan sila para magligtas. 'Yon ang kanilang misyon sa buhay, ang iligtas si Ruthven at pagsilbihan ito hanggang kamatayan. Si Ruthven na siyang nagbigay sa kanila ng pangalan, enerhiya at dagdag kapangyarihan. Kina Polyphemus, Typhoeus, Zachariuss, Arachne at kay Nieve.

"Maiba nga pala! Narinig ko si Nyctimus na nanghihingi ng permiso dahil may misyon daw kayong gagawin?" Sambit ni Medusa, ngumiti ako sa kaniya at tumango. Importante ang misyon na 'yon para sa asawa ko at kung importante sa kaniya, importante din sa akin. Gusto kong mahanap niya na ang hustisya at tanging ang Charybdis na 'yon lang ang siyang makakapagsabi kung bakit at sino ang pumatay sa kaniyang Ina.

"Narinig mo ba kung pinayagan ni Lara?" Tanong ko pabalik.

"Oo, aalis na daw kayo bukas."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro