3rd 💗
3rd 💗
"Oo nga pala, November 1 bukas." Kinaladkad ko 'yung slippers ko papunta sa section ng mga kandila. Medyo sold-out na sila, kaya naubusan na ko ng magagandang shapes at 'yung may fragrance. Naglagay ako ng tig-iisang klase sa basket, para naman may variety.
Bigla akong hinampas ni Lisa, pinsang buo ni Dylan. "Ano 'yan?"
"Kandila. Magtitirik ako bukas," sabi ko, patuloy sa paglalagay ng kandila sa grocery basket.
"Bakit? Sino pagtitirik mo?" tanong ni Lisa. Sinama ko siya na mag-grocery. Saturday naman at parehas kaming walang pasok. Mas bata lang siya ng dalawang taon sa amin ni Dylan at panganay ni Tita Babes, 'yung tita ni Dylan na kasama din niya sa bahay.
Si Dylan sana ang hihilahin ko para bilhin mga inutos ni Nanay sa akin kaninang umaga bago siya pumunta sa meeting nila sa city hall, pero ayaw niyang magpaawat sa paglalaro ng DOTA.
"'Yung love life ko na sumakabilang buhay na. Kahit nasaan man siya, sana masaya siya sa kinaroroonan niya," sagot ko, sabay amoy nung scented candle.
"Ang baliw talaga nito," sabi ni Lisa, pinagtatanggal 'yung mga malalaking kandila sa basket ko at binalik sa rack. "Kahit na Undas pa ang birthday mo, hindi magandang ilagay sa cake ang malalaking kandila. Hindi sila kasya. Eto, birthday candles. 'Yan dapat binibili mo."
Nilagay niya 'yung dalawang packs ng birthday candles sa basket ko. "Lisa, tingin mo, bakit wala pa rin akong love life hanggang ngayon?"
"Hindi mo nalang kasi sagutin si Kuya," sabi niya bigla.
Natulala ako for two seconds. Hindi ko na pinahaba 'yung shock ko kasi baka naman mabuking ako ng pinsan ni Dylan. "Ikaw talaga, lagi kang joke time."
"Seryoso," sabi ni Lisa. "Kayong dalawa ang bagay."
"Sorry, pero si Michael ang gusto ko," sabi ko kay Lisa.
"Si Michael..." inisip niya. Hindi siya masyadong familiar sa seniors. "...teka, si Michael Cojuangco ba ang sinasabi mo?"
Tumango ako, todo ngiti.
Binatukan niya ako. "Ayan. Ayan ang dahilan kung bakit wala ka pang nagiging boyfriend, Arya. Alam mo, ang pag-iilusyon ay dapat tinitigilan din paminsan-minsan."
"Halika na nga sa counter. Makapag-down ka naman ng feelings, wagas," sabi ko, hinila siya papunta sa cashier na walang pila. "Ano ba 'yung binili mo? Cornetto? Akin na nga, libre na kita."
"Salamat!" sabi ni Lisa. "Galante ka ata ngayon?"
"Oo, kahit na inaaway mo ang sincere feelings ko para kay Michael," sabi ko sa kanya habang inuunload 'yung basket ko. Kinain na ni Lisa ung Cornetto niya pag-scan nung cashier.
"Arya, 'wag mong sasabihin kay Kuya, may boyfriend na ko simula nung June," sabi ni Lisa habang ngumunguya ng icecream.
"Sino?" Na-curious daw ako bigla, pero alam na naman namin ni Dylan, kasi ini-spy naming siya one time. Lagi kasing late umuwi pag Friday, kaya sinundan namin last week.
"Pero promise mo na hindi mo sasabihin kay Kuya?"
"Swear."
"Si Andy," sabi ni Lisa, nakangiti.
"'Yun 'di ba ung kasama din ni Dylan sa basketball?"
"Siya nga. Kaya nga wag mong sasabihin kay Kuya, kasi baka awayin niya sa practice."
"Bakit naman niya aawayin?"
"Over-protective kaya si Kuya Dylan," sabi ni Lisa.
Observe ko nga. Sa Monday may practice sila ng basketball. Tignan ko kung inaaway ni Dylan si Andy. Pero alam ko friends 'yung dalawang, paano naman sila mag-aaway?
"Arya?"
"Ha?"
"Bakit natulala ka?"
"Si Michael," sabi ko, habang hinihila siya palabas ng supermarket. Ang bilis ng kabog ng puso ko, parang masisira sa bilis. Nakita ko sila Michael na pumasok ng grocery sa kabilang entrance. May kasama siya, 'yung equally handsome niya na ka-tropa. Pero syempre, para sa akin, si Michael ang pinakagwapong nilalang sa mundo.
"Nakatingin siya sayo, Arya," sabi ni Lisa, hinihila ako pabalik.
"Guni-guni mo lang 'yun," sabi ko, patuloy ang tug-of-war. Ayaw niyang lumabas ng grocery kahit nasa exit na kami. Tsaka paano naman ako marerecognize ni Michael? Suot ko 'yung salamin kong may life forms sa nosepad.
"Ay," sabi ni Lisa, "ayan tuloy. Umalis na siya."
Tumingin ako sa patalikod. Wala na sila Michael. Hinampas ko 'yung braso ni Lisa. "Nakakainis 'to! Ipapahamak pa ko."
"Aray naman. Pwera biro, nakatingin siya sa iyo," sabi ni Lisa sa akin, sabay tapon nung balat ng kinakain niyang Cornetto. "Tingin mo naman jino-joke ka."
"Malamang. Bakit naman niya ako titig-" Napatigil ako. Oo nga pala, ginawa kong kahihiyan ang sarili ko nung isang araw. Kaya siguro namukaan niya ako. Ang babaeng weirdo na nag-hi sa kanya at kulang nalang mahimatay sa tuwa.
"Aba, malay ko."
"Hindi 'yun. Siguro may nakita lang siya sa likod natin," sabi ko kay Lisa. Ayaw ko na i-detail sa kanya ang nangyaring kahihiyan sa akin noong isang araw.
Tumawa si Lisa. Hawig si Lisa kay Dylan, siguro dahil magka-maganak sila. Minus the dimples, para siyang girl version ni Dylan. Kaya siguro magaan din ang loob ko sa kanya.
"Ano namang tinatawa-tawa mo?" tanong ko sa kanya pagsakay naming ng tricycle pauwi.
"Sasabihin ko ito kay Kuya. Matatawa din 'yun."
"Shh!" kontra ko. "Huwag mo ng sabihin. Lolokohin na naman ako 'nun. Hala sige ka, pag sinabi mo, sasabihin ko din na boyfriend mo si Andy."
Umiling si Lisa. "Huwag naman, Arya. Sige na, hindi ko na sasabihin."
Wala siyang alam na alam na ni Dylan. Natawa ako ng konti. "I-pasok ko lang 'yung groceries. Mamaya na ko punta sa inyo."
"Eto." Inabot ni Lisa sa akin 'yung paper bag na hawak niya.
"Salamat ulit sa pagsama," sabi ko, binabalance ang mga paperbags sa braso ko.
"Basta libre," sabi ni Lisa, bago siya tumawid ng kalsada papunta sa bahay nila.
Pag-ikot ko ng doorknob ng bahay namin, bukas pala ang pinto. Hala, nanakawan ba kami? Naiwan ko ba? Nalimas ba ang gamit namin? Lagot.
Habang nagpapanic, nilapag ko 'yung mga groceries sa sala set, tapos kumuha ng silya na ihahampas sa magnanakaw.
May tao sa kusina.
Si Dylan.
"Bakit ka may hawak na silya?" tanong niya, habang sumasandok ng kanin.
"Anak ng tinapa at siopao, patay gutom ka ba?"
"Naglaro kami saglit nila Michael at Troy sa court," sagot ni Dylan, naghahanap ng ulam.
Kumuha ako ng Tupperware sa ref, tapos nagsalin sa microwaveable na bowl at iniligay sa microwave 'yung natirang ulam kagabi. "Kala ko naman nanakawan na kami. Trespassing ka lagi."
"Kakadating ko lang kaya hindi ko pa na-lock 'yung pinto. Gutom na ko. At binigyan kaya ako ni Nanay ng susi. Paano naging trespassing 'yun?" Kinuha niya ung bowl pagkatapos tumunog nung microwave. Tuwang-tuwa 'yung itsura niya habang sumusubo. Lumapit siya sa akin habang nag-uunload ako ng groceries. "Ano 'yang dala mo?"
"Grocery."
"Meron ka bang..." Binaba ni Dylan 'yung hawak niya na plato sa mesa at hinalungkat 'yung dala ko.
"Ano ka ba? May kinakain ka na nga, pati ba naman 'yung grocery ni-raraid mo?" tanong ko, inagaw sa kanya 'yung grocery bag. Andun kasi ang mga sanitary napkins ko at pantyliner. Nakakainis naman ito. Hindi ba pwede may konting privacy man lang?
Pero kahit na may presence ng hygienic pads ang ngayong punit-punit ng grocery bag, hindi pa din napigilan si Dylan sa kanyang paghahanap.
"Ding Dong! Nakita ko din. Sabi ko na, bumili ka."
Iiyakan ko sana, kasi isa lang binili ko. "Hala, akin naman 'yan. Bumili ka ng sa'yo."
"Share tayo," sabi ni Dylan na binuksan na ang Ding Dong bago ko pa naagaw.
Mag-momovie marathon sana ako habang kumakain ng Ding Dong. Asan na ang aking mga pangarap? Asan ang hustisya?
"Naiyak ka?"
Suminghot ako. RIP na ang plano kong movie marathon. "Hindi mo naman kakainin lahat, pero binuksan mo."
Ngumiti si Dylan. Taob na naman ang protesta ko sa dimples niya.
"Bumawi ka sa akin," sabi ko sa kanya, habang kumakain ng green peas. Ang kinukuha lang ni Dylan ay 'yung orange na cracker nuts. Hindi naman niya kinain lahat. Ako umuubos ng mga tinitira niya. "Magpromise ka. Birthday gift mo sa akin bukas. Bigay mo kay Michael number ko sa Lunes."
"Walang pasok ng Lunes."
"Oo nga pala," sabi ko, biglang napaisip. "E, 'di sa Martes."
Nilunok niya 'yung tatlong kutsarang kanin na sinubo niya sa bibig niya. Pagkatapos, sinabi, "Ang ewan naman kasi ng gusto mong mangyari. Paano ko naman ibibigay kay Michael number mo?"
"Pare, eto pala number ng kaibigan ko na model. Text mo. Hayop sa ganda 'yan, pre. Chicks," sabi ko, sabay gaya ng pagsasalita ni Dylan pag kausap niya mga kaibigan niya sa team.
Hagalpak na naman siya ng tawa.
"Ganun kaya kayo pag-naguusap tungkol sa mga chicks," sabi ko.
"Exaggerated ka talaga. May nalalaman ka pang acting."
"Ganun talaga. Kailangan convincing para may marating. O 'di kaya, gumawa ka muna ng conversation. Halimbawa..." nag-pause ako para mag-acting mode. "Uy, pare, may girlfriend ka na ba? Mayroon akong kakilala na type ka. Gusto mong tawagan? Chat chat lang."
"Effort!" sabi ni Dylan, humahagalpak pa din sa tawa. "Nag-demo pa talaga. Chat-chat lang? Ha! Ha! Ha!"
"Eto naman, seryoso, sige na dali."
"At hindi pare ang tawagan naming lahat sa team. Halos kalahati kasi mga half-half," sabi ni Dylan.
"'Di ba ganun kayong mag-usap ni Andy?" tanong ko.
"Si Andy. Ano ka ba, kababata natin 'yun. Laki lang dito," sabi ni Dylan.
"Ahhh... eh, ano pag kina Michael?"
"Dude o 'di kaya bro," sagot ni Dylan.
"Ahh... sosyal pala."
"Demo mo nga ulit pag hindi na pare ang tawagan."
Sinipa ko 'yung inuupuan niyang silya. "Nakakabwisit ka talaga! Inu-uto mo na naman ako."
"Hindi nga. Seryoso." Sabay tawa.
"Bahala ka na. Ikaw na umisip ng diskarte."
"Sige na, ako ng bahala," sabi niya.
"'Di nga?" Nabuhayan ako ng loob. Pumapayag na siya? Hooray!
Serious ang mukha niya. Pero biglang bumawi, sabi, "Try ko isulat ang number mo sa bola, tapos ipapasa ko ng ipapasa kay Michael."
"Abnormal!" Nagalit ako, at tinuluyan siyang itinaob. Naka-regain naman siya ng balance at nakatayo, hawak hawak pa din ang plato na kinakainan niya. 'Yung upuan lang ang bumagsak sa sahig. Lugi. Magaling ang reflexes niya.
"Ayaw mo 'nun? Buong basketball team ang katext mo?" Niloloko pa din ako ni Dylan habang nakain siya.
"Syempre, ayaw ko 'nun. Ang yayabang kaya nung iba. Si Michael lang. Kasi bukod sa mabait siya, sobrang gwapo, cool pa niya... basta 'yung appeal niya ay super. Extraordinary. 'Yung hindi mo makikita lagi-lagi."
"Alam ko naman meaning ng extraordinary," banat niya.
"Ay, sorry. Kala ko grade four pa din tayo," natawa ako bigla. "Naalala mo noon? Lagi kang zero sa vocabulary? Tapos lagi tayong naguusap ng mga iba't ibang words para makabisado mo?"
"Sige, ipaalala mo pa."
"U, nahuhurt siya. Bakit? Childhood trauma ba 'yun?" biro ko.
"Gusto mo sumali pa tayo sa spelling bee ngayon," hinamon ako ni Dylan. Seryoso siya ngayon. Ha. Ha. Nahurt ang pride. "Top seven na kaya ako ngayon."
"Top four ako," sabi ko naman.
"Hindi naman malayo ang four sa seven," sabi ni Dylan.
"Mataas kasi ang average ko sa English," sabi ko, yabang-yabangan.
Tapos na siyang kumain, kaya nilagay na niya sa lababo 'yung plato. "Alam mo 'yung Math exam ko, walang mga red marks. 100 ata nakuha ko."
"Hambog!" sabi ko. "Hugasan mo 'yang plato mo. Isusumbong kita kay Nanay pag hindi ka na naman naghugas ng pinagkainan mo."
"Opo, 'Nay, eto na. Kinukuha ko na ang Scotch Brite," sagot ni Dylan.
"Buti naman."
"Bitter ka lang kasi muntik ka ng sumemplang sa Math," sabi pa niya.
"Oo na," sabi ko, "basta ibigay mo kay Michael ang number ko."
"Sige na. Baka hindi mo na ko mapatawad pag hindi man lang ako nagtry i-set up ka sa crush mo." Tinuyo niya ung mga kamay niya sa pamunasan ng kamay after ibalik 'yung plato sa tauban.
"Alam mo, Dylan, maiinlove ka din. At pag nangyari 'yun, tutulungan din naman kita. 'Wag kang mag-alala," sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin, tapos biglang napa-iling. "Kahit hindi na. Don't worry. I can handle myself."
"Hala, ano ibig sabihin 'nun? What are friends are for?"
"Hindi ko kasi ma-imagine kung anong tulong ang gagawin mo. Hindi rin ako sigurado kung anong kakalabasan ng tulong mo, kaya ako nalang. Bahala na ako dumiskarte. Sa gwapo kong ito, tingin mo hindi ako sasagutin ng mga chicks?" Sabay taas ng mga kilay.
"Alam mo, sasabihin ko lang ito kasi magkaibigan tayo. Dylan, hindi ka kasing gwapo ni Michael. 'Wag kang masyadong katiwala na sasagutin ka ng mga chicks," sabi ko, quoting and unquoting 'yung last word.
"Sige. Hahanap din ako ng love life after kong maset-up ka kay Michael. Tignan natin kung hindi nga ako sasagutin ng liligawan ko," sabi ni Dylan sa akin.
Parang may nasa isip na siyang girl. "Sino?"
"Diskarte, boy. Hindi ko syempre irereveal kung sino," sagot niya.
"Kahit sa best friend mo?"
"Kahit sa iyo pa."
Dapat matuwa ako kasi ibibigay na ni Dylan ang number ko kay Michael. Pero ang weird ko talaga. Nung sinabi ni Dylan na may liligawan siya, kahit hindi ko pa naririnig 'yung pangalan at wala akong idea kung sino, naglungkot ako bigla. Bakit kaya ganun? Takot siguro ako na makahanap siya ng isang girl na mas hihigit pa sa akin.
Best friend lang naman niya ako. Pag sinagot siya ng kung sino man na 'yun, girlfriend siya. Siya na magiging lahat-lahat ng best friend ko.
Asan na ba ung mga birthday candles ko?
"O, ano ginagawa mo?" tanong ni Dylan. Sinundan niya ako papuntang kwarto.
"Magtitirik ng kandila."
"Para naman saan? Bukas pa ang Undas. Tsaka hindi naman maliliit ang kandila na tinitirik. Panglagay 'yan sa cake."
"Marami naman sila kaya ganun din 'yun. All in one. At para ito sa friendship natin. Kasi parehas na tayong magkakalove life tapos maiiba na priorities natin," sagot ko habang nagsisindi ng posporo.
"Aba, confident na sasagutin siya ni Michael."
"Syempre. Kailangan positive thinking lagi," sabi ko.
"Pero alam mo," sagi ni Dylan, sabay akbay sa akin na nagsisindi ng mga kandila, "hindi naman dahil lumalaki na tayo at magkakalovelife, ay hindi na tayo magiging magkaibigan. Papayag ba naman akong hindi kita makulit araw-araw? Kahit si Michael Cojuangco pa 'yan, wala siyang magagawa pag gusto kitang agawan ng Ding Dong."
Napatingin ako sa kanya at napangiti. "Ang saya 'nun, 'di ba? Ang sarap isipin na magiging kami ni Michael kahit sa text lang."
Tinulak niya ko. "Sira. Kala ko naman friendship natin pinag-uusapan natin."
"Eto naman, tampo agad. Dito ka lang, ang cute ng kandila na pinili ni Lisa," sabi ko, hinatak siya pabalik. Sumalampak din si Dylan sa sahig, habang pinapanood namin magsway-sway 'yung apoy sa kandila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro