Record 25: Masarap Maging Bata at Malaya
Masarap bumalik sa panahon. Masarap balikan ang pagkabata at pagiging aktibo at masaya lang sa mga simpleng bagay.
Masarap tumawa kasama ng mga kaibigan habang gumagala sa kung saan. Ang mga uniporme na sa eskwelahan ang mga bag na pagkabigat-bigat o minsan walang laman. Ang pagtambay sa mga paboritong parte ng mall o kahit diyan diyan lang.
Malayo sa realidad ng buhay na kinakaharap ng isang ganap ng adult.
Ang bawat pitik ng camera, sa bawat pose na ginagawa, sa mga damit na sinusuot para maging maganda.
Hindi mahalaga ko kung isa o dalawa lang kayo sa barkada o maramihan pa, kundi ang oras at panahon o pagkakataon na ikaw ay bata pa at malaya.
Ang bawat mukha na may ngiti, sa mga hawak kamay ng katabi, sa mga munting halakhak at pagkukwentuhan sa tabi. Masarap namnamin, ang buhay ng pagiging bata at malaya.
Kaya sa mga kabataan ngayon, inyong sulitin ang pagkakataon na maranasan ang pagiging bata at malaya dahil balang araw ang oras ay napakahalaga. Di pwedeng masayang o di bigyan ng halaga. Bawat minuto, segundo o oras man ito lahat yun sisimutin mo dahil darating ang araw kunting panahon nalang ang nalalabi sa'yo.
Gawin kung ano sa tingin mo ang tama, maging mabuting tao ka. Iparamdam ang pagmamahal sa kapwa at mga mahal sa buhay, alisin ang mga negatibong bagay na di naman makakatulong sa ikasusulong ng iyong buhay.
Tayo ang nabubuhay lang sa biyaya ng Panginoon. Pahalagahan ito at gamitin sa tama. Dahil masarap maging bata at malaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro