2nd 💗
2nd 💗
Ewan ko din ba sa sarili ko. Chance kung chance, pangarap kung pangarap, pero talagang duwag kung duwag din ako.
Kasi alam niyo kung ano ang sumunod kong ginawa? Nagtatakbo ako palayo, yapos yapos ang bag ko. Sobrang hiyang hiya ako dahil nakapag-hi ako kay Michael at nag-hi din siya sa akin.
"O, saan ang marathon?" Napatigil ako sa masigasig kong pagtakbo at tumingin sa kanan. Nakita ko si Dylan na may nilalagay sa bag niyang sira nanaman ang zipper. Kadadala lang namin nun sa tahian nung isang linggo.
Ang super power ni Dylan, my very own best friend, ay ang manira ng gamit. Hinding hindi ko talaga ipapahawak sa kanya ang cellphone ko. Baka mauna pa na masira niya eto bago ma-confiscate.
"San ka ba nagpunta?" tanong ko.
"'Di ba nga sabi ko sa'yo kukunin ko 'yung PSP ko kay Brian," sagot ni Dylan. 'Di katulad ni Michael na walang alam sa existence ko, kahit na gaano ko pa hilingin na sana talaga mapansin niya ko, si Dylan alam lahat ng tungkol sakin. Katapat-bakod namin siya. Isang kalsada pagitan ng bahay namin.
Siguro mga four or five kami nung una kaming magkakilala. I mean, nung una kaming mag-usap. Matagal ko na siyang nakikita sa paligid-ligid, kadalasan naglalaro sa kalsada. Pero kung 'di dun sa aso niyang nawawala dati, hindi rin siguro kami naging close. Tinulungan ko siyang maghanap kasi wala akong magawa noong araw na 'yun.
Pero ngayon palang aaminin ko ng naging crush ko si Dylan dati. Baka naman kasi sabihin niyo ililihim ko pa 'to. Siguro nung nagkakamalay na kami sa salitang crush, dun lahat nagsimula 'yun.
Wala naman talaga akong choice kasi siya lang lalaking nakikita ko lagi. Pero hanggang dun lang 'yun. Nung binilhan niya ko ng napkin kasi tinagusan ako sa school at sobrang wala na kong masabihan kundi siya, nawala na 'yung crush na 'yun. Ang tawag dun, crush kita pero sobrang nakakahiya na 'yung mga alam mo tungkol sakin, kaya friends nalang tayo.
Baliw lang talaga akong mag-isip. Kung alam lang ni Dylan, lagot talaga ako. Bukod sa invisible na ko sa lahat ng tao, baka layuan pa ko ng best friend ko.
Ang saklap.
"Bakit ka pala natakbo?" tinanong na naman niya ako habang naglalakad na kami papauwi.
"Si Michael," sabi ko with matching pag-blush, "nag-hi siya sa akin."
Humagalpak ng tawa si Dylan.
"Ay grabe o, supportive ka talaga." Wala pa nga ako sa kalagitnaan ng napakaikling encounter ko with Michael. Kaya siniko ko nga siya, 'yung medyo pabiro pero di niya alam talagang nilakasan ko. Kainis eh. Eto na nga 'yung moment na dapat kikiligin din siya para sa akin, tapos tawa lang siya?
"Hulaan ko." Sige, hala, tawa pa rin siya. Ang saya ni Dylan, grabe. "Tumakbo ka pagkatapos."
"Hindi noh. Nag-hi din ako." Medyo mayabang pa 'yung pagkakasabi ko, parang di ko lang ginawang kahihiyan ang sarili ko mga ten minutes ago dahil sa hi na 'yun.
"At tapos tumakbo ka na?"
Hindi ko na siya sinagot. Obvious naman, 'di ba?
"Tumakbo ka nga?" Pero talagang itatanong niya 'yun hanggang sumagot ako.
"Oo na. Nakita mo naman na para akong hinahabol ng itak kanina," sabi ko. "O, okay na?"
"Talaga? Wala na kong masabi, Arya. Ibang klase talaga mga trip mo," sabi ni Dylan.
"Kasi naman ito. Ibigay mo na 'yung number ko kay Michael. Magkasama naman kayo lagi sa practice. Sabihin mo super model ako na kasing age niya. Pag close na kami, tsaka na ko aamin."
Napakunot siya ng noo. Tapos medyo natawa ulit siya at sinabi, "Magagalit sakin si Nanay pag nalaman niya ang gusto mong mangyari. Kabilinbilinan niya sakin ay ilayo ka sa mga bagay na ikapapahiya mo. Pumupuslit ka talaga pag pwede."
Nanay tawag ni Dylan sa nanay ko, kasi daw yung sarili niyang nanay ay laging missing in action. Nurse kasi nanay niya, nasa Saudi. Tatay naman niya ay matagal ng sumakabilang bahay. As in mga ilang subdivisions lang away. Naiiwan lang siya dun sa tita niya. Pero kadalasan, di rin naman siya pinakikielaman nun. Dami kasi nung chikiting na hinahabol at pinapagalitan. So ayun, nakikinanay nalang siya sa nanay ko.
"F.O. na tayo pag ginawa mo 'yun. As in."
"Talaga lang, ha?"
"Naman."
"Tera na. Bilisan mo. Uwi na tayo sa inyo. Makikikain ako," sabi ni Dylan. Ganyan din sabi niya kahapon at nung isang araw. Sa totoo lang, 'di na naman niya kailangan ulitin.
"Paano yan ampalaya dala dala ni Nanay kanina. 'Di ba ayaw mo nun?" Sa lahat ng ayaw ni Dylan, 'yun ay yung mga mapapait na bagay. Minsan nga pag nagagalit ako sa kanya, ginagawan ko siya ng ampalaya roll: ampalaya filling in disguise as shanghai roll. Naniniwala siya. Tapos nagalit sa akin after kainin. Ha. Ha. Ha.
"Eto na tayo," sabi ni Dylan, tinuturo yung bahay namin na sobrang walking distance lang galing sa school. Wala man lang excitement. "Bahala na. Meron naman siguro kayong pork and beans."
"Oo, meron. Kunin mo nalang sa cabinet." Sabay bukas ako ng bag at todo hanap. "Asan na nga ba..."
"Nandun sa isa mong pouch. 'Yung green. Ikaw naman kasi, para kang may collection ng pouch sa bag mo."
"Ah, eto. Tera." Sinuot ko na 'yung salamin ko. It's time! Sa school, no way. No way ko itong susuotin.
Pero 'di pa tapos speech ni Dylan tungkol sa mga bagay bagay sa bag ko. "...may pouch ka para sa mga abubot mo na di mo naman talaga sinusuot. Meron ka din para sa toothbrush mo na di pa nagagamit. At pati 'yung tissue, may pack na nga, pina-pouch mo pa din. Para kang isang factory ng pouch."
"Birthday ko na next month. Bigyan mo ko nung Domo na pouch, huh? Yung medyo malaki para dun ko lalagay—"
"Ang bahay nyo."
"Hindi naman."
"In denial ka talaga."
"Aray!" 'Yung pinto. Siguro destiny talaga kami ng pinto. Eventful ang mga encounters naming ngayon eh. Namiss niya daw ako. Headbang muna.
"Sira," sabi bigla ni Dylan.
"Alin? 'Yung ulo ko? Hindi, buo pa naman."
"Sira 'yung salamin mo. Patay ka kay Nanay."
"Hala." Tinanggal ko ung salamin ko. Oo nga, nag-crack sa gitna. May isa pa ko sa kwarto, kaso may life-forms na sa nosepad. Ayaw ko sana gamitin 'yun.
In fairness, ayaw ko naman talagang magsalamin. Ang problema lang kasi sa pagsusuot ng salamin ay chaka. Ikut-ikutin mo man 'yung salamin, chaka pa rin ang kalalabasan. Meron namang binabagayan talaga ang salamin. Tignan mo 'yung mga artista, carry na carry nila. Pero para sa mga normal na nilalang na katulad ko, medyo sala sa init at lamig ang dating.
"Dikit ko kaya ng Mighty Bond?" Inobserve ko 'yung damage.
"Yan nalang siguro iregalo ko sa'yo kaysa dun kay Domo."
"Si Michael din pwede na," sabi ko sa kanya. Tinitignan ko lang naman kung kakagat siya.
"'Di siya kasya sa pouch," sabi ni Dylan, sabay tawa ulit.
Hobby ni Dylan ang tumawa. Kadalasan nga lang, ako ang kanyang tinatawanan. Comedy ang buhay naming dalawa. Siya spectator, ako ang laging naaksyon. Pero kahit na abot hanggang langit ang pagka-crush ko kay Michael, merong mga oras kagaya nito na feeling ko mas gusto ko pa din si Dylan. Kasi naman, walang nakakagets sakin kung di si Dylan.
Si Dylan na hindi naman ganung kagwapo, tama lang. Si Dylan na tamad magshashampoo araw araw, kaya di makalevel ang hair ni Michael. Matangkad din naman si Dylan kung height ang paguusapan, kaya nga din siya part ng basketball team ng school namin.
Ngunit, subalit, dapatwa't, kahit di pa siya nagshashampoo araw araw, walang say ang ibang guys sa dimples ni Dylan pag ngumiti siya. May dalawang cute na dimples sa ilalim ng lips niya pag nangiti siya o natawa. Kaya nga lagi ko 'yun nakikita. Sabi ko naman sa inyo, ako ang favorite niyang tawanan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro