Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PART 2 🏹

21st 🏹

Magkaiba kasi 'yan.

Simula nag-high school kami, lagi nilang tinatanong sa akin kung bakit hindi ko ligawan si Arya. Para na kaming pinagbiyak kasi lagi kaming magkasama. Pati ugali namin, magkasundo. Walang patay na oras kapag siya ang kausap ko.

Pero hindi naman 'yun lang ang batayan para maging kami. May pagkakaiba kasi nga 'yan. Kung isang pie chart ang lahat ng kakilala kong babae at mga 3% ang masasabi kong na-aattract ako at one point, mga 0.5% lang dun ang pwede kong ligawan.

Mula sa 0.5% na 'yun, iilan lang ang liligawan ko talaga. Dalawa lang naman ang naging ex ko. Hindi ko nga alam kung relasyon ba ang tawag dun. Text at once or twice lumabas at nagdate. Pagkatapos nun, laging nagiging issue na close kami ni Arya, kaya hindi naman tumatagal.

Sa pie chart ng lahat ng babaeng kilala ko, kasama si Arya sa mga minsang na-attract ako. Nangyari 'yun one time, mga ilang taon na ang nakakaraan.

Pero may sariling lugar si Arya. Masasabi mo na kasali siya sa percentage ng mga hindi ko pwedeng ligawan. Hindi dahil kulang ang attraction na naramdaman ko sa kanya. Mataas lang kasi ang pagtingin ko kay Arya. Hindi pala ibig sabihin mababa ang tingin ko sa iba. Mahirap din ipaliwanag. Siguro sasabihin ko nalang na kung may pie chart, nasa labas siya neto. Kung may rule, si Arya ang palaging exemption.

"Andy, bakit mo ginawa 'yun?" napasigaw si Lisa, inis na inis. Pinuntahan niya si Arya at hinila sa isang tabi, may tinatanong. Pagkatapos, bumaba na sila at sumunod si Jill.

"Pre, mamaya mo na siya kausapin." Hinila ako pabalik ni Andy.

"Itatanong ko lang kung okay siya," sabi ko. Nag-iba kasi itsura ni Arya. Parang gustong umiyak.

"Mamaya na," sabi ulit ni Andy habang naglalakad kami sa may likuran nila.

"Okay lang kaya 'yun?" tanong ko, nagaalala. Pagkababa namin, dumiretso silang tatlo sa CR ng babae. Mukhang hindi nga ako ang kailangan ni Arya.

"Antayin nalang natin," sabi ni Andy. Nakaabang lang ako kasi baka lumabas din sila agad. "Pasensya ka na pala, pre."

"Bakit mo naman naisipan na biruin kami ng ganun?" tanong ko.

Tinaas niya ang mga kamay niya, defensive. "Hindi ko naman akalain na tatama."

"Pero ginawa mo pa din," sabi ko.

"Pre, wag ka ng magalit. Wala naman 'yun."

"'Pag umiyak si Arya, malilintikan ka sa akin," sabi ko sa kanya.

"Pasensya na. Napasama lang ang biro. Hindi ko na uulitin," sabi ni Andy.

"Pasalamat ka at kaibigan kita," sabi ko. Hindi naman ako talaga galit, pero ayokong may nanakit kay Arya. Siguro nga tama si Lisa na lakas ng protective instinct ko lagi.

Tahimik nalang kaming nag-antay sa may labas, nakaupo sa hagdan. Ang tagal nila, parang wala ng planong lumabas sa CR. Sarado na ang People's Park at nagstart na din na dumilim.

After ilang minuto, tumingin si Andy sakin mula sa cellphone niya. "Pre, tanong lang."

"Ano?" sabi ko sa kanya, may duda kasi iba tono niya bigla.

"Tanong lang talaga," inulit ni Andy, nakangisi.

"Ayos mo."

Nag-pause siya, bago tinanong, "Ano naramdaman mo?"

"Saan?"

"Kanina," pinoint out niya. Tapos bigla siyang ngumuso. "Nung sa kiss."

Muntik ko ng masapak ang loko sa inis kung hindi ko siya kilala. "Tigilan mo nga ako."

"Ano nga?" usisa pa niya.

"Wala," sabi ko.

"Nako! Kilala kita," sabi ni Andy. "'Yang wala wala mo, may laman 'yan."

"Ikaw na nga etong napasama ang biro, tapos ganyan pa tanong mo?"

"May naramdaman ka ba na kakaiba," pag-eelaborate ni Andy, dinisregard ang mga sinasabi ko.

"Tumigil ka na."

"Tayo tayo lang naman," sabi ni Andy. Tinignan ko siya ng masama. Hindi siya nagpaawat. "Bumilis ba tibok ng puso mo?"

"Oo," sinabi ko nalang. "Okay na?"

Tumawa siya ng malakas. "Sabi ko na, hindi lang talaga kaibigan tiningin mo kay Arya."

"Hindi ganun," sabi ko sa kanya. "Syempre kinabahan ako at nabigla."

"Kinabahan," inulit ni Andy. "Sinong niloko mo? Feelings ang tawag dyan."

"Ewan ko sa'yo," sabi ko sa kanya at nilagay ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket. Ang lamig na kasi bigla dahil gumagabi na. "Kayo lang eto ni Lisa na ayaw tumigil sa pang-aasar sa amin."

"Andyan na sila," sabi ni Andy bigla.

Tumayo na din ako, hinanap agad si Arya. Nasa likod siya ni Lisa. Pipigilan sana ulit ako ni Andy, pero pinuntahan ko na. Wala siyang nagawa kundi sumunod nalang sa akin. Kahit si Jill, gulat din na dumiretso ako sa kanila. Humakbang nalang si Jill papunta sa gilid at nagbrowse sa phone.

Nasa harapan ako ni Arya, tinitignan kung okay siya. Medyo nawala ang takot ko kasi mukhang hindi naman siya umiyak. Hindi naman mugto ang mga mata niya. Pero wala siyang sinasabi at nakatingin lang sa akin ng deretso, mukhang galit.

Patay na. Matagal na discussion eto.

"'Wag mo akong kausapin," sabi ni Lisa kay Andy.

"Galit ka ba?" tanong ni Andy. Nasa may gilid namin sila. "Sorry na. Hindi ko naman akalain na ganun ang mangyayari."

"Wala ka kasing alam!" sabi ni Lisa. Naguluhan si Andy kasi hindi rin siguro niya maintidihan kung ano sinasabi ni Lisa. "Kay Kuya at Arya ka magsorry."

"Arya," lumapit si Andy, "sorry."

Mukhang hindi siya okay, pero sabi ni Arya, "Sige, okay na ako kasi nag-sorry ka."

"Napatawad mo na ako?" sabi ni Andy.

Tumango si Arya. "'Wag mo nalang ulitin. Hindi nakakatuwa ang biro mo."

"Ayan, Lis, napatawad na niya ako. 'Wag ka ng magalit," sabi ni Andy kay Lisa.

"Doon na nga muna tayo," sagot ni Lisa. "Jill, una na tayo sa kotse."

Umalis silang tatlo tapos kami nalang ni Arya ang naiwan. Tinanong ko siya, "Okay ka lang?"

"Hindi," sagot niya, nalungkot bigla ang itsura.

"Sorry sa nangyari," sabi ko sa kanya.

Lungkot na lungkot ang itsura niya. "Wala ka namang kasalanan. Parehas lang tayo. Hindi naman 'yun ang gusto nating mangyari. Si Andy kasi."

"'Wag kang mag-alala, ginusto ko naman," sabi ko, binibiro siya.

Natawa siya bigla at hinampas ako. "Nakakainis ka talaga!"

Inipit ko ang ulo niya gamit ang isang braso. "Isipin mo nalang, congratulatory kiss ko 'yun sa pagkakapanalo namin kanina. Quits na tayo."

"Anong congratulatory kiss?"

"Pang-congratulations," sabi ko.

"First kiss ko yun!" reklamo niya. "Big deal 'yun para sa akin. Ikaw kasi, palibhasa nagkagirlfriend ka na."

"Pwede namang hindi counted," offer ko para hindi na sumama loob niya. "O baka gusto mo ng second. Bigay ko din sayo."

Nilayo niya 'yung mukha niya, naiinis. "Ang daya naman kasi."

"Gusto mo talaga ng second?" sabi ko, sabay nilapit mukha ko sa kanya at aliw na aliw sa reaksyon niya na gusto ng umiyak. "Kalimutan mo na 'yun."

"Paano?" itinanong niya sa akin ang imposible.

"Isipin mo nalang na parang kiss lang 'yun sa pisngi. Hindi ba, ginagawa na din natin eto noong bata pa tayo?" sabi ko sa kanya.

"Iba kasi 'yun. Friendly lang naman 'yung sa cheeks," ini-insist niya.

"Baka naman na-sway ka na at na-in love bigla sa akin? Nako, mahirap 'yan, Arya," sabi ko para ngumiti na siya.

"Kiss lang ma-iinlove na ako sa'yo?"

"'Yun na nga," sabi ko. "Kaya 'wag mo ng isipin."

"Sige," nag-agree si Arya. "Kalimutan na natin. Wala sa akin 'yun at wala na din sa'yo. Aksidente lang ang lahat. Back to normal na tayo."

"Deal?" Pinakawalan ko na siya at inextend ang isang kamay.

Kinamayan niya ako, determined. "Deal."

"Okay na ba tayo?" tanong ko sa kanya, naninigurado. "Wala ka ng iniisip na iba?"

"Wala na. Pero alam mo kanina," sabi niya bigla.

"Ano meron?"

"Medyo naguluhan ako ng slight. Ang bilis ng tibok ng puso ko, grabe," kwento ni Arya, with matching actions pa.

"Nako, patay na. Na in love ka na talaga sa akin," sabi ko sa kanya, sabay iling.

"Hindi 'yun. Normal lang daw 'yun sabi ni Lisa," sagot niya. Ah, ayun pala pinag-usapan nila.

"Ako din naman," inamin ko sa kanya. "Siguro dahil nagulat tayo bigla."

"'Di ba? Tulungan mo nga akong kalimutan," sabi ni Arya.

"Sige, paano?"

"Oo nga, ano?" sabi ni Arya. "Paano nga ba?"

"Basta okay tayo, walang problema," sabi ko sa kanya. "Huwag mo ng isipin 'yun. Hindi na natin maalala 'yan pagdating ng araw."

"Siguro nga," nag-agree siya, pero kita mo na alangan pa din. Gusto ko siyang tulungan para maging okay na siya, pero wala namang ibang paraan kundi antayin nalang namin na bumalik ang lahat sa dati.

May nag-text sa kanya tapos binasa niya. "Si Michael."

"Ano sabi?"

"Wala, nangangamusta lang at sabi ingat ako pag-uwi," sagot niya.

"Replayan mo na," sabi ko nung napansin na binasa lang niya at tinago na ulit ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya. "Hindi kaya magtampo 'yun?"

"Mamaya nalang. Wala ako sa mood," sabi ni Arya.

"Bakit naman?"

"In shock pa ako, Dylan," nilinaw niya.

"Ah," bigla kong na-gets. Oo nga pala, 'yung first kiss niya. Eto naman kasing si Andy, magbibiro lang, napasama pa. Naunahan ko tuloy si Michael ng hindi sinasadya.

Sabagay, wala naman akong pakielam dun. Nagagalit naman ako kay Andy kasi nasasaktan si Arya. Siguradong si Michael ang iniimagine niya na maging first kiss niya. Walang pagkalagyan ang kilig niya dun.

"'Di ba sabi mo selos 'yun sa'yo?" tanong ni Arya after niya mag-isip.

"Oo, noong makita niya tayo sa 711. Pero ayos naman kami. Wala na 'yun. Nainis lang ako nung binabakuran ka niya ng ganun. Hindi naman tama 'yun," sabi ko sa kanya. Kinausap ko din si Michael tungkol dun. Humingi naman siya ng pasensya.

"Paano kapag nalaman niya?" nag-woworry siya.

"Suntukin ko na ba si Andy?"

Tumawa siya. "Hindi. Wala lang, paano lang. Ano sasabihin ko?"

"Gusto mo ba ako magsabi?"

"Hoy! Huwag ganun," sagot niya.

"Hindi pa naman kayo at hindi naman sinasadya," sabi ko sa kanya.

"Oo nga, sabagay."

"Kung gusto mong ikwento, ayos lang naman. Hindi naman niya dapat ikagalit 'yun kasi hindi pa naman kayo."

"Pero baka marinig pa niya sa iba."

Sumasakit bigla ang ulo ko sa pag-iisip. Ang komplikado ng worries niya. Sinabi ko nalang, "Kahit sabihin mo man o malaman niya sa iba, andito lang ako kung kailangan mo ng kasamang magpaliwanag."

"Promise?" tanong niya.

Ngumiti ako. "Kailan ba naman kita iniwan?"

Nagbago na ang pinta ng mukha niya at sumaya na ulit ang paborito kong tao sa mundo. Hindi nila maiintindihan na may taong ganitong kahalaga sa akin. Na siya ang best friend ko at hindi ako in love sa kanya. Hindi rin siya in love sa akin. Sadyang gusto lang namin lagi na magkasama at magkausap.

"Dylan," tawag niya habang naglalakad kami pabalik sa kotse ni Andy.

"Hmm?"

"Paano ko ba sasagutin si Michael," sabi niya.

"Ang wala! May panibago ka na namang pinoproblema," tinukso ko.

Hinampas na naman niya ako sa braso. "Seryoso nga."

"Kailan ba? Ready ka na ba?" tinanong ko siya.

"Feeling ko darating na kami dun," sagot niya.

"Soon?"

"Coming soon," nagba-blush niyang sagot.

"Matino naman si Michael kaya may tiwala ako dun," sabi ko sa kanya. At least hindi 'yun babaero katulad ng iba niyang kaibigan. Red flag lang sa akin na seloso siya. Pero as long as nagkakausap kami at alam niya na hindi niya pwedeng saktan si Arya, ayos lang.

"Talaga?"

"Oo," sabi ko. "Ganito nalang siguro, bakit hindi mo isulat 'yung sagot mo sa bola ng basketball? Kapag nag-practice kami, ipapasa ko sa kanya."

"Eto ka na naman," sabi niya.

"Galit ka na?"

"Oo, malipat na malapit na." Nakangiti naman siya, kaya sinong galit?

"Pero eto seryoso," sabi ko, "antayin mo na lang na tanungin ka niya ulit. Ang manliligaw, nakikiramdam lang 'yan. Kapag tinanong ka niya kung kailan mo siya sasagutin, 'yun na ang chance mo."

"Ah, ganun ba 'yun?"

"Wala, magkakaboyfriend ka na! I'm so proud of you!"

Nakita kami nila Lisa at Andy habang pabalik sa kotse. Nakita ko na nabawasan ang worry ni Lisa nung makita niya na okay na kami ni Arya. Ngumiti ako. Kailan ba hindi kami nagkasundo ni Arya? Praktikal na tao si Arya at reasonable kausap. Tsaka lagi naman siyang nago-open up sa akin, kaya hindi ko kailangang manghula ng iniisip niya. And when in doubt, basta hindi na siya galit, 'yun ang solusyon.

Mangiyak-ngiyak si Lisa nung kaharap na kami. "Buti naman okay na kayo. Kala ko talaga..."

"Kinabahan siya," sabi ni Andy.

"Kasalanan mo kasi talaga 'to," sabi ni Lisa sa kanya.

"Okay na sila, tara at kumain na tayo ng bulalo bago umuwi," sabi ni Andy.

"Nakakatuwa si Jill kasi nagkakagulo na tayo pero tuloy-tuloy lang siya sa pagbasa sa isang tabi," binulong ko kay Arya.

Tinakpan niya ang bibig niya para walang makarinig na iba. "Nakakaadik kasi 'yung binabasa niya. Nabasa ko na din 'yun sa Wattpad. Naalala mo nung na-adik ako sa isang fictional character?"

"K..." Ano nga ulit pangalan nun?

"KN," sabi ni Arya.

"Ah, oo nga. 'Yun din pala binabasa niya," sagot ko.

"Nakakakilig," sambit ni Arya.

"Gutom na ako."

"Ako din," sabi niya. Ginulo ko ang buhok niya. "Hala, magsusuklay na naman ako."

"Maginaw na. Go na tayo," sabi ni Lisa.

Sumakay na kami sa sasakyan ni Andy. Naglagay si Arya ng lipgloss kasi sabi niya nagbibitak ang labi niya sa lamig. Hindi ko alam kung bakit ba ako napatitig at napaisip.

First kiss ko din naman 'yun.


~Author's note~

Si Dylan na po ang narrator. 😊

p.s. Balita ko may Team Undecided pa. Ung iba, mga closet Team Dylan talaga, ready na sila at nagreveal na. 😁

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro