Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

29th🏹

29th🏹    

"Ma'am, eto na po 'yung revision namin." Inabot ko kay Ms. Matimtim 'yung clear folder.

"Ang aga niyo naman magpasa. Very good. Sige, Dylan, ilapag mo nalang dyan sa table," sagot ni Ms. Matimtim. Busy siya sa pagcocompute sa computer ng grades, kaya nagpaalam nalang ako at lumabas na ng faculty room.

Ang totoo, ako na ang tumapos ng revision namin nung binalik sa amin ni Ms. Matimtim  'yung assignment last week. 'Yun nalang kasi napagkasunduan namin ni Arya. Siya talaga ang gumawa netong buod, tapos ako nalang daw sa pagaayos pagkatapos.

Ilang linggo na din ang lumipas simula nung nagkasagutan kami ni Arya. Umpisa noon, bihira na kaming magkausap. Eto na nga lang El Filibusterismo ni Rizal ang dahilan kung bakit kami nagkakaroon ng communication kahit every other day lang. Mga text na kala mo naligaw lang.

May umakbay sa akin habang naglalakad ako sa hallway. "Pre, malapit na Valentines. Ano plano?"

"Wala," sagot ko.

"Magiisang buwan na," sabi ni Andy. "Move on na."

"Hindi naman ako nagmomove on," sabi ko.

Tinawanan ako ng loko. "Alam mo ba na nasa iyo na lahat ng signs ng pagiging brokenhearted. Daig mo po ang binreak ng girlfriend simula ng hindi na kayo naguusap ni Arya."

"Tigilan mo nga ako." Sinagi ko ang braso niya at umuna ng maglakad.

Humabol siya sa akin. "Magbati na kasi kayo. Para naman kayong mga bata. Sa totoo lang, talo niyo po ang mga bata na magaway. Ngayon ko nga lang kayo nakitang nagkaganyan. Nakakapanibago."

Nagpatuloy nalang ako sa paglakad. Hindi naman titigil etong isang 'to. Sa inaraw-araw ata, walang oras na hindi niya ako kinukulit tungkol kay Arya.

"Pre, saan ka pupunta? Antayin mo ako. Wala akong dalang kotse. Sabay na tayo umuwi," sigaw ni Andy. 

"Bakit ba hindi mo dinala ang sasakyan mo?"

"Nasa talyer. Naatrasan kahapon."

"Sino nakadali?"

"Sa parking. Pero sinagot naman nung nakagasgas," sabi ni Andy. Pagkatapos, biglang bumanat, "Kung nga lang pwede din dalhin sa talyer ang puso mo para maayos na."

Sa mga panahong eto, masarap talagang upakan etong si Andy. Nakangisi lang siya, kasi alam niyang talab ang banat niya. Napatawa nalang ako ng bahagya at hinayaan na.

"Pre, teka," sabi ni Andy at bigla siyang kumabig noong padaan kami sa hallway papuntang school gate, "dito nalang tayo sa kabila..."

Pero huli na kasi bago pa niya ako mahatak sa kung saang sulok at makapaggawa ng alibi, nakasalubong namin sila Arya at Michael. May bitbit silang supot ng McDo. 

"Captain!" bati ni Andy kay Michael.

Nginitian naman kami ni Michael. "Going home?"

"Oo, pauwi na kami. Kayo?" tanong ni Andy.

"I'm taking her home na. Nag-take out lang kami before umuwi," sagot ni Michael.

Lakas ng loob mag-take out ni Arya sa McDo. Malapit kaya dun 'yung munisipyo at uwian na din nila Nanay. Magaling din etong maglihim kasi hindi pa nahuhuli. O baka naman nagpaalam na sila. Hay, ewan ko ba. Bakit ko ba iniisip pa ang mga bagay na eto?

"Arya, ano, strangers na tayo?" biniro ni Andy si Arya na walang kibo sa isang sulok.

Ngumiti lang siya ng kaunti. "Ingat kayo pag-uwi."

"Kayo din! Una na kami ni Dylan. Ako na bahala dito kay Paps," sabi ni Andy.

Tumango nalang ako sa kanila at ganun din si Michael. Si Arya naman at ako ay nagkatinginan ng bahagya pero parehas kaming umiwas ng mata pagkatapos. 

Kahit nga din ako, sobrang naninibago sa mga pinagagawa naming dalawa. Hindi ako sanay na ganito kami. Sarap niyang lokohin na baka mahuli sila ni Nanay, pero walang-wala sa timing.

"Loko ka talaga kahit kailan," sabi ko kay Andy habang naglalakad kami.

"Bakit naman? I saved the day!" sambit neto.

"Hindi mo naman kailangang idiin kay Arya na iniignore niya tayo," sabi ko.

Tinukso niya ako. "Eh bakit concerned ka? Kala ko ba magkagalit kayo."

"Sinasabi ko lang."

"Nagaalala siya," sabi ni Andy. "Tignan mo itsura mo. Pikon ka na naman. Mga galawan mo, Paps, hindi 'yan makakalusot sa aking mga mata."

"Wala akong ginagawa."

"Oh, siya, hindi na ako magsasalita at baka lalo ka ng magalit sa akin. Pagbigyan ang mga taong may pinagdadaanan," sabi ni Andy.

Nagkwekwento si Andy tungkol dun sa gusto niyang i-blind date sa akin sa Valentines. Siya talaga ang nababahala para sa akin. Sakto daw kasi ang Valentines sa Sabado kaya dapat makipag-date kami ng araw na 'yun.

Gusto ko sanang basagin ang kwento niya at itanong na siya ba ay may date. Balita ko, gwardyado sarado si Lisa, lalo na sa Valentines. Pero hinayaan ko nalang kasi kahit papaano, alam ko naman na sa paraang alam niya, gusto lang niya na gumaan ang loob ko.

"Pre, bagay din pala si Arya at Michael kapag nakasanayan na nating nakikita silang magkasama, ano?"

Binabawi ko na pala. 

***

"Aba, iho, dito ka na lagi kumakain gabi-gabi," bati ni Manang Iska noong nakita ako. Para bang ayaw na akong papasukin sa tindahan niya.

"'La, ayaw niyo po nun, may gwapo kayong customer?" sagot ko at humanap ng upuan. Hindi ako umupo dun sa madalas naming pinupwestuhan ni Arya. 

"Asan si Aryang?" tanong ni Manang Iska habang nilalagay ang lomi na paborito ko sa mesa.

"Hindi ko po alam, 'La. Busy po siguro," sagot ko. 

Nginitian ako ni Manang Iska at tinapik ang likod ko. Pagbalik niya sa kusina, parang may bumara sa lalamunan ko na hindi ko mapaliwanag. Ininuman ko nalang ng tubig.

Paubos na 'yung kinakain kong lomi habang busy sa panonood ng game ng basketball sa TV. Biglang may nagtext at binasa ko ang nakalagay.

Bakit kaya hinahanap ni Nanay si Arya? Hindi pa ba umuuwi? Sabi ni Michael ihahatid na niya kanina. Saan naman kayo nagsusuot etong si Arya?

Wala naman kaming project ngayon. Nasaan naman kayo 'yung isang 'yun? 

"'La, iwan ko nalang po dito 'yung bayad," tinawag ko si Manang Iska na nasa kusina. "Una na po ako." 

"Sige lang, iho," sagot niya.

Paglabas ko ng lomihan ni Manang Iska, inisip ko kung saan naman kaya pwedeng pumunta si Arya. Hindi naman siya 'yung tipo na makikipag-date ng disoras ng gabi pag school days. Ang takot nalang niya. 

Kung hindi siya dumiretso ng uwi at nagsabi na may project kuno, ibig sabihin may pinagdadaanan 'yun at gusto niyang magisip-isip. At dahil hindi siya sa amin natambay at hindi ako ang ginugulo niya, nasa playground kaya?

"Ah, bahala na nga," sabi ko nalang at dumiretso ng playground. 

Tinanaw ko nalang muna mula sa malayo. Madalas andun 'yun sa may swing, pero walang tao dun. 

Umikot ako ng kaunti at nakita ko siya na nakaupo sa may taas ng playhouse na may slide. Andito nga ang batang wanted, mukhang busy sa iniisip niya habang nagkukuyakoy. 

Talagang hindi maiiwasan na magkausap kami. Sa liit ng mundong ginagalawan namin, walang ibang choice. 

Tumayo ako sa may ibaba ng playhouse. Nakaupo siya sa may bridge. Napansin niya ako agad at napaisip siguro siya kung anong ginagawa ko dito.

"Lowbatt ka ba? Wanted ka na kay Nanay," sabi ko.

Mga ilang segundo bago siya gumalaw at kinuha ang bag niya. Nagulat siya nung i-check ang cellphone niya. "Ang daming tawag."

"Try mo din kasing sagutin ang phone mo."

"Oo nga," sabi niya. Nagmamadaling bumaba si Arya mula sa playhouse. Nagpadausdos na din siya sa slide para mabilis. Pagkababa, pinagpag niya ang palda niya at inayos ang uniform.

Nagdalawang isip siya kung kakausapin ba ako o dederetso na ng uwi. Kaya sinabihan ko na ng, "Bilisan mo na at baka magrounded ka pa nyan."

"Hala, delikado," sabi ni Arya.

Nagmamadali na siyang naglakad pabalik ng bahay nila at halos magkandadapa na sa paglakad. Pinapanood ko lang si Arya habang naglalakad sa may likuran niya. Sa mga bagay na nagbago sa aming dalawa sa loob ng isang buwan, ang mga bagay nakagawian ang mahirap kalimutan at ang mga nais sabihin ang mahirap bigkasin.


~Author's note~

Sorry pala kasi hindi ako nakapagupdate kahapon. Nagpapagaling lang. Tapos next week pala, time-out muna kasi nasa Cebu kami. Balik ako the following week. 

Pero tuloy pa din 'yung new story mamaya. Iuupload ko na 'yung synopsis. Kung gusto niyo, pwede niyo na siyang i-add sa library. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro