22nd 🏹
22nd 🏹
May kumakatok sa pinto habang kinukuha ko 'yung bola ng basketball sa kwarto. Binunot ko 'yung mga naka-plug sa outlet at uminom ng tubig.
"Dylan! Gising ka na, 'di ba? Buksan mo ang pinto!" sigaw ng nasa labas.
"Tulog pa! Balik ka nalang!" sagot ko, pangasar lang.
"Hoy!"
Napangiti nalang ako. Alam ko na naman ang itatanong sa akin ng babaeng nakatok sa pinto ng umagang-umaga. Ang alam ko nga may sariling susi 'yun, kaya hindi ko alam kung bakit niya pinapahirapan ang sarili niya. Kinuha ko 'yung susi ko at binuksan ang pinto.
"Dylan! Okay lang ba itsura ko?" tanong agad ni Arya pagkalabas na pagkalabas ko. Tinignan ko siya. Nagulat ako kasi ngayon ko nalang ulit siya nakitang nagsuot ng dress. Eto 'yung sinuot niya para sa Christmas party last year.
Eto si Ariane Chavez. Nickname: Arya. Nickname kapag galit si Nanay: Ariang. Ariang matigas ang ulo. Ariang pasaway. Ariang tamad. Ariang maaksaya ng pagkain. At iba pa.
Siya si Arya na kilala ko pa mula elementary, kapitbahay since nabili ni Mommy etong bahay dito, at kaibigan simula ng tinulungan niya akong hanapin ang aso ko dati.
"Ano? Masagwa ba? Magpapalit ba ako?" patuloy niyang tanong.
Physical features ni Arya:
Height: 5'3''
Weight: 100 lbs
Hair color: Black
Hairstyle: Straight hanggang sa balikat
Birthday: November 1
Grado ng mata: -2.00 ang right at -1.75 ang left
Bakit ko eto alam? Kasi glasses na walang lifeforms sa nosepad ang huli kong iniregalo sa kanya.
Other unusual facts about her:
-Nag-'model' na siya minsan ng lomi ni Manang Iska.
-Dati siyang nabansagan na Reyna ng mga Patay noong elementary kami dahil sa birthday niya. Ang pasimuno ay si Andy. Hindi pa kami magkaibigan noon, pero dahil doon ay nakilala ko na siya.
-Hoarder ng pouch. Borderline obsession ang pagiging organized niya.
"Dylan, ano?" tanong na naman niya ng hindi ako sumagot agad. Eto si Arya kapag natataranta siya. "Okay ba etong outfit ko pang-date?"
"Oo, ayos lang," sabi ko sa kanya.
Nakahinga siya bigla. "Sure ka? Hindi ba masyadong trying hard?"
Paano ba definition ng trying hard? Sa totoo lang, tuwing tinatanong niya ako sa suot niya, hindi ko sigurado kung tama ba ang sinasagot ko. Kaya madalas kong dinadagdag, "Tanong mo kay Lisa."
Bigla siyang parang nakakita ng pag-asa. "Oo nga! Baba lang ako. Saan ka pala papunta? Court?"
"Sama ka?"
"Sige, ready na naman ako. 10:30 pa naman kami magkikita ni Michael," sabi niya.
Nahirinan ako ng kaunti. "10:30? Tapos nakabihis ka na?"
"'Wag ka ng kumontra. I have my reasons," sabi ni Arya. Nahawa na ata eto kay Michael kasi lagi niyang kausap. Inii-English na din ako lately. "Baba lang ako ng mabilis. Antay mo ako kasi kinakabahan lang ako lalo 'pag sa bahay lang."
"Bilisan mo," sabi ko.
Bumaba siya ng hagdan at dumiretso sa first floor. Check ko sana Facebook ko, kaso nasa loob pala phone ko. Dahil nasusi ko na ang pinto, tinamad na akong kunin.
Sa baba ko nalang inantay si Arya. Narinig ko silang nagtatawanan sa kwarto ni Lisa. Napahikab ako. Mukhang matagal pa sila dun.
Lumabas na siya pagkatapos ang ilang minuto. May kaunting bahid ng make-up sa mukha. Aasarin ko sana at itatanong kung saan ang burol, pero baka maubos ang namumuong self-confidence at magpaka-invisible na naman. Okay na nga na slowly, medyo nagkakaroon na siya ng lakas ng loob.
"Sino kalaro mo?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa court.
"Wala. Magpapawis lang," sagot ko.
"Kung hindi lang ako aalis, sasamahan kitang maglaro," sabi ni Arya. Pang-muse ang outfit niya at hindi pang-basketball. Hindi nga niya napapansin na tinitignan siya ng mga nasa court ng badminton sa kabila.
"Upo ka nalang dyan." Tinuro ko sa may bench.
"Kamusta pala kayo ni Kim?" tanong niya habang nagwa-warm up ako.
"Okay lang."
"Hindi pa ba kayo?"
"Bakit?"
"Wala lang," sabi niya. "Baka kasi nakakalimutan mo lang banggitin."
"Sasabihin ko naman sa'yo. Pero baka mapunta doon," sagot ko.
"Bakit may alinlangan?" napansin din niya. "Hindi kayo magkasundo?"
"Okay naman," sabi ko, napaisip din kung bakit nga ba nag-hesitate ako. "Steady lang."
"Dapat ma-in love ka na din ng sobrang lalim. 'Yung tipong hindi lang ganito na okay lang, sakto lang. Steady lang. 'Yan lagi mo sinasabi. Dapat maranasan mo din 'yung love na gusto mo talaga ang isang tao at seryoso ka na maging kayo," sabi ni Arya.
"Nobela," sabi ko.
"Balang araw," sabi ni Arya, confident.
"Anong oras uwi mo?" tinanong ko nalang siya.
"Mga hapon," sagot niya.
"Ano paalam mo kay Nanay?"
Ngumiti siya at na-weirduhan ako. May ibig sabihin ang ngiting ganyan ni Arya. Unti-unti siyang lumapit sa akin ng dahan dahan. "Hulaan ko, ako ang dinahilan mo?"
"Sabi ko manonood tayo ng movie," sagot niya.
Bigla akong natawa. "Kaya siguro andito ka, ano?"
"Hoy, tamang hinala ka," sabi ni Arya, kahit na hindi naman niya made-deny na isa eto sa mga dahilan kung bakit hanggang dito sinusundan niya ako.
"Gusto mo akong isama sa alibi mo," sabi ko, napapailing.
"Sige na," sabi niya. "Pumayag ka na, please."
"Oo na, pwede naman akong magkulong sa bahay at magpanggap na nasa mall," sabi ko. Pagbigyan ang magfi-first date. Minsan lang siya maging ganitog kasaya, kaya mahirap basagin.
"Talaga? Talaga ba?"
"Lakas ka sa akin, eh."
"Uuwian kita ng Dingdong mamaya," sabi niya.
"Basta 'wag ka lang magpapahuli kay Nanay," bilin ko.
"May Christmas party si Nanay. Organizer siya kaya hindi 'yun magpupunta ng mall," sabi niya.
Sana nga at hindi siya mahuli.
May tumatawag sa cellphone niya. Sinagot niya eto, "Hello?"
Narinig ko ang iba pa nilang pinag-usapan habang nagpa-practice ako ng shots. Papunta na daw si Michael at sa 711 niya susunduin eto. Ayaw pumayag ni Arya na sa bahay kasi baka daw may makakita. Nakakatawa din kasi ang pinakakinakatakot ni Arya ay ang mahuli sila ng Nanay niya. Ganito pala ang ready, ha?
"Dylan," tinawag niya ako.
"Bakit?" tanong ko at hinarap siya. Pinunasan ko ang pawis ko sa may noo. Tumutulo na kasi sa mata ko.
"Alis na ako," sabi niya.
"Sige," sagot ko, pero hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Kabado, ang wala. "Lumakad ka na. Ano inaantay mo dyan, Pasko?"
"Malapit na pala 'yun," sabi niya.
"Oo nga."
"Puntahan ulit natin si Manang Iska?" tanong niya. Taon-taon, tuwing Christmas eve, kumakain kami sa lomihan ni Manang Iska. Si Arya ang nakaisip neto noon pa. Nasa ibang bansa din kasi 'yung anak ni Manang kaya wala siyang kasama.
"Oo, sige."
"Okay, bye na, Dylan! Happy practice!" sabi niya habang naglalakad na siya paalis at kumakaway sa akin. Pinatong ko ang bola ng basketball ko sa bewang at tinignan siya.
Bagay naman sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro