19th 💗
19th 💗
"Sama ka sa amin," sabi ni Michael habang kumakain kami ng icecream.
"Saan?" tanong ko.
"I'm not sure where. Road trip? The boys want to hang out."
"Kayo nalang," sabi ko sa kanya. Tsaka, hello? Good luck naman na maging feeling belong ako dun kasama ang iba pa nilang tropa na half-half.
"Why?"
"May lakad din kasi kami ngayong hapon," sabi ko sa kanya.
"Sino kasama mo?" tanong ni Michael. Inabutan niya ako ng tissue. "Sa may chin mo merong icecream."
Pinunasan ko kaagad. "Ang kalat kong kumain."
Ngumiti siya. "Hindi naman. Where are you going pala?"
"Um, dyan lang. Pasyal. Family... friends," sabi ko. Bakit ba kasi sinabi pa sa akin ni Dylan na nagseselos daw si Michael sa kanya? Hindi ko tuloy maamin kay Michael na si Dylan ang kasama ko. Well, hindi naman talaga as in kaming dalawa lang. Lakad tropa naman.
Wait. Kahit na din. Ang tagal na kaya naming magkaibigan ni Dylan. Bakit naman lalagyan ng malisya ni Michael 'yun?
Teka nga, haka-haka lang din pala ni Dylan 'yun. Mukhang okay naman sila kanina.
"Who? Your cousins?" tanong ni Michael.
"And cousins' friends?" palusot ko naman. Partially true kaya eto. Malakas ang kutob ko na kasama namin ang secret lovers kuno na sila Lisa at Andy.
Naghugas kami ng kamay dun sa may lababo sa labas ng gym. Inabutan ako ni Michael ng towel niya. "Here, use this to dry your hands."
"Thank you," sabi ko, sobrang pademure. Hindi ako sanay na tinatrato ng ganito. Feeling ko, kapag kasama ko si Michael, prinsesang prinsesa ako. Tipong lahat ng galaw ko, nakaalalay siya.
Pinagtitinginan tuloy kaming dalawa. I mean, given na tinitignan nila lagi si Michael. Pero ngayon, naka-glare din sila sa akin. Huwag silang mag-alalala, iniisip palang nila, natanggap ko na.
"Labhan ko 'yung towel mo bago ibalik. Nakakahiya naman at puro icecream," sabi ko kay Michael habang naglalakad kami.
Tumango lang siya. "Saan kayo magkikita-kita?"
"Dyan lang sa may kabilang pathway," sabi ko sa kanya. "Kayo?"
"Dito kami nakapark sa may malapit sa gym." Tinuro ni Michael 'yung parking lot malapit sa oval. Tapos naglakad na ulit kami. "Hatid na kita."
"Dun lang naman 'yun sa kabila. 'Wag na, carry ko na 'yun," sabi ko kay Michael. Ngumiti lang siya at sinasamahan pa din ako maglakad.
Pagdating namin sa may canteen, sabi ko sa kanya, "Okay na dito."
"Hindi pa naman kami aalis. I can walk you all the way there. May sasakyan ba kayo or commute?"
"May sasakyan," sabi ko, pahina ng pahina ang boses ko.
"Are they going to pick you up?"
"Actually, andito na sila. Inaantay nalang nila ako," sabi ko sa kanya.
"Si Dylan ba kasama?" tanong niya bigla.
So ayun, wala na akong malulusutan pa. Cornered na cornered na. "Oo?"
"And it's just the two of you?"
"Hindi," sabi ko. "Kasama namin si Andy na family friend."
"Right, family friend," sabi ni Michael, tumawa ng konti.
"So, ano? Go na ako?" tanong ko sa kanya, medyo tinatansya kung may any indication ba ng selos or what. Si Dylan kasi nilalason ang utak ko na selos si Michael sa kanya.
"Basta I hope next time, we can also go out together," sabi ni Michael.
"'Di ba nga may movie date tayo?"
Ngumiti na siya. "This Saturday, pwede ka ba?"
"Yup, pwede naman," sagot ko.
"Then I'll see you this Saturday," sabi ni Michael.
Nag-babye na ako kay Michael tapos nakatitig lang ako habang papaalis na siya. Kahit 'yung likod niya ang gwapong tignan. Para akong sira na hindi mapakali sa pag-ngiti habang naglalakad papunta sa may balete.
Date.
As in, first real date ko.
"Hoy." May nangbatok sa akin. Paglingon ko, si Dylan pala. "Nakikipagdiskusyon ka ba sa balete?"
"Dylan, mag-dadate kami ni Michael ngayong Sabado!" sigaw ko, sabay nanggigil sa braso niya.
"O, sa balete mo unang shinare?" sabi ni Dylan, nang-aasar. "Ano ba, tatanggalan mo ba ako ng braso o ano?"
"Kinakalma ko lang ang sarili ko." Huminga ako ng malalim. This is it na talaga. May future talaga sa nagbabadyang relasyon namin ni Michael.
"Kitang-kita ka kaya namin sa kotse. Sabi ko puntahan na kita kasi bawal umihi dito," sabi ni Dylan.
Hinampas ko siya. "Bwisit ka talaga."
"Kala ko 'di ka na sasama. Ikaw pa man din manglilibre kasi nanalo kami," sabi ni Dylan.
"Ay, oo nga pala!" sabi ko, nanggigigil na namans a braso niya. Hindi ko kasi abot 'yung ulo niya kaya hanggang braso lang ako pwedeng mangulit. "Ang galing-galing mo kanina!"
"Kiss ko?" sabi niya, sabay turo sa pisngi niya.
"Kiss ka dyan!"
"Tsk. Nagbago ka na, Arya. Hindi ka na tulad ng dati." Umarte siya ng feeling hurt.
"Mukha mo!" sabi ko sa kanya. "May magkaibigan ba naman na nag-kikiss. Sige nga?"
"Eto naman, high blood agad. Joke lang," sabi ni Dylan. Pagkatapos, kiniliti na naman niya ako. "Pero himala ata at suot mo na ang salamin mo sa school?"
"Medyo may self-confidence na ako."
"Iba talaga 'pag umiibig," tukso ni Dylan.
"Pero ang galing galing mo talaga kanina! Three points, three points lang."
"Ako pa ba?" sabi niya.
Nakita ko na binaba ni Lisa 'yung bintana ng kotse sa may passenger seat. "Ano ba kayong dalawa dyan? Magyayakapan nalang ba kayo o pupunta tayo ng Tagaytay?"
Nag-hi ako kay Lisa. "O, kasama kayo?"
"Dali na. Sumakay na kayo. Sabi ni Mama hanggang eight lang tayo," sabi ni Lisa.
"Tara na, Arya. One hour din mahigit ang biyahe," sabi ni Dylan.
Dumiretso kami sa likod. Andun si Jill, kaibigan ni Lisa. "Hi!"
"Hi!" sabi ko.
"Arya," sabi ni Andy sa unahan, "nakita mo ba ang husay ko kanina?"
"Yabang!" sagot ko.
"Pero wala talagang tatalo sa three points ni Kuya Dylan," sabi ni Lisa.
"Syempre," sambit ni Dylan.
"Ano, saan ba tayo pupunta pala sa Tagaytay?" tanong ni Andy habang papalabas kami ng school.
"People's Park muna para manood tayo ng sunset. Tsaka masarap dun kasi malamig ngayon," sabi ni Lisa.
"Pagkatapos?"
"Punta tayo dun sa kinakainan natin ng bulalo." Nagdidiskusyon sila Lisa at Andy sa may unahan.
Si Jill naman busy sa pagbabasa sa phone niya. Sinilip ko, Wattpad story ang binabasa. Katabi ko lang kasi siya. Si Dylan ang nakaupo sa may tabi ng bintana.
Bumulong ng mahina si Dylan sa akin, "Ano sabi ni Michael nung sinabi mo na pupunta tayong Tagaytay? Buti hindi sumama."
"Ako ang sinasama niya sa lakad nila ng mga half-half," sabi ko sa kanya.
"Buti hindi ka sumama," sabi bigla ni Dylan.
Natawa ako. "Ano naman gagawin ko kasama ang mga half-half?"
"Ano meron?" usyoso ni Lisa sa unahan.
"Seatbelt ka nga," sabi ni Dylan sa kanya.
"Naka-seatbelt po, Kuya," sagot ni Lisa. "Ano pinag-uusapan niyo?"
"Wala ka na dun," sabi ni Dylan.
Inignore siya ni Lisa. "Parang seryoso. Tungkol saan, Arya?"
"Mamaya sasabihin ko sa'yo," sabi ko kay Lisa.
"Eto ba 'yung flowers?" hula niya.
Tumango ako.
"Si Michael ba 'yan?" tanong ni Andy. Basag trip lang. Ano ba.
"Sinong Michael? May kaklase ba kayong Michael?" tanong ni Lisa sa amin ni Dylan.
"Cojuangco," sagot ni Andy. "Ka-team namin. Nanliligaw kay Arya."
"Ha? Ano?" napabulaslas si Lisa sa gulat.
Tawa ng tawa si Dylan. "Panalo reaksyon ni Lisa."
"Ano nangyari? Totoo ba?" tanong ni Lisa ng paulit-ulit.
"Totoo nga," sabi ni Andy sa kanya.
"Surprise!" sabi ko nalang. "Eto ang tinatawag nila sa commercial na gandang hindi mo kahit kailan inakala."
"Pre, may maganda daw dito? Open mo nga 'yung trunk, baka andun," sabi bigla ni Dylan.
"Ang sama-sama talaga ni Kuya Dylan kay Arya. Grabe ka," sabi ni Lisa.
"Hindi na nga ako tinatalaban."
"Mahal ko 'yan eh," sabi ni Dylan, sabay sakal na naman sa akin.
"Mahal mo naman pala," sabi bigla ni Andy. "Bakit hindi mo ligawan?"
"Dylan, naipit 'yung buhok ko sa jacket mo," sabi ko.
"Oo nga," sagot ni Dylan habang tinatanggal niya 'yung buhok ko sa zipper ng jacket niya.
"Ligawan mo nga Kuya Dylan si Arya," sabi ni Lisa.
"Dylan, aray ko naman. Dahan-dahan ka naman sa paghila. Buhok ko 'yan. Kapag ako nakalbo, uupakan talaga kita," sabi ko sa kanya. Eto naman kasing si Dylan, walang ka-care care sa buhay. Kala ata invincible ang buhok ko.
"Tignan mo, Andy," patuloy ni Lisa. "May potential kaya sila."
"Manhid kasi ang dalawang 'yan. Hindi makaramdam," sagot ni Andy.
"Kayong dalawa, naririnig namin kayo, ha," warning ko sa kanila habang busy si Dylan sa pag-ayos ng buhok ko. "'Wag nga kami pagtripan niyo. Kayo, bagay kayo. Kayo nalang kaya?"
"Loko ka," bulong ni Dylan. "Tayo kaya ang nakikisakay sa kotse. Baka itapon tayo palabas ng 'di oras."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro