30th🏹
30th🏹
"Ano, Paps, ready ka na sa game?" tanong ni Andy pagdating ko ng locker room at nagumpisa ng magayos ng gamit.
"Kabado. Papawis tayo bago mag-warm up," sagot ko. Semi-finals na kasi. Kalaban namin 'yung kilalang school, Liceo de Sta. Rosa, sa kabilang bayan.
Inakbayan ako ni Andy. "Basta 'wag ka ng magisip ng kahit ano. Focus lang."
"Focused naman, pre," sabi ko.
"Tsaka isipin mo nalang na Valentines na bukas. Pwede pa naman magbago ang isip mo. Masarap kayang may ka-holding hands habang naglalakad sa may park. Masaya din na magkaroon ka ng inspiration," panghihikayat ni Andy.
"Tigilan mo na. Sa bahay lang ako bukas."
"Hey, anong Valentines? Let's focus on the game," sabi ng isa naming ka-teammate, si Nichols. Binato kami ng towel niyang basa.
"Joke lang, kayo naman," sabi ni Andy.
"Warm up na kami," sabi ko.
"Championship, okay?"
"The trophy will be ours, Nic," sagot ko.
"Yes! Sure 'yan," sambit ni Andy. Paglabas namin sa may court, may ilan ng nagwa-warm up sa team. Nakangisi si Andy, natatawa. "Yabang natin, kala mo hindi bigatin ang mga kalaban."
"Wala pa 'yung mga players ng Liceo," sagot ko. Solo pa namin ang court. Pero may mga ilan ng nanonood para makakuha sila ng magandang puwesto. Napalinga ang mata ko sa mga nasa loob ng gym.
Tinigilan ko bigla ang pagsipat sa mga tao sa court ng marealize ko ano ang hinahanap ko. Kung sino. Para bang instinct kaya nakakaloko. Nauunahan ka pa din ng dikta ng nakagawian.
"Asan kaya si Captain?" sabi ni Andy habang nag-stretching kami.
"Malay," maikli kong sagot. Pero totoo ang sabi ni Andy. Nakakapagtaka din kung bakit andito na kaming lahat pwera sa kanya. First time ata etong nangyari sa tinagal-tagal na naming magkakateam.
"Baka may emergency, 'di kaya?"
"Tawagan mo para malaman mo," sagot ko.
"Bro, wala ako sa mood makipag-Inglesan kay Captain," sabi si Andy.
"Pasa mo na nga 'yang bola," sabi ko nalang. "Kung ano-ano pa ang iniintindi mo. Darating 'yun. Imposible na hindi 'yun pumunta."
"Mamaya na ako babanat. Sa ngayon, aasa muna kami sa'yo. Kailangan good mood ang shooting guard namin," sabi ni Andy, sabay siko ng bahagya sa akin.
"Puro ka kalokohan talaga."
***
Dumating si Michael ng thirty minutes before magsimula ang game. Dali-dali siyang nagayos ng gamit at nagpalit ng uniform. Halata mo na tinitignan siya ng lahat, pero walang umiimik. Siya kasi 'yung tipo ng tao na strikto at disiplinado kaya hindi mo akalaing papalya kahit once man lang sa buhay niya.
Pati si Andy wala din sinabi, pero sa tingin niya palang sakin, alam kong nagtataka din siya kung bakit parang may nagbago sa dating ni Michael. Sana lang hindi eto makaapekto sa laro ngayon. Ganado pa man din kaming lahat.
"Sorry, I'm late," ang unang sinabi ni Michael pagkatapos magayos ng sintas ng sapatos.
"Everything alright, bro?" tanong ni Troy.
"Yeah," mabilis na sagot ni Michael na tila ba iniiwasang magbanggit pa ng kahit ano. "This won't happen again. Something happened on the way here. But for now, let's focus on the game."
Tinawag na kami ni Coach at nag-briefing. Pagkatapos, kinausap niya sa isang tabi si Michael. Ang pinakanakakatakot na bagay ay ang matawag ka ng magisa ni Coach. Hindi din biro magalit si Coach at hindi lalong biro ang parusa niya kapag may ginagawa kaming mali.
"Ano tingin mo nangyari kay Captain?" bulong ni Andy sa akin habang nagsisimula ng tawagin isa-isa ang mga players.
"Tigilan mo na nga ang panguusyoso. Kala ko ba focus sa game?"
"Curious lang," sabi ni Andy.
Tinapik ko siya sa likod kasi siya ang susunod na papasok sa court. Inun-loose ko ng konti ang mga paa ko at nagtanggal ng kaba. Ngayon nalang ulit ako dinaga ng ganito.
"Dylan Lopez!"
Isang malalim na hinga at tumapak na ako papasok ng court. Ilang saglit lang kami nawala, napuno na agad hanggang sa dulo ang lahat ng upuan. May ilang ka-section namin ang nakaupo sa may unahan at tinawag nila ako. Sabay-sabay silang nag-good luck.
Nag-meeting ulit kami bago mag-start ang laban. Pagkatapos, kinausap isa-isa ni Michael ang first five tungkol sa gameplay. Napansin ko na paglapit niya sa akin, parang nagiba ang timpla ng mukha niya.
Sabi niya, "Dylan, we'll keep on passing you the ball. Be on the watch."
"Sige," sagot ko. Kita mo sa mata niya na may pinipigilan siyang sabihin. Malamang hindi tungkol sa game. Ano kaya naman 'yun?
Nagsimula ang first quarter at lumamang na kami ng dalawang puntos. Malayo pa sa pagiging kampante ang lahat. Madaling mabago ang mga pangyayari.
Nagpatuloy ang pagiging civil but aloof sa akin ni Michael sa buong game. Nakaka-distract kasi napapaisip pa ako kung ano ba meron. May kaugnayan ba eto kay Arya at nagkakaganito siya? 'Yun lang naman ang naiisip kong pwedeng maging dahilan.
'Wag mong sabihin na hanggang ngayon ay nagseselos siya. Langya, sila na nga at wala na halos kaming communication ng isang 'yun. Ano pa ba ikakagalit niya?
Pagpasok ng fourth quarter, tumagilid kami bigla. Natambakan kami ng eight points at tumawag si Coach ng time-out.
"What's going on?" ang bungad ni Coach. "I'm pulling you out, Mike. Get inside, Troy. Take charge."
"Sorry, Coach," sabi ni Michael.
"You shouldn't have stayed on the bench if you're not in the mood," sabi ni Coach. Tapos lumingon siya sa akin. "Dylan, are you ready?"
"Yes, Coach." Tumayo ako mula sa bench.
"Kaya 'yan, Lopez," sabi ni Chase. Nag-sub si Chase sa akin kanina kasi bumabagal na ang takbo ko at nakakaramdam ng pagod. Siya naman ang uupo ngayon.
"Habulin natin," sagot ko. Crucial ang bawat segundo kung gusto naming manalo sa larong eto. Simula palang naman ng fourth quarter. Kaya pa makahabol.
Gumanda ang laro ng si Troy na ang nag-take over. Pagpasok ko, apat nalang na puntos ang lamang ng Liceo sa amin. Nakapasok ang isang three points ko at isang two points ni Andy. Nabuhayan ang mga nanonood na taga-school namin. Para silang nakakita na din ng pag-asa.
Pagtunog ng buzzer, sabay-sabay nagdiwang ang lahat. Nairaos ang semi-finals at sigurado na ang spot namin sa championship.
"Dylan, can I have a word with you?" tanong ni Michael sa gitna ng celebration. Tumango lang ako at sinundan siya sa loob ng locker. Busy ang lahat sa may court at kami lang ang nasa locker.
"May problema ba, Captain?" tanong ko.
Hindi pa siya nakasagot agad, parang nagpapalipas ng init ng ulo. Paglipas ng ilang saglit, sabi niya, "Can you stop confusing Ariane?"
"Ha?" Kala ko tungkol sa game. Parang pinatapos lang talaga niya 'yung laro bago ako i-confront ng ganito.
"Can you stop making things harder for her?" sabi ulit ni Michael.
"Ako?" inulit ko. "Are you sure you're talking to the right person? Matagal na kaming hindi naguusap ni Arya. Paano ko siya maco-confuse?"
Sagot naman ni Michael, "If you can't own up to your feelings, then let her go."
"Pasensya na, Michael, pero wala ka namang pakielam sa nararamdaman ko sa kanya," sabi ko. Bakit naman kaya ako nadamay pa? Kung tutuusin, hindi na nga kami nagkikibuan ni Arya. "Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan niyo, pero 'wag mo akong idamay."
"You're the one she thinks about. Even if we're together, she'll unconsciously mention your name or tell a story about you before realizing it. Do you understand how that feels?"
"Don't blame it one me," sagot ko.
"You're right, but--"
"Look, I gave way so that she could be with you. Ikaw ang pinili ni Arya at nirerespeto ko 'yun. Hands off ako sa relationship niyo dahil eto ang request niya. Pero kapag sinaktan mo siya, that's the only time you'll hear from me. I'm warning you, if you make her cry, hindi ko na 'yun mapapalampas," sabi ko sa kanya.
"It never felt like she chose me," banggit ni Michael.
"She didn't choose me, either," sagot ko. Tingin ko kailangang mag-isip ng magisa netong si Michael. Parang sa akin lang niya nilalabas ang frustrations niya. Baka patulan ko pa at mauwi sa hindi mas lalong pagkakaintindihan.
Kinuha ko nalang ang bag ko at umalis na. Dumiretso nalang ako sa CR sa may third floor ng school para dun magpalit ng damit.
Pero ano kaya ibig sabihin niya dun. Okay lang ba 'yung dalawa? Ayos lang ba si Arya?
"Okay na sana na nanalo kami. Bakit kaya kailangan pa na manginis ng isang 'yun?" bulong ko sa sarili ko pagpasok ng gate namin. Walang tao sa baba. Baka may pinuntahan sila Tita Babes.
Nakakaramdam na ako ng pagod habang papanik ng hagdan. "Sarap matulog. Anak ng--"
"Hi," sabi ni Arya. Nakaupo siya sa may tapat ng pinto at nagaabang sa hagdan.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Dahil pagabi na at wala pang ilaw, kala ko may multong nakaupo sa may hagdanan. Ang horror din ng dating netong si Arya. Bukod sa nakakabigla na andito siya, puting-puti ang suot niya mula t-shirt hanggang shorts.
"Congrats," sabi niya.
"Salamat," sambit ko na tila naguguluhan kung eto ba pinunta niya dito. Andun lang ako, nakatayo ng ilang baitang mula sa kanya. "Paano mo pala nalaman? Parang hindi naman kita nakita kanina."
Hindi siya kumibo.
"Ah, oo nga pala, si Michael," naalala ko. "Alam ba niya na andito ka? Baka magalit 'yun."
"Galing niyo nga kasi nakahabol pa kayo kahit lumamang na 'yung kalaban sa last quarter," sabi ni Arya.
"Oo nga, eh." Gusto ko sanang sabihin na 'yung init ng ulo ni Michael ang isa sa mga panira ng mood kanina, pero hindi ko nalang binanggit.
Tumayo siya at sinabi, "'Yun lang naman pinunta ko dito."
"Ang alin?"
"Na batiin ka ng congratulations," sagot ni Arya habang pinupunasan ang salamin niya.
"Okay? Nakakagulat lang din," sabi ko.
"Ang tagal na din simula ng huli akong nakaakyat dito," sabi niya na parang nagre-reminisce.
"Gusto mong pumasok?"
Umiling siya. "Sa susunod nalang."
"Sige."
Bahagya siyang ngumiti. "At pasensya na din pala kasi naging weird ako sa iyo lately. Tsaka dun sa mga naging decisions ko na palpak, sorry. Pati 'yung pagkakaibigan natin naapektuhan."
"Aba, bagong buhay na ba?" biniro ko.
"Bagong buhay..." inulit niya pero sobrang lungkot ng pagkakasabi niya. "...siguro nga."
"Ayos ka lang ba?"
"Buhay pa," sagot niya. Bumaba na siya ng hagdan. At pagapak niya sa baitang kung saan ako nakatayo, dagdag ni Arya, "Sana, Dylan, andyan ka pa. Sana hindi ka ganung kagalit sa akin. Na-miss ko din ang pagkakaibigan natin."
Humarap ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. "Inaantay lang naman kita na matauhan."
"Uwi na ko," sabi niya. Tapos pagbaba niya, bumalik siya ng tingin sa akin. "Ay, oo nga pala, sabi ni Manang Iska puro lomi nalang hinahapunan mo. Tinatanong na din ni Nanay kung bakit hindi ka na napunta."
"Sa susunod siguro," sabi ko.
"Okay," sabi ni Arya ng nakangiti.
Sa susunod, kung kailan man iyon. Baka balang araw kung kailan hindi na ganun ka-insecure ang boyfriend niya sa akin. Sana nga dumating ulit ang mga panahon na ganun kaming ka-okay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro