35th🏹
35th🏹
"Binili mo!" sigaw ni Arya nung iabot ko sa kanya 'yung gift ko habang nasa sasakyan kami papunta sa restaurant.
"Galing mo naman. Hindi mo pa nga binubuksan, alam mo na ang nasa loob."
"Kasi hindi ka naman mahilig magtingin sa mall. 'Yung una mo na makita, 'yun na kadalasan ang kukunin mo." Binuksan ni Arya 'yung papel na balot. Tuwang-tuwa siya na makita 'yung pouch sa loob. Tumingin siya sa akin at abot tenga ang ngiti. "Thank you!"
"Masaya na ako at nagustuhan mo," sabi ko.
"Ay, eto pala," sabi ni Arya at sabay abot nung tinatago niya na paper bag sa gilid ng upuan.
"Salamat. Sabi ko na, hindi mo ako matitiis," sabi ko. Kinalog ko ang paper bag at parang alam ko na ang laman. Nilabas ko 'yung tshirt at iniladlad. Collector's edition na shirt ng paborito kong game sa PSP.
"Ikaw pa ba?" sabi ni Arya.
"Suot ko 'to bukas."
"Agad agad?"
"Gusto mo ngayon na?" tanong ko, nakaakmang magtanggal ng polo shirt.
"Ewan ko sa'yo," sabi ni Arya at hinampas ang kamay ko.
"Andito na tayo," sabi ni Mama.
"Baba na kayong dalawa," dagdag naman ni Nanay.
Nauna silang pumasok sa may restaurant. Pagbaba, nagunat ng kaunti si Arya. Ang trapik kasi papunta dito.
Sinundan namin sila Mama na nakaupo na sa table. Tinitignan na nila 'yung menu. Bihira lang kami magpunta dito sa restaurant na eto, kapag lang merong special occassion.
Habang nagaantay kami ng pagkain, tinanong ako ni Nanay, "Saan mo ba balak mag-enroll, Dylan?"
"Hindi ko pa po alam," sagot ko.
"Siguro sa Manila nalang, anak," sabi ni Mama.
Napatingin ako kay Mama. "Manila po?"
"Baka kasi matuloy ang paglipat namin doon sa isang buwan sa mga lola ni Dylan," paliwanag ni Mama sa amin.
Nagulat ako sa balitang eto. Hindi pa eto nababanggit ni Mama sa akin sa Skype or kahit pagdating niya. Lilipat kami sa Manila?
"O, aalis pala kayo. Paano na ang bahay niyo dito?" tanong ni Nanay.
"Kay Baby ko na muna iiwan. May pinaplano din kasi kaming business nung mga kaibigan ko. Baka umpisahan na namin 'yung itatayo naming clinic. May nakita na silang rerentahang place sa Maynila. Aasikasuhin nalang namin 'yung mga permits at licenses," sabi ni Mama.
"Hindi ka na ba babalik sa abroad?"
"Baka hindi na, Janine. Nagpaalam na din ako sa employer ko," sabi ni Mama. Lumingon si Mama at pinatong ang kamay niya sa akin. "Hindi ko pa nga eto nasasabi kay Dylan."
"Dito ka na, Ma?"
"Oo, anak," sagot ni Mama. "Nakaipon na naman ako para sa pagaaral mo at para makapagtayo ng magiging kabuhayan natin."
"Arya, wala kang gana?" tanong ni Nanay.
Tumingala si Arya mula sa pagkakatitig niya sa kinakain. "Po?"
"Nagulat ka ba, Arya?" tanong ni Mama sa kanya.
"Medyo po. Pero para naman po eto sa inyo ni Dylan. Okay nga po na makakasama na niya ulit kayo," sagot ni Arya.
"Ang layo lang ng Maynila dito. Mami-miss ko din 'yan si Dylan," sabi ni Nanay.
"Ako din po, 'Nay," sabi ko.
"Magkikita pa naman tayo lahat ulit kapag bakasyon," sabi ni Mama.
Nabanggit na ni mama na may plano silang magtayo ng isang clinic nung mga kaibigan niya na nakilala niya sa trabaho abroad. Ang hindi ko lang alam ay ngayong taon na pala mangyayari 'yun at lilipat na kami sa Manila.
Paguwi namin, dumiretso kami ni Arya sa may playground. Sumakay siya sa swing at wala masyadong kibo.
"Ano iniisip mo?" tanong ko sa kanya.
"Aalis ka na pala next month," sabi ni Arya.
"Nagulat din ako."
"Ang saya saya pa naman natin kanina sa graduation tapos may ganitong balita. Nakakagulat, oo. Pero para din naman sa ikabubuti mo eto kaya ayos lang din," sabi ni Arya.
Sabi ko, "Naguguluhan nga ako kung ano ang mararamdaman. Kanina lang, ang saya natin sa graduation. Tapos ganito naman bigla ang decision ni Mama."
"Matagal mo ng gustong makasama si Tita Mel. Ilang taon na din kayong magkahiwalay. Finally, Dylan, andyan na ang mama mo sa tabi mo. Masaya ako para sa'yo," sabi ni Arya.
Kinuha ko ang kamay niya at umupo sa may harapan niya. "Talaga?"
Napangiti siya pero may nangingilid na luha sa mga mata niya. "Mamimiss kasi kita. Kung alam ko lang na magkakalayo tayo, sana..."
"Wala 'yun. Lahat naman ng nangyayari sa atin ay may dahilan. May mga natutunan naman tayo at narealize," sabi ko sa kanya. Kung hindi ba nangyari lahat 'yun, baka hanggang ngayon ay manhid pa din ako sa nararamdaman ko sa kanya. Na higit pa pala sa kaibigan ang tingin ko kay Arya.
"Tama ka. Para kasi tayong tanga," sabi ni Arya.
"Pero hindi pa nga ako nakakapanligaw, aalis na kami," sabi ko.
Namula ang mga pisngi niya at bigla siyang na-conscious. "Talaga ba?"
"Sasagutin mo ba ako?"
"Siguro naman," sabi niya at natawa din siya. "Pero Dylan, ayokong mag-start tayong mag-entertain ng ganito lalo na at magkakalayo tayo ng matagal."
"Bakit naman?"
Umiling siya. "Mahirap. Bukod sa hindi pa din ako handa na pumasok ulit sa relasyon, ayokong obligahin ka na antayin ako."
"Ano ibig mong sabihin?" tinanong ko siya.
"Dylan, ako nalang ulit ang kaibigan mo. Siguro nga tama si Nanay na hindi pa ngayon ang panahon para sa mga boyfriend-boyfriend, kasi marami pa tayong dapat gawin at unahin," paliwanag ni Arya.
"Pero paano tayo?"
"Eto," sabi niya, dine-demonstrate, "babarahin pa din kita at aasarin. Sa iyo pa din ako magsasabi ng mga problema at ikaw pa din ang guguluhin ko, kahit magkalayo tayo. Mabuti na siguro na walang pressure ang relasyon natin kagaya ng dati."
"Mukhang mapapatext ako lagi."
"At chat," dinagdag niya. "Ayoko lang kasi na pumasok tayo sa ibang level ng relationship ng hindi pa tayo handa, na kasi dahil magkakalayo tayo. Parang maling dahilan."
"Tama ka nga, wrong timing," sabi ko. Pero mahirap. Ganito na lang ba matatapos ang lahat?
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Pero balang araw, kapag handa na ako at mas maayos na ang lahat sa buhay mo, baka dumating din ang tamang panahon natin. Walang pangako at no strings attached, kung saan man tayo dalhin ng tadhana."
"Bakit ayaw mo ng pangako?" tinanong ko siya. "Hindi ko ba pwedeng sabihin na aantayin kita at babalik ako?"
"Kasi aasa ako," sabi ni Arya. "At kapag umasa ako at hindi mo nagawa, baka hindi ko maintindihan ang dahilan. Baka hindi ko magawa na unawain ka. Iba kasi, Dylan, kapag nasa ganung relationship tayo. Andun na mage-expect talaga ako. Ganun din naman sa akin. Hindi ko masasabi ang pwedeng mangyari. Ayoko lang dumating sa point na hindi na tayo maging magkaibigan kasi hindi na natin mapatawad at kayang unawain ang isa't isa."
"Sige. Tingin ko naman na balang araw ay darating din tayo dyan," sabi ko. Balang araw. Ang mga katagang hindi ko alam kung paano panghahawakan. Nakakatakot pala ang pagaalinlangan at ang mga bagay na walang kasiguraduhan, katulad ng ating hinaharap.
"Tama, balang araw. "
Alam ko na kung bakit hindi dapat padalos-dalos, lalo na kapag mahalaga sa'yo 'yung tao. Gusto ko na ipilit, pero baka masira ko. Kung para sa amin ang maging kami, aantayin ko ang araw na 'yun. Kung hindi, sana matutunan ko na tanggapin ang dikta ng panahon.
Tinignan ko siya at tumango. "Aasahan ko ang pangungulit mo araw-araw, ha?"
"Promise!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro