Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Record 17: Walt Disney Qoutes

"If you can dream it, you can do it"

Noong bata pa ako, gustong-gusto ko nang magbasa ng book. Naiinggit nga ako sa mga kaklase ko noon dahil nakakabili sila nong mga disney books, gaya nong mga fairy tales and so on.

Ako kasi noon hanggang tag bente lang tas minsan lang. I even remembered na nagsulat ako noon ng sarili kong book. Hindi ko na alam if anong edad ko noon. Mermaid-mermaid something yon. And hindi pa kasi ako Christian noon, gustong-gusto ko kasing pumupunta sa ilog noon.

Until nag-high school na ako, fourth year ako noon when I have my first completed book na sinulat. I still remebered the story..nakasulat iyon sa notebook ko. But sadly, hindi ko iyon kineep. I remembered na Daniel and Mariel and name nong main characters ko doon kung saan Danica naman ang naging pangalan nong anak nila. My friends read it.

Hanggang sa magcollege ako, I still love reading..

I just can't imagine na yong passion ko sa pagsusulat babalik ulit when I already graduated in college and have my job in the school where I graduated.

I stayed at the library most of the time, nagbabasa kapag wala masyadong trabaho. Then, one day nagsusulat na ako sa desktop ko sa library and wrote 'Amore Casuale' which means Random love. Kwento ito nong isang batang christian who met Ashton which is naging good friend niya noong bata siya ang si Laurence na mayabang na anak ng teacher. Her name is Sehana. Until noong paglaki nila they met again, and Laurence changed, Ashton become Sehana's bestfriend. Kaso hindi ko natapos. Pinabasa ko iyon sa mga friends ko, masaya ako noong magustuhan nila at inabangan nila iyon. I still keep the copy.

Naririnig ko na noon ang wattpad, years ago. Kaso dahil wala ngang internet connection hindi ako nagkaroon ng account noon dito. Pero noong may free data na non, I start to read, and nailove ako agad sa work ni MissRed at Restrictedgodesses, yong Far from Perfect at Innocent bed buddy.

So one time I decided to install the app, and made my account. Then start writing my story. At yong 'My name is Sofie' yong naging first work ko dito. Kinopy ko din yong 'Amore Casuale' dito kaso, nawala na yong amore ko doon haha, and may pagkatamad ako mag-edit. Kaya dinelete ko din.

Until marami na ako naisulat.

Actually, medyo naging negative nong una yong judgement ko dito kasi most ng nakikita kong book ay puro romance. I feel guilty kay Lord, kasi Christian na ako tapos parang ang worldly ko pa.

But, nahagip ng mata ko yong 'My atheist boyfriend' then haggang sa nadiscover ko na marami palang Christian aspiring authors dito kagaya ko. I begun to add profiles yong mga kristyano din.

And motivated to write a Christian literatures as much as I can. In this way, I can share my faith and can inspire others. I can glorify God and use this talent, this gift to please Him and make Him known to the wattpad community. Maraming readers, atleast may maligaw man lang sa mga isinulat ko and be enlightened and praise God in their life.

I also dream na sana makita ko na din tong mga book na sinusulat ko sa mga bookshelves ng mga bookstore. This is my Passion, I know na hindi ako ganon kagaling, but wala namang impossible kay God as long as tama yong motibo natin. Luke 1:37.

Matthew 21:22
[22]And all things, whatsoever ye shall ask in prayer, believing, ye shall receive.

At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.

Sabi nga ni Walt Disney, 'if you can dream it, you can do it'.

Kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa. As long as will din ni God.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro