Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16th 💗

16th 💗     

"Arya, are you okay? Namumutla ka," sabi ni Michael after a while.

Sino ba ang hindi mamumutla sa kaba? Tina-try ko palang maabsorb ang ginawa ni Dylan. Eto ba 'yung sinasabi niya sa text? Tama ba ang pagkakaintindi ko na sinabi na niya kay Michael ang lahat. 

"Bakit ka andito?" tanong ko kay Michael.

Ngumiti siya. Lalong naging mahirap kumalma. "Sabi ni Dylan dito kita makikita."

"Sabay dapat kami uuwi," sabi ko, parang nagmumutter na hindi malaman. "Hindi ko naman alam na ganito pala ang plano niyang gawin."

"Are you mad?"

"Hindi naman," sabi ko. Sakto lang. Ano ba etong ginawa ni Dylan?

"So you were Bianca?" tanong ni Michael.

Tumingin ako sa kanya. "Sorry sa lahat."

Ngumit si Michael, pero this time, medyo may halong lungkot sa mata niya. "Apology accepted. It doesn't matter na. I'm just glad to finally meet you."

"Bakit?" tinanong ko siya. 

"Matagal na din kitang gustong makilala. I want to imagine a face whenever I think of you," amin ni Michael.

"Bakit?" tanong ko na naman. Parang disusi lang. "I mean, bakit naman? Ano meron?"

"Do you want to come with me sa vet? Dinala na ni Dad si Collie kanina. Susunduin nalang siya," sabi ni Michael. 

Totoo nga. Tanggap na nga niya na ako lang pala si Bianca. Ano ba eto, out of courtesy? Parang hello Bianca, paalam na. 

"Next time nalang. Medyo nagmamadali ako," sabi ko sa kanya, sabay tumayo.

"Wait, Arya," sabi niya at hinawakan niya 'yung braso ko kasi seryoso akong aalis na ako. Feeling ko may nasirang wire sa katawan ko nung hinawakan ako ni Michael. Kakaiba. Sparks at fireworks. Hindi ko maexplain. Para bang nakuryente ako at lahat ng senses ko ay gumana bigla.

"Michael, sorry talaga sa nagawa ko. Sorry dahil nagpanggap ako as someone else. Tapos eto na ang truth. Surprise! Si Ariane Chavez lang ang inaakala mong model. Nagulat ka ba? I'm sure nagulat ka. Kaya sorry talaga at--"

"Arya," diniin ni Michael ang pagbanggit ng pangalan ko para tumigil ako sa pagsasalita ng mabilis. Nung tumigil na ako, ngumiti siya. Tapos inextend niya 'yung kamay niya sa akin. "It's nice to meet you."

Natawa ako bigla. "Kinakabahan ako sa'yo."

"Why?" tanong niya, nagtataka na natatawa.

"Hindi ko kasi talaga maintindihan. Ano ba eto? Hi, can we be friends? Hi, ang kalog mo at gusto talaga kitang makilala para maging magkaibigan tayo? Hi, ikaw ang pinakaweirdong estudyante sa buong school at gusto pa kitang makilala para malaman kung ganito ka ba talaga o--"

"Arya," sabi ulit ni Michael at syempre natameme ako. Tapos nilinaw niya, "To answer your question, it's hi, pwede ba akong manligaw sa'yo?"

Nilagay ko bigla 'yung dalawang kamay ko sa bibig, kasi may tili na nagbabadyang lumabas. Hindi ko alam kung panaginip ba eto. Self, gising na. Masyado ng paasa ang panaginip na 'to. 

"I'm not sure if that's a yes or no?" Kabado itsura ni Michael. Ano ba eto? Nauntog ba siya lately? Pinakulam ko ba siya ng hindi ko alam? Pinagayuma?

"Seryoso ba?"

Tumango si Michael. "Yes. If you would give me your permission, I want to pursue your heart."

"Bakit ako?" tanong ko sa kanya, sadyang naguguluhan. 

"Why not you?" sabi ni Michael.

"Hindi ako model," igniit ko. "Wala ako sa kalingkinan ng mga naging ex mo."

"I didn't know that there was a standard when it came to the person I'd come to like," sagot ni Michael.

"Pero, Michael, eto lang ako," sabi ko sa kanya. "Ganito lang ako. Average height, average weight, average lahat."

"I disagree with that," sabi ni Michael. "You're not like any other girl I've met. You're not trying to prove yourself to anyone. You're just you. And I find that very attractive. I'm drawn to you in so many ways that I can't even explain it myself."

"Kaya nga nakakapagtaka kung bakit sa lahat ng pwede mong ligawan, ako pa."

"I remember this one instance. I think it was the first time I saw you. You were going the opposite way and people were flocking around me because of something that happened in our game that day. And then--"

Inabala ko siya. "Wait lang. 'Yan ba 'yung napakapit ako sa pinto kasi dumaan ka sa harap ko?"

Tumawa siya. "Yes?"

"Nakakahiya!" sabi ko. "Naalala mo pa  'yun?

"I didn't know who you were back then. But I remembered it when I saw you with Dylan the next day," sabi ni Michael.

"Si Dylan talaga ang may kasalanan ng lahat ng eto," sabi ko.

"You two were pretty close. Is there something special going on between the two of you? Is that why you can't let me court you?" tanong ni Michael.

"Wala!" sabi ko agad. "Friends lang kami na sobrang close. Parang magkapatid."

"That's a relief," sabi ni Michael.

"Tanong mo pa sa kanya," sabi ko.

"I did. I already asked him if I could court you," sabi ni Michael.

"Talaga? Ano sabi niya?"

"He made sure that my intentions were clean. And then he made me promise not to hurt you," sabi ni Michael sa akin.

Aww, touch ako sa aking best friend. 

"Pero bakit nga ako, Michael? Sa dami ng may gusto sa'yo sa school, bakit ako pa?"

"Does that mean you're one of them?"

"Anong one of them?"

"'Yung mga may crush sa akin," paliwanag ni Michael. "Na may crush ka din sa akin."

Tongo tongo lang, Arya. Tongo tongo lang. Ibang level ka talaga pati sa confession. Napahinga ako ng malalim, tapos sinabi sa kanya, "Sige na, inaamin ko na. Isa ako sa kanila."

"Really?" nakangiting tanong ni Michael.

"Oo na, kaya nga for a moment, nahibang ako after that short encounter with you dati. Tapos nagilusyon ako na makatext ka. Hindi ko naman akalaing mangyayari," sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya.

Ang gwapo.

"Pero hanggang dun lang ang fantasy ko. Hindi ko na maimagine ang beyond dun. 'Yung eto, para bang panaginip na gusto mong manligaw. Out of this world na."

"Bakit naman?"

"Kasi hindi mo ba napapansin na pagpasok mo sa room, nakatingin lahat sa'yo? Tapos sino ba ako para tignan mo din at tanungin ng mga ganitong bagay," sabi ko sa kanya.

"We could go on all day about this, Arya," sabi ni Michael. "But my question remains the same. Is it a yes or no?"

"Teka, wait," sabi ko, tapos tinaas ko ang isang kamay ko. "Para saan ba ang yes or no? Pag yes ba, tayo na. Pag no ba, ano ba?"

"Manliligaw palang po," sabi ni Michael. May ibang lambing pag nag-Tatagalog siya. As in.

Feeling ko kakulay ko na 'yung pula sa watawat ng Pilipinas. Hindi ko na napigilang mapangiti ng parang tanga sa kilig. 

Nag-aantay si Michael sa sagot ko. Ano na, Arya? Kaya pa?

Kung panaginip lang ang lahat ng eto, dito muna ako. Ayaw ko na munang gumising.

"Oo, Michael."

"Really?" Kinuha niya ang kamay ko. 

With a nod, sabi ko, "As in, oo."



~Author's note~

Hello Team Dylan, lapida na ba? 😇

Baka naman sabihin niyo ang bully ko masyado sa inyo (w/c is the trot haha), spoiler sa IG story update ko. One day lang yan kaya kung gusto niyong masilip ang future. O, ayan na ha. Bati na tayo. 

Pero lapida na talaga. 😂😂😂

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro