Record 18: You'll be fine.
I am stress and overwhelmed.
Marami akong gustong gawin pero kulang ako ng pagpush para gawin ito.
Samu't sari din ang aking nararamdaman. Hindi ko na rin alam kung san banda ako nastress? Saan punto ng nangyayari sa buhay ko ako nagkakaganito?
Maaring naboboring lang ako o dahil ang trabaho at tirahan ko ay iisa kaya di ko na nagpalalayo o nakikilala pa kung ano ang nararamdaman ko kung sa trabaho ba o dito sa bahay namin. O baka nadadala ko na sa aming tahanan ay feeling na dapat sa trabaho lang kaya naapektuhan pati asawa at anak ko. Lalo na ang aking little man. Sa stress ko di ko kayang makipaglaro sa kanya. Sa mga ganitong sitwasyon gusto ko maging busy at gusto ko ako lang kasi doon ako nagrereflect, doon ko sinisiyasat ang buhay ko.
A part of me nag-iisip to quit my job. To go outside, to go far away this place kasi nagiging toxic na ako dito. Some part of me says baka pagsisihan ko sa huli baka ang kailangan ko is yung tirahan na di dito. Baka yun lang ang gusto ko.
Dahil dito namomotivate ako na mag-ipon pa, magsikap pa at magtiyaga muna. Pero paano? Paano lumago sa larangan ng financial. Kung araw araw tuloy ang gastos, tuloy ang bills may mga utang. Yung ipon namin hindi lumalago. Yung Mini business ko, nandoon parin sa sobrang busy di ko maharap magpost at updates. Kahit yung simpleng responsibilidad ko nga bilang asawa at nanay di ko nagagawa.
There are times na nafifeel ko na I am not enough. Kulang pa, madami pa ako naooverlook sa trabaho, sa pamilya ko sa sarili ko.
Maraming beses na pinapagalitan ko ang sarili dahil nagpapabaya ako. Sa pagbabudget sa paggawa ng meal plan, sa mga simpleng bagay na nagbibigay sa akin ng saya o satisfaction crafting, organizing. Saan na yunh dati kong liksi at handang sarili? I became braver, tougher and bolder pero kasabay nito ang pagwala ng kulay sa aking buhay. I blessed that I have my child ang husband now as source of force that push me to keep moving forward, source of fire to keep dreaming. Isang araw, hindi lang ito ang maabot ko.
Minsan naiisip ko din maybe I became too hard for myself, I push myself enough that I became stress of mistakes and failure. I don't want to be criticize or people talking behind my back about me. Pero parang contradiction yung sinabi ko. I know I'll be criticize no matter what. There are people that are not always genuine or true to us.
Hays, I just thankful nalang that I know Christ.
Maaring bukas wala lang din to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro