Chapter 10
Lara
Lethius. His name is Lethius. The owner of this body, the energy and the power I have now. We really do have the same face, body and everything. And he let me use his body, and I'll meet him soonest. And I am not really from... the human world.
Tulala akong pinapanuod ang ibang mga kakampi namin habang nilalabanan ang iba pang natitirang kalaban. Habang ang mga estudyante ay nasa likuran na namin, takot na nanginginig habang nanunuod sa madugong labanan. Hindi nila alam kung ano ang gagawin nila, hindi nila alam kung ano ang totoong nangyari pagkatapos nilang makuha muli ang kani-kanilang mga malay.
But still, this isn't my body. Para akong nanghina dahil sa sinabi ng misteryosang babae, hindi ko alam kung totoo ba ang mga sinabi niya pero alam kong... alam kong totoo at dapat kong paniwalaan. My heart tells me that she is not lying... that she is really telling me the truth.
Lethius died, the owner of this body. And that woman is trying to resurrect him by offering her soul, but to complete the spell ay kailangan niya pa ng isang kaluluwa and that's me. And what she said is that, she didn't expect na ang kaluluwa ko ang siyang mabubuhay... na ako ang mabubuhay sa katawan na'to sa mundong 'to.
She is me, I am her, and we are inside of Lethius' body that made three of us... one.
"Ruthven." Mahinang tawag ko sa asawa ko, hindi ko alam kung asawa ko ba talaga siya dahil ngayon ay alam ko ng buhay ang nagmamay-ari ng katawan na 'to. Naghihintay na dumating ang tamang oras para kunin ulit ang kaniyang katawan.
But this is my soul, naturally, he is still my husband. My love, my life.
Pero paano ako? Paano ako kung mawawala na ako sa katawang 'to? Tuluyan na ba akong mawawala? Tuluyan na nga ba talaga akong maglalaho?
"Babe." He called back, I smiled at him weakly and stared at his red eyes now. After that spell we casted, part of them weakened and nahahalata ko 'yon lalo na kay Heraphim at kay Kyogra who are breathing rapidly. But my husband is still fighting.
"I just... I just love you." Sambit ko na lang, ngumiti siya sa sinabi ko at bigla akong nilapitan, sinakop niya ang distansiya namin at mahigpit akong niyakap.
Gusto kong maiyak, gustong-gusto kong maiyak pero pinipigilan ko lang. When I hugged him back, my body almost trembled and shaken. Pero hindi ko pinahalata sa kaniya. Hinay-hinay akong kumalas sa pagkakayakap niya at hinaplos ang mga pisngi niya. Napapikit siya sa ginawa ko kaya malungkot akong napangiti... malungkot akong napangiting nakatingin sa maaliwaas at guwapo niyang mukha.
Hanggang kailan tatagal 'to? Hanggang kailan ko siya matatawag na... asawa ko?
I really can't still believe until now, that he is my husband. That we have children... our children.
I am thinking if am I still the mother of Eulyseer and Eulalia. Yes this body gave birth to them but it was my soul who is controlling this body so they are still my children! They are my children! I don't want to lose them! I can't lose them!
"Let's... finish this." Bulong ko na siyang ikinadilat ng mga mata niya. He bravely nodded at me that made me smile, kung alam niya lang talaga kung sino ako. Kung alam niya lang talaga kung sino talaga ang nagmamay-ari ng katawan na'to.
But I am still confused, if I am not really from the human world then saan ako galing? Saan ako nakatira? Sino talaga ako? Kung hindi talaga ako galing sa mundo ng mga ordinaryong tao, meaning ay kakaiba din ang pamilya ko na naiwan sa mundong 'yon? My father, mother, my siblings are maybe also different?
Matapang kong hinarap ang mga natitirang kalaban, hanggang sa nadako ang mga mata ko sa mga kaibigan ko.
"Sol! Arakiel! Zaporah! Esterno!" Malakas na sigaw ko, agad nilang tinapos ang mga kinakalaban nila bago lumingon sa akin. Lahat sila ay lumapit dahil sa pagtawag ko na siyang ikinangiti ko ng matamis.
"You did a great job." Nagtaka sila sa sinabi ko, alam kong hindi ito ang tamang lugar at tamang oras para purihin sila pero kami na dapat ang tumapos nito nang hindi na sila mapahamak pa.
"You have to go home." Gulat silang nakatingin na sa akin ngayon when I talked again.
"W-What? What are you talking about Lara? Marami pang kalaban na kailangang harapin! Marami pa sila oh! At tiyaka kung uuwi kami, mas lalong kokonti ang bilang niyo! Mas maganda kung marami tayong haharap sa kanila at sa bruhang Reyna nila!" Sigaw sa akin ni Zaporah pero ngumiti lang ako sa kaniya.
"Lara, what are you thinking?" Esterno asked.
"Hindi ka namin hahayaan dito, Reyna Lara! Nandito na kami, nandito na kami para tulungan ka at nang mapuksa na natin silang lahat. Wala ng atrasan 'to." Alalang sabi ni Sol.
"Reyna Lara, hayaan niyo kaming tulungan ka... kayo ni Haring Ruthven." Arakiel butted in too. Pero umiling lang ako lahat sa mga sinabi nila at katanungan.
"You have to go home and bring these students with you. Their safety is the most important thing, they are innocent and can't still fight. Now, you'll go home and bring them with you at dalhin sa Mystic Verdurous." Natahimik lang sila sa sinagot ko na siyang ikinahinga ko ng malalim. Of course, I know, na hindi sila makikinig sa akin pero agad ko silang tinignan ng seryoso na siyang ikinatigil nila at ikinabigla ng kaunti.
"Follow my orders, as the Queen of our land." Seryoso kong turan.
"No! You can't scare me like that Lara! You can't! Tutulungan ka nam..."
"Zaporah stop." Lumingon si Zaporah sa pinsan niya habang nagtataka. Napatingin din ako kay Esterno at nakitang seryoso na rin itong nakatingin sa akin.
"W-What? Ano 'yon Esterno?" Zaporah angrily asked, her cousin just sighed and nodded like he understood everything.
"Let's just go, kailangan nating iligtas ang mga bata. Kailangan natin silang ilayo rito. Let's just follow his orders, I trust him so please trust him. Alam kong hindi siya gagawa ng mga desisyon kung alam niyang mali." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Esterno, tinignan niya sina Zaporah na ngayo'y inis lang na nakatingin sa kaniya habang sina Sol at Arakiel ay hindi na nakapagsalita.
"We have to trust the Queen, same goes with his husband. Let's trust them, we all know that they are powerful than us and they are more capable." Esterno added, I smiled weakly and nodded.
"Thank you for understanding my decision, Esterno. Don't worry, we'll win. We will survive this. We will save those prisoners, we will save those innocents and we will defeat Evergreen." Esterno nodded to me, Zaporah sighed deeply at seryoso na akong tinignan sa mga mata.
"If that's what you want then fine. Wala rin naman din akong magagawa kundi ang sumunod. Pero Lara, mag-iingat kayo dito... mag-iingat kayo. Come back alive, naghihintay pa ang mga anak mo sa'yo... sa inyo." Ngumiti ako ng matipid sa sinabi ni Zaporah at tumango, tumingin ako kina Sol at Arakiel na ngayo'y seryoso na ring nakatingin sa akin. Ilang segundo ay sabay silang yumuko to pay respect and walked away with seriousness in their eyes.
Pumunta sila sa likuran kung nasaan ang mga estudyante, ngumiti naman ng tipid si Zaporah at sumunod na sa dalawa.
"Mag-iingat kayo, Lara. Please, survive. Mag-ingat kayo ni Kyogra." I nodded at him and smiled, assuring him that we will come back alive.
"We will, Esterno. Babalik kaming lahat ng buhay." He nodded and smiled back, niyuko niya ang ulo niya at ngiting sumunod sa kanila Zaporah.
Humarap ako sa mga kalaban, nakita kong nakikipaglaban na sina Heraphim at Kyogra habang si Ruthven naman ay tinutulungan ang mga pinsan niya na talunin ang isang Dragon na ngayo'y bumubuga na ng malakas na apoy sa buong lugar.
"If this is not really my body, better use it to save the others. Maglalaho na rin naman ako, sasagarin ko na." Bulong ko, nagliwanag ang buo kong katawan. Ang iba ay napalingon sa akin lalo na ang mga tauhan ni Ruthven. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at agad mabilis tumakbo at sinuntok ng malakas ang isang Kumiho.
I saw in his eyes kung gaano siya kataka sa anyo ko ngayon. I transformed into a Kumiho but unlike them, kulay berde ang mga nagliliwanag kong buntot. Ganoon rin ang mahaba ko ng mabalahibong mga tenga. Before he could speak, kinalmot ko kaagad ang katawan niya. I scratched and scratched his chest using may long nails until he lost lots of blood.
"S-She can transform into a Kumiho? But i-it's different form." Dahil sa matalas na pandinig ko, naririnig ko ang mga sinasabi ng iba pero hindi ko na lang pinapansin at mas mag-focus na lang sa mga kalaban.
"Fire ball!" Sigaw ko at agad namuo do'n ang malaking bolang apoy at mabilis na bumulusok sa kumpulan ng mga duwende.
"Ice Arrows!" Sigaw ko pa hanggang sa biglang umulan ng mga yelong palaso galing sa kalangitan that made me smirk nang makitang maraming natamaan na mga kalaban. Using this Mage and Kumiho powers can make a great impact to defeat enemies.
Napansin ko si Leera na parang nanghihina na habang kaharap na ang isang bampira na napakabilis kung kumilos. Napapansin kong bumabalik na sa dati ang kaniyang anyo kaya agad ko siyang tinulungan. Tumalon ako ng mataas, hindi 'yon napansin ng kalaban na lalaki ni Leera kaya napangiti ako ng demonyo. Pumatong ako sa balikat ng bampira at agad binali ang kaniyang ulo bago pa siya makawala na siyang agad nitong ikinanginig. Nawalan ito ng buhay kalaunan.
"L-Lara, is that you?" Leera curiously asked, I just nodded to her.
"Magpahinga ka muna, nanghihina ka na." Sambit ko sa kaniya.
"Pero kailangan kong tumulong, hindi puwedeng hindi ako lalaban." Bago pa ako makapagsalita ay lumitaw na si Helbram sa harapan namin na ngayo'y seryoso nang nakatingin sa kapatid niya.
"Rest, let us do the rest." Seryoso nitong turan sa kaniyang kapatid, hindi na nakaapila ang kapatid niya at tumango na lang.
Nagkatinginan kami ni Helbram at sabay tumango. Mabilis akong tumakbo at naghanap ng kakalabanin at nang makitang may isang lalaki na papaalis ay agad ko tinakbo ang distaniya namin hanggang sa sinuntok ko ang likuran nito ng malakas. Sumubsob siya sa lupa na siyang ikinaungol niya ng malakas.
Bago pa siya makatayo ay may namuong dalawang espada sa ere na gawa sa tubig galing sa kapangyarihan ko, kaagad ko 'yon hinablot at walang awang sinaksak sa likuran ng lalaki ng madiin.
Naiinis ako na nalulungkot, hindi ko alam pero mukhang kinakain na ng takot ang utak ko dahil sa nalaman galing sa misteryosang babae. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy at paano ko malulutasan ang malaking problema na kinakaharap ko ngayon.
Anytime of now, Lethius can take over this whole body kung gugustuhin niya. At gusto kong ihanda ang sarili ko do'n dahil... dahil hindi naman talaga sa akin ang katawan na 'to sa umpisa pa lang. Hindi ako ang nagmamay-ari ng katawan na 'to.
"She's scary." Dinig kong bulong ni Arachne pero hindi ako lumingon sa kaniya.
"Babe! Watch out!" Rinig kong sigaw ni Ruthven at huli na nang makaiwas ako dahil isang malakas na hampas ng isang buntot ang tumama sa akin. Tumalsik ako sa isang gusali at agad nagsihulog ang mga semento sa akin.
"Argh!" Ungol ko at kasabay no'n ay ang pagliwanag ulit ng katawan ko. Kasabay no'n ay ang pagtalsik ng mga semento na nakadagan sa akin kaya tumayo ako na may panibagong enerhiya sa katawan.
I growled like a real Werewolf.
Agad kong inamoy kung saan galing ang atake na 'yon at nakitang kinakalaban na niya ngayon si Helbram. Agad akong nakaramdam ng inis nang makitang nakangisi lang ito at parang pinaglalaruan lang si Helbram.
I growled once again.
Pagkalapit ko ay siya ring pagtalsik ng katawan ni Helbram papunta sa akin pero bago pa ito tumama sa katawan ko, sinalo ko na ang katawan niya.
"Are you okay?" Tanong ko rito, taka siyang tumingin sa akin but suddenly he realizes that I am Lara, in another form.
"Nanghihina ka na rin." Sabi ko sa kaniya, tumayo siya ng maayos kaya binawi ko na ang mga braso ko sa pagkakahawak ko sa balikat niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang itsura ko, I am really in a Werewolf form right now. A green Werewolf.
"I am okay, I can still fight." Malamig niyang turan kaya tumango ako at agad tumakbo ng mabilis. Pagkalabas ko ng gusali ay agad kong sinakmal ang isang Dragonoid na siyang dahilan kung bakit ako tumalsik kanina.
Nagpagulong-gulong kami sa lupa nang nanglaban siya pero hindi siya nanalo at ako na ngayon ang nasa ibabaw niya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin pero ngumisi lang ito at bigla na lang akong may naramdaman na pumulupot sa bewang ko... his Dragon tail.
"Lara!" Dinig kong malakas na sigaw ni Ruthven pero hindi ko siya pinansin at nilabanan na lang ang lakas ng buntot ng Dragonoid.
"You're strong." Ngisi kong bulong.
"Talaga?" Ngising demonyo nitong sabi pero bago pa siya makapagsalita ulit ay hinablot ko ang malaki niyang buntot at malakas itong pinutol gamit ang mga matatalas kong kuko. He screamed so loud that make me smirk.
"But not as strong like me." Dagdag ko, I smirked at him and punched him in the face. He roared. Napansin kong nagliliwanag na ang buo nitong katawan kaya alam kong magiging isa siyang Dragon. But before he could transform ay agad kong binutas ang dibdib niya. I took his heart and crash it like a rock, nanlaki ang mga mata ng lalaki.
"Bye piece of shit." Bulong ko at binali ang ulo niya. He helplessly died.
"A green Werewolf?" I heard Polyphemus murmured.
Napaangat naman ang tingin ko sa kalangitan dahil sa laki ng katawan ng Dragon habang unti-unting binubugahan ng malakas na apoy ang buong kapaligiran. Lumingon ako sa kung saan kami nag-usap nina Esterno at nakitang wala na doon ang mga estudyante, ganoon rin sila kaya napangiti ako.
"Yah!" Pagbabato ng mga apoy ni Heraphim sa malaking Dragon habang si Kyogra naman ay nasa kaniyang anyong Dragonoid na habang pilit na sinusugatan ang makapal na balat ng Dragon. Parang wala lang sa halimaw ang mga atake nila at nararamdaman ko na rin ang panghihina ng dalawa. Sa pagkakaalala ko, tatlong beses lang naka-cast ang Guild Incantation dahil nga sa lakas ng puwersa na humahatak nito sa enerhiya ng katawan ng siyang bumabanggit nito.
Napalingon ako kina Nieve at Arachne na ngayo'y hinihingal na rin dahil sa rami pa ng nga kalaban. Habang si Polyphemus ay nanghihina na rin, si Typhoeus naman ay patuloy lang sa pag-atake na parang hindi napapagod at hindi nauubusan ng lakas.
"Babe." Napalingon ako kay Ruthven na papalapit na sa akin ngayon, agad akong bumalik sa dati kong anyo at niyakap siya.
Hindi ko talaga kaya na mawala siya, hindi ko kakayanin. Sasabihin ko ba sa kaniya? Sasabihin ko ba sa kaniya na hindi talaga ako ang may-ari ng katawan na 'to? Pero paano? Papaano ko sisimulan? Natatakot ako! Natatakot ako na baka hindi niya ako tanggapin. He fell in love with this body... he fell in love with me having this face!
"Ayos ka lang ba? Hindi ka pa ba napapagod?" Tanong niya sa akin nang kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. I just shook my head at nginitian siya. Hindi ako mawawalan ng enerhiya dahil sa lakas ng kapangyarihan na meron ang katawan na 'to. And it is because of me why this body is getting stronger and stronger.
"Kakayanin ko, Ruthven. Kakayanin ko. Kailangan na nating iligtas ang pamilya mo at ang iba pa. Kakaharapin natin si Evergreen." Matapang kong turan sa kaniya, nakita ko ang biglang paglungkot ng mga mata niya pero agad niya 'yon pinalitan ng pagngiti. Nagtaka ako dahil sa inasta niya, nakita ko ang pagbago ng ekspresiyon niya kaya hindi niya ako maloloko.
"A-Anong problema, Ruthven? May problema ba?" Maingat kong tanong, biglang naglaho ang ngiti niya dahil sa tanong ko at biglang naging seryoso.
"Nanghihina na ang iba nating kasamahan, Babe. Tanging ikaw, ako at si Typhoeus na lang ang may malakas na natitirang enerhiya." Turan nito, tumango ako sa sinabi niya tumingin sa malaking Dragon ngayon.
"Ako ang bahala, Ruthven. Pagpahingahin mo muna ang mga tauhan mo, sina Helbram at Leera. Tiyaka si Kyogra at Heraphim... hindi na nila kakayanin pang lumaban." Seryoso kong sambit.
"No, I'll help you." Rinig kong sambit niya, bago pa ako makalingon ulit sa kaniya ay tumabi na siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako do'n at ngumiti.
"Magtutulungan tayo. Hindi lang bilang Hari at Reyna ng lupain natin, kundi bilang mag-asawa." Tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti. I nodded at him and gave him a peck of kiss.
Asawa...
He smiled, sabay kaming lumingon sa malaking Dragon.
Siya na lang ang natitirang Dragon sa paligid, ang iba ay wala na at patay na.
Nagsimula na namang magliwanag ang buo kong katawan, sumabay ang malakas ng pag-ihip ng hangin na halos liparin ang lahat ng mga patay na katawan dahil sa lakas. Kinontrol ko kaagad ang kapangyarihan ko at siya ring paglaho ng liwanag. Lumingon ako kay Ruthven na namamanghang nakatingin rin sa akin, kitang-kita ko ang itsura ko sa kaniyang mga pulang mata na siyang ikinahinga ko ng malalim.
A golden halo appeared above my head while my armor became a long white man dress. Suddenly, a green pair of wings appeared.
"Let's do this." I said to him with full of braveness, he nodded at me.
"He can transformed into Angel too?" I heard Heraphim murmured.
Agad akong lumipad sa himapapawid at ni-level ang kabuuan ko sa laki ng ulo ng Dragon. Nakakatakot itong nakatingin sa akin habang nakikita ko si Ruthven na bumubuo ng malakas na itim na enerhiya sa likuran nito. Nakalutang ito sa ere habang si Kyogra at Heraphim ay nasa likuran nito at sinusuportahan siya.
Pumikit ako at naramdamang uminit ang buo kong katawan. At unti-unti kong naramdaman ang paglakas ng enerhiya ko sa katawan na parang gusto na nitong kumawala sa sistema ko. Nang hindi ko na mapigilan ay dumilat na ako at nakita ko sa malaking mga halimaw na mata nito ang pagliwanag ng berdeng mga mata ko.
"God Incantation: Astrape and Bronte!" Malakas na sigaw ko at ang siyang pagkulog ng malakas sa kalangitan. Namuo doon ang mga itim na ulap na siyang ikinadilim ng kapaligiran, ilang segundo ay bigla na lang may malakas kaming kulog na narinig hanggang sa may malaki at malakas na kidlat na tumama sa buong ulo nito na siyang malakas nitong ikinasigaw. Lumayo ako at napapikit dahil sa malakas na ungol ng Dragon pero hindi pa natatapos 'yon, dahil kitang-kita ko na ang malaking bolang itim na enerhiya na ngayo'y nakaangat na sa ere.
"Guild Incantation: Skotos!" Malakas na sigaw ni Ruthven at agad itinama sa malaking katawan ng Dragon. Panibagong ungol na naman ang narinig sa buong paligid, unti-unting nanghina ang katawan ng Dragon hanggang sa malakas itong bumagsak sa lupa. Lumiwanag ang buo nitong katawan hanggang sa paliit ito ng paliit hanggang sa bumalik ito sa dati niyang anyo na ngayo'y wala ng buhay.
"God Incantation, huh?" Lahat kami napalingon sa isang babae na ngayo'y nakalutang na rin sa ere habang malamig itong nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa mga tingin niya habang naka-cross arms ang mga braso nito.
Her energy... her power. It's o-overflowing.
Napansin kong agad tumabi sa akin si Ruthven na ngayo'y nakalutang pa rin sa ere, gano'n rin ang ginawa nina Kyogra at Heraphim habang pumapagaspas ang kani-kanilang mga pakpak na lumapit sa akin. Masama silang nakatingin sa babaeng umaapaw ang lakas at kapangyarihan habang isa-isa kami nitong tinititigan gamit ang mga malalamig niyang mga mata.
She suddenly raised her both hands, lumitaw doon ang mga asul na apoy na hanggang sa puwesto namin ay ramdam ang init nito. She is fiercely looking at us while her expensive and powerful wardrobe goes along with the wind. Her long white hair makes her more sophisticated looking while wearing a unique kind of golden crown. And seconds after, a magic circle appeared on her back na mas lalong ikinalakas ng kaniyang kapangyarihan.
Unti-unti siyang bumaba, ganoon rin ang ginawa namin pero ramdam ko ang malakas na tensiyon habang nakatingin pa rin siya sa amin.
"Nice to see you again, Ruthven... my husband." My heartbeat stopped.
Lumingon ako kay Ruthven na seryosong-seryoso nang nakatingin ngayon sa babae.
"Evergreen."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro