Record 33: Matthew 6:33
But seek first his Kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well. MATTHEW 6:33
Nasubukan niyo na bang kapag nakakakita kayo ng bahay na maganda, nasasabi niyong: one day, bibigyan din ako ni God ng ganyan.
Ng sasakyan: one day ipapadrive din sa akin ni Lord ang ganyang sasakyan.
Ng Eroplano: one day makakasakay din ako diyan.
Ng mga gamit na gusto natin: one day pagkakalooban din ako ni Lord ng ganyan.
Ng pagkain: one day bubusugin din ako ni God ng mga pagkaing kagaya niyan.
Pero likas na sa atin ang pagiging mababagutin lalo na sa paghihintay. Kasi ang 'one day' na sinasabi natin ay hindi tayo sure if kailan at kung paano.
Kaya most of us, move or act according to what we think better than waiting that one day we are not even sure when. Okay lang namang may gawin kasi faith without work is dead.
But, most of our reaction was not good at all. We do impulsive buying, kahit wala nang matira sa pera natin. May iba nangungutang. Yong iba sa loan at kung ano-ano pang ways na alam natin.
Yes, it can make us happy. Pero kadalasan sa una lang, the next day hinaharap na natin ang bangungot ng ating mga naging action.
For example, happy ka na nabili mo na yong motor na gusto mo though kailangan mong itaya yong budget niyo ng isang buwan. Then after that araw-araw ka naring babagabagin ng konsensiya mo dahil wala na kayong pagkain o pambayad ng kung ano pang babayarin kagaya ng kuryente at tubig.
Okay, doon tayo sa may monthly payment, okay, mas magaan dahil buwan buwan ang bayad. Pero tatagal ng dalawa o tatlong taon ang bayaran, nalumahan mo na, nasira mo pa pero di pa tapos sa kalbaryo ng pagbabayad buwan buwan.
Hindi naman masama, pero dapat handa ka din sa maaring consequences nito.
Maaring napakaimpossibleng kamtin ang mga bagay na nais natin. Napakatagal bago ito mahawakan o madanas, pero para saan pa at magkakaroon ka din. Ibibigay naman ito ng Diyos kung kalooban niya.
Ang pinakamatinding sikreto nito ay hanapin muna natin Siya. Totoo ang pangako ng Diyos, magtiwala lang tayo. Maglingkod lang tayo. At sabi nga ng Diyos, lahat ng mga bagay na ito ay maidadagdag sa iyo.
Hindi naging specific si God dito kaya pwede nating i-assume yong 'mga bagay na ito' na sinasabi niya.
Naalala ko noong kapag nakakakita ako ng airplane, nasasabi ko: Lord, kailan ko mararansang sumakay ng ganyan? O di kaya: Balang araw, sasakay din ako diyan!
Hindi ko alam if paano, kasi my resources are not enough. Pero as the days goes by, in times I didn't expected it to come, a opportunity just set on my way. Soon, I'll be riding that flying object..
See, how good is our God. Kasi minsan nagbibigay din naman ng reward ang Diyos. Ng surpresa sa mga anak niya.
I remembered when Ma'am Hannah my sponsor before said "Assi, surprised God, and God will surprise you! "
Huwag tayong mapagod na maglingkod sa Kanya. Darating nalang ang mga blessings kahit hindi natin ito ineexpect.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro