12th 💗
12th 💗
"Arya! Buti nakapunta kayo," bati ni Kim pagkakita sa amin. Naka-pink siya na gown at fairytale ang theme ng kanyang birthday party.
"Happy birthday!" bati ko, sabay abot ng paper bag ng binili naming regalo para sa kanya.
"Happy birthday," sabi ni Dylan.
"Thank you," sabi ni Kim, mamula-mula ang pisngi. Tapos para siyang natuliro bigla na hindi malaman ang gagawin. Napansin din eto ni Dylan at sinenyasan ako na para bang nagtatanong kung ano ba dapat naming gawin.
"Kim!" sabi ko, medyo napalakas kasi para siyang nagulantang ng 'di oras. Pero at least nahimasmasan naman siya at napatingin sa akin. "Ang gandang party mo. Mukhang ripped-off sa fairytale book."
"Salamat," sabi ni Kim. "Ay, teka, ikukuha kita ng flower crown. Lahat kasi ng girls meron."
Habang kumukuha si Kim ng flower crown, sabi sa akin ni Dylan, "Parang mas okay pa ata na hindi nalang ako sumama. Hindi niya tuloy alam ang gagawin."
"'Wag ka masyadong pa-charming. Hindi siya sanay sa dimples mo," sabi ko kay Dylan.
"Nakakahiya tuloy," sambit niya.
Napabuntong hininga nalang ako. "Lakas ng tama ni Kim sa'yo, friend. Okay lang talaga na sumama ka. Happy sigurado si Kim."
"Andito din kasi sila Andy. Sabi nila masarap daw pagkain kaya pumunta na din ako," sabi ni Dylan.
"Pagkain, weh?" sabi ko.
Dumating na si Kim at inabot niya sa akin ang flower crown na parang headband. "Eto. Suotin mo. Bagay sa'yo yan, Arya."
"Thank you." Nag-aalangan ako ng konti kasi hindi naman ako sanay magsuot ng mga cute na bagay. Feeling ko masyado akong pa-girl pag nagtatry akong magsuot ng mga ganito.
"Kim, dumating na ba sila Andy?" tanong ni Dylan.
"Ah, ano..." nabulol na si Kim. "Doon... andun sila sa may tabi ng pool."
"Saan banda?"
"Kim," sabi ko. "Samahan mo kaya si Dylan."
"Ah... okay. Kung okay lang sa... kanya. I mean... sa'yo... Dylan?"
"Oo naman. Kung hindi masyadong nakakaabala," sabi ni Dylan.
"Go na kayo. Mag-iikot lang ako sa may buffet table. Nakakagutom din kasi," palusot ko, sabay tulak ng bahagya sa kanila. Chance na eto ni Kim. Eto na ang pinakamasayang birthday gift na matatanggap niya.
Pinanood ko sila habang papalayo. Si Dylan naman kasi magaling siyang makipag-usap sa ibang tao, kahit pa sabihin mo na nahihiya si Kim sa kanya. Ilang segundo lang, tumatawa na si Kim habang naglalakad sila.
At dahil dyan, I'm all alone. Ginusto ko eto. Panindigan ko.
Mukha din kasing type ni Dylan si Kim kaya pumayag siya na samahan ako dito sa party. Ganun kasi mga gusto nun, medyo chinita na mahiyain. Ang superpower pala ni Kim ay ang maging sobrang cute. 'Yung tipong parang sobrang fragile na masarap alagaan.
Nagulat ako pagcheck ng cellphone ko at nakitang nagtext na si Michael. Bakit ganun? Bakit parang ang weird na parang wala lang, kamustahan lang? Ano, amnesia moment ang isang linggo na walang paramdam?
Umupo ako sa may chair malapit sa chocolate fountain, napaisip. Wrong send kaya?
Hindi ko alam kung paano magrereply or if para sa akin ba 'yung message kaya nakikain na din ako sa mga kumakain sa may tabi ng chocolate fountain. Sinamantala ko na kasi andito na din lang naman ako at wala namang pumapansin sa akin.
Malakas ngayong ang invisibility power ko.
Nahirinan ako sa marshmallow na sinubo ko kasi parang naaninagan ko from afar si Michael. Niliitan ko 'yung mata ko para makakita ng mas malinaw. Eto talaga ang disadvantage ng mga near-sighted. Pag malayo na ang tinignan, blurred lang ang nakikita namin. Ang saklap.
After a few seconds, noong mas malapit na sila, si Michael nga at papunta sila dito sa may chocolate fountain. Kasama niya si Troy.
Medyo nasa gilid kasi eto ng venue kaya kung gusto kong umalis, makakasalubong ko sila. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya bumalik nalang ako sa pagkakaupo sa gilid, kunwari busy at may katext.
"Did you talk to her?" tanong ni Troy, 'yung best friend ni Michael, habang kumukuha ng platito sa may likuran ko lang.
"I sent her a text a few minutes ago. She didn't respond," sagot ni Michael. Shucks. Nag-lean pa siya sa may table na as in likod na likod ko lang. Na-aamoy ko pa ang pabango niya sa sobrang lapit lang niya sa akin.
"Maybe she was angry that you didn't reply to her for days," sabi ni Troy.
Self-proclaimed chismosa lang ang peg ko sa likuran nila habang nag-uusap. Bakit kasi hindi agad ako nakaalis? Medyo nahiya kasi 'yung iba noong dumating si Michael dito sa may chocolate fountain kaya nagsialisan sila. Hindi ba talaga nila nakikita ako dito?
"I hope not. I only wish that she was upfront about it and told me the truth," sagot ni Michael.
"Tingin ko si Lisa talaga siya. She's a first year. I heard that she's Dylan's cousin."
Ako pala ang topic. Hala, gusto ko ng mag-disappear.
"I'm not so sure about that. She's going out with Andy, right?"
Nag-snap ng fingers si Troy. "Yeah, I forgot about that. Nakwento pala 'yun ni Andy minsan. So who's this Bianca?"
"I don't know," sagot ni Michael. "When I gave Dylan the flowers, he told me that he would give it to her when he got home. I was surprised to know that she lived near their house. I asked him if I knew her. Sabi ni Dylan, she knows who I am but he doubts that I know who she is."
"She must really like you," sabi ni Troy. "You should have asked Mark. He's a student assistant. He could easily look up all the names of the students in our school."
Hindi kumibo si Michael. Kung pwede ko lang makita reaction niya, pero nakatalikod kasi ako sa kanila. Seryoso pala na curious talaga si Michael kung sino ako.
"Bro, don't tell me that you've already asked him," biro ni Troy.
"I... did. I don't think there's anything wrong with that," sagot ni Michael.
"I can't believe this," sabi ni Troy, tumatawa na nang-aasar. "And then? What happened?"
"There's no student in our school with that name. She's not even on Facebook. I mean, if she's really a model, a name should come up."
Paktay. Lagot. Patay. Deads. 6 feet under.
"So she lied about that?"
"For a reason, maybe."
"Then why are you still interested with her?"
"She's different. I kind of like her," sagot ni Michael.
What?
Oh, my gosh.
Wait.
Medyo para ako biglang hindi nakahinga.
"Even if she lied about her name and everything else?" tanong ulit ni Troy.
"That's why I want to get to know who she is in real life. There must be a reason," sabi ni Michael. "But she want to keep her identity from me. Dylan told me that he couldn't say anymore than that, because he'd feel sorry towards her."
Nangangatog na ang mga kamay ako sa mga hindi masabing dahilan. Kaya nung uminom ako para kumalma, nabitawan ko 'yung basong hawak ko. Paper cup lang naman siya, pero nahulog sa may paanan ni Michael ng di sinasadya.
Shucks.
No.
"Sorry," sabi ko agad, sabay tayo. Tina-try ko na itago ang mukha ko from Michael, pero parang imposible kasi ang lapit namin sa isa't isa. Yumuko ako para kunin 'yung paper cup. Tapos si Michael din ay yumuko para abutin ng kamay niya. Eto na 'yung cliche na nagkabanggaan ang mga kamay namin.
Napatingin ako bigla sa kanya, tapos nakatingin din siya sa akin. Lahat ng klaseng awkwardness ay nangyari kasi walang nakakibo sa amin.
"Dylan's friend," sabi ni Michael bigla.
"Ah, ano... sino..." Bakit. Saan. Sana. Kailan. Datapwa't. Ano ba, Arya? Umayos ka. Parehas na kami ni Kim na nabubulol sa harap ng crush namin.
Tapos parang may something--syempre for me sparks 'yun, pero hindi--may hint of recognition sa eyes ni Michael bigla. 'Yung tipo na para siyang may naalala or napagtagpi na dalawang bagay.
Wait, kinabahan ako bigla. I mean, mas kabado pa sa initial kong kaba kanina simula ng sobrang lapit ni Michael sa akin. Kinabahan ako ng in a not so nice way. Kutob lang na iba ang narealize or naisip niya.
Bigla tuloy akong napatayo, tapos si Michael naman ewan ko ba kung bakit siya lumapit. Nakauntugan tuloy kami at medyo natulak ko siya patalikod. At sa hindi inaasahang pangyayari, nabangga ni Michael 'yung table ng chocolate fountain at natalksikan siya sa polo na puti na suot niya.
Friday the 13th ba ngayon?
"Bro, your shirt," sabi ni Troy, sabay turo sa mga chocolate stains sa polo ni Michael. Tinignan ni Michael 'yung damage sa polo niya, siguro nag-iisip ng gagawin. "Punta ka na ng CR, Mike. Baka matanggal pa."
"I'm sorry," sabi ko, hiyang-hiya.
Ngumiti si Michael sa'kin. "It's okay. It's too bad that out of all days, I don't have an extra shirt in my car right now."
"Gusto mo ihanap kita?" Wala. Napaka-waley ng suggestion ko. Sige nga, paano, Arya? Paano?
Umiling si Michael. "I doubt you could find one around here. It's fine. I'll try to wash it off."
"Ako nalang," nasabi ko bigla. Tapos natigilan ako. Teka, bakit ko ba 'yun sinabi? Natawa si Michael bigla, nagulat din siya. "Sorry, ewan ko ba kung ano ano sinasabi ko. Naguiguilty lang kasi ako dahil ako may gawa nyan."
"It's okay... um, sorry," nag-pause si Michael, "I didn't catch your name before."
"Arya," sagot ko. Tapos nakita ko na 'yung sign ng CR. "May CR dito sa likod. Baka matanggal pa kasi ngayon palang naman nadumihan."
Tapos somehow, ang nangyari ay sinamahan ko sila papunta sa may CR. Para akong tourguide. Naisip ko lang habang naglalakad kami, ano naman kaya ang gagawin ko at sumama pa ako para ituro.
"Try mo sabunin gamit 'yung handsoap," suggest ko kay Michael bago siya pumasok ng CR. Tumango siya.
Noong pumasok si Michael sa CR, naiwan kami ni Troy sa labas. Hindi ako alam kung dapat na ba akong umalis or samahan ko si Troy dito para di siya alone. Ang weird.
"I saw you hanging out with Dylan during lunch," sabi ni Troy. "I'm Troy, by the way."
Tumango ako. "Arya. Kaibigan ko si Dylan."
"Nakita ko siya dito sa party. He's hanging out with Kim and Andy," sabi ni Troy.
"Ah, oo, sinama ko siya. Friends din ba kayo ni Kim?"
"Yeah," sabi ni Troy. "She's actually my sister's close friend."
"Ah," sabi ko. Small world.
"So why aren't you hanging out with them?"
"Kanino?"
"Dylan and his other friends? Why are you here alone?"
"Binibigyan ko lang sila ng chance ni Kim na maging close," sabi ko.
"Right, I forgot," sabi ni Troy. "We were teasing him about her last week during practice."
"Alam niyo na din?"
"Oo, but I didn't know who was the first one to grab hold of the news," sabi ni Troy. Natawa siya bigla. "Pinopormahan na siguro ni Dylan si Kim."
Ngumiti nalang ako. "Parang ganun na nga."
"What are you guys talking about?" tanong ni Michael paglabas ng CR. Nakasando lang siya at hawak na 'yung polo shirt niya. "Some of the stains came off, but my shirt is a bit drenched."
"Sorry talaga, Michael," sabi ko.
"You know me?" tanong ni Michael bigla.
"Ha? Oo? Lahat naman ata," sagot ko.
"He's quite popular, isn't he?" tanong ni Troy sa akin.
"Sobra," sabi ko.
"You seem to be getting along well. So what did I miss?" sabi ni Michael.
"Dylan came with Arya here," explain ni Troy. "But she ended up pushing Kim and Dylan together. Remember last week when everyone in the team teased Dylan about Kim?"
"Such a loyal friend you are," sabi ni Michael.
"Kasi birthday naman ni Kim," sagot ko.
"Then come with us," sabi bigla ni Michael.
"Hindi na, kasi..."
"Sige na, Arya. We insist," sabi ni Troy. "Para naman din kasi may kasama ka while playing cupid sa kaibigan mo."
"Okay lang ba?" Dapat sa akin ko eto itanong. Kakayanin ko ba na sumama sa kanilang dalawa?
"Oo naman," sagot ni Michael.
"The program has already started. We should find a table," sabi ni Troy, naghahanap ng table.
"How long have you been friends with Dylan?" tanong ni Michael habang naglalakad kami.
"Ever since bata pa kami," sabi ko.
"That's nice," sambit ni Michael. "Childhood friends. Then you two are very close?"
"Oo?"
"I haven't got the chance na makausap si Dylan about things like this. But does he have a cousin whose name is Bianca?" tanong ni Michael.
"Guys! I found a table," tawag ni Troy.
"Come on." Nakangiti si Michael at pinauna niya ako na maglakad.
Ang gentleman. Di ko kinaya.
Nakita ko sa kabilang side si Dylan. Naibuga niya 'yung juice na iniinom niya sa gulat. Nagtataka siguro siya kung bakit ko kasama 'yung dalawa. Tapos kinuha niya 'yung cellphone niya at nagtetext.
Patago ko na binasa 'yung message ni Dylan at nagreply. Obvious naman 'di ba? Bago ako makareply, may dumating pa na isang message.
Nakangiti lang si Michael nung pinasok ko na ulit sa bag ko 'yung cellphone ko. Sinilent ko na at baka maisip pa ni Michael na itext bigla si Bianca.
Tapos iniisip ko palang, bigla ni Michael kinuha sa bulsa niya 'yung cellphone niya at nagtext.
Sana hindi si Bianca.
Sana hindi si Bianca.
Nagvibrate 'yung cellphone ko.
"Meron ba something sa mukha ko?" tanong ko bigla kasi nakatingin lang si Michael sa akin na parang nagspace out. Hindi naman ako sobrang illusyonada na isiping nagagandan siya sa akin at he's so very smitten with my face. Praktikal lang, mukhang meron siyang hinala na hindi maganda. Hinala na so very true.
"Wala, you look familiar lang kasi. Your presence, I mean," sagot ni Michael.
Bakit kasi ngayon pa umalis si Troy para makipag-usap sa ibang members ng team nila? Naiwan tuloy kami ni Michael sa table. Well, may iba namang tao sa table kasi pang-waluhan siya. Pero nasa kabilang side sila tapos kami ni Michael ang magkatabi.
"Ganun ba. Bakit kaya," sabi ko nalang.
"So do you know Bianca?" tanong ulit ni Michael. Hindi pa niya nakakalimutan 'yung tanong niya kanina. Ano na, Arya? SOS na ba ulit kay Dylan.
Pero tama si Dylan. Hindi araw araw ay Pasko. Hindi na ulit eto mangyayari, kaya hangga't kaya pa, kakayanin. "Hindi eh. Parang wala namang cousin si Dylan na ang pangalan ay Bianca."
"Talaga?"
Tumango ako. "Bakit?"
"He introduced me to her, but I have a hunch that it's not her real name," sabi ni Michael.
"Ganun ba. Bakit mo naman nasabi?"
"She couldn't tell me about it. But that hardly even matters," banggit ni Michael. "I just want to know who she is, that's all."
"Tinanong mo na ba sa kanya?"
Napaisip si Michael. "Should I?"
"Malay mo," sabi ko, "she'll tell you who she really is."
"I'm afraid that she wouldn't talk to me if I'd ask that," sabi ni Michael.
"Hindi ko naman 'yan masasagot. Pero malay mo, baka kasi ready na siya na umamin sa iyo," sabi ko sa kanya. "Instead of just asking about needless things or not talking to her at all, why not talk to her about what's really going on?"
"Arya! Andito ka lang pala." Bigla-biglang dumating si Dylan sa table namin. Timing. Nakahinga ako. Nadulas ako sa huli kong sinabi kay Michael. Bugso ng emosyon dulot ng hindi pagrereply ni Michael sa akin after nung dare na reply ko.
"Dylan! We were just talking about you!" bati ni Troy na may kasama pa na taga-basketball team.
"Balita namin may pumoporma kay Kim," sabi nung kasama nila kay Dylan.
Tumawa nalang si Dylan. "Talagang ayaw niyo akong tigilan."
Sinilip ko si Michael sa gilid ng mga mata. Nakangiti lang siya at natatawa din habang tinutukso nung dalawa si Dylan.
Nakahinga ako ng kaunti.
"Tumawag kasi 'yung nanay ni Arya. Mauuna na kami," paliwanag ni Dylan.
"You two seem to be very close," bati ni Troy.
"Kapitbahay," sagot ni Dylan.
Epic.
Lalo na naming binubuking ang aming mga sarili. Tumayo na ako sa table at lumapit kay Dylan. Pwede na kaming mag-disappearing act.
Now na.
"Thank you pala for accompanying me tonight," sabi ko kila Troy at Michael.
"Are you really going?" Tumayo din si Michael.
"Oo, si Nanay kasi. Baka may something," sabi ko nalang.
"Practice bukas. 'Wag kayong," sabi ni Dylan, sabay porma ng shumashot. "Lagot tayong lahat kay coach pag merong hindi nagising ng maaga dahil sa hangover."
"Tell me about it," sabi ni Troy. Tawanan lahat sila sa inside joke na hindi ako syempre nakarelate.
After namin magpaalam at umalis ng venue, tinanong ko si Dylan, "Ano parusa pag merong may hangover?"
"Pinapatakbo kami sa court hanggang humilata na kaming lahat sa pagod," sagot ni Dylan, sabay porma na magshoshoot sa hangin. "May practice kasi kami bukas ng 6 am. Ang aga nga eh."
"Ah, ganun pala 'yun," sabi ko. "Uy, thank you pala sa pagsalo sakin. Sorry at kailangan mo tuloy putulin ang quality time niyo ni Kim."
"No problem. Loyal kaya ako sa'yo!" sabi ni Dylan, sabay tawa. "Buhay pag-ibig can wait."
"Sabi ko na, type mo si Kim," sabi ko, kunwari umiiling.
"Cute kasi niya," sagot ni Dylan. "Ligawan ko kaya?"
"Go," sabi ko. "Mabait 'yun si Kim."
"Tsaka mukhang gusto ka naman niya."
"Nyek. Ano kaugnayan ko sa mga nililigawan mo?" sabi ko.
"Kasi isipin mo," sabi ni Dylan habang naglalakad kami palabas ng subdivision, "ikaw lang naman ang dahilan kung bakit kami nagbebreak ng mga ex ko."
"Lahat ba sila selos sakin?" sabi ko, di makapaniwala. "As in lahat? Wala bang ibang dahilan? Maraming kayang dahilan para mag-break up."
Umiling si Dylan, pati siya di makapaniwala. "Oo, lahat. Alam ko ng doomed na ang relasyon pag nagsimula na silang mag-text ng: Babe, close talaga kayo ni Ariane, ano?"
Tawang-tawa ako sa kanya. "Sorry. Bravo ang panggagaya mo ng expression!"
"Kaya pinangako ko sa sarili ko na bago ako muling makipag-text, sisiguraduhin ko muna na tanggap ka nila." Nag-cross my heart si Dylan. Labas na naman 'yung mga dimples niya kasi naka-impit 'yung ngiti niya.
"Talagang binago mo na ang standard mo," sabi ko.
"Para hindi na tayong lahat mahirapan," dagdag ni Dylan.
Tumunog cellphone niya. Nakangiti habang binabasa ang message. "Si Kim 'yan, pustahan."
"Kinuha ko number niya kanina," sagot ni Dylan, busy mag-text. Natawa nalang ako kasi kinikilig din naman siya. Pagkatapos niyang magtext, sabi niya bigla, "Pero ikaw talaga 'yung isang gabi? Naalala mo nung tinext kita na may nakatayo dun sa may bintana?"
"Duwag mo talaga!" sabi ko.
"Hindi kasi ako mapalagay. Promise, hindi ako namamalikmata. May figure talaga dun sa bintana." Nangingilabot si Dylan bigla. "Ayaw ko na tuloy tumigil sa bahay pag gabi."
"Halata nga. Isang linggo ka ng natutulog sa sala namin," sabi ko sa kanya.
"Aminin mo na kasi," pilit ni Dylan.
"Bakit ko aaminin kung hindi naman ako?" sabi ko sa kanya. Deep inside, tawang-tawa ako. Nagagalitgalitan lang dahil pinagbibintangan niya ako.
Ako talaga 'yun. Duwag kasi etong si Dylan pagdating sa mga bagay na ganyan. Kaya nung nalaman ko na nadulas siya kay Michael, tumakas ako sa kwarto ko gamit ang bintana at tumayo sa may labas ng bintana tabi ng pinto nila.
Tapos, sumitsit ako ng mahina.
Nung nakita na niya ako at nag-text na siya, bumalik agad ako sa kwarto ko at kunwari maangmaangan nung kumakatok na siya sa pinto namin. Si Nanay naman naawa kay Dylan kasi hindi makatulog. Dun tuloy siya sa sala namin nakikitulog. Mga isa pang linggo bago eto maka-recover at dun ulit matulog sa kanila.
"Samahan mo akong kumuha ng pangbahay bago tayo umuwi sa inyo, ha?" sabi ni Dylan sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro