Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17th 💗

17th 💗       

"Slurpee ko?" May umupo sa tabi ko habang nag-aantay ako sa labas ng pintuan namin. Sabay binunggo ako. Napalakas siya ng tulak. Tapos busy din ako sa pagtetext, kaya nahulog tuloy ako sa may damuhan. 

"Aray ko naman," reklamo ko.

"Ay, sorry," sabi ni Dylan.

Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. "Buti nalang hindi maputik, kung hindi magpapalit pa ako ng suot."

"Buhay ka pa naman. At dyan lang naman tayo sa 711 pupunta. Okay lang kahit mukha kang gusgusin," sabi ni Dylan.

Tinaas ko 'yung salamin ko kasi nahulog. "Tara na nga. Ang lamig-lamig gusto mong mag-Slurpee."

 December na kasi kaya maginaw na. Malapit ng magbakasyon ulit. Ang lakas ng hangin kaya nagtago ako sa likod ni Dylan. Tutal naman tila siya immune sa malamig na panahon.   

"Ang tagal ko na kayang inaantay ang libre mo. Ako lang naman ang tumupad ng pangarap mo," sabi ni Dylan, nakangiting mayabang.

Tinulak ko siya sa likod. "Oo na. Ikaw na po. Ikaw na ang magaling."

Inipit na naman niya ang ulo ko sa isang braso niya habang naglalakad kami. "Slurpee! Ililibre ako ni Arya ng Slurpee!"

"Oo na," sabi ko, tinatanggal ang ulo ko sa braso niya.

"Ah, nakikita ko na ang Slurpee ko," sabi ni Dylan pagdating namin malapit sa 711. Tapos tsaka niya lang ako naisip pakawalan, sabay tapik sa likod ko. "Tara na!"

Inaayos ko pa ang salamin ko nung pumasok kami sa 711. Pinupunasan ko ng damit ko. Nakatungo ako tapos si Dylan naka-dantay ang isang braso sa mga balikat ko. 

Naglalakad kami tapos bigla niya akong kinabig habang nilalagay ko na ulit ung salamin ko. Nagtaka ako kung bakit. Tapos napansin ko na may nakatayo sa harapan namin. Pagtingin ko, si Michael pala at si Troy. 

Nanlamig ako sa pagkakatayo ko. Si Dylan din parang naging stiff sa tabi ko. Tila kami nakakita ng multo. 

"Arya!" si Troy ang unang nagsalita. "I didn't know you wear glasses."

Tinanggal ko bigla 'yung salamin ko. "Ah, eto ba. Wala eto."

"Bagay naman sa'yo. Ano ba 'yan, fashion statement?" tanong ni Troy. Si Michael, hindi ko alam kung bakit hindi nagsasalita. "Michael also told me everything. I'd never guess that you were Bianca."

"Ha-ha," sagot ko nalang.

"Saan kayo papunta?" tanong ni Dylan, tapos naramadaman kong unti-unti niyang tinanggal 'yung kamay niya sa balikat ko. "Sa court?"

"Yeah, we just came there," sabi ni Troy. "Kayo?"

"May bibilhin lang," sagot ni Dylan.

"Arya, can I talk to you for a sec?" sabi ni Michael, sabay turo sa labas. 

Nagkatinginan 'yung dalawa. Tapos sabi ni Troy kay Dylan, "Bro, why don't we check out the new stuff they're selling over there?"

"Arya," kinausap ako ni Dylan. Parang, Arya, ano ba? Gagawa ba tayo ng palusot? Aalis na ba tayo? 

Ngumiti ako. "Sige na. May gusto ata tignan si Troy."

Tumango siya, tapos parang ang angas bigla ng aura niya kay Michael. Ano ba problema nila? May away ba sila na hindi ko natunugan?

Hindi naman siguro masama na mag-usap kami ni Michael sa labas saglit. Pero medyo weird nga na bakit sa labas pa?

Pinagbuksan ako ni Michael ng pinto. Feeling pa-girl na naman ako. Lumabas kami ng 711 ni Michael. Kruu kruu moment siguro ng mga ilang segundo. Inisip ko tuloy kung ano gusto niyang sabihin.

"Do you usually wear glasses?" tanong ni Michael.

"Chaka ba?" tanong ko bigla.

Umiling siya. "Hindi. It looks nice on you."

"Talaga?" sabi ko ng puro pagdududa.

"I saw you wearing it before sa groceries," sabi ni Michael.

"Nakita mo din 'yun?"

"You were with someone. I forgot who," sagot niya.

"Si Lisa, pinsan ni Dylan."

"Ah, I see. I've heard that name before. Troy initially suspected that Bianca was Lisa."

"Oo nga, nasabi din ni Dylan. Hindi ko nga siya mapatawad nung nadulas siya," sagot ko.

"But it all turned out for the better, don't you think?"

"Baka," sabi ko.

"I met you," inindicate ni Michael. "And you should wear it if you need it instead of just holding your glasses like that."

Wala kasing bulsa ang suot ko kaya hawak hawak ko lang 'yung salamin ko. "Pero kasi..."

"Come on." Kinuha ni Michael 'yung salamin ko sa kamay ko. Eto pala 'yung regalo sa akin ni Dylan nung last birthday ko, kasi undecided talaga siya kung paano ako ipapakilala kay Michael. And bukod sa undecided, naawa na kasi siya sa luma kong salamin na may lifeforms na sa nosepad.

"Ano gagawin mo sa..." Sinuot sa akin ni Michael 'yung salamin ko. Nakalimutan ko kung paano huminga kasi feeling ko nakukuryente ako sa daplis ng daliri niya sa may mukha ko. 

"Ayan, that will make you feel better," sabi ni Michael. Hindi ako makatingin ng deretso. "I thought you were wearing contact lens sa school."

"No," sabi ko. "Wala akong suot."

"Hindi ka ba nahihirapan?" 

"Medyo, pag malayo na sa board."

"Then you should start wearing it when you're in school," sabi ni Michael.

"Sige, pagiisipan ko," sabi ko. Ayaw ko nga kasi ang chaka. "Eto ba sasabihin mo sa akin kaya lumabas tayo?"

"Ah, hindi eto," sabi ni Michael. 

"Alin?" tanong ko. Backout na siya? Inaasahan ko din naman na pwede etong mangyari. Hindi ko naman pepersonalin masyado. Feeling ko kasi nabibigla lang siya sa ligaw decision niya.

"Nothing." Nagkibit-balikat si Michael. "Naalala ko lang na manliligaw lang pala ako."

Natawa ako. "Alin ba kasi 'yun?"

"No, forget it."

"Nakakabother, ha," biro ko sa kanya. Ngumit si Michale. Hindi pa din ako makakaget-over sa kagwapuhan niya. "Pero hindi naman eto tungkol kay Dylan? Magkagalit ba kayo?"

"Nope," sabi ni Michael. "We're okay."

Pero bakit ganun bigla aura nilang dalawa kanina. "Sure ka?"

"Yes, I am," sabi niya.

"Sabi mo sa text mo may family dinner kayo sa labas?"

Tumingin si Michael sa relo niya. "Yeah, in about an hour. I really want to stay, pero I have to go."

"Oo naman, go lang ng go," sabi ko sa kanya.

"Maybe next time, we can go here together. You can call me anytime if you need to go somewhere," sabi ni Michael habang pabalik kami sa loob ng 711.

"Sige," sagot ko.

"Are you guys finished talking?" tanong ni Troy nung lumapit kami sa kanila.

"Nakabisado na namin laman ng shelf," dagdag ni Dylan.

"Sabay ka, bro? I should get going. Family stuff," sabi ni Michael kay Troy.

"Oo, sasabay ako syempre. I didn't bring my car," sabi ni Troy. Tumingin siya sa amin ni Dylan. "Later, guys!"

"Ingat kayo," sabi ko.

"Bye, Arya," sabi ni Michael sa akin. Bye, my loves. Tapos tumango siya kay Dylan.

Tumango din si Dylan.

After nilang umalis, dumiretso na kami ni Dylan sa may vending machine ng Slurpee.

"Hoy, bawal 'yan," sabi ko ng mahina. Kasi kinakain niya 'yung nasa tuktok tapos naglalagay ulit.

"Ingay naman neto," sabi ni Dylan.

Natawa ako. "Bayaran na natin. Masyado kang patay gutom."

"Ano sinabi ni Michael?" tanong ni Dylan habang nakapila kami.

"Something sa salamin ko." Binayaran ko 'yung Slurpee namin. "Nakita  na niya pala ako before na suot-suot eto."

"Tapos?" tanong ni Dylan.

Humanap kami ng bakanteng upuan. "Anong tapos?"

"Ano sabi sa akin?" tanong ni Dylan. Nakaharap siya sa akin habang nakaupo instead na sa labas.

"Sa'yo?" Tumingin ako sa kanya. "Bakit naman ikaw?"

Umayos siya ng upo, tapos dinantay na naman niya 'yung braso niya sa akin. "Pinagbawalan ka ba niya sa ganito?"

"Alin ba?"

Tinapik niya 'yung braso ko ng ilang ulit. "Eto."

Tumingin ako sa balikat ko. "Ano nga?"

"Hay nako, Arya. Paano ba kita papayagan mag-lovelife kung ganyan ka?" sabi ni Dylan na bumalik na sa pag ubos ng Slurpee niya. 

Na-bra-brain freeze na ako kaya tumigil na ako sa paghigop. "Saan ba? Ipaliwanag mo kasi."

"Eto," sabi ni Dylan, sabay turo sa aming dalawa. "Etong closeness natin. Selos kaya 'yung isa kanina."

"Selos 'yun? Talaga ba? Paano?" Na-curious ako.

"Hindi talaga 'yun sinabi niya sa'yo?"

"Hindi nga," sagot ko. "Pero nabanggit niya na nanliligaw palang naman siya."

"Ayun! Ayun na 'yun," sabi ni Dylan.

"Pero di ko ma-imagine si Michael na magseselos," sabi ko sa kanya. "Ubusin mo na nga din eto. Ang lamig lamig na."

Nanginginig na ako kaya lumapit ako kay Dylan. Bakit kasi stools etong naupuan namin. Kailangan ko ng heat energy niya. 

"Ano, maginaw?" tanong ni Dylan.

"Transfer mo sa akin ang iyong heat energy," sabi ko sa kanya.

Inakbayan niya ulit ako tapos ni-rub 'yung kamay niya sa braso ko para hindi ako ginawin. "Last mo na 'to. Eto na ang mga huling araw na pwede nating gawin eto."

"Ang alin na naman?"

"Arya, pag naging kayo ni Michael, hindi na tayo pwedeng mag-skinship ng ganito," paliwanag ni Dylan. "Baka suntukin na ako 'nun."

"Ang wala, skinship pala eto," sabi ko.

"Ano tawag mo dito?" sabi ni Dylan, natatawa din. 

"Lagi naman nating ginagawa eto simula pa noon," sabi ko sa kanya. 

"Pero iba pa din dating sa kanya. Kailangan na nating masanay na walang ganito. Buti nga kung papayag 'yun na lumabas pa tayo ng ganito," sabi ni Dylan.

"Tingin mo?"

Tumango siya. "Pero dahil hindi pa naman kayo, ano bang pake nila."

Tumawa ako ng malakas. "'Yan gusto ko sa'yo! Angas lang kala mo totoo. "

"Pero Dylan, parang hindi ko kaya na hindi tayo ganito. Sino nalang tatakbuhan ko pag may problema ako? Pag nahihirapan akong..." natigil ako bigla. Hinampas ko 'yung kamay niya. "Bakit mo ba sinisira 'yung nananahimik na straw at paper cup. Tignan mo tuloy kung ano ano itsura nyan."

"Ang sarap kaya." Gustong-gusto niya talaga ang ginagawa niya. Mr. Destruction talaga etong si Dylan kahit kailan.

"'Yung bag mo pala, dadalhin ulit natin sa tahian," naalala ko bigla.

"Bili nalang ako bago," sabi ni Dylan.

"Paano mo napunit 'yung likuran? Tanong lang. Nakakapagtaka kasi ang mga kaya mong gawin."

"Superpower. Parang Incredible Hulk," sabi niya.

"Feeling ko nga may something sa genes mo," sabi ko nalang.

"Tagaytay tayo," sabi ni Dylan bigla.

"Ano, kulang pa ang lamig ng Slurpee?"

"Gusto kong gumala. Sabihin ko kay Andy. Hiramin natin 'yung sasakyan nila Tita."

"Sige," sabi ko. "Kailan?"

"Pagkatapos ng Sports Festival," sabi ni Dylan.

"Next week na pala 'yun," sabi ko.

"Pupunta ka sa laban namin..." napa-isip siya. "Oo nga pala, kayo na ni Michael. Syempre andun ka!"

"Sira! Hindi pa kami," sabi ko sa kanya.

"Ang putek! Sinong niloloko ng ngiti mo?" sabi ni Dylan, tinutukso ako.

"'Wag ka nga," sabi ko, sinagi ang daliri niya na tinuturo 'yung blush at ngiti sa mukha ko.

"Bagay pala sa iyo ang ma-inlove. Nakakapanibago," pansin ni Dylan.

"Mas gumaganda ba ako?" tanong ko.

Inisip niyang mabuti. "Siguro? Ewan ko. Ganyan naman lagi itsura mo. Parang may kakaiba lang na nadagdag."

"'Wag ka masyadong pakatitig. Baka ma-inlove ka sa akin," biniro ko siya.

Nilamutak niya 'yung mukha ko. "Asa pa!"




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro