Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7th 💗

7th 💗

Hindi pala ako masaya kanina sa PE. Una, sa sobrang excited ko na malaman na ni Michael ang cellphone number ko (at magkatuluyan kami), nakalimutan ko magdala ng extra t-shirt.

Change sked kasi ang PE namin ngayong linggo. Imbis na Thursday, naging Tuesday. Nag-swap kasi ng sched 'yung dalawang teacher namin for this week. Tapos ayun nga, dahil distracted din ako, nakalimutan ko magdala ng pampalit na t-shirt. Pero para naman may intresadong umamoy sa akin at last period naman ang PE namin. However, you'll never know.

Nasa gym din sila Michael at ang buong basketball team. Nakakahiya naman kung accidentally magkasalubong kami ni Michael sa hallway ng locker room. Tapos, baka maamoy niya ko. 'Yun lang talaga 'yung concern ko.

Tinext ko nga si Dylan tungkol dito, before nagstart ang PE. Nabasa niya nung nagpapahinga sila. Hinanap niya ko sa kabilang part ng gym. Kalahati kasi ginagamit nila, tapos ang kalahati ng court ay para sa third year PE class. Syempre, di umaalis 'yung tingin ko kay Dylan at Michael. Baka kasi eto na 'yung moment na na sabihin ni Dylan number ko kay crush.

Kaya ng tumingin si Dylan sa akin after magbasa ng text sa cellphone niya, nakita ko siya agad. Tinuro niya 'yung cellphone niya, sabay tinaas 'yung pampalit niya na t-shirt.

Nahiya ako bigla. May ilan kasi na nakakita. Napa-iling tuloy ako, sabay nagdisappear. Sakto naman na dinismiss na 'yung klase namin. Baka isipin nila na kami ni Dylan. Grabe. Baka mamisunderstood ni Michael. Hala.

Pero in fairness, 'di ko naman pwedeng gamitin ung t-shirt niya. Tila dress ang labas nun pag sinsuot ko. Okay lang din naman na tiisin ko nalang 'yung amoy pawis na t-shirt at sa bahay nalang magpalit.

Kaya imbis na dumiretso ng locker (at magka-accidental moment with my crush, Michael Cojuangco), pumunta na ako sa room at kinuha 'yung mga gamit ko.

"Arya," tinawag ako ni Nicole, isa sa mga classmates ko.

"Bakit?" sagot ko, nagtataka. Matagal na kaming magkaklase, pero 'di naman close. Weird kasi ako at medyo off ang personality.

"'Di ba kaibigan mo si Dylan Lopez?" tanong niya.

"Oo, kapitbahay din kami," sabi ko.

Kasama pala ni Nicole si Kim. Parehas nila akong nilapitan. Kami palang din ang tao sa room. Tanong din ni Kim, "Kayo na ba?"

"Ha?" nagulat ako sa tanong nila. 'Di ko expect. Siguro nakita nila kami kanina. Pahamak etong si Dylan. Bakit naman kasi inalok agad sa akin ang t-shirt niya.

"Kayo ni Dylan," dagdag ni Kim.

"Ah..." natigilan ako, "...hindi kami. Bakit niyo naman nasabi?"

"Wala lang. Sobrang close kasi kayo," sagot ni Nicole.

"Matagal na din kasi kami magkakilala, tapos magkapitbahay pa," sabi ko sa kanila.

"Ganun ba," sagot ni Kim, medyo uneasy siya.

Kinabig ni Nicole si Kim. "May gusto pala siya kasi itanong din sa'yo."

"Ano 'yun?" tanong ko. Nagkatinginan 'yung dalawa, parang naguusap mentally.

"Sabihin na natin," pilit ni Nicole kay Kim.

Ako naman, waiting.

"Nakakahiya kasi. Baka ano..." nabubulol si Kim bigla.

"Hindi 'yan," sabi ni Nicole. "Mabait naman si Arya."

Tsaka weirdo.

"Ano kasi, Arya..." napahinga ng malalim si Kim. Dahil hindi ko alam talaga ang sasabihin, waiting ulit ang drama ko. With matching curiosity. After several seconds, dagdag ni Kim, "...may girlfriend ba si Dylan?"

Oh.

Ayun pala 'yun.

"Wala," sagot ko agad, napapangiti. Crush niya siguro si Dylan. Akalain mo namang sikat pala din sa girls ang best friend ko? Loko 'yun, ah. Huma-heartthrob.

Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Kim sa sinabi ko. "Talaga?"

"Oo, wala. Kasi kung meron, siguradong malalaman ko," sabi ko sa kanya.

Nakangiti din si Nicole. "Sabi ko sa'yo, eh. Nawawalan ka agad ng pag-asa."

"May gusto ka ba na ipasabi sa kanya?" offer ko. Dahil mabait naman si Dylan sa akin at gagawan niya ako ng favor, good mood ako all of a sudden.

"Naku, wala. Nakakahiya naman. Gusto ko lang naman malaman," sagot agad ni Kim.

"Secret lang natin, Arya. Last Friday kasi nakakwentuhan niya si Dylan sa labas ng library—"

"Nicole naman, 'wag mo na kwento. Nakakahiya," sumbat ni Kim. Chinita kasi si Kim, kaya halatang-halata na nagblu-blush na siya.

"Secret lang naman natin," sabi ni Nicole.

"Oo naman. 'Di ko sasabihin, promise," sabi ko sa kanila, with matching cross my heart pa. Kaya bibig, hinay-hinay at preno-preno paminsan-minsan.

"Talaga?" tanong ni Kim.

"Peksman," sabi ko sa kanya.

"Thank you, ah. Mabait ka nga talaga. Matagal ko na kasing crush si Dylan. Tapos last week nga nagkausap kami, kaya nga nakakahiya pero masaya ako," inamin ni Kim.

Ay, for sure, ganyan din ako pag nakausap ko na si Michael. "Naintindihan naman kita."

"Ayan, girl, may pag-asa ka na kay Dylan. At least ngayon confirmed na wala siyang girlfriend. Malay mo, 'di ba?" sabi ni Nicole.

"Sorry, Arya, sa abala," sabi ni Kim sa akin.

"Naku, wala 'yun," sagot ko.

Nagpaalam na sila pagkatapos. Dumating na din ang iba pa naming mga classmates at nagkanya-kanya na ng uwi. Dahil nasa practice pa din si Dylan, wala akong kasabay umuwi ngayon.

Solo flight.

Habang naglalakad na ako pauwi ng bahay at nag-iisip tungkol sa mga bagay bagay, biglang tumunog ang cellphone ko. Ang nasa isip ko talaga ay kung bagay ba si Kim at Dylan. Nagcocompatibility testing na ko. Kaya kaya ni Kim ang totoong personality ni Dylan? Matatanggap kaya niya kung malaman niya na sobrang kalat ni Dylan pag nasa bahay, tapos ang kanyang kwarto ay parang tambakan ng basura? Siguro nabighani din si Kim sa dimples ni Dylan.

Kung ako nga mismo affected pag nakikita ko 'yung mga dimples na 'yun.

So ayun, 'yun ang nasa isip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. May nag-text.

At dahil nga distracted ako, hindi ko na-realize or naprepare ang sarili ko na baka eto na ang pinakahihintay kong mangyari sa buong buhay ko.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro