39th💗
39th💗
"Andito ka?" ang mga unang salita na nasabi ko sa kanya in person after seven years. Napaka-appropriate.
Naguluhan din siya, at unti-unting sumagot habang tumatango, "Tingin ko naman."
"Ibig kong sabihin," natigilan ako at napatungo. Parang may rally sa puso ko, isang matinding rebolusyon na halo ng kaba at pagkabigla. Hindi ko man lang naisip na pwedeng dito sila pumunta kanina nung nakita ko silang lumampas sa may mall.
"May sakit ka ba?" Nilagay niya ang palad niya sa noo ko at tinignan kung may lagnat ako.
Ang classic na way para lalo akong kabahan. Ang normal para sa kanya. Buti nalang hindi ako nautal nung sumagot, "Okay lang ako."
"Parang nag-iba 'yung kulay mo," sabi ni Dylan. At dahil dalawa lang ang silya dito sa table na eto, inangat niya 'yung paa ko at pinatong sa lap niya para makaupo. Paanong parang wala lang? Nalimutan na ba niya na pitong taon na ang lumipas? Kung kumilos siya, tila kahapon lang kami huling nagkita.
"Nabigla lang kasi ako sa'yo. 'Di ko akalain na magkikita tayo dito," sagot ko, naiilang ng kaunti.
"Kala ko nga guni-guni ko lang na narinig ko ang boses mo. Nagrereklamo ka dito sa heels," sabi ni Dylan.
"Eh kasi naman, nakakapagod mag-heels buong araw," reklamo ko.
"Iba nalang sana sinuot mo."
"Maganda kasi. Tsaka sayang naman 'yung bili ko. Para lang din magamit," sabi ko sa kanya.
"Ganito din naman gamit mo sa work, 'di ba?"
"Minsan. Pero mas mababa naman dyan. Four inches kasi 'yan. Sinuot ko 'yan dun sa kasal ni Lou. Natatandaan mo ba siya?"
Nagulat si Dylan. "Si Louisa na kaklase natin?"
"Siya nga! Ewan ko ba, masyadong na-in love sa college boyfriend niya at nagpakasal na sila dalawang taon lang after graduation."
"Buti pumayag parents nila," sabi ni Dylan.
"Ayos lang naman daw kasi tapos na siya. Hindi naman mahigpit parents ni Lou tsaka parehas nasa abroad kaya hindi rin siya masasamahan dito," kwento ko. Tumango siya at nag-agree. "Kayo? Kamusta na kayo ni Tita Mel."
"Okay naman."
"Kamusta naman ang buhay may nanay?"
Ngumiti siya. "Masaya. Maalaga si Mama. Sabi din kasi niya matagal na niyang gusto akong asikasuhin, kaso kailangan talaga niya na umalis."
"Masaya talaga ako for you kasi andyan na ulit si Tita Mel," sabi ko.
"Hindi na pala ako pwedeng kumain ng mga cup noodles ngayon. Napapagalitan na," sabi ni Dylan. "Si Nanay kamusta na? Na-miss na niya ba ako?"
"Naku, sinabi mo pa. Lagi kang tinatanong sa akin," kwento ko. Binaba ko na 'yung mga paa ko at sinuot ulit 'yung heels. Nakakahiya din kasi may nakakita na waiter sa amin. Baka isipin niya ano... wala. Wala pala. Ano ba ang sinasabi ko?
"Bakit mo sinuot uli? Hindi ba sabi mo masakit na paa mo?"
"Ipapatong ko lang naman sa sapatos. Okay na, hindi kagaya kanina," sabi ko.
"Nasa munisipyo pa din si Nanay?" tanong ni Dylan habang patuloy siya sa paglantak sa Ding Dong. Kinakain na din niya 'yung mga mani ngayon at hindi lang 'yung kulay orange. Pero pinipili pa din niya 'yung mga green peas. Ayaw talaga niya kasi 'yun.
"Andun pa din. Malungkot nga 'yun kasi kailangan kong lumipat dito para mag-masteral--"
"Dito ka na nakatira? Kailan pa?"
"Ilang buwan palang," sabi ko.
"Kung nalaman ko lang na maaga, hinunting sana kita," sabi ni Dylan.
"Na-miss mo na ako, ano?"
Napahagalpak siya ng tawa. "Wala ka kasing katulad kaya na-miss talaga kita."
"Ikaw kasi, hindi ka man lang nagkaroon ng time para umuwi sa atin," sabi ko na tila nagtatampo.
"Dapat after graduation uuwi ako, kaso lang na-confine si Mama ng ilang araw sa hospital. Hindi ko maiwan."
"Talaga? Naku, ano nangyari?"
"Na-dengue. Lagi ngang nauudlot kapag uuwi ako. Tagal tuloy natin hindi nagkita," sabi ni Dylan.
"Ariane!" may tumawag.
Dumating na si Justine at nagaalangan siyang lumapit sa table. "Dumating ka na din sa wakas. Justine, si Dylan pala, kababata ko. Nagkita kami dito."
"Hi," sabi ni Dylan sa kanya.
Lumapit si Justine at nag-hi din. "Hello."
"Paano? Iwan ko na muna kayo at baka hinahanap na din ako ng mga kasama ko," sabi ni Dylan. Tumayo siya at binigay ang upuan kay Justine.
"Ganun ba..." Teka, this is it na ba? Aalis na siya? Pero... pero ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Na-miss ko talaga kwentuhan namin. Kailan kami ulit magkikita?
"Pahiram ng phone mo," sabi ni Dylan.
"Phone ko?" tanong ko habang kinukuha sa bag. "Lowbatt ka ba o..."
"Nawala kasi phone ko kaya nagpalit ako ng number. Text kita mamaya," sabi ni Dylan habang nilalagay niya sa phone ko ang number niya. Pagkatapos, pina-ring niya 'yung cellphone ko.
Inabot na niya ulit sa akin 'yung phone. Ngumit ako at sinabi, "Ah, sige."
Nag-wave siya at umalis.
"Habol habol mo talaga ng tingin?" sabi ni Justine na inoobserbahan ako.
"'Wag ka nga," sabi ko.
"Ang cute niyo nung kababata mo, para kayong magkapatid sa sobrang close," sabi ni Justine.
"Matagal na kasi kaming magkakilala," sagot ko.
"Parang may gusto 'yun sa'yo," sabi ni Justine.
"Ha? Siya?"
"Oh, I see," sabi niya na tila may nalaman. "May gusto ka din sa kanya, ano?"
"Bakit?"
"Feeling ko lang kasi sobrang saya mo tapos parang nahihiya ka sa kanya."
"Kasi matagal na kaming hindi nagkikita," sabi ko.
"O, siya, sige sabi mo. Order na tayo at gutom na din ako," sabi ni Justine.
"Buti pa nga," sagot ko at tinawag ang waiter.
"Kuya!" sigaw ni Justine. Mas beastmode siya sa akin. Mas malaki ang gutom.
Lumapit 'yung waiter sa table namin at binigyan kami ng menu. In fairness, natakam ako sa mga pictures. "Parang gusto kong ordering lahat."
"Go," sabi niya. "Kung yayamanin ka today, why not?"
"Kuya, laing nga," sabi ko sa waiter.
"Bakit nauwi sa laing ang order mo?" natatawang tanong ni Justine pagkaalis ni kuyang waiter.
"Nagtitipid kasi ako, ganun talaga," sabi ko.
Habang nakain, nagkwekwentuhan kami ni Justine tungkol dun sa boyfriend niya. "Nagkita naman kami last week, kaso gusto niya parang every day magkita kami."
"Dun na kamo siya tumira sa bahay niyo kung ganun."
"Ayun nga!" agree ni Justine. "Kapag hindi kami nagkikita, feeling niya hindi na siya mahalaga sa akin at--"
"Alin?" tanong ko kasi natigilan siya. Nakatingin siya sa may likuran ko.
Lilingon na sana ako nung may naramdaman akong kamay sa may balikat ko. "Arya, alis na kami."
Pagtingin ko, si Dylan pala, nagpapaalam. Tumingin ako sa likod niya at nakitang tinutukso siya nung isa niyang ka-work na kausap niya kanina. "Pakilala mo naman kami, Dylan!"
"'Wag mo nalang pansinin," sabi ni Dylan sa akin. "Ganyan lang talaga 'yan."
"Tapos na kayong kumain?" tanong ko sa kanya.
"Oo, paalis na din," sabi ni Dylan at may bigla siyang naalala. "Magkasabay ba kayong uuwi?"
"Naku, malayo boarding house ni Arya sa bahay namin," sagot ni Justine agad-agad. "One hour pa biyahe nyan."
"Okay lang ako, ano ba. Maaga pa naman. Bye," sabi ko kay Dylan, "ingat kayo pag-uwi."
"Gabi na kaya. Gusto mo ba ihatid kita?"
"Oo, gusto niya nun!" sabi ni Justine. Bakit ba siya ang nasagot sa mga tanong ni Dylan?
"Okay lang, don't worry. Carry na carry ko ang umuwing mag-isa," inassure ko siya.
"Tapos na kaming kumain. Uwi na din tayo, Arya. Hatid mo na siya, kababata ni Arya," sabi ni Justine at nagmamadaling tumayo at kinuha ang mga gamit niya.
"Saglit lang, nahihirinan pa ako. Tubig," sabi ko at humingi sa waiter ng tubig. Pumunta si Dylan sa mga kasama niya at may sinabi. Sinamantala ko na para i-confront si Justine, "Ano ba 'yun? Bakit mo pinipilit na ihatid ako ni Dylan?"
"Bagay kasi kayo. Tsaka may gusto 'yan sa'yo, ipusta ko pa relasyon namin ng needy kong boyfriend," sagot niya sa mahinang boses. "'Wag ka na kasing pakipot. Hahatid ka lang naman. Kilala mo naman 'yung tao. Wait, andyan na siya. Shh na..."
"Saan pupunta 'yung mga kasama mo?" tanong ko kay Dylan kasi umalis na 'yung mga ka-work niya.
"Sabi ko ihahatid kita kaya umuna na sila," sagot niya.
Shucks. Bumalik na naman 'yung kaba ko. "Sige, mukhang desidido kang samahan talaga akong umuwi. Go na tayo kasi baka gabihin pa lalo."
"Paano? Uuna na ako. Dito lang ako sasakay sa may labasan," sabi ni Justine.
"Sige, ingat ka pauwi," sabi ko.
"Kita ulit tayo next time," sabi ni Justine. "Nice meeting you, Dylan!"
"Ikaw din. Ingat!" sabi ni Dylan.
"Alas nuebe palang naman. Pasyal pasyal muna kayo," dagdag ni Justine bago siya tuluyang nagpaalam at umalis.
Tinanaw namin siya habang pasakay ng jeep. Pagkasakay niya, tanong ni Dylan, "May pasok ka bukas?"
"Wala. Ikaw?"
"Wala din," sabi niya habang naglalakad kami papuntang bus stop. "Bakit hindi ka sinundo ng boyfriend mo?"
"Ha?" Parang out of nowhere 'yung tanong. Parang kanina lang, pinapanalangin ko na magka-lovelife na ako. Boyfriend agad-agad? Parang instant noodles lang? "Ay, baka din ma-misunderstood ng girlfriend mo na hinahatid mo ako."
"Walang magagalit," sabi niya. Shucks, hindi talaga ako sanay na ganito. Bakit parang kinonfirm lang niya kung may special someone ba kami. 'Yung kilig ko pang-high school. Tipong nangingiti ako pero ayokong magpahalata.
"Talaga ba? Parang hindi ako naniniwala na wala kang girlfriend sa gwapo mong 'yan," sabi ko.
"Ikaw din kaya. May inaantay ka ba?"
"Wala," deny ko agad. "Kanina nga, alam mo ba, ready na akong maghanap ng lovelife. Parang nagkaroon ako ng sudden realization na this is the moment."
"Kailangan talaga may sudden realization?"
"Oo kaya. 'Yung tipo ba na nagising ka one day tapos biglang magfaflashback lahat ng nangyari sa buhay mo at maiisip mo na oo nga, parang eto na ang tamang panahon na i-consider na magkaroon ng special someone."
"Ganun ba 'yun?"
Tapos bigla akong may naalala, "Oh shucks, nakita ko pala si Michael. Sabi niya hi daw."
"Si Michael? Nagkita kayo?"
"Oo, nagkasalubong. Kasama niya 'yung girlfriend niya. Hinahanap ka nga sa akin, tapos sabi ko matagal na tayong hindi nagkakausap. Well, until now pala."
"Kamusta naman siya?"
"Okay naman, ganun pa din at sobrang gwapo," dinescribe ko.
"Crush na crush mo 'yun dati, 'di ba?"
"Ang awkward nga kasi parang hug person siya tapos nung nagkita kami biglang nagfriendly hug siya sa akin. Kala ko kasi hanggang ngayon galit pa din siya."
"Matagal na 'yun. Limot na niya siguro ang nangyari," sabi ni Dylan.
"Nakakatawa nalang isipin na patay na patay ako sa kanya before. Alam mo ba, bigla pala siyang nag-appear nung exact moment na naisip ko na maghanap ng lovelife."
Nilinaw niya, "Sa mall ka ba nag-attempt na maghanap ng lovelife?"
"Syempre, oo. Tumambay ako dun at nagtitingin-tingin. Window shopping," sabi ko at natatawa. "Nag-aantay lang ako ng sign na this is it na."
"Tapos dumating ako? Arya, eto na talaga ang sign," sabi ni Dylan, parang hinihikayat ako.
"Oo, eto na 'yung bus," sabi ko sa kanya at tinuro 'yung paparating na bus.
"Ano ba ideal type mo?" tanong ni Dylan habang naakyat kami ng bus. Buti nalang may bakante na dalawang upuan na magkatabi kaya nakaupo kami.
"May naisip na ako kanina. Teka, ano nga ulit 'yun," sabi ko habang nirerecall 'yung kanina. "Gwapo, matangkad, mabait--"
Tinaas niya ang kamay niya. "Parang napaka-standardized naman nyan."
"O siya, 'yung walang criminal record. Hihingian ko ng NBI," sabi ko sa kanya.
Habang tumatawa, sabi niya, "Ano, HR?"
"Better safe than sorry."
"Nasa HR namin 'yung NBI ko, pero expired na ata 'yun," sabi ni Dylan.
Tinignan ko siya with matching panlalaki ng mata. "Tapos?"
"Baka pwedeng mag-apply," sagot niya, with matching ngiti at automatic na labas ng dimples.
Maliit ang mundo para sa mga taong nais pagtagpuin ng tadhana. Walang pinipiling oras at kusang dumarating siya sa buhay natin. Minsan nga, kahit na na-give up mo na, babalik at babalik sa'yo.
Siguro ganun talaga kasi siya ang para sa iyo. Umikot man ang mundo at magpatuloy ang ating mga buhay, magkakatagpo kayo pagdating ng tamang oras.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro