38th💗
38th💗
Ready na talaga ako.
As in, this is the moment na pinapangako ko sa sarili ko na iisipin ko na ang buhay pag-ibig. Ilang buwan na din simula ng lumipat ako sa Manila at nagturo sa isang university. Ginawa ko lang naman eto kasi nagmamasteral na din ako.
Oo, kasabay ng desisyon ko na magbalik-loob sa pag-ibig ay ang pagmamasteral ko. Pero kung hindi pa ngayon, kailan? Kung hindi ngayon, bakit? Kung hindi ngayon, paano na ang tigang kong puso?
Okay, hindi naman totally tigang, kasi nagkakacrush pa din naman ako. Si ChemEng tapos 'yung isa naming prof. Pero, hindi naman 'yun maituturing na lovelife kasi hindi nga nila ako kilala.
Gusto ko na ng for real. This is it. This is the moment, ganun.
Pero kailangan ko ng sign. Kailangan ko ng go signal. Makikita ko siya today. Naniniwala ako. As in sobra. Kapag nangyari 'yun, this is it talaga.
Kaya pagkatapos ng inattendan kong seminar, pumunta ako sa mall at bumili ng milktea sa Dakasi. Pagkatapos, umupo ako sa bench at nagabang sa mga dadaan. Kailangan madaming tao para more chances of winning.
Question no. 1: Ano ba ang hinahanap ko sa isang lalake?
May dumaan na gwapo, tipong maganda ang bihis at malinis tignan. Feeling ko mabango din siya. Kaso nga lang biglang pumilantik ang daliri.
Okay, moving on.
Siguro dun tayo sa basic na ang hinahanap ko ay lalake, may regular na trabaho at hindi kriminal. Tipong makakapag-provide ng NBI at CENOMAR. Mahirap na sa panahon ngayon, hindi mo na alam kung sino ang nanloloko sa hindi.
Tapos 'yung may sense of humor.
Mabait sa magulang.
Gwapo.
May dimples.
Maganda 'yung smile.
Sincere 'yung mga mata.
Matangkad.
May-ari ng isang kompanya.
Anak ng bilyonaryo.
Naka one-time bigtime sa lotto.
Presidente ng Pilipinas.
Kaso pala masyado ng matanda 'yung huli para sa akin. Ideal age ko 'yung mas matanda sa akin ng five years, ganyan. Tapos matured ng mag-isip at makakapagdesisyon na para sa sarili.
"Ariane?" may tumawag sa akin.
Nahirinan ako ng very light sa milktea na iniinom ko. Paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko. "Michael Cojuangco?"
"It's you! Kala ko namamalikmata lang ako," sabi niya.
Tumayo nalang ako at nag-hi. Paano ba? Kasi parang papunta sa--
Okay, carry lang. Nauwi lang naman sa friendly hug. Ganun pala 'yun. Hindi naman ako informed na pag nagkita ulit kayo ni ex ay pwede kayong mag-hug ng walang malisya at hindi ka niya i-chochoke dahil sa bad breakup niyo.
After the hug, tinanong niya ako, "How are you? It's really nice seeing you again."
"Okay lang naman. Ikaw, kamusta?" tanong ko sa kanya. Tadhana, hindi naman siguro si Michael Cojuangco ang plano mo para sa buhay ko, ano? Medyo sure naman ako na wala na akong feelings sa kanya. Wala na ngang effect sa akin kahit ang gwapo pa din niya at perfect smile pa din siya at para siyang model. I officially became manhid to his charms.
"I'm doing great. What are you doing here? Dito ka na ba nakatira?" dagdag niya.
"Nag-attend naman ako ng seminar malapit dito. Medyo malayo-layo ng kaunti 'yung trabaho ko from here."
"How's Dylan?"
"Si Dylan?" inulit ko.
"Did I ask the wrong question?"
"Hindi naman," sagot ko. "Ang tagal na din simula ng huli kaming nagkita ni Dylan."
"Talaga? I thought..." napatigil siya sa sasabihin niya. Pagkatapos, inaba nalang ni Michael 'yung topic. "I came here with my girlfriend. Speaking of which, eto na siya..."
Lumapit ang isang napakagandang babae at tumabi kay Michael. "Hey, babe."
"Kat, I want you to meet Ariane. We attended the same high school," sabi ni Michael.
"Hi!" Nag-wave ako sa kanya.
"It's nice to meet you," sagot ni Kat.
"You two look good together, as in para akong nakatingin sa isang magazine cover. Saan kayo nag-meet?" tanong ko.
Tumawa si Kat. "Thank you. You're very nice."
"Nakilala ko siya noong college. Tourism siya then Management ako. We had some mutual friends na pinakilala kami sa isa't isa," sagot ni Michael at tumingin siya sa relo niya. "Sorry, Ariane, we would love to stay, pero we're going to have dinner with her parents. Send my regards to Dylan and our other classmates if you're still in touch with them."
"Sige, sabihin ko nalang," sagot ko.
"It's nice meeting you, Ariane," sabi ni Kat.
I nodded at pinanood silang umalis. Kala ko talaga magkakabalikan sila Michael at Carla, but some things are not meant to be siguro. Kung para sa iyo, sa iyo. Kung hindi, ganun talaga.
Naalala ko tuloy nung nag-break kami ng super crush ko na si Michael Cojuangco. Ang weird nga kasi hindi ko akalain na time would heal all wounds at magkakausap na ulit kami ng parang normal lang at walang nangyari.
Kasi naman, as in nauwi sa sigawan 'yung away namin that day. Selos na selos kasi siya kay Dylan. Aminado naman ako na confused talaga ako at that time. Hating-hati ang puso ko. And in the end, mas matimbang ang bestfriend kong si Dylan Lopez. Kamusta na kaya 'yung ugok na 'yun?
Pero ngayon, siguro naman hindi na magiging reason 'yung issue na 'yun sa quest ko sa paghahanap ng lovelife. Ang tagal na din simula ng huli ko siyang nakita. Wala ng communication. Dati, solid kami sa paguusap. As in araw-araw halos. Hanggang sa naging busy. Isang linggo na bago maka-reply. Isang buwan. Hanggang sa umabot na sa isang taon at sa birthdays nalang kami nagbabatian.
Hanggang sa nawala.
Nang maka-graduate na ako at nagkaroon na ng oras, naisip ko rin na i-chat si Dylan. Kaso siya naman ang busy kasi graduating. After niyang maka-graduate, hindi ko din alam. Baka kasi hindi na tulad ng dati.
Pagaalinlangan na nauwi sa hiya at umabot sa wala. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan from work. Speaking of, magkikita nga kami Justine mamaya. Sabay daw kaming mag-dinner. Ka-trabaho ko siya before ako lumipat dito sa Manila. Nauna lang siyang umalis. Na-miss ko nga din ang kabaliwan nun.
Pagkaubos ko ng milktea na iniinom ko, tinext ko si Justine na dalhan ako ng tsinelas. Nakalimutan ko kasi at ngalay na ngalay ako sa suot kong high heels. Kung hindi lang dahil sa seminar, hindi ko tiya-tiyagain na suotin eto. May naiwan kasi akong tsinelas sa kanila nung huli niya akong imbitahin sa kumain dun. Nakisuyo nalang ako na bitbitin na din niya.
Tumayo ako at shinoot ang cup ng milktea sa basurahan. Sumala eto, unfortunately. Kaya kinailangan ko na puntahan eto at pulutin.
Pagkalagay ko sa basurahan nung cup, may dumaan sa may labas ng glass wall ng mall. May mga kasama siya. Isang grupo sila na naglalakad.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit? Bakit ako nagkakaganito?
Pagkakaalam ko nga, malapit lang dito ang pinagtatrabahuhan niya. Hindi ko naman inakala na makikita ko siya out of nowhere.
Should I say hi? Tipong habulin ko sila tapos... tapos, ano? Kung sana nakita niya din ako, baka hindi pa masyadong awkward.
I-text ko kaya. Paano? Sasabihin ko na: Uy! Nakita kitang dumaan!
Shucks. Paano kung bumalik siya dito at kausapin ako? Parang nagra-racing ang puso ko. Masigasig etong tumitibok sa kaba.
Oh, my gulay. Bakit ba ako kinakabahan?
Hindi ba ready na nga ako? Ready na ako to start a new life? I mean, new lovelife? Alam kong merong kaming naudlot na malabong pagkakaibigan noon. Mga ano, 7 years ago. Kamusta naman ang lumipas na panahon? Hopeless case na 'yun.
Okay fine, hindi ko talaga kaya. Na ano, makita siya at makausap. Siguro kung hindi face to face, feeling ko okay naman ako. Okay lang ako. Pero iba pala kapag andito na siya sa harap mo.
Feeling ko mauutal lang ako sa kaba. Whatever happened to moving on? Nakakaiyak.
Nangangako nalang ako--to make up for this--na one of these days, pag talagang ayos na ayos na ako, ako na ang magiinitiate na kitain siya and usap-usap lang. Hay, sige na nga, tsaka nalang ako magpapakaready to look for lovelife kong sumakabilang buhay na ata talaga.
Magpapakabusy na muna ako sa masteral at trabaho.
Pero, lovelife, sakaling darating ka, open for negotiations naman ako. Baka may something lang sa milktea at nagkakaganito ako.
Pumunta ako sa grocery at bumili ng Ding Dong kasi 'yun ang feel kong kainin habang nagaantay kay Justine. Bukod sa gutom na talaga din ako, stress reliever ko na ata ang pagkain ng Ding Dong.
Sa may restaurant malapit dito daw kami kakain. Eto kasi 'yung resto ng favorite niya na artista. Nagbabakasakali siya na makita eto.
Doon ako sa may parang veranda na entrance dumaan kasi nag-CR muna ako. Nakakain na din ako dito before, kasama din si Justine. Loyal siya dito, eh.
Umupo ako sa may labas kasi dito mahangin. Walang ibang tao kasi hindi naman puno sa loob. Pa-closing na din kasi etong restaurant. Baka sa tagal ni Justine dumating ay maabutin kami ng closing.
Tinanggal ko na ang heels ko at wala ng pakielamanan eto. Bahala sila kasi talagang masakit na ang mga paa ko. Tinaas ko ang mga binti ko sa isa pang silya, underneath naman ng lamesa kaya effort kung may titingin pa.
Habang nakain ako ng Ding Dong, tumawag si Justine.
Sinagot ko 'yung phone, "Saan ka na?"
"Malapit na," sagot ni Justine. "Nandyan ka na ba?"
"Oo, andito nga ako. Saan ka na ba? Nadala mo ba 'yung slippers? Ngalay na ngalay na ako sa heels kong suot. Tinanggal ko na nga at dito nalang sa may labas nagaantay para naman hindi nakakahiya."
"Almost there. Dala ko 'yung slippers mo, don't worry," sagot ni Justine.
"Gusto kong makausap kung sino man ang nakaimbento ng high heels. Hihingan ko ng paliwanag kung bakit niya kailangan tayong itorture ng ganito."
"Bes, tiis ganda ang tawag dyan. Wala naman kasing pumilit sa'yo na magsuot ng high heels."
"Tiis ganda nga naman. Saan ka na? Baka naman hindi ka pa naalis sa inyo? Ubos na etong Ding Dong na kinakain ko," sabi ko.
"Jeep na ako. Traffic lang ng kaunti. Mga ten minutes siguro andyan na ako. Relax ka lang dyan at enjoy the view."
"Ano pa nga ba ang magagawa ko?"
"O, siya, babush. See you!" sabi ni Justine at binaba na niya ang phone.
Nilalagay ko sa bag 'yung cellphone ko nang may kumuha ng Ding Dong na pinatong ko sa may mesa. At sa lahat ng coincidences sa mundo, eto na ang pinaka nakakagulat. Nung tumingin ako sa kanya at nag-meet ang mga mata namin, ngumiti siya--with matching dalawang dimples sa ilalim ng lips niya--at tinanong, "Pwede ba mahingi 'yung orange?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro