24th 🏹
24th 🏹
Hawak-hawak ko na ang tambo. Dahil New Year's eve na mamaya, kailangan daw maglinis sabi ni Tita Babes. Eto ang yearly ritual namin. Nage-general cleaning na sila sa baba simula pa kahapon.
Gusto ko man na mag-PSP nalang, may pagbabantang nagaganap bago ko makuha eto. Nasira ko kasi 'yung dati kong PSP.
Nakakita ako ng pagasa nung marining kong may umaakyat sa hagdan. May konting dabog. Dali-dali kong binuksan ang pinto at sinalubong siya. "Hindi mo talaga ako matitiis!"
Nakatingin sa akin ng masama si Arya. "'Wag kang mag-expect masyado, mahirap masaktan. Andito ako para i-motivate ka."
"Kala ko pa man din tutulungan mo ako," sabi ko.
Tumawa siya. "Asa ka!"
"Hindi ka ata bihis na bihis," pansin ko. Nakapambahay lang siya na shorts at lumang tshirt. Walang nakapahid sa mukha niya ngayon. "Wala kang lakad ngayon?"
Umupo si Arya sa couch. "Wala. Nasa Palawan sila Michael. Dun sila nagbabakasyon ng family nila."
Andun lang siya sa couch, nilalaro 'yung cellphone ko. Parang malungkot si Arya, pero hindi ko naman matanong kasi mukhang ayaw niyang pagusapan. Antayin ko nalang na sabihin niya sa akin.
"Gusto mo kuha kita ng basahan?" nag-offer ako.
Tinignan lang ako saglit bago nagpatuloy sa nilalaro niya. "Kailangan daw sabi ni Tita Mel na ikaw mag-isa ang maglinis. Hindi daw counted kapag tumulong ako."
"Talagang sugo ka ni Mommy, ano? Aminin mo, nasaan ang CCTV dito sa second floor?"
"Walang CCTV. Ako lang daw sapat na," sabi niya.
Inumpisahan ko ng mag-linis kasi mukhang seryoso na hindi niya ako tutulungan. Malamang may kapalit eto kay Mommy. Ano kaya regalo ng mommy ko dito? Minsan nagdududa na ako kung nagkapalit ba kami ng nanay.
Pagkalipas ng ilang minuto, tumunog ang cellphone ko na nilalaro pa din ni Arya. Sabi niya, "Nagtext si Kim."
"Ano daw sabi?" tanong ko. Ang hirap palang mag-ayos mga kable dito sa sala. Nangangako ako na sa New Year, magbabago na ako. Magpapabili ako kay Mommy ng wireless. Papayag naman siya basta kasama ako sa honor roll. 'Yun naman usapan namin.
"Good morning daw," sagot ni Arya.
"Replayan mo."
"Ano sasabihin ko?"
"Hindi ka ba nagsmiley?" tanong ni Arya.
Nag-inat ako kasi nakakangalay pala sa likod ang magwalis. "Bakit? Anong sinagot mo ba?"
"Wala naman," sabi niya. "Sabi ko lang good morning din with pabebe smiley."
"Bakit kasi ganun ni-reply mo?"
"Ikaw na kasi magreply. Bakit ba ako ang messenger?"
"Basta mag-good morning ka nalang muna. Mamaya na ako magtetext kapag tapos na akong maglinis," sagot ko.
"Ok."
After ilang minuto pa, nawiweirduhan na ako sa pagiging walang kibo netong isang 'to. "Arya."
"Ano?"
"Ayos ka lang ba?"
Lumingon lang siya ng bahagya. "Oo."
"Alam mo ba na stress reliever ang paglilinis. Tingin ko nga wala na akong stress sa katawan kasi isang oras na akong naglilinis," hinikayat ko.
"Try mo pa ng 3 hours para hanggang next year," sagot niya.
Ang hirap naman netong patawanin. Time of the month siguro. "Knock knock."
"Ano?" naiinis niyang sagot.
"Arya."
"Ano na naman 'yan?"
"May nakita akong punit na papel sa photo album niya."
Nakuha ko ang attention niya bigla. Tumingin sa akin at nanlaki ang mata. "Anong papel?"
"Parang stationary," sagot ko.
"Dylan," nilapitan ako at inusyoso, "anong papel nakita mo?"
Mabilis ang phasing. Mula sa galit-galitan sa mundo, eto na ang matanong na Arya. Nagpamewang ako, kunyari nag-iisip. "Ano nga ba?"
"Dylan! Gusot gusot ba 'yung papel?"
"Ang galing mo naman. Paano mo nalaman 'yun?"
Na-stress siya bigla. "Kala ko natapon ko na lahat ng pinunit-punit ko!"
Naging interesting bigla ang takbo ng storya. "Bakit mo pinunit?"
"Kasi--" natigilan siya bigla nung napatingin sa akin.
"Kasi?"
"Hindi 'yun dapat mabasa ng kahit sino!" giniit niya.
"Kasi nga?"
"Kasi andun..." nainis siya na naiiyak. Oops, hindi ata effective. Hindi na siya natatawa ngayon.
"Ang first love mo?" tinukso ko. Namula si Arya. Buong mukha. Nagulat nalang ako kasi hindi eto inexpect ko na reaksyon niya. Ano naman kung crush niya ako dati? Crush ko din naman siya bago ko siya nakilala.
Huminga siya ng malalim. "Nabuking mo na ako. Wala ng magagawa."
"Crush mo nga ako noon?"
Pinilit niyang tumingin sa akin, nagpapanggap na hindi affected. "Dati pa 'yun."
"Grade 6?"
"Grade 3 o 4 ata. Pero wala akong crush na iba nun kaya ikaw nalang din nilagay ko," sagot niya.
Nilabas ko 'yung dimples ko. "Talaga?"
"Hindi na ako affected ng dimples mo ngayon!" Hinampas ako ng pampalo ng langaw. Kadiri lang. Pero medyo namula ang hampas niya sa braso ko. Kala ko talaga susuntukin niya ako bigla kaya todo ilag ako.
"Eh bakit ka nanghahampas?" Nginitian ko lang siya habang galit na galit siya sa akin.
"Kasi nakakainis na nalaman mo pa 'yun," sagot niya. Tapos parang inaalala niya ang ginawa niya dun sa papel. "Nakita ko kasi na naiwan sa akin ni Alyssa 'yung autograph book niya. Hindi pala niya nakuha. Tapos nung nakita ko 'yung sinulat ko, pinunit ko 'yung page tapos tinapon ko..."
"May iniwan ka talaga para mabasa ko," sabi ko sa kanya.
"Wala! Ayaw ko na ngang malaman mo 'yun."
"Bakit naman? Crush din kaya kita nung 'di pa tayo nag-uusap."
Nagulat siya. "Talaga?"
Tumango ako. "Lagi ka kasing tinuturo ni Andy. Sabi niya ikaw daw ang Reyna ng mga Patay."
"Dahil dun?" nacurious na siya ulit.
"Ewan ko. Siguro dahil ikaw lang lagi kong nakikita dito sa atin," sagot ko.
"Tapos?"
"Tapos naging magkaibigan na tayo. Hindi naman big deal 'yun," sabi ko sa kanya.
Binato ako ng throw pillow sa mukha. "Tigilan mo nga ang pagdidisplay ng dimples mo sa akin!"
"Apektado ka?"
"Hindi! Nakaka-distract," sagot niya.
"Hmm," napaisip ako, "may effect pala eto sa'yo. Now I know."
"Tigilan mo ako, Dylan."
Lumapit ako sa couch kung saan siya nakatayo, may hawak na isa pang throw pillow. Full display ang dimples. Madali naman palabasin ang dimples ko basta nakangiti. "Arya, tulungan mo naman akong maglinis."
Sinakal ako ni Arya. "Naiinis na talaga ako sa'yo, Dylan!"
Inalis ko 'yung kamay niya sa leeg ko. "Medyo parang totoo ang sakal. Teka lang..."
"Kasi naman ikaw..." sagot niya. Pagalis ko ng mga kamay niya sa leeg ko, napapatong eto sa mga balikat ko.
Pagtingin ko sa kanya, kalahating ruler nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. May kakaibang pakiramdam akong nadama nung tumingin ako sa mga mata niya--na para bang tumigil ang lahat ng nasa paligid namin at may kabang umaantig sa loob ng aking dibdib.
~Author's note~
Try niyong mabuhay after matapos ang chapter na eto. Bawal masyadong kiligin. 😂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro