Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Deadly Writers


Take note that the following reviews are based purely on my opinion so feel free to disregard anything you don't agree with.

🎄🎄🎄🎄🎄🎄🎄🎄🎄

monosodium_glutamate ito na po ang critique ko sa story mo.

•Title

The Seven Deadly Sins agad ang unang pumasok sa isip ko pagkabasa ko ng iyong title. May pagkakahawig kasi siya dahil sa word na Deadly. Though unique naman ito, the word Deadly Writers got me off guard. Sa title pa lang kasi, alam ko na agad kung sino ang mga kalaban.

Tips: Make it more unique. Mysterious and interesting.

•Book Cover

Sorry to say this, pero hindi ko nagustuhan ang iyong book cover. Hindi po siya kaakit-akit. Wala itong kaugnayan sa iyong pamagat. Ang tanging nagustuhan ko lang ay ang font ng title. Plain lang ito pero pang creepy naman ang dating. I suggest na dagdagan mo pa ng kaunting mga effect para mas may buhay itong tingnan.

•Blurb

Una sentence pa lang, may mali na. Hindi mo na kailangan lagyan ng space ang tatlong tuldok. Mas formal tignan kung dikit-dikit ito.

Sa naintindihan ko sa prologue mo, ang kwentong ito ay umiikot sa revenge ni Noir laban sa mga Deadly Writers. Medyo cliche na ang mga ganitong plot PERO bawing-bawi ka naman sa twist.

Mga writers na kayang makapatay gamit lang ang mga imahinasyon nila? Napaka-unique! Sa dinami-rami ng nabasa ko, ngayon lang ako nakabasa ng ganito. Naagaw agad nito ang attensiyon ko.

BUT...

Kailangan mo ba talagang ilagay ito sa prologue? Ayos na sana eh, kaso nung nabasa ko ang part na 'yan, biglang nabawasan ang spice ng kwento mo. Dapat hindi mo agad inilalantad ang tungkol sa pagkatao ni Katherine. Dapat paunti-unti ka munang nagbibigay ng clue para mas maengganyo ang mga mababasa kung sino ba talaga siya. Pa-mysterious ang dating kumbaga para mas may thrill hindi 'yong prologue pa lang, alam na namin na ang pinakamamahal na kaibigan ni Noir ay isa pala sa mga kinamumuhian niya.

P.S. Nasa sa iyo na kung susundan mo ang tip ko dahil hindi ko naman alam ang buong kwento. Kung sinadya mo ba na ilagay ito sa Blurb o ano.

•Prologue

Was it just me? Medyo naguguluhan kasi ako sa Prologue mo. Ang alam ko ay si Noir ang main Protagonist kaya ba't ang tatlong miyembro na agad ng Deadly Writers ang nasa Prologue? 'Di ba dapat ay flashback o kaya naman ay tungkol kay Noir ang unang patikim ng kwento? Kasi, Prologue pa lang, nakilala ko na ang tatlo sa mga miyembro nila.




Hindi mo na kailangang paulit-ulit na sasambitin ang pangalan ni Raven dahil mag-isa lang naman siya at the moment. Instead na paulit-ulit mong sabihin ang pangalan ni Raven, bakit hindi mo subukang gumamit ng niya. Parang ganito.

"That girl," sambit na lang niya habang hinihilot ang kanyang sentido..."

Ito pa...

Iritable? Huh? What? Ano? Paano?
Hindi ko ito na-feel. Hindi ko mapicture kung paano siyang iritable diyan. Nakasimangot ba siya? Padabog ba niyang binuksan ang pinto o ano?

Tandaan na dapat ay napipicture naming mga readers ang mga emosyon o moods ng mga characters. Kasi kung ganito lang; iritable niyang tanong. Ah. K fine. Eh ano dun? Hindi ko naman naramdaman na iritable siya.

Isa pa ito...

Ano raw? May buhay na punong-kahoy? Tanong ko lang? Paanong may buhay ang punong-kahoy? Gumagalaw ba ito? Sumasayaw kumakain o ano? Dapat ipakita mo kung paanong may buhay ang punong-kahoy. Huwag mong kalimutan ang show at huwag lang puros tell.

May mga iba pa pero sa Technicalities ko na 'yon isusulat. Anyways masasabi ko na formal kang magsulat. Dito pa lang sa prologue ay malinis na ang pagkakasulat mo, though may mga ilang bagay ka pa ring nakakaligtaan katulad ng tamang paggamit ng comma at period. SHOW and TELL (this is very important). And last, but not the least, ang paghahati-hati ng mga words.

Characterization/Dialogue

Sa ngayon ay masabi kong maganda ang paglalahad mo sa mga characters mo. Nadidistinguish ko kung sino ang nagsasalita.

Hindi ko pa alam kung paano mo ihahandle kung marami na sila since dalawa pa lang naman ang chapter na naipupublish mo.

Medyo off nga lang minsan iyong paraan ng pagnanarate mo sa story. Minsan ay gumagamit ka ng deep Filipino words tapos sinusundan naman ng English words.

Kung Filipino ang language na ginamit mo, dapat hanggang dulo na 'yon. Same with English. Just stick with the language, ayt?

Setting

Nakulangan ako sa Setting mo. Though nabanggit mo naman kung nasaan sila pati na rin ang lahat ng mga lugar sa Rioleirta pero kulang pa rin. Maliban sa mga naninirahan sa mga lugar na nabanggit mo ay dapat na nagbigay ka rin ng mga mahahalagang depenisyon tungkol dito. Kung anong kultura nila etc. etc. yun bang trade mark nila kumbaga.

Importante ito nang sa gayon ay mas naiimagine naming mga readers ang gusto mong iparating. Kung ano ang hitsura ng mga lugar.

Isa pa...

Nasa ibang mundo o dimension sila, ayt?  Dapat ay nagbibigay ka rin ng mga clue kung nasa anong panahon sila. Tulad sa kung paano 'yong mga damit nila o ano. Nagdadalawang isip kasi ako kung nasa unang panahon sila o moderno. Dapat gawin mo pa ring makatotohanan ang panahon kahit na fantasy pa.

Ito pa...

Nabanggit mo nga ang pangalan ng bar pero nakulangan pa rin ako. Ano ba ang ginagawa ng mga cliyente at bakit sumisigaw na sila? May rambulan ba? May away? Nagchichikahan? Nagtatawanan o ano?

Remember, SHOW don't TELL.

•Technicalities

❎UNNECESSARY DIALOGUES and SCENES
↪️

This is an informal way of writing so avoid using this style. Madumi itong tignan.

You should edit this as soon as possible.

❎IMAGERY
↪️Palagi akong nakukulangan sa mga description mo kaya't hindi ko magawang maimagine ang hitsura ng mga lugar na nabanggit mo.

Katulad ng sinabi ko sa taas, kailangan mong ipahatid sa imahinasyon naming mga readers ang tungkol sa mga bagay-bagay na makikita sa story mo. Para mas ganahan kaming ipagpatuloy ang pagbabasa.

Pati na rin ang mga emosyon ng mga characters. Dapat ramdam na ramdam namin para pak na pak.

❎LANGUAGE CONSISTENCY
↪️Gaya ng sinabi ko sa Dialogue, kung Filipino ang gamit mo, dapat hanggang dulo na 'yon. Same with English.

Katulad nito...

Ilang buwan pa lang kaming magkakilala pero para na kaming magkapatid kung magturingan.

Stick with the language you use.

❎SPELLING
↪️May mga instances na nagkukulang ka sa spelling mo. Mayro'n din naman na sumosobra.

Kaunting iscan mo lang dito at makikita mo na agad.

Message for you: Formal at malinis ang iyong writing style. Kaunting edit mo lang dito at mas gaganda pa ito.
Kudos to you gurl😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro