Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Lara

"Woooo!" Malakas na sigawan at palakpakan ang sumalubong sa amin galing sa mga nilalang na ngayo'y nakangiti habang nakatingin sa amin. Napangiti ako dahil sa alam kong kumpleto sila ngayon habang masaya kaming sinalubong at masaya rin ako na ligtas sila rito.

Napalingon ako kina Arakiel, Chirubim at Seraphim na ngayo'y nakangiting nakatanaw sa akin habang pinapalakpak ang kani-kanilang mga palad. Katabi naman nito si Astrum na masayang nakangiti habang karga-karga si Vellihal na siyang kinangiti ko ng malapad!

How I miss Astrum! Her cute face and sweet smile! My first baby in this little world is growing faster! Nakangiti namang winawagayway ni Sol ang kaniyang kamay habang katabi naman nito si Luna na may parang kakaiba. Nanliit ang mga mata ko ng masilayan na ngayo'y may bitbit ng sanggol ang babae. Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil doon, hindi ko naiwasang hindi tumakbo at agad sinilayan ang bagong silang na anghel!

"Luna! Hindi ko alam na nanganak ka na agad!" Halos sigaw kong turan, ngumiti ito sa akin ng matamis at humagikhik.

"Naging maaga ang panganganak ko Queen, mabuti na lang ligtas rin na nakauwi ang asawa ko kaya natulungan niya ako sa panganganak. His son really needs him, that's why I gave birth without feeling so much pain." Galak kong hinawakan ang maliit na mga kamay ng batang lalaki, hindi ko alam kung paano ko ide-describe ang kasiyahan ko ngayon but I know I can't use such simple word how happy I am today seeing such another cutie creature!

Astrum is already a big sister!

"He looks like you, Luna. You know that Astrum got her looks from his Dad, right? But now look at you, having a small Luna." I replied that made her smiled and nodded. Lumingon naman ako sa puwesto ni Medusa habang nakaakbay sa kaniya si Diablo. I smiled when I saw the other two Serpentes crying while staring at me. Stheno and Euryale.

"Maligayang pagbabalik mahal na Reyna!" Sabay sigaw ng dalawa kaya tumango ako at masaya silang nginitian.

"Thank God your safe! I was worried as shit waiting for all of you to go home!" Malakas na turan ngayon ni Zaporah, nailing na lang ako at agad siyang dinambaan ng yakap. Nakita ko naman sa likuran nito ang papalapit na si Esterno, he is smiling sweetly at me that's why I smiled at him back too.

"Kagaya ng sabi ko, babalik kaming ligtas." I whispered, kumalas ako sa mahigpit kong yakap sa kaniya at tinignan si Zaporah sa mga mata. She is now smirking kaya gano'n rin ang ginawa ko... alam ko na nasa utak nito.

"And we will drink after this." She said.

"Maligayang pagbabalik, Lara. Alam kong pagod ka kaya hindi na kita didisturbuhin, pupuntahan ko pa ang yelo ko." Napangisi na lang ako sa sinabi ni Esterno, lumingon ako sa likuran ko kung saan pagod na nakatingin si Kyogra sa amin. Humarap ulit ako kay Esterno at hinawakan ang balikat niya.

"Kailangan mo ng kumilos, galaw-galaw na Esterno." Napailing na lang siya pero kalaunan ay ngumisi ito. Nagpaalam na siya sa akin at kasabay no'n ay ang paglitaw ni Zora, my eyes went to his belly and I noticed a bump on it. Hindi ko alam kung magugulat pa ba ako dahil alam ko naman na simula pa lang bago kami umalis ay buntis na si Zora, pero hindi ko aakalain na lalaki agad ito ng ganito.

"Maligayang pagbabalik, Lara. Binabati ko kayong lahat sa pagkakapanalo niyo laban sa masamang Reyna na si Evergreen. Mabuti naman at walang nasaktan sa inyo at ligtas kayong nakabalik." I was about to tell him 'bout Nieve but I chose not to. Nieve is already contented and happy now and I don't want to make her feel even she's in Elysium now, like it's a sad state for us that she's already gone na ni hindi man lang niya nakilala ang magiging bagong mga kaibigan niya sana. Ni hindi man lang niya naranasan na maging malaya at mabuhay ng payapa kasama ang mga malalapit na kaibigan niya.

"Gladly, and luckily, Zora. We won and put light to that place, executed the darkness and already made peace." I replied, hinaplos ko ng dahan-dahan ang umbok ng tiyan niya at naramdaman ko kaagad ang kakaibang enerhiya na bumabalot sa loob nito.

"Kamusta ang pagbubuntis?" Lumingon ako sa tabi niya na matiim lang na nakikinig. He is still cold but I can sense that he is happy, relaxed and he doesn't worry anymore. Nyctimus is supporting Zora's back and I find it sweet, sinong mag-aakala na ang cold-hearted Werewolf would be like this? He was really tamed by this gay friend of mine.

"Ayos lang Lara, nandiyan naman si Nyctimus para tulungan ako. Hindi na nga ako pinagtatrabaho sa kainan." Natawa na lang ako.

Mated Werewolves and Vampires are just like that, clingy as crazy. Ganiyan na ganiyan rin kasi si Ruthven na parang ginagawa na akong lumpo.

"Hindi ka puwedeng gumalaw na gumalaw, mahal, dahil makakasama sa anak natin. Kaya hayaan mong ako na muna magtrabaho para sa atin." Mas lalo akong nagalak nang marinig ang boses ni Nyctimus. Kung nasa tabi ko lang si Ruthven no'ng pinagbubuntis ko pa lang ang kambal ko? Mukhang magiging ganito rin ang turing niya sa akin.

"Dad! Papa!" Agad akong napalingon sa batang papalapit sa akin habang tumatakbo, kasunod nito sina Medusa at Diablo na bitbit na ang kambal namin ngayon ng asawa ko. Agad lumapad ang ngiti ko. He is calling me now Papa, while he is calling Ruthven 'Dad'.

Ruthvienne hugged my legs tightly kaya inalalayan ko ito para hindi matumba, I caressed her head that made her closed her eyes. Her smell is the same with Evergreen pero hindi ko kayang magalit sa batang 'to. She is such a sweet and fluffy creature, a joyful and innocent little girl that need to be loved.

"How's our panganay?" Tanong ko sa kaniya, lumuhod ako para mapantayan ko ang tangkad niya. She is now sweetly looking at me, mamula-mula pa ang mga pisngi nito dahil sa liwanag ng araw. Ruthven and Ruthvienne is immuned from the sun, ganoon rin sina Tita Roselia at ang asawa nito. Ang kapatid rin ni Ruthven na si Ruthvann ay hindi rin natatablan ng araw kaya malaya lang silang nakakagalaw sa liwanag.

"I'm behave po! I took care of my younger sister and younger brother! They don't cry po when I sing them a lullaby!" Lumawak ang ngiti sa mga labi ko dahil sa boses nitong napakasaya kung pakinggan. I hugged her, naramdaman ko ang mga maliliit nitong kamay na pilit din akong niyayakap pabalik kaya napahagikhik ako. Evergreen wasted her daughter's love, she didn't saw the value of this little precious girl and how beautiful her eyes while staring at our eyes. She is a treasure.

"Your Tito Helbram and Tita Leera said their goodbyes to you, through me, baby. They can't make it to be here again because their love ones already missing them. I hope you understand them, okay?" Mahinang nag-iingat na bulong ko, para hindi siya mabigla. I know how she loves her Tito and Tita when she is still in Villador that's why I need to be careful.

Kasama naman nilang lumihis ng daan ay sina Dianara at Sahaya, may biglaang importanteng bagay pa silang gagawin sa kani-kanilang bansa at nangakong kikitain nila ako ulit pagkatapos.

Kumalas ako sa yakap sa kaniya at nakitang naluluha na ang mga mata nito, magsasalita na sana ako nang bigla itong ngumiti at pinunasan ang mga luha niya.

"I'm a big girl na, Papa. And I know they will come back here again po to see me." I sweetly nodded at her and caressed her cheeks.

"Good girl." I mumbled, and caressed her head again.

Maingat akong tumayo at tinignan ang kambal ko. I looked at Medusa and she is now smiling at me, gano'n rin si Diablo na maingat na parang dinuduyan si Eulyseer.

"Hindi sila mahirap alagaan, Reyna Lara. Mukhang nakuha nila ang ugali niyo na mahinahon lang." Napangisi naman ako sa sinabi nito at tinignan ang mga mukha ng mga bata. They are sleeping, despite of noises from surroundings ay nakukuha pa rin nilang matulog ng mahimbing.

"Dad!" Rinig kong sigaw ni Ruthvienne kay Ruthven, lumingon kami ng sabay at nakitang galak itong binuhat ang anak niya. Nasa likuran naman nito ang pamilya niya na malawak ang ngiting nakatingin kay Ruthvienne.

"Lapit tayo sa kanila, Medusa... they are Ruthven's family and I want them to see their other grandchildren." Turan ko, mukhang nabigla si Medusa pero kalauna'y ngumiti ito ng matamis at tumango. Sumunod sila sa akin papalapit sa direksiyon nina Ruthven.

"Tita, Tito, Ruthvann." I called them, sabay silang lumingon sa akin na may ngiti sa kanilang mga labi. Tumingin ako kina Diablo at Medusa and motioned them to give them my twins. Nagtataka man sina Tito and Tita ay kinuha nila ang mga bata, when they got the babies, kitang-kita ko sa mga mata nila ang biglang pagliwanag.

"They are our twins, Eulyseer is our baby boy and Eulalia, our baby girl." Introducing my children to my husband's family is such an honor, and an overwhelming feeling when I saw how their eyes sparkled when they stared at their grandchildren and when they heard their names.

"Lola, Lolo! I took care of them po when Papa and Dad are not here po! I sing them a lullaby po!" I smiled when Ruthvienne proudly told her grandparents how she took care of her siblings when we are still not here. Parang hinaplos ang puso ko dahil sa ekspresiyon ni Ruthvienne habang nakatingin sa mga kapatid niya, she is now a big sister and has already a responsibility taking care of her siblings. Nagniningning ang mga mata nito habang pilit na inaabot ang mga kamay ng kapatid niya.

"Look Vandam, kamukha ko si baby Eulalia!" I chuckled when Tita Roselia screamed but still being careful while holding Eulalia on her arms.

"Hmm, kamukha ko naman 'tong si baby Eulyseer, Roselia. Mukhang mabi-busy na naman ata ako sa pagbabantay sa magiging paborito kong apo ah?" Natawa na lang kami sa sinabi ni Tito Vandam.

"Give me Ruthvienne, Kuya. I am her favorite Tito so I won't betray her." Ruthvienne chuckled and went to her Tito Ruthvann. Iling naman inabot ni Ruthven ang anak niya sa kapatid.

"Gosh I miss you Ruthy." Ruthvann whispered. Lumingon ako sa likuran nila at nakita ang iba pang mga nilalang na parang naninibago pa sa nakikita nila. Tumingin ako kay Ruthven na ngayo'y nakangiting nakatingin na rin sa akin, tumango kami sa isa't-isa at naghawak kamay. Lumapit kami sa mga nilalang kung saan parang hindi pa kumportable dahil sa bagong ihip ng hangin ng lugar na ito.

"Mga nilalang! Mula ngayon, hayaan niyong ipakilala ko sa inyo ang magiging bago ninyong tirahan, ang magiging bago ninyong silungan at ang bagong lugar na inyong paglilingkuran. Ito ang lungsod ng Mystic Emerald, kung saan lahat ng mga tahanan ng bawat nilalang ay makikita dito kasama ang palasyo." Iba sa kanila ay parang nalilito pa, ang iba naman ay lumiliwanag na ang mga mukha dahil sa narinig.

"Ang lupain na ito ang siyang magbibigay sa inyo ng panibagong aklat na pagsusulatan ninyo ng bagong istorya ng inyong buhay. Ang lupain na ito ang siyang magiging liwanag ninyo at ang bago ninyong simula upang makamit ang matagal niyo ng inaasam na kalayaan... at kapayapaan." I added, they smiled and nodded in unison that made my heart fluttered. I felt like they really want to live here, that they are willing to accept their new fate, with me as their new Queen.

"Hindi namin kayo hahayaan na masaktan, lahat kayo dito ay may karapatan. Lahat kayo ay mapoprotektahan sapagkat hindi namin kayo hahayaang lumaban mag-isa. Kalimutan niyo na ang Haring Ruthven sa Villador, at ngayo'y kilalanin ang bagong Haring Ruthven sa lupaing ito." I smiled, Ruthven is really a King. He really deserve the title, the love and support from his people.

"Ngayo'y kilalanin niyo ang bago ninyong Reyna, ang aking mahal at kabiyak, ang nagtanggap ulit sa akin at nagbigay sa akin ng tunay na depinisyon ng pagmamahal at kasiyahan. Ang lalaking gagawin ang lahat para lang mailigtas ang malalapit sa kaniya, gagawin ang lahat para maging ligtas ang mga nilalang na naniniwala sa kaniya at nagmamahal. Siya si Reyna Lara, ang bago ninyong liwanag at tahanan... kasangga sa lahat ng bagay. Ako na inyong kalasag, at siya na inyong sandata ang siyang magbibigay sa inyo ng bago at magandang kinabukasan." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad kong narinig ang malakas na palakpakan at sigawan galing sa lahat, na pati ang mga kaibigan ko ay gano'n rin ang ginawa kaya napangiti ako ng matamis.

I want to cry but not this time, I want to make them feel that I am brave and I want them to realize that they chose the right path.

I cleared my throat before talking again.

"Please, help me to build this nation to be a successful country so that we can achieve a better future for us. We, and the students that was saved from Villador will be the new keys to achieve that better future and we'll support each other for our knew knowledge that we're gonna attain in the future under the education system I implemented. Our efforts and passion will be our foundation to build a strong country, and better and safe future." They claps their hands again, tumatango-tango sila habang nakangiti kaya alam kong naiintindihan nila ang gusto kong ipahiwatig. I smiled again, but this time, it's triumphantly kind of smile.

This is not just for me, but this is for everyone.

******

"Aren't you going to sleep, babe?" Napalingon ako sa katabi ko na antok na antok nang nakatingin sa akin, nginitian ko siya at hinalikan siya sa pisngi.

"I can't sleep, I still want to stare at our babies. I really missed them, Ruthven." Mahinang sabi ko sa kaniya, antok niyang naipikit ang mga mata niya at kalauna'y pagod niya rin itong ibinuka. I am sitting down on the bed, siya naman ay nakahiga at nakatingala sa akin. Ngumiti ako lalo sa napakaguwapo niyang mukha, kung sa mundo lang 'to ng mga ordinaryong tao ay baka pagkaguluhan na ako dahil sa sobrang guwapo ng mukha ng asawa ko.

"Do you want me to get you a glass of milk?" He carefully asked, his raspy voice makes me nodded even though I really don't want a glass of milk around this time. Pero dahil sa gusto ko siyang makitang gumalaw ng gumalaw ay um-oo na lang ako. Hindi naman sa gusto ko siyang mapagod but I just want to make sure that everytime I'm with him... is real.

Habang tinititigan ko talaga siya ay hindi talaga ako makapaniwala... hindi ako makapaniwala na asawa ko siya at asawa niya ako. Hindi ako makapaniwala na mahal namin ang isa't-isa, na may anak kami at nayayakap at nahahalikan ko siya. It feels like a dream, a dream that I've been wanting to come true for a long time.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga, wearing nothing on his upper at tanging maikling puting short lang ang suot niya.

"I'll go down first to get you one glass, how about our twins?" He asked still on his husky voice. It is like a music to my ears when he said 'our twins' that made my heart fluttered so much. Kahit ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mga insekto sa sistema ko kapag kasama ko siya at kapag naririnig ang mga gano'ng simpleng salita galing sa kaniya. It blushes me.

I shook my head while smiling bilang unang sagot.

"They are peacefully asleep, Ruthven. Just for me please." He nodded and went out.

It's a tiring day for the both of us because after we introduced ourselves as their King and Queen, we had a meeting with the leaders about the next town project that I want to build as soon as possible. Together with Ruthven's family and the other leaders from the new group.

I let Arachne, Polyphemus, Typhoeus and Zachariuss live here in the Palace since I have lot of rooms on the ground. Ruthven's family too has their own rooms but Tito Vandam and Tita Roselia decided to sleep in one room. While Ruthvienne is with Ruthvann because she wants to cuddle with her Tito since they didn't see each other for weeks.

Until now, Zachariuss is still unconscious but my Healers already healed his wounds and his whole body so that he can regain his energy back. While Typhoeus on the other side ay parang gusto niya pa ang nangyari sa kaniya. I don't know the reason pero napapansin kong naiirita sa kaniya si Arachne pero maya-maya ay nagkakabati rin at nagngingitian. On the other side, Polyphemus is trying his best to move forward and trying his very best to accept the reality that Nieve is already gone. It's hurting, I know, and staring at him with that kind of state affected not just me but also Ruthven.

"Here you go, babe. It's hot so that you can sleep after drinking it." Hindi ko namalayan ang pagdating ni Ruthven na ngayo'y parang buhay na buhay na ngayon ang ekspresiyon. Mahinhin kong kinuha mula sa kamay niya ang mainit na basong gatas at nilagok iyon ng hinay-hinay.

"After that babe, you have to sleep okay? Don't make me worry, I want you to rest so that you can regain your physical energy back." After drinking the glass of milk, I sweetly smiled at Ruthven. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko, ibinigay ko sa kaniya ang wala ng lamang baso at tumingin ulit sa mga bata. From my peripheral vision, he put the glass on the round table not that far from the bed and after that ay bumalik ulit siya sa harapan ko.

"These cutie patootie babies are always sleeping, Ruthven. Looks like they really want to grow fast." Mahinang bulong ko, tumingin ako kay Ruthven na sa akin ang tingin. Mas lalo kong pinalapad ang ngiti ko at sabay yakap sa bewang niya.

"Are you now sleepy? I know that you're tired but you're forcing yourself not to sleep because you are thinking on something, am I right? Why? Is there any problem, babe?" Ang tamis na ngiti na nakakurba sa aking labi ay agad naglaho pero hindi ko 'yon pinakita sa kaniya. I suddenly felt nervous nang itanong niya sa akin 'yon, seconds after ay ngumiti ako ng peke at kumalas sa yakap ko sa kaniya. I stared at his eyes and shook my head, pretending that there's nothing wrong about me.

"Of course not, Ruthven. It's just that, I just really missed our twins. Don't you miss them?" Kunyari kong lungkot na tanong, huminga siya ng malalim at umupo sa tabi ko sa kama. He hold my hands tightly kaya agad kong naramdaman ang init mula roon.

Of course he knew me, 'cause he is always observing me. Agad niyang malalaman kung may problema ako o wala dahil kilala na niya ako, kilalang-kilala na niya ako pero kailangan kong itago muna ang katotohanan. Maghahanap ako ng tamang tiyempo at oras, araw at lugar kung paano ko sasabihin sa kaniya at sa lahat na hindi ako ang tunay na nagmamay-ari ng katawan na 'to.

"You know that I love you right? So if you have problems, then tell me. I don't want you to carry the burden by yourself. Share it with me, I'm your husband and you know that I'll understand and accept your reasons the way you accepted mine before." Litaniya niya na siyang nagpahina sa akin. Kung sana ay gano'n lang kadali, kung sana ay madali lang para sa akin na sabihin ang lahat sa kaniya.

Takot ako, natatakot ako na baka iwan ko siya sa hindi malaman ang oras at araw. Na baka balang araw ay iiwanan ko silang lahat, ang mga nilalang rito, ang mga kaibigan ko, ang mga anak ko at ang... asawa ko.

Hindi ko kayang makita ang reaksiyon ni Ruthven na ang nilalang na minamahal niya ay iba pa lang nilalang... hindi ako! It was my soul that controlling this body, it was my soul... it was me, I was the one that he loves and not Lethius. And I'm scared to let him know the truth! I am not yet ready!

"O-Of course, I know that." I replied, before he could say anything else, I immediately kissed him and it last a minute.

"I love you Ruthven, even in afterlife, so don't think too muh okay? Hmm?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro