Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11th 💗

11th   

Natulala ako ng bongga. As in parang may humihip na masamang hangin at di na ako nakagalaw. Bakit? Bakit ganito ang unang tanong ni Michael sa akin?

After kong mag-reply ng dare, hindi na kumibo si Michael. Ang akala ba niya pag dare, end of conversation na? 

Napagbuntong hininga ako. Siguro hindi na magwowork ang pagpapanggap kuno na eto. Hindi na niya kayang sakyan. 

Pero hindi ko talaga inanticipate na 'yun ang itatanong niya sa akin. Para kasing out of nowhere. Una, naguusap lang kami tungkol sa mga aso niya, tapos babanat siya ng ganun. Ang masaklap pa, dahil hindi ko masagot, hindi na niya ako nireplayan. 

Kinuha ko na 'yung cellphone ko tapos lumabas na ng bahay nila Dylan. Hindi ko feel umuwi ng bahay, kasi andun na si Nanay. For sure, itatanong niya kung bakit mukha akong nalugi.

Ganito ba ang LQ? Feelingera talaga ako. Wala ngang relasyon tapos may LQ.

Pumunta ako sa may park. Hinayaan ko nalang 'yung gutom ko, tutal naman nagmiryenda ako kanina. Kumain ako ng tinapay with sandwich spread, bilang pasweldo ni Dylan sa akin dahil nilinis ko ang floor niya. 

Dahil gabi na din, umuwi na 'yung mga batang madalas naglalaro dito sa may playground. Ako lang mag-isa dito sa may playground. Umupo ako sa duyan, nag-iisip isip tungkol sa mga bagay bagay. 

Pwede ko na ba sabihin kay Michael ang totoo? Pero paano ko siya haharapin araw-araw sa school? Buti sana kung bukas na 'yung graduation nila. Ang saklap. Kalahating taon ko pa siya kailangang makita.

Ang weird din naman kung mag-didisappearing act ako. Baka naman si Dylan ang balikan niya. Magka-team pa naman din sila. Ayokong may mangyari kay Dylan gawa ko. 

May tumulak sa likod ko, kaya biglang gumalaw 'yung duyan na inuupuan ko. Tumingin ako sa likod ko, tapos andun si Dylan. Nakapambahay na din siya. 

Tinigil ko 'yung swing gamit 'yung mga paa ko. Hawak hawak niya 'yung bakal na tali ng swing, nakahilig 'yung ulo niya dito. Dahil nakaupo ako sa swing, kailangan kong tumingala para makipag-usap sa kanya. 

Tanong ko, "Ano ginagawa mo dito?"

"Hinahanap ka."

"Galing ka sa bahay?"

"Hindi," sagot ni Dylan. 

"Dumiretso ka dito?"

Tumango si Dylan.

"Sana nagtext ka para di ka na nahirapan maghanap sa akin. Dala ko naman phone ko." Siguro meron etong GPS superpower pagdating sa akin. Alam na alam niya kung saan ako pupuntahan. "Paano mo naman nalaman na dito ako tumatambay?"

"Kasi hindi mo niligpit 'yung kutsara na ginamit mo pagpalaman sa tinapay," sagot ni Dylan.

"Talaga? Dahil lang dun?"

Tumawa siya, tapos sabay tulak ulit sa likod ko. "Maimis ka kasi na tao. Kulang nalang, ipouch mo lahat ng bagay sa kwarto mo. OA ka na nga sa pagoorganize. Kaya pag may out of place na katulad nun, hula ko lagi ay dahil nagiisip ka or nalulungkot ka."

"Hindi naman ako--" Tinulak niya ako ng malakas at natigil bigla 'yung gusto kong sabihin. 

"Kailan mo pa kailangang magdeny sa akin? Ha?" Nilakasan pa niya. Pag ako tumilapon dito, kasalan ni Dylan. Pero ang sarap pala ng feeling na makapagswing ulit ng ganito. Na-miss ko din. "Natawa ka na ulit. Gustong-gusto mo eto, ano?"

"Oo," sagot ko agad. 

"Pasalamat ka at mabait ako ngayon," sabi ni Dylan.

Noong bata pa kami, lagi namin etong ginagawa. Favorite ko ang swing pag naglalaro kami sa playground, tapos kinukulit ko si Dylan na itulak ako. Ayoko kasi na ako pa 'yung magtutulak sa sarili ko. Mas malakas kasi pag si Dylan ang nagtutulak. Mas may thrill. 

Kaya kahit labag sa kalooban niya, tinulak niya ako sa swing. Ang kapalit naman neto ay makikipaglaro ako sa kanya ng video games pag-uwi sa kanila. 

Dahil napagod na siya, tinigil na niya 'yung swing. "Tara, kain tayo lomi."

Tumayo ako, medyo hilo-hilo pa sa saya. "Libre mo?"

"Oo, libre ko." Sinakal niya ako gamit 'yung isa niyang braso, tapos hinila ako para samahan siya. "May angal ka?"

"Aray ko, ha," biro ko, sabay tawa. "Teka wait, naiipit 'yung buhok ko."

Niluwagan ni Dylan 'yung hawak niya. 

"Ha! Ha! Joke lang!" sabi ko, sabay takbo. 

Napahawak siya sa bewang, sabay natawa sa akin na gumawa ng malayong distansya sa pagitan namin. "'Wag kang magpapahuli sa akin, Arya. Sinasabi ko sa'yo."

Binelatan ko. "Sinasabi mo sa'kin."

Malapit na kami sa karinderya ni Manang Iska, kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa sa pagtakbo. Pag-upo ko sa silya, habol-habol ko ang hininga ko.

Tapos pagtingin ko, naglalakad lang si Dylan papunta dito. Bad trip. Effort pa naman din ako.

Noong makita niya ako, nag-grin bigla. May binabalak!

"Hoy wait, eto naman di na mabiro," sabi ko sa kanya, biglang napatayo at umaatras papalapit kay Manang Iska. "'La, o, tignan niyo po si Dylan."

"Eto namang mga batang eto. Ang lalaki niyo na, naghahabulan pa din kayo," sabi ni Manang Iska, umiiwas nalang sa amin. 

Nakakapagharutan lang kami ng ganito dito pag walang tao. Pero napapagod na din talaga ako at nauhaw. "Dylan, peace na tayo."

"Anong peace? May kutos  ka sa akin pag nahagilap kita."

"Noong panahon ko," kwento ni Manang Iska, nilalagay na 'yung mangkok ng lomi sa favorite spot namin tabi ng bintana. Meron kasi doon electric fan. Patuloy ni Manang, "ang Lolo Taning mo lang ang pwedeng tumukso sa akin ng ganyan."

"'La, iba naman po noong panahon niyo," sabi ko kay Manang, pero nakatingin pa din kay Dylan. Kasi talagang pag-nahablot ako neto, may pagkakalagyan ang ulo ko.

"Tama po, 'La," sabi ni Dylan.

"Wala naman pinagkaiba. Para lang kami katulad ninyo. Mga bata pa kami noong unang umibig sa isa't isa," sabi ni Manang. Isang bote ng Coke at isang bote ng Sprite naman ang inilagay niya katabi ng mga mangkok. 

"Naku, 'La, hindi naman kami umiibig sa isa't isa," sabi ko, sabay harang ng silya. Sinisipa ni Dylan 'yung silya, kaya hinawakan ko ng mabuti. "Tignan mo, 'La, mukha ba kaming in love? Mukha kaya kaming gustong magpatayan lagi."

"Lagot ka talaga sa akin, Ariane Chavez," warning ni Dylan. 

"Hoy!" sigaw ko nung nagtagumpay na siya sa pagsipa ng silya. At dahil na-corner na ako at walang tatakbuhan, nahawakan na naman niya ako sa leeg. Alam ko na gagawin niya, kaya iniilag ko na 'yung mukha ko. "Kadiri naman eto. Lubayan mo ako, Dylan. Seryoso. 'Wag--"

"Ano 'yun, Ariane Chavez?" Pinahid niya sa akin 'yung pawis sa ulo niya. Pawisin kasi siya. Tapos sobrang kadiri. Noong tapos na siyang gawin akong human towel, sabay headbang sa akin. Light lang naman. Tinitigan niya ako pagkatapos, nakangisi, "Iiyak ka na?"

Siniko ko siya sa tyan, sabay punas ng salamin ko sa mata kasi nag-moist na sa pawis niya. "Kadiri ka talaga kahit kailan!"

"Tigilan niyo na 'yan at kumain ka na kayo," tawag ni Manang Iska. Lagi kasi kaming nakain dito simula bata pa kami kaya parang lola na namin siya kung ituring. Kung paano niya kami pinapagalitan noon, ganun pa din hanggang ngayon. 

May dumating na bagong customer, kaya tumahimik na kami ni Dylan. Umupo nalang kami dun sa spot namin, sabay tutok sa amin ng electric fan. 

"Aba, sila Arya at Dylan pala eto," sabi ng mama ni Andy pagkatapos niya umorder ng take-out.

"Hello po, Tita," bati ko.

"Nakauwi na po si Andy?" tanong ni Dylan.

"Oo," sagot ni Tita Cely. "Nakapili ka naman ba ng magandang sapatos?"

"Opo," sagot ni Dylan.

"Si Andy, dalawa pa binili. Kala mo naman mauubusan," sabi ni Tita Cely. Inabot niya 'yung bayad kay Manang Iska. "O, siya, mauuna na ako. Eto na din kasi ang gusto nilang hapunan."

"Sige po," sabi ni Dylan. "Ingat po kayo."

Ngumiti si Tita Cely, sabay lingon kay Manang Iska. "'Nay, balang araw magkakatuluyan etong dalawang eto. Laging magkasama."

Natawa ng malakas si Dylan. 

"Naku, Tita, malabo po 'yan mangyari," sabi ko.

"Malabo nga ba?" tanong ni Tita Cely. Tumango ako ng mainam. "Bata pa naman kayo. Naalala ko lang sa inyo noong kabataan namin ng asawa ko. Ganyan din kami."

"Ganyan din po sinabi ni Manang Iska," reklamo ko.

"Arya, tanggapin mo na kasi na baka ako pa din ang end game mo," sabat ni Dylan, sabay tawa.

"Namimiss ko tuloy ang asawa ko. Siya, dyan na nga kayong dalawa," sabi ni Tita Cely, nagmamadali ng umalis. 

"Ingat po!" habol ko.

"Arya," sabi ni Dylan pagkaalis ni Tita Cely. 

"Bakit?"

"Paano nga kaya kung magkatuluyan tayo?" tanong niya, medyo napa-isip din na natatawa.

"Na-iimagine mo ba?" 

"Alin?"

"Na gagawin natin 'yung mga ginagawa ng couples. Tayo. As in you and me," sabi ko sa kanya. Iniisip ko palang, hindi ko alam kung bakit ako nilalamig bigla. 

Nilapit niya bigla 'yung mukha niya sa akin ng sobrang lapit. "Alin? Kiss?"

Nanlaki mata ko sa gulat, sabay urong. "Hoy! Walang ganyang biro."

Humagalpak siya ng tawa. Bentang-benta sa kanya 'yung ginawa niya. "Ang weird nga. Gagawin ko sana kaso parang di mo na ako kakausapin buong buhay mo kung itinuloy ko."

"At tuwang-tuwa ka talaga?" sabi ko.

"Wala, naimagine ko nga lang," sagot ni Dylan.

"Weirdo ka talaga." Uminom ako ng Sprite, medyo kinakalma ang puso ko. Bigla kasing kumabog. Di ko lang masabi kay Dylan. Napaka-tragic naman kung babalik ang pagka-crush ko sa kanya dahil ginu-good time niya ako. 

"Baka ma-in love ka sa akin, mahirap yan," sabi pa ni Dylan.

"Ang hangin ng electric fan, ano? 'Di mo napansin?" Nilagyan ko ng sibuyas 'yung toyo na may kalamansi.

"Sili?" tanong ni Dylan. Tumango ako tapos kumuha siya. Inabutan ako ng dalawa at nilagyan din 'yung sa kanya.

Noong kumakain na kami, bigla naman kami naanghangan. May ibang sipa 'yung mga siling labuyo ngayon. 

Nilagyan kami ni Manang Iska ng baso at isang pitsel na tubig sa table. "Mga apo, minsan kasi, ang pinakamahirap makita ay ang mga bagay na andyan lang lagi sa paligid natin." 

Napatingin kami bigla sa kanya. 

"Po?" napatanong ako, iniisip kung may kaugnayan ba eto sa sili o sa tubig. May invisible sili ba na andito sa table or hindi disclosed na source ng drinking water?

"'La, may hugot pati ang pitsel ng tubig?" biro ni Dylan.

"Sige na, kumain lang kayo. Marami pa kayong kakaining bigas, mga bata," sabi ni Manang Iska habang pinagsasalin kami ng tubig sa baso. Sobrang spoiled kami kay Manang Iska. 

"Pero, 'La, lomi po eto," banat na naman ni Dylan.

"Tigilan mo nga si Manang Iska," saway ko sa kanya.

Tumayo siya bigla at niyakap si Manang. "Biro lang po 'yun, Lola."

Kinurot niya si Dylan sa singit. "Puro kayo biro. Ayan ang dahilan kung bakit hindi mo na mawari kung ano ba ang totoo sa hindi."

"Aray! 'La, sorry na po," sabi ni Dylan. Surrender agad. Masakit talaga mangurot si Manang Iska, tapos siya pa lagi ang kinukurot. 

"Ayan kasi." Tinawanan ko lang siya.

"Ubusin niyo na ang kinakain ninyo. Nanlalamig na ang grasya," sabi ni Manang pabalik sa kusina.

"Opo," nag-chorus kami ni Dylan.

Nagkatinginan kami, sabay high five at tawa.



~Author's note~

Ayan na po si Dylan. May exposure na po siya. Can't wait until mabasa niyo ang ending. Ano kaya reaction niyo? 😏

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro