Chapter 31
Lara
"Dumating na ang Prinsipe!" Sigaw ng kung sino kaya agad akong napatayo sa kinakaupuan ko dito sa hardin ng Eden.
"Hey, where are you going?" Napalingon ako kay Ruthven at tinaasan siya ng kilay.
"Hindi mo ba susunduin kapatid mo? Nag-alala ako ng ilang linggo kaya kailangan kong kumpirmahin kung walang kulang sa kanila at kung maayos lang ba ang kalagayan nila!" Turan ko sa kaniya, he sighed deeply and nodded that made me confused more. What's with him? I noticed within those past weeks that he's just calm and unbothered even his brother was sent to a dangerous mission!
Hindi sa akin galing ang plano na 'yon, I mean it was not me who planned to send Ruthvann in a dangerous mission! He did! Sabi niya sa akin ay dapat nang makihalubilo ng kapatid niya sa iba dahil masama sa isang bampira ang hindi marunong makipagkapwa. Like Ruthven, Ruthvann is a kind of Vampire who doesn't drink blood from any human, or wild creatures and monsters. Umiinom sila galing lang sa mga hayop pero hindi rin sila kumakain ng gulay, they prefer meat.
And if a Vampire won't interact with the other beings, they'll crave blood from beings' flesh... not from animals.
"I told you, they can do it. And babe, you don't have to worry with my brother. He's powerful, and yeah... strong." Litaniya nito na siyang ikinahinto ko ng kaunti. Alam ko na 'yong part na malakas kapatid niya, Ruthven is a strong Vampire too... a Demon God, kaya alam kong malakas rin ang kapatid niya.
But I am not still convinced, Ruthvann is a timid kind of guy and I can sense that he's not comfortable with the others... well except to Zachariuss. Mukhang sanay siya at komportable habang kasama ang Dragon na 'yon. Napapansin ko rin na si Ruthvann ay parang malambot rin, na parang may itinatago ring lambot sa puso. Should I ask Ruthven?
Tumayo si Ruthven at inakbayan agad ako nang makalapit siya sa akin. Tinignan ko ang itim niyang mga mata na nagiging pula kapag ginagamit niya ang kapangyarihan niya. I stared at his eyes with full of affection towards me, and I think my eyes elucidating the same emotions towards him.
"He's a blood manipulator kind of Vampire, babe. He can also control the flow of the blood from veins, the beat of the organs, make them sink and make them big. That's how powerful he is, but he'll weaken if he will use too much energy." He stated, ewan ko kung anong iisipin ko nang marinig 'yon sa kaniya pero mukhang wala nga talaga akong dapat ipag-alala.
Ruthvann is scary! That's for sure.
Kaya pala mukhang walang problema 'tong asawa ko dahil alam niyang kayang-kaya ng kapatid niya ang misyon!
"But still, we have to check them okay? Tara na!" Piningot ko ang ilong niya kaya natatawa na lang siyang binawi ang braso niyang nakaakbay sa akin. He kissed my cheeks so sudden and grabbed my wrist that made me smiled at him playfully.
"Let's go babe." Turan niya, tumango ako at nagpatianod na lang sa kaniya. Habang naglalakad ng matiwasay, ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na siyang yumayakap sa kabuuan ko ngayon. Na pati ang sinag ng araw ay ayaw magpatalo!
Nang madaanan namin ang iba pang mga nilalang ay niyuyuko nila ang kani-kanilang mga ulo para magbigay ng respeto sa amin. Ngumingiti na lang rin ako sa kanila lalo na't nakikita ko rin sa mga mata ng iba ang kaba kapag nakikita nila kami.
These golden crowns that we are wearing doesn't mean anything to us, it's just a thing that labeled us as Royalties but still we considered ourselves as normal beings, same with the others. Same life rules, laws and needs. Ang kaibahan nga lang namin, they respect us because we are the one who protect them, shield them and provide shelter and food for them. Wala naman akong ibang hinihinging kapalit kundi ang kaligtasan nila, ang respeto at ang loyalty nila.
Nang masilayan ko na ang mga pamilyar na imahe, agad akong nagtaka nang makitang may kakaiba sa grupo. May kulang sa kanilang isa na siyang ikinaba ko kaagad.
"Reyna Lara! Haring Ruthven" Nagsiyuko at nagsiluhod ang lahat dahil sa sigaw na 'yon.
"Rise." I uttered, they raised their heads and stared at me.
"Brother." Napalingon ako kay Ruthvann na ngayo'y patakbo nang lumapit kay Ruthven. Napangiti ako dahil mukhang hindi naman siya napaano, napatingin naman ako sa mga kasama niya na ngayo'y seryoso lang na nakatingin sa amin.
"Nasa'n si Arachne?" Tanong ko, nawala ang ngiti sa mga labi ko nang hindi agad sila makasagot kaya kinabahan ako dahil doon. Hindi ko man lubos na kilala si Arachne, nag-aalala pa rin ako sa kaniya dahil sa nagkasama naman kami sa labanan sa Villador.
"S-She's dead." And that, parang tinusok ang puso ko dahil sa sagot na 'yon mula kay Ruthvann na siyang halos ikinatumba ko.
She died?
"She's dead, sacrificing her life f-for us." He added that made me more weak! She sacrificed her life?
Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa narinig! Sakit, poot, lungkot at galit!
"Nieve will be proud of her." Napatingin ako sa asawa ko na nakayakap na ngayon sa kapatid niya habang kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkaseryoso. I know na isa siya sa mga malulungkot dahil nga siya ang nagbigay ng pangalan kay Arachne, at siya ang bumuhay sa kaniya at nagbigay ng lakas.
And I can't still believe that Arachne will sacrifice her life! She's strong, independent and a fighter woman that's why I can't expect that she'll die just like that! She's the least person that I am expecting to die instantly!
"Paumanhin, mahal na Reyna at Hari d-dahil sa hindi namin naprotektahan si Arachne... ni hindi man lang namin siya natulungan." Polyphemus butted in, while Typhoeus is just seriously staring at him. Zachariuss on the other side seems like he feels nothing about their friend's death. Well I can't blame him, he remember nothing and I think it will connect to his emotions too.
Gusto ko mang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari, hindi na lang ako nagsalita at tinignan na lamang ang kani-kanilang mga mata na kahit hindi sila magsalita... ay naririnig at nakikita ko ang kuwento nila.
"Wala kayong kasalanan, ang tadhana na ang nagsabi kung ano ang magiging kapalaran ng kaibigan niyo." Napalingon kaming lahat sa bagong dating, ang Ina nina Ruthven at Ruthvann. Nakasunod naman rito ang kanilang Ama na seryoso na ring nakatingin sa lahat ng nandito.
I nodded, tama ang sinabi ni Tita Roselia. We cannot prevent destiny's decision, we can't do anything if it is the one who will tell the truth of future.
"Mom." Dinig kong bulong ni Ruthvan, lumapit ito kay Tita Roselia at sabay yakap rito. Yumakap din ang Ina at gano'n na rin si Tito Vandam, napangiti ako ng matipid.
"Mahal na Reyna, nandito na ang inyong hinahanap na Serpentes." Gosh! I almost forgot!
Agad kong hinanap kung saan ang sinasabi nilang Serpentes at halos lumuwa ang mata ko dahil sa itsura nito ngayon. He was carried by Esterno while Kyogra is on his side. Nandito rin si Zora habang nakahawak ang kamay niya kay Nyctimus na seryoso ring nakatingin sa kalagayan ngayon ng kawawang Serpentes.
He's so thin! Weak and out of energy! Tanging maliit na lamang ng saplot ang suot niya at puno ng pasa ang kaniyang katawan! Kung hindi pa siya humihinga ay mapagkakamalan ko talagang wala na siyang buhay!
"Dalhin niyo siya agad sa bahay-pagamutan! Ibigay sa kaniya ang lahat ng kailangan para bumalik ang lakas niya!" Agad kong sigaw, tumango si Esterno sa sinabi ko kaya agad siyang umalis kasama ang kasintahan niya. Sumunod din naman sina Zora at Nyctimus, gano'n na rin sina Medusa at Diablo.
"Magpahinga ka na muna, Ruthvann. Mukhang nagamit mo ang iyong lakas sa lugar na 'yon." Dinig kong sambit ni Tito Vandam pero hindi ako lumingon sa kanila at hinarap lang ang mga nilalang na ngayo'y naghihintay sa aking utos.
"Arakiel, Chirubim... palakasin ang kapangyarihan na bumabalot sa lupain natin. Hindi maganda ang kutob ko kaya igihan niyo ang pagbabantay sa kalangitan." Agad tumango ang mga anghel sa sinabi ko, napalingon naman ako kina Sol at Luna.
"Sabihan ang mga taong-lobo na higpitan ang pagbabantay ng mga gubat at bawat lungsod ng lupain natin. Kapag may napansin kayong mali, sabihin niyo kaagad sa'kin." Tumango sila ng sabay dahil sa sinabi ko.
"We'll volunteer, Queen Lara. Babantayan na rin namin ang kagubatan at alamin kung may mali." Tumango ako sa sinabi ni Stheno, si Euryale naman ay tumango lang sa sinabi ng kapatid niya.
"I'll help, Lara. I'm bored as shit here, so let me guard the sky together with Arakiel." Ngumiti naman ako kay Zaporah nang sabihin niya 'yon kaya hindi ako nagdalawang-isip na tumango sa sinabi niya.
"Thank you, Zaporah." She nodded as well.
"Queen Lara." Lumingon ako sa direksiyon nina Zachariuss, Polyphemus at Typhoeus.
"Ano pong gagawin namin?" Tanong ni Typhoeus na alam kong pagod na pagod na. Napansin ko rin sa mukha ni Polyphemus na parang hinihingal na at hindi na normal ang paghinga.
"Magpahinga na muna kayo, magaling ang inyong ginawa at nailigtas niyo ang Serpentes. I'm proud of you. And I'm sorry for what happened to Arachne, I'm sorry." They both smile and bowed, gano'n rin ang ginawa ni Zachariuss kaya ngumiti na lang ako sa kanila ng malungkot.
"Wala po kayong dapat ipagpaumanhin mahal na Reyna, wala po kayong kasalanan sa nangyari. It was her choice to be with us, and it's her choice to save us all." Polyphemus.
Ruthven told me that there's a Serpentes living in one of the countries here in Maria and that's Glamorossa. They are abusing its incredible power and energy that can produce Quartz, na siyang ginagawang matitigas at matitibay na mga glass. This mission ay hindi talaga para sa magkaroon kami ng kakampi at makuha ang kakayahan ng Serpentes na 'yon! But this mission is for the Serpentes himself, to save him from the abusive King of that country. Matagal ng alam 'yon ni Ruthven pero nitong mga nakaraang linggo niya lang naalala dahil nga sa dami na nitong iniisip.
And now, I officially considered that Glamorossa is one of the evil countries here in Maria. They are dangerous, and I heard that their country is full of Hybrid creatures with extraordinary strength and power!
"Maraming salamat, mahal na Reyna." Polyphemus and Typhoeus said in unison.
"I'm glad you accomplished the mission, and I'm thankful that you help my brother to gain his confidence to fight once again." Ruthven uttered.
"Siya po ang nagligtas at tumulong sa'min, mahal na Haring Ruthven. He protected us, supported us and also he fought with us just to save the Serpentes." Polyphemus replied that made Ruthven smiled. Napalingon ako sa kapatid niya at napansing matiim lang itong nakatingin sa direksiyon ni Zachariuss na ngayo'y nakatingin na rin sa kaniya pabalik.
Hmm.
******
Tuwang-tuwa kong pinapanuod ang mga anak kong nagtatawanan habang naglalaro kasama ang mga kaibigan nito. Si Baby Vellihal na kasinglaki na rin ng mga anak ko, na kaya na ring maglakad at ang anak ni Luna naman na pinangalanan kong Azacro na gumagapang pa sa lupa. Bitbit naman ni Zora ang anak niyang si Baby Ozarus na kuhang-kuha ang mga mata ng tatay niya pero ang wangis naman nito ay katulad na katulad nang kay Zora. Si Baby Azacro naman ay kuhang-kuha lahat kay Luna na siyang ikinareklamo ni Sol.
I was so happy when I heard that Luna and Zora gave birth together on that day! I was the happiest being alive knowing that another babies will fill this land!
"Unti-unti na talagang lumalaki ang lupain na'tin, Lara. Kakatapos lang kasi ng dalawang bagong lungsod kanina." Napangiti ako sa sinabi ni Zora. He's right, there are two newly built towns and that's Mystic Nature and Mystic Greenland. And I feel so ecstatic thinking that this land has already five towns... which is we are now so near, we are slowly achieving what I wanted to achieve for my people! Kaunti na lang ay magiging bansa na ang lupain namin!
"Zora's right, Lara. And I think you should build some buildings that can enhance our people's lives, I guess?" Napalingon naman ako kay Zaporah nang magsalita siya. Napaisip ako sa sinabi niya.
"Balak ko kasing magpatayo ng malaking hardin sa Mystic Greenland, doon ko lahat ilalagay ang mga magagandang bulaklak, mga kakaibang matitibay na puno at mga punong nagbibigay ng mga prutas." Turan ko na siyang ikinaliwanag kaagad ng mukha nina Zora, Luna at Seraphim.
"So meaning, ililipat mo ang mga bulaklak dito doon sa Mystic Greenland?" Zaporah uttered again that made me shook my head.
"No, Garden of Eden will remain here. Sa M.G. naman, gagawin ko siyang tourist spot mismo ng lupain natin. That town will be filled with lot of flowers and trees, tiyaka magpapatayo rin ata ako do'n ng tindahan para sa mga magiging available na mga bulaklak." Zaporah nodded and smiled. I think maganda naman ang plano ko sa lungsod na 'yon.
"At sa Mystic Nature naman, doon ko ilalagay ang mga guilds at Guild Houses. This land will be open for guild making, hiring guild members and learn Guild Incantations just like from the other countries." Napasinghap ang iba sa kanila pero ngumiti lang ako sa kanila.
"Isn't too risky for the beings who wants to learn it, Queen Lara?" Luna asked.
"Yes it is risky but we have the training ground and teachers that can teach them on how they can activate, learn and use the incantation. And I am here to guide them as well, they don't have to worry." I immediately answered Luna.
"That's a good plan." Zaporah.
"By the way Queen Lara, my husband already told all his people to guard the towns at 'yon ang pinagkakaabalahan nila ngayon. And we are sure that no outsiders can enter this land that easily because of the strong barrier that surrounds each town." That's good to hear from Luna!
"Kuya Arakiel also doing his best, together with my sister... guarding the sky." I nodded to Seraphim.
"Tumulong na rin ang asawa ko sa mga kasamahan niyang magbantay sa kagubatan, sinamahan nila sina Stheno at Euryale na ngayo'y nando'n pa rin para magbantay." Zora.
"Teka, kamusta na nga pala ang Serpentes?" I asked curiously.
"Kyogra and Esterno are there to guard the Serpentes, in case he'll do something bad. And I heard that he's getting better, he's gaining his energies back." I sighed deeply nang marinig ko 'yon galing kay Zaporah.
I am actually happy because that Serpentes is safe and sound. Ruthvann and his team did a great job, but still it sadden me knowing Arachne is already gone. And I hope she is now resting with peace, together with Nieve.
"Diba Lara, magpapatayo ka ng rebulto? Kaninong rebulto ba? Sa inyo ni Ruthven?" Napalingon ako kay Zora nang tanungin niya 'yon sa'kin. Umiling ako at napatingin sa asul na kalangitan, napangiti ako nang makitang may dalawang ibon na masayang nag-iikutan habang pumapagaspas ang kani-kanilang mga pakpak.
"Hindi, hindi para amin ang rebulto. Kay Nieve." Hindi man nila nakilala si Nieve, pero alam kong magugustuhan nila ang magandang dilag na iyon, ang mabait at malakas na si Nieve na hindi man lang nagdalawang-isip na iligtas ang mga kaibigan at kasamahan niya. Ni hindi siya nagdalawang-isip na isakripisyo ang sarili niya para lang madagdagan ang enerhiya naming lahat.
"Papa!" Napalingon kaming lahat sa imaheng papatakbong papalapit sa akin. Nagliwanag ang mukha ko nang makitang nakangiti si Ruthvienne habang bitbit ang kaniyang bolang laruan. Sa likuran naman nito ang seryosong si Astrum na pirmi lang na naglalakad habang nakatingin sa kay Luna. Ang laki na niya talaga!
"Oh anak? Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ni Luna.
"Si Prinsesa Ruthvienne ay gustong makita si At-Reyna Lara kaya sinamahan ko siya sa palagi nitong pinupuntahan." Napangiti ako sa sagot ni Astrum. I was about to say anything when Ruthvienne suddenly hugged my legs tightly that made me almost flinched but still I managed to smile at her sweetly.
"Hey, where's your Daddy?" I asked. Lumuhod ako para pantayan siya.
"He's with Lola and Lolo po, they are talking po with some important matters. Nagpasama po ako kay Astrum to see you and to play with my siblings!" Masayang sambit nito na siyang ikinatango ko. Lumingon siya sa mga kapatid niya at nagliwanag ang mukha niya nang makitang masayang naglalaro sina Eulyseer at Eulalia.
"Oh!" Masigla nitong sigaw at agad lumapit sa mga kapatid. Napailing na lang ako at hinarap si Astrum na ngayo'y nakabantay na sa kapatid niyang si Baby Azacro.
"Ang gandang tanawin." Bulong ko, akmang tatayo na sana ako nang bigla akong natigilan dahil sa kakaibang pakiramdam. Parang tumigil ng isang segundo ang tibok ng puso ko kaya tumingin ako sa mga kaibigan ko na wala na ngayon sa akin ang mga tingin.
This familiar feeling.
"Lara, this is the right time. We have to find your body."
Lethius.
******
Ruthvann
My heart and mind can't still forget Arachne's last sweet smile while staring at my eyes. I know she did a lot of mistakes, betraying us and putting us in danger but still I can't accept the fact the she decided to stay in that country not just in exchange of that Serpentes, but also to save our lives from that villainous King! Because of him, we came home incomplete!
"Ayos ka lang ba anak? Nag-aalala ka pa rin ba dahil nagamit mo ang kapangyarihan mo?" Napatitig ako sa nag-aalalang ekspresiyon ni Mommy sa akin. Ngumiti na lang ako sa kaniya ng tipid.
They forbid me to use my power, and I agreed with them not to use them in any situation. I can kill anyone with one instant attack and in exchange, it will drain my energy so much. Worst? I can die.
"N-Nope, Mom. Hindi ko lang talaga matanggap that one of Zach's friends is a-already dead." I lied.
Isa pa 'to, hindi ko alam kung kailan ako magsisinungaling at hindi ko alam kung hanggang kailan ko 'to pilit itatago!
Napalingon kami ng sabay ni Mommy sa pinto nang may kumatok do'n. Bumukas iyon bago pa ako makapagsalita at iniluwa do'n si Zachariuss. Nanliit ang mga mata ko, teka, anong ginagawa niya rito?
"Oh sorry, I thought Ruthvann is alone. My apology, Mahal na Maharlika." His deep voice doesn't fit to his accent when he's speaking in dialect but still there's a cute little tone when he's talking.
"Oh! Don't apologize! Teka, kaibigan ka ng anak ko diba? May pag-uusapan ba kayo?" Tanong ni Mommy kay Zachariuss, seryoso lang siyang umiling pero ramdam ko ang nerbyos galing sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa nakikita ko ngayon pero kumalma na lang ako at taka lang siyang tinignan sa mga mata.
"I am friends with P-Prince Van-Ruthvann but I am not here to talk with the Royalty. I-I just want to check on him if he's already okay and doing good." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Zachariuss kay Mommy. Napalingon ako ng hinay-hinay kay Mommy at nakitang unti-unti ng kumukurba ang ngisi sa labi niya na siyang ikinaba ko ng malala!
Alam ba ni Zachariuss ang sinasabi niya ngayon? He's mouth doesn't have any filter! It's full of honesty!
"Oh? Then I think I have to leave Iho, you should be the one who needs to check him... for you to know if he's really okay and if he's doing great." Napapikit na lang ako dahil sa tono na ginagamit ni Mommy. Bago pa man ako makapagsalita ay lumabas na si Mommy habang nakatingin sa akin ng nakakaloko. Kinindatan pa talaga ako bago siya tuluyang lumabas ng pinto habang si Zachariuss naman ay yumuko na lang sa kaniya.
Ano na naman ba 'tong ginagawa ni Zachariuss? Bakit niya na naman ba 'to ginagawa sa akin?
Hindi ako maayos! Hinding-hindi!
Maliban kasi kay Arachne na ilang araw ng bumabagabag sa isip ko dahil sa kakaibang ngiti niya, isa rin 'tong si Zachariuss na nililito na ang puso ko!
And I know! I know I am falling deeper!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro