Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9th 💗

9th 💗 

Nabulunan ako bigla dun sa iniinom ko nung binasa ko 'yung message ni Michael. At feel na feel ko talaga paglalagay ng heart sa tabi ng pangalan niya. Sorry, can't help it. I'm getting carried away. And I am letting myself. 

Ambisyosa kasi. Ganun talaga. Lubuslubusin ang kaligayahang bihirang makamtam. O ha, malalim 'yan. Magiging proud sa akin si Ms. Matimtim.

"'Yan na naman 'yung textmate mo?" tanong ni Nanay.

"Hindi po. Hindi naman po totoo 'yung sinusumbong ni Dylan sa inyo kahapon. May nagtext lang po sa akin na kaklase namin," palusot ko.

"Kaklase ba talaga?"

"Ka... school," alangan kong sagot. Lagot sa akin si Dylan talaga. Sinabi ba naman sa Nanay ko na may nagtetext sa akin at kinikilig daw ako. Porke't pinalayas ko siya at sinipa palabas ng kwarto ko kahapon kasi inaasar niya ako, ganun ba naman gumanti. Sabi niya kasi kagabi dun daw siya sa kwarto ko mag-aaral kaya siya pumunta. 'Yun pala, gusto lang niya mang-asar.

Asan na nga pala 'yun? Mapuntahan nga at malalate na kami. Hindi gaganda ang umaga ko hangga't 'di ako nakakaganti.

Pero wait, rereply lang ako kay Michael. Pumunta ako sa kwarto para kunwari kukunin 'yung bag ko. Saan ka, gusto ko lang mag-reply.

Take care daw. Sagad na kilig ko for one morning.

Ay, wait. Bakit ko pala sinabi na mag-ingat din siya. Nasa school na pala siya. Ano namang kahibangan eto? Hindi ko na naiintindihan 'yung tinetext ko sa pagmamadali.

"Pasok na kayo ni Dylan. Late na kayo," sabi ni Nanay mula sa kusina.

"Sige po!" Tinago ko na 'yung cellphone ko sa secret pocket ng bag ko. Mahirap ng ma-confiscate. Paglabas ko ng kwarto, nag-kiss ako kay Nanay tapos tumakbo na palabas ng pinto. "Una na ko, 'Nay! See you later!"

"Ingat kayo!"

"Opo!" sagot ko.

Naka-upo si Dylan sa may gutter ng kabilang kalsada paglabas ko, nag-aantay. "Aba, eto na ang dakilang spoiler."

Tumayo siya, sabay lumakad na papuntang school. "Knock knock."

"Ano?"

"Sino ang macoconfiscate ang cellphone ngayong araw?" tanong ni Dylan.

"Hala! Walang biro ng ganyan. Ngayon pa nga lang kami nagiging close ni Michael," sabi ko. Andun pa din siya sa kabilang kalsada, pero sabay naman kami naglalakad papuntang school. Iba lang trip namin this morning. 'Di ko tuloy siya mabatukan. 

Biglang lumipat ng kalsada si Dylan. "Baka mabangga ka sa ginagawa mo."

"Bakit naman?"

"Kasi ang tigas ng ulo mo. Ayaw mo pa na suotin ang salamin mo sa school," sabi niya.

"Masagwa kasi," sabi ko. "Tinanggal ko muna. Dito muna si eyeglasses sa pouch niya."

"Hindi naman masagwa."

"Masyado?"

Natawa siya. "Mas... 'wag na nga lang. Baka isipin mo na nagagandahan ako sa'yo. Yuck, nakakakilabot."

"Maka-yuck ka naman, wagas. Pero aminin mo na mas okay pag wala akong salamin," sabi ko.

"Oo, pero wala naman pagkakaiba 'yun. Mas bagay nga, aanhin mo naman 'yun kung di ka masyadong nakakabasa sa board pag malayo na 'yung upuan mo," sabi ni Dylan.

"Ang nerdy kasi. Ayaw kong tuksuhin din nila ako parang si Marky. Hayaan mo na, lagi naman akong nasa first or second row. Kaya naman," sabi ko.

"Bahala ka," sagot ni Dylan. "Kamusta na pala kayo ni Michael?"

Napangiti naman ako ng todo bigla. "Okay na okay! Feeling ko meant to be talaga kami."

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi, ano," napatigil ako. Bakit nga ba? Kasi nilagyan ko ng heart ung pangalan niya sa contacts ko? Bigla akong napabuntong-hininga. "Alam mo, puro pagkain lang pinaguusapan namin. Kagabi pa. Puro 'yun, tapos good morning at good night lang nag-kaiba."

"Sa una lang siguro 'yan. Meron din ako naka-textmate dati. Naalala mo si Angel?" 

"Oo! 'Yung crush mo na first year," sabi ko, sabay natawa.

"Ganyan din kami nung umpisa. Mga ilang days pa bago kami nagkaroon ng ibang topic bukod sa good morning at good night," sabi ni Dylan.

"Pero hindi naman din kayo naging kayo. Paano naman ako huhugot sa experience mo? Bakit nga ba hindi na kayo biglang nag-usap?" tanong ko. 

"Nakalimutan mo na?"

"Ah!" sabi ko. "Oo nga pala, pinagselosan ako 'nun."

"Kaya," sagot ni Dylan.

"Dapat ba akong mag-sorry?" tanong ko bigla. Naalarma lang. Laging nauudlot mga MU niya dahil sa akin. Sabagay, mga dalawa lang naman sila. 

"Hindi naman." Pinatong niya ung kanang siko niya sa ulo ko, tapos diniinan. "Eto nalang ganti ko."

Lumayo ako. "Aray naman!"

"Paano pala kung makita mo si Michael sa school ngayon?" tanong ni Dylan nung pumasok na kami ng gate.

"Babatiin ko siya? Wish ko lang. Syempre, wala. Katulad lang ng dati. Nganga," sagot ko.

"Paano kung--"

"Dylan!" may tumawag kay Dylan nung malapit na kami sa room.

Kala ko nag-iilusyon na ako. Pero si Michael! Oh, my gosh. Papalapit siya sa direksyon namin. May kailangan siya kay Dylan. Syempre, ala naman sa akin? Di naman niya narealize siguro overnight na ako 'yung ka-text niya na si Bianca.

Nung sobrang lapit na niya, asin ilang meters away nalang, gusto ko na talaga mag-disappear. Sobra 'yung kabog ng puso ko. Pero andun pa sa kabilang ibayo ang room namin. Should I make a run for it? Kung sino man sa track and field department ang may superpower na mabilis tumakbo, please I need you. 

"Bakit?" tanong ni Dylan kay Michael.

Ang bango ni Michael. Kunwari nalang may hinahanap ako sa bag ko na mahiwaga. Binuksan ko lahat ng pouch sa loob ng bag ko at sinara. Sa dami nila, medyo nagkaroon ako ng means of distraction. 

Fresh na fresh si Michael this very beautiful morning. Ang perfect niya.

"Thanks for introducing me to your cousin," sabi ni Michael.

"Bianca?" tanong ni Dylan.

"I really like talking to her. She was so easy to get along with, very different with what I'd expected," sabi ni Michael.

How different? Michael, my loves, please elaborate.

"How come?" tanong ni Dylan.

"I don't know. She doesn't pretend to be anything. She's just her," sagot ni Michael.

Nabulunan ako bigla. 

Wrong timing naman ang reaksyon ko. Ngayon pa talaga? Gusto ko talagang maging kahihiyan sa harapan ni Michael, ano? Hobby ko eto. 

"Um, are you okay?" biglang napatanong si Michael sa akin nung tila may bumara sa lalamunan ko permanently.

"Hoy, Arya, buhay ka pa?" dagdag ni Dylan.

"Ah... ano," I tried saying, pero wala talagang nafoform na word sa bibig ko.

"Hey, you seem familiar," sabi ni Michael, parang may naalala. Oh, no. Naalala ba niya 'yung weird na hi a few months ago? 'Yung hi na nakapagpabago ng mundo ko. OA, noh?

"I... I have to go, sorry. Bye," bigla ko nalang sinabi, bago pa niya lubusang maalala kung ano ang pinagagawa ko dati. Nag-brisk walk tuloy ako ng 'di oras papasok ng room.

Pag-upo ko, napayukyok nalang ako sa hiya. Second encounter namin ni Michael, tapos mukha na naman akong ewan.

May kumukulbit sa akin. Kinabahan ako na baka si Michael--feelingera lang, 'di ba?--until nagsalita siya. "Arya? Pwede mag-ask ng favor?"

Pagtingin ko, si Kim pala. "Anong favor?"

"Kung hindi man nakakahiyan, pwede pa-abot neto kay Dylan?" tanong ni Kim, may inabot sa akin na blue na envelope.

"Love letter ba  eto?" biro ko.

Namula siya. "Hindi naman. Invitation sa 16th birthday ko. Punta kayo. For two naman 'yung invitation."

Tinignan ko 'yung invitation. Bigla akong humanga kay Kim. "Buti ka pa, may lakas ka ng loob na ganito... imbitahin siya."

As she is. Walang halong pagtatago sa text.

"Sabi kasi ni Nicole. Baka sakali lang naman daw," sagot ni Kim, medyo nahihiya. Tignan mo, mahiyain pa siya ng lagay na eto. Buti pa si Kim, may tapang na taglay sa katawan. "Pero kung ayaw niya, okay lang naman. Ikaw Arya, kung gusto mo, kahit ikaw nalang pumunta."

"Tignan ko kung maisama ko si Dylan," sabi ko. Tsaka type naman ni Dylan 'yung mga tulad ni Kim. Malay mo, eto na din ang opportunity para makabawi ako sa kanya sa pagrereto niya sa akin kay Michael.

Pumasok si Dylan sa room. 

Napansin eto ni Kim. Bigla bigla siyang napaalam sa akin, "Sige, Arya. Balik na ko sa upuan ko."

Dumiretso si Dylan sa seat ko, may mukhang tanga na ngiti sa labi niya. Marami na naman etong alam, for sure. Tapos sabi niya, "May nakakatawa akong narinig ngayong umaga."

"Sige lang, go on with how to destroy Ariane Chavez's day..."

"Maganda naman talaga 'yung balita. Nagpasalamat si Michael sa akin sa pagintroduce ko sa kanya sa sobrang gaang kausap na si Bianca Marie. Ang sabi niya, and I quote, He couldn't describe the feeling. Unquote."

"Talaga ba?" sabi ko, trying to sound happy. Pero hindi ako natuwa. Hindi ako kinilig. Kasi all the implications pointed to it. But beggars can't be choosers. 

Nagkibit-balikat nalang si Dylan, habang nilalabas 'yung notebook niya. Ako na natatakot para sa zipper ng bag niya kasi kung makabukas si Dylan, as in parang one step away sa matagumpay na pagwasak ng zipper ng bag niya.

"Dylan..."

Lumingon siya sa akin. 'Yung tipo ng lingon na nanlalaki ang mata. "Bakit nakakatakot ang boses mo?"

"Ayan ka na naman. Bumubulong lang ako," sabi ko.

"Hindi tunog bulong. Kakaiba." Napa-iling siya.

Hindi ko nalang siya pinansin. "Tingin mo? Magsabi na kaya ako ng totoo kay Michael?"

"Ikaw," sabi niya.

"Ano tingin mo?"

"Mas okay 'yun," sabi ni Dylan.

"Pero..."

"Pero ayaw mo, 'di ba?"

Tumango ako. "Kasi malamang magagalit siya na niloloko ko lang siya."

"Ang good time naman kasi ng idea mo," sabi ni Dylan.

"Oo nga, tama ka."

"Sabi ko naman sa'yo, lalagay ko nalang 'yung number mo as bola ng basketball. Aayaw-ayaw ka pa," biro ni Dylan.

Hinampas ko siya sa braso. "Nakakainis ka talaga."

"Gusto mo kasi komplikado."

"Ay, ewan. Paninindigan ko na nga lang talaga ang pagiging Bianca. Bahala na," sabi ko sa kanya. Pa-akyat na ung teacher namin sa Filipino, kaya kinuha ko na din 'yung book ko at mechanical pencil sa bag.

"Arya," tawag ni Dylan.

Pag-lingon ko sa kanya, bumaon 'yung takip ng ballpen niya sa pisngi ko. Tumawa siya, sabay sabi, "Wala lang."


~Author's note~

Ano na? Lahat kayo nasa ship ni Dylan. Hahahaha! Ang lonely naman namin ni Michael sa ship niya. Walang sisihan, ha? 😏

Kung gusto niyo 'yung story, patulong naman sa pamamagitan ng pag-vote at pagcomment sa mga chapters. Also ang HT ng story na eto ay: #a200175lovestory, para madali tayong magkakitaan sa Twitter or FB. Sabay sabay tayo magfangirl. Maraming salamat for reading the story! 

Type niyo i-marathon natin eto? Game? 😁

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro