Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

37th🏹

37th🏹   

Patuloy sa pagtunog ang cellphone ko, pero hindi ko nalang pinapansin. Kakatapos lang kasi ng graduation at lahat ay pinapasa ang message na Congratulation! or Thank you for the last five years! and so on.

Binuksan ko nalang ang laptop ko. As expected, maraming naka-tag sa akin na pictures. Mamaya ko nalang rereviewhin. Ang masama lang, kapag nakalimutan, next year ko na ulit eto makikita.

Balak ko na sanang i-open 'yung bago kong nilalaro ng bumaba si Mama mula sa second floor at sinabi, "Anak, mag-post ka nga din ng graduation picture mo. Gusto lang makita ng mga tita mo."

Sa totoo lang, wala talagang laman ang Facebook ko bukod sa mga random na bagay na naiisipan kong i-post paminsan-minsan. Wala na din sana akong balak mag-post ng gradpic katulad ng iba o paltan ang limang taong profile picture ko ng aso naming si Speedo. Pero dahil request ni Mama, pagbigyan.

"Mag-comment ka, Ma, ha," sabi ko habang hinahanap 

"Kagaya ng dati," sagot ni Mama. Abala siya sa may kusina at inaayos 'yung mga ilalagay sa ref.

Pagkapost ko, nakanotif kay Mama kaya agad niyang binuksan ang cellphone niya at, as usual, naglagay ng comment na: Ang gwapo talaga ng anak ko, manang-mana sa nanay. I'm proud of you, anak! ❤️ 

Pagkatapos kong magpalit ng profile pic, tumayo ako at tumingin ng makakain sa re. Merong leftover na cake at 1.5L na Coke. Nagsalin ako ng isang baso tapos dinala ko sa may coffee table sa sala.

"Gabing-gabi na nagco-Coke ka pa," sabi ni Mama.

"Minsan lang naman po."

"Ikaw na maghugas ng pinagkainan mo, ha. Aakyat na ako at magpapahinga," sabi ni Mama.

"Sige po," sagot ko.

May lumabas na notification at tinignan ko.

Arya: Ang gwapo naman! Congratulations! :)

Aba, ang tagal ko ng hindi nakakausap at nagkikita neto. Simula kasi noong lumipat kami dito sa Manila at tumira sa condo, hindi na nagkaroon ng chance para makauwi kami ni Mama dun sa naiwan naming bahay. 

Five years na din nung huli ko siyang nakita. Ang huli kong nalaman dahil sa Facebook ay nagtatrabaho na siya as a high school teacher. Sabi ko na, inspirasyon talaga neto si Ms. Matimtim na teacher namin dati sa Halimuyak High School. 

At kagaya nga ng sabi niya, stressed na stressed siya sa trabaho at bihira lang nakakapagpost ng ibang bagay bukod dun. Ano na kaya ginagawa niya ngayon? 

Dylan: Thank you. Long time no talk, ah. 

Arya: Sinabi mo pa! Busy masyado sa work. Don't worry, mararanasan mo na din eto soon pag may trabaho ka na hahahaha

Dylan: Nakalimutan ko palang banggitin, pero kala ko dun ka din sa school natin dati mag-aapply. *smirk*

Arya: Friend mo ba si Ms. Matimtim? Lagot ako dun pero ayun nga, ayoko naman dun kasi syempre nakakailang. 

Dylan: Naku miss mo lang kamo ang favorite teacher mo.

Arya: Ano ka ba, naiintindihan ko na kung bakit siya ganun sa atin before. 

Andy: Aba! Andito ang dalawang mag-jowa... or mag-ex. Ano ba kayo dati? 

Arya: Bestfriend ko 'yang si Dylan! 'Wag ka nga!

Dylan: Andy! Buhay ka pa pala.

Andy: Ang sama ng ugali neto. Syempre naman. Hindi mo ba nababalitaan kay Lisa?

Dylan: Tagal na din naming hindi nakakapagusap.

Arya: Stranger na kaya 'yan si Dylan dito sa atin. 

Dylan: Grabe kayong magtakwil ng tao.

Lisa: Gawa ko kayo chatbox??

Arya: Hahahahahahahaha! O, siya, dyan na nga kayo. It's nice talking to all of you again! Miss ko na kayo! Akalain niyo 'yun?

Andy: Umuwi ka naman dito, pre. Reunion tayo.

Dylan: Titignan ko. 

Dylan: Arya, ganun pa din ba dyan?


Hindi na siya nag-reply. Pagkatapos ng ilang minuto, nag-post na siya ng ganito:

Nagalinlangan ako kung magiiwan ba ako ng comment, kaso puro pangaasar lang ang naiisip kong ilagay. Kawawa naman si Arya. Mukhang pagod na pagod na sa ginagawa niya. 

Binuksan ko nalang 'yung nilalaro ko at nag-games. Inabot na pala ako ng madaling araw. Kung 'di pa nagising si Mama at uminom ng tubig, baka hindi ko na din napansin ang oras--na sadyang kay bilis at tila ba lumilipas sa isang saglit.

***

2 years later

"Dinner! Finally! Nahabag din si boss at naisipan tayong pakainin sa labas," sabi ni Mark, katrabaho ko at kapwa programmer.

"Sakit sa ulo nung diniscuss sa meeting," sabi ko. Naglalakad kami papunta sa mall, kung saan madalas kumain ang team namin. 

"Hindi ko nga alam kung bakit ko pinili etong trabaho na 'to," sagot ni Mark.

"Ano? Magre-resign ka?"

"Syempre hindi, bro. Tiyagaan lang," sabi niya. Tumunog ang cellphone niya at binasa niya ang text. Nagreply siya ng mabilis tapos napabuntong-hininga. "Away na naman."

"Si Trisha?"

"Sino pa ba?" tanong niya.

"Hindi ba 'yung taga--"

"Hoy, walang ganyanan! Isang text lang 'yun tapos wala na," sagot ni Mark.

"Ayos mo kasi," sabi ko sa kanya.

"Tama na nga sa lovelife ko. Ikaw ba, kailan mo balak ligawan 'yung nasa 5th floor?" 

"Sino?"

"'Yung maganda sa building natin na may crush daw sa'yo," sabi ni Mark.

"Hindi ko maalala."

"Kunwari pa 'to. Lagi nating nakakasabay 'yun sa elevator."

"Ah, 'yung si 711," sabi ko. Naalala ko na. Lagi kasing may bitbit na paper bag ng 711 'yun.

"That's right! Kailan ba? May number ka na ba nun?"

"Wala," sagot ko.

"Hindi mo pa din hinihingi?"

"Tsaka nalang," sabi ko.

"Ano ba mga type mo?"

"Type ko?" sabi ko at napaisip. "Gusto ko 'yung hindi boring kasama at masiyahin."

"Ah, ganun pala tipo mo. Malay mo, si 5th floor pala ay nagsa-side line sa comedy bars."

"Mukhang tahimik 'yun."

"Bro, may trabaho na tayo. I'm sure kahit mama mo matutuwa na magka-girlfriend ka na," sabi ni Mark.

"Ikain mo lang yan, Mark. Gutom lang 'yan," sagot ko. Nauna 'yung iba naming kasama at nakasunod lang kami ni Mark. Lumiko sila sa isang Filipino restaurant imbis na pumasok sa mall. "Mukhang ibang resto tayo ngayon."

"Nagsawa na din sila. Parehas pa din namang pagkain 'yan. Kape nalang tayo mamaya," sabi ni Mark.

"Sabagay," sagot ko.

First time naming kumain dito, pero dahil mukhang gutom na ang lahat, inorder nalang nila kung ano 'yung nasa group meal. Tinignan ko 'yung place, maganda ang ambiance at may pagkaluma ang disenyo. Isang sikat na artista daw ang may-ari neto.

"CR lang ako," sabi ko. Hinanap ko 'yung banyo at hindi ko pa makita nung una kaya nagtanong ako sa waitress.

"Sir, andun po sa kabilang dulo," sagot niya.

"Thanks," sabi ko. Maraming paintings at antiques na nakadisplay sa restaurant. Collector siguro 'yung may-ari. He has a good eye.

"Oo, andito na nga ako," narinig ko paglampas ko sa may balcony. Parang pamilyar 'yung boses kaya napatigil ako. "Saan ka na ba? Nadala mo ba 'yung slippers? Ngalay na ngalay na ako sa heels kong suot. Tinanggal ko na nga at dito nalang sa may labas nagaantay para naman hindi nakakahiya."

Pero siya nga ba 'yun?

"Gusto kong makausap kung sino man ang nakaimbento ng high heels. Hihingan ko ng paliwanag kung bakit niya kailangan tayong itorture ng ganito," sabi ng boses. Pagkatapos, tumawa siya. "Tiis ganda nga naman. Saan ka na? Baka naman hindi ka pa naalis sa inyo? Ubos na etong Ding Dong na kinakain ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro