Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Record 22: Colorless

Bakit feeling ko na sa araw-aaraw ay unti-unti akong namamatay at nawawalan ng kulay.

Sinusubukan ko namang bumangon at manumbalik sa dating masaya at payapang buhay ko.

Pero bakit ganito..

Bakit pag-asa ay unti-unting naglalaho. Napakahirap harapin ang bawat umaga at i-endure ang buong maghapon.

Hanggang ganito nalamang ba?

Panginoon, alam ko, ako ay nagkulang.. Alam ko mga gawa ko'y hindi kailama'y maitatago dahil alam kong kitang-kita niyo ako. Kilalang-kilala niyo ako.

Pero, ama ako'y labis na nalulungkot at nahihirapan. Napakabigat.. Parang baga na unti-unting sumusunog sa damdamin kong nahihirapan.

Alam kong may mas malala pa kaysa sa aking karanasan..

Pero paano pa ako kung ganon na nga.. Dahil ngayon ay halos hindi ko na makaya.

Turuan mo po akong magmahal, turuan mo akong magpatawad..turuan mo akong manumbalik sa dati kong sigla.. Bigyan ng inspirasyon para kamayod at magpatuloy nang hindi habang buhay na gumagapang sa daang hindi alam kong hanggang saan at kung saan tutungo.

Bigyan ako Panginoon ng kapahingan, tuluyang piliin ang buhay kaysa piliin ang wakas na pangwalang hanggan. Wala na akong ibang makakapitan kundi ikaw lamang..

Ang siyang lakas, buhay, pag-asa at siyang magbibigay kulay sa napakadilim ko nang karanasan..

Wala na.. Wala na akong ibang pang masasandalan..

Di ko na kaya.. Kaya parang awa, bigyan mo na ako ng kapahingaan...

Salamat..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro