Record 35: Dear Author
Dear marcelosantosiii
Hi! Magandang araw sa'yo!
Sumulat ako sa'yo kasi ikaw ay nakakatuwa.
Noong una hindi naman talaga kita kilala, at
Hindi mo rin ako tagahanga.
Isa lang akong manunulat na umaasa ng
paglago ng aking pakpak para makalipad na
Isa din akong stalker ninyong mga manunulat na pumapayagpag na
Follow dito, follow diyan ang gawa
Kung saan-saang social media naghahanap ng inyong mga mukha
Nakikibalita sa mga kaganapan ng inyong mga buhay.
Pakwentuhin ako kung sino ang hearthrub, sino ang queen, sino ang knight na naka-black lang at walang espada
Lahat sila napapanganga
Kasi hay naku! Ako lang pala ang may alam kung sino sila
Wala kasi ako kakwentuhan dito
Walang nagsasasabing 'kaya' ko
Iba ang interest nila sa interest ko
Pero simula noong nagfollow ako sa'yo sa app na asul na ibon ang logo
Naging parte ka na ng araw ko
Salamat sa tawa, ngiti at inspirasyon na hatid ng mga sinulat mo
Kaya nga tong sulat ko sa'yo dito ko na inilagay sa;
A Believer: Smiling Again
Huwag matakot na ako'y dedmahin
Hindi lang naman ikaw ang gagawa niyan sa akin
Tsaka hindi naman ako nagpapapansin
Gusto lang talaga kitang guluhin
Malay mo makapasulat din ako ng mga tula
At ang pamagat ay ' Marcelo muntik nang maging tayo'
Di joke baka magalit si boypren
Ito na talaga;
Marcelo Santos III muntik na akong mapansin
Two hundred ninety-nine plus four words eksakto tong sulat ko sa'yo.
At ngayon maghihintay nalang ng Two hundred ninety-nine plus four words na sagot mo
Pero huwag kang kabahan,
Hindi mo na kailangang gawin yan
Ika'y binibiro lamang.
Pagpalain ka Marcelo, maging ilaw ka sana ng sanlibutan! Maging taga hatid ngiti sa mga taong nakalimutan nang ngumiti, maging inspirasyon sa mga taong nais nang magbigti.
Humahanga ako sa'yo
Minsan mo nang pinangiti,
ASSI
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro