A Chat To Remember
Kasalukuyan akong nag-aaral ng aking aralin nang makaramdam ako ng antok. "Hayyy! Nakatamad talaga mag-aral. Lalo na kung hindi naman ito pumapasok sa utak mo." Walang gana kong wika kasabay no'n ay isinara ko ang aking notebook. Matutulog na lang muna siguro ako.
Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung may nagtext rito. Nang makita kong wala namang text ay ipinatong ko na ito sa aking sa study table at kasabay noo'y humiga na ako.
Gabi na nang magising ako kaya naman agad na akong dumeretso sa kusina pagkabangon ko, bigla kasi akong nakaramdam ng gutom.
Kinuha ko ang dalawang pirasong instant noodles at kaagad iyong niluto.
Nang maluto ko na'y agad ko na itong isinalin sa isang bowl. Kinuha ko rin ang isang supot ng sliced bread at binuksan iyon. Ito muna ang magiging dinner ko. Paubos na rin kasi ang allowance na ipinadala sa akin nila Papa mula sa probinsiya, kaya kailangan ko munang magtipid.
Nang matapos na ako'y agad na akong dumeretso sa aking kwarto. Kinuha ko ang aking cellphone at agad na binuksan ang data nito. Chineck ko ang ilang notifications at messages mula sa aking social media accounts.
Hayyy! Wala namang bago. Isasara ko na sana ang data ko nang biglang magpop up ang isang chat message mula sa isang app na aking dinownload. Ang INFINITE CHAT. Hmm, sino naman kaya ito?
At bago ko pa man maisara nang tuluyan ang aking data ay isa na namang message ang aking natanggap. Sino ba kasi ang taong 'to? Bakit ba napakakulit ng lahi niya? Dahil na rin sa curiosity, ay kinlick ko naman ang profile niya at agad na binasa ang nakalagay doon.
Filipino rin pala ang isang 'to? Pero ba't mukha siyang foreigner dito sa profile niya? Hayyy! Bahala na nga. Rereplyan ko na lang siya para matahimik na kaming pareho.
Hanggang sa hindi ko namamalayang napasarap na pala ang aming usapan. Nang sipatin ko ang oras ay alas dose na ng madaling araw kaya naman napagpasyahan kong magpaalam na sa kanya dahil hindi ko na kinakaya ang antok na nararamdaman ko.
Naging ganoon ang routine naming dalawa ni Azrael. Masayang nag-uusap at nagkakamustahan.
Minsan pa nga'y nagpapalitan din kami ng litrato at tawag sa app na 'yon. Tuwing gabi lang namin ito nagagawa dahil pareho kaming busy tuwing umaga.
Nakapagtataka nga dahil ang dali ko siyang nakapalagayan ng loob. Samantalang hindi ko naman siya kilala personally. Marahil ay nakikita ko ang aking sarili sa kanya dahil tulad ko nasa probinsiya rin ang kanyang mga magulang at mag-isang namumuhay dito sa Maynila para makapag-aral.
Hanggang isang gabi, habang magka-chat kami ay bigla na lang niya akong niyayang makipag-meet up. Akala ko noong una'y nagbibiro lang siya pero seryoso pala siya sa sinabi niyang iyon. Kaya naman agad ko iyong pinag-isipan.
Sa totoo lang gusto ko rin naman siya ma-meet personally. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh. Nagiging excited ako sa tuwing magka-chat kami at sa tuwing naririnig ko ang boses niya. Marahil ay may crush na ako sa or let just say baka gusto ko na siya.
Nang makapag-decide na ako ay agad ko na iyong ipinaalam sa kanya. Kaya agad kaming nag-set ng araw para sa pagkikita namin.
Dumating ang araw ng pagkikita namin. Excited akong naligo at nagbihis. Matapos kong mag-ayos ay agad na rin akong lumabas nang apartment.
Nagpara ako ng taxi at agad na sinabi sa driver ang aking destinasyon. Pagkatapos nang halos dalawampung minuto ay nakarating na rin ako sa napag-usapan naming lugar.
Pumasok na ako sa loob ng coffee shop at kaagad na umupo sa isang bakanteng upuan.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng cafe. Hindi naman siya kalakihan pero ang ganda naman sa loob nito dahil nakakarelax sa pakiramdam ang ambiance na meron dito.
Nag-order na lang muna ako ng isang cappuccino at cheesecake habang hinihintay ko siya.
Sinipat ko ang aking relo. At medyo nadismaya ako nang makita kong sampung minuto na akong naghihintay dito sa loob.
Kinuha ko ang aking cellphone at agad siyang menessage. Pero pagkatapos nang ilang minuto ay wala pa rin akong nakuhang reply mula sa kanya.
Lumipas pa ang sampung minuto pero hindi pa rin siya dumarating. Asan na kaya ang taong 'yon? Bakit hindi pa siya dumarating? Ni hindi niya rin sinasagot ang mga chat ko. Napabuntong hininga na lamang ako.
Mayamaya pa'y isang pamilyar na pigura ang aking nakita mula sa ikatlong table. Kaya naman maigi ko itong pinagmasdan at nang matiyak kong siya nga ito, ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kaagad kong tinungo ang kinaroroonan niya.
Agad naman akong umupo sa kaharap niyang upuan pagkarating ko roon dahilan upang magtaka siya.
"Excuse me. Do I know you?" Nagtatakang tanong niya, dahilan upang mapataas ang isang kilay ko. Hindi niya ako kilala? Pa'no naman kaya nangyari 'yon?
"Huh? Hindi mo ako kilala? Okay fine. I'm Carlene De Azis. 'Di ba ikaw si Azrael Florencio, 'yong ka-chat ko lagi sa INFINITE CHAT, remember?" Nakangiti kong saad na siya namang ikinakunot ng kanyang noo.
"Sorry miss, pero hindi talaga kilala eh. Ngayon pa lamang kita nakita at hindi rin Azrael Florencio ang pangalan ko. So, if you don't mind, maiwan na kita kasi may gagawin pa ako." Seryoso nitong wika kasabay no'n ay naglakad na siya palayo sa akin. Nasundan ko na lamang siya ng tingin habang naglalakad siya palabas ng cafe.
Hayyy! Mukhang naloko ata ako ng Azrael Florencio na 'yon o kung sinuman siya. Ang kapal ng mukha. Isa pala siyang poser! Tsk! Niloloadan ko pa man din siya minsan para lang magka-usap kami, tapos lolokohin lang pala niya ako. Karmahin sana siya.
Kinuha ko na ang sling bag ko at kasabay noo'y lumabas na rin ako nang cafe. Next time talaga hindi na ako magpapaniwala sa mga nakikita ko sa social media. Kahit papaano ay may natutunan ako sa pangyayaring ito.
----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro