14th 💗
14th 💗
Hindi.
Hindi ako si Arya. Ako ay isang multo. Awooo! Matakot kayo at layuan niyo ko, please.
Bakit ba nila ako nakikita lahat ngayon? Masama talaga na na-associate ko ang sarili ko kay Michael kahit sa text lang. Nahahawahan na niya ako ng kanyang superpowers.
Mas masarap talagang maging invisible. Na andun ka lang lagi sa comfort zone mo at masaya ka. Walang stress. Patuloy lang ang buhay mo sa paraang alam mo.
Kasi 'yung mga situation na ganito, ang nafifeel ko lang ay gusto ko ng kainin ng lupa ngayon--ang pinakamadaling solusyon sa problema ko. Pero ano naman mapapala ko sa easiest way out? Wala naman etong mareresolve.
Dahil wala ng ibang choice, nagturn around na ako para harapin si Michael. Ang gwapo niya, please. Bagong shower. Tipong natulo pa ang tubig sa buhok niya at may nakasampay na puting tuwalya sa leeg niya.
"Arya," sabi ulit ni Michael. "Ano ginagawa mo dito?"
"'Yung ano... English textbook mo pinapabigay ni Ms. Matimtim. Ano kasi sabi niya dadaan naman ako dito kasi sabay lagi kaming umuwi ni Dylan. Kaya ayun..." O, diba. Nagpaliwanag ako ng bongga. Nagtuloy-tuloy lang lumabas sa bibig ko 'yung gusto kong sabihin. Kasi naman etong mga pasaway na kasama nila Michael sa team na sobrang yayabang, feeling naman nila nagpapansin ako kay Michael.
Well, may tama naman din sila.
Buti nalang etong sila Troy at Michael ay hindi nila katulad. Pati na din syempre si Dylan at Andy. Kaya kahit pa may mga itsura etong mga players na eto, kay Michael lang ang focus ko. Bukod kasi sa gwapo, maganda pa personality.
"My textbook?" Hinanap ni Michael 'yung textbook niya.
"Andito sa bench, Mike," sabi nung kasama nila. "Una na kami. Iwan na namin kayo."
Tapos tinukso na nila kami.
"Stop teasing Arya. Kaibigan 'yan ni Dylan," sabi ni Troy. "At there's nothing going on between them. Michael's smitten with someone else."
"Alin? 'Yung Bianca?" sagot nung isa na naglalagay ng damit niya sa duffel bag.
"The one he's always texting," dagdag ni Troy.
"Right. The model." Natigil sila sa pag-alis tapos nagtuksuhan ulit.
"I don't think he'll settle for anything less. The last girl he has dated was Carla," sabi nung isa pang Fil-Am. Oo na, gets ko na. Spellingin pa ba natin?
"Hey, that's not what I'm trying to point out," sabi ni Troy.
"Why not? Isn't it the truth?" sagot nung Fil-Am.
"Aminin mo, Mike. Lahat ng naging ex mo ay pwedeng sumali ng Ms. Universe."
"But can you blame the guy? Isn't it the same for you, Alex?"
"Dalawa pa dine-date nyan ngayon."
"Just don't get caught," patuloy lang ang biruan nila.
Parang hindi sila naririnig ni Michael kasi nakatingin lang eto sa akin. Feel ko naman 'yung gusto siguro niya na itanong, kaso hindi sa lugar na eto at kaharap sila. Aamin naman ako sa kalokohan ko, pero kaunting privacy naman. Hindi pa ako ready na maging super laughing stock ng basketball team.
"Arya! Hindi ka pa ba uuwi? Iiwanan na kita," may tumawag sa akin sa likod.
"Dylan!" Sobrang saya ko ng makita ko si Dylan. Palabas na siya ng gym. Dala-dala na niya 'yung bag niya at bagong shower din. Aba, nagmumukha din siyang fresh pag naliligo.
"Arya, wait--" tawag ni Michael. Haba ng hair ko. Abot Mars.
"Bakit?" tanong ko. Tapos nafi-feel ko na mine-mental telepathy niya ko. Wow, galing naman namin kung magkaintindihan kami. Kaya sabi ko nalang, "Andun 'yung book mo. Una na kami ni Dylan. Bye!"
At ayun na nga ang nangyari, umuwi na kami ni Dylan.
Pero hindi kami nag-uusap. Wala, walking in silence lang. Naiinis ako na naiinis. Hindi ako sanay na ganito kami. Tapos andami pang gumulo sa isip ko.
Si Michael. Ano na gagawin ko tungkol kay Michael? Move on nalang ba at bahala na? Tutal naman wala naman talagang mangyayari. May sense pa ba na magpaliwanag ako sa pagpapanggap ko bilang Bianca? Apology siguro. Magsosorry nalang ako pag ready na ako.
"Dylan," tinawag ko na si Dylan; ako na nag-initiate. "Galit ka ba sa akin?"
"Hindi," sagot niya.
"Sa mundo galit ka?"
Medyo may konting ngiti na lumabas pero sungit mode back on in a second. "Hindi rin. Bakit naman ako magagalit?"
"Kasi hindi mo ako kinikibo buong maghapon," sabi ko.
"Ako rin naman, hindi mo kinikibo maghapon," sagot ni Dylan.
"Ah, ganun? Ibabalik mo lang sa akin lahat ng sasabihin ko? Paano tayo magkakaayos niyan?"
"Bakit, may aayusin ba?"
"Bahala ka nga sa buhay mo," sabi ko, sabay lakad ng mabilis. Ewan ko sa kanya. Kinakausap ko ng matino, tapos ganun lang isasagot sa akin. Kinuha ko na 'yung salamin ko sa bag at sinuot.
Hindi naman eto ang first away namin. Syempre, over the years, nagkakagalit din kami from time to time. Pero naalala ko na siya ang last na sumuyo sa akin, kaya ako naman ngayon. Fair lang.
Tsaka para kasing ang senseless ng pinagaawayan namin ngayon. Napakawalang kwenta. Bigla nalang kami hindi nag-usap na kung tutuusin pwede naman sana naming tinawanan ang nangyari.
Bakit nga ba, Arya? Bakit ba hindi ka na umimik. Hindi ko naman ma-explain. Feeling ko lang, 'yun ang gusto kong gawin. Distansya, amigo! Katulad nung nabasa ko sa nakalagay sa jeep na dumaan.
"Dapat kanina umalis ka na agad. Pinagkakatuwaan ka na ng mga ugok na 'yun," bubulong-bulong si Dylan sa likod ko habang naglalakad.
"Kung hindi ko nakita sila Troy at Michael, matagal na akong umalis," sagot ko.
"May napala ka naman ba kina Troy at Michael?"
Hindi ko na natiis. Nawa-war mode ako sa mga sagot ni Dylan. Tumalikod ulit ako at hinarap siya. "Ano ba problema mo bigla kina Troy at Michael? Hindi ko lang sila maiwang dalawa kasi kinakausap nila ako. Ang bastos ko naman kung lalayasan ko sila. Hindi naman nila kasalanan na ganun ugali ng iba nyong ka-teammate. At hindi nila obligasyon na ipagtanggol ako."
Natahimik siya bigla.
Ako rin, natahimik na. Kasi naman, binabaling niya kina Troy at Michael 'yung kasalanan ng iba. Naiinis ako pag ganun. Alam ko naman ang nangyayari. Nasasaktan na nga ako. Kasi hindi naman ako model. Hindi naman ako bagay talaga sa isang Michael Cojuangco. Hindi lang eto self-pity. Eto naman kasi ang totoo. Okay, medyo self-pity nga.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Dylan after an eternity of silence.
"Hindi," sabi ko.
Sinabayan na niya ako sa paglakad. "Bakit?"
"Wala," sagot ko. "Kasi hindi ako model."
Natawa na siya. "Pagkatapos ng nangyari, pinoproblema mo na hindi ka model?"
"'Wag ka nga, brokenhearted ako," sabi ko.
"Dahil?"
"Pag brokenhearted, walang kibo dapat."
"Bakit ka nga brokenhearted?"
"Feel ko lang. Masakit," sabi ko, sabay turo sa puso. "Dito."
Hinawakan ni Dylan 'yung braso ko at tumigil kami sa paglakad. "Arya, ano? Seryoso ba eto? Bakit ganyan mga mata mo? Naiyak ka ba?"
Napahikbi ako bigla. Kasi pinipigilan ko nalang talaga maiyak. Tapos nag-try nalang akong magboses masaya at sinabi, "Hindi, joke lang 'to. Nagiinarte lang ako. Itutulog ko lang eto."
Hindi sya naniniwala. "Arya, ano ba? Ayos ka lang ba talaga?"
"Ikaw naman, crush lang eto," sabi ko. "Makakaget-over din ako kay Michael Cojuangco. Kailangan ko ng gumising sa katotohanan. Bukas na bukas, madali!"
Syempre, hindi ko naman na-convince si Dylan na okay lang ako. At dahil siguro wala na siyang maisip na ibang paraan, binuksan nalang niya ang arms niya ng sobrang wide. "Halika na nga dito, iyaking bata."
"Tsk," sabi ko. At niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.
~Author's note~
Balik ulit ako next weekend. Salamat sa pagbasa! 😁
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro