Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10th 💗

10th 💗

Lumipas ang isang linggo na puro pagkain at automated na greetings every morning and night ang laman ng messages namin ni Michael. Siguro sobrang bored na siyang kausap ako. Ako lang siguro ang nasa cloud nine kasi nakakausap ko siya every day. 

Napahikab ako, sabay inat. Matulog nalang kaya ako? Eto ay isang Saturday afternoon na sobra ng nakakabagot. Si Dylan kasi may practice. Syempre, ang ibig sabihin noon, may practice din si Michael. 

Pero kahit na sabi ni Michael mamaya na siya magtetext ulit kasi may practice, hawak hawak ko pa din 'yung cellphone ko. Gusto ko kasi mabasa agad 'yung text niya. Excited lang.

Kala ko naman si Michael. Si Dylan lang pala. 

Hindi naman siya nag-reply pagkatapos. Ano kaya problema nun? May sapi na naman.

Naka-iglip ako saglit, sa sobrang kawalan ng ginagawa. Tapos naalimpungatan ako ng bandang alas-tres, nung biglang tumunog 'yung cellphone ko.

Nakakabwisit! Nakakinis pero natawa din ako. Abnormal talaga etong si Dylan.

Hindi na talaga siya nagreply pagkatapos. If I know, kung tatawagan ko siya--pero wala naman ako extra load pangtawag--nakapatay ang cellphone nun. Saan na naman kaya pupunta 'yung barkada nila? 

Bumangon na ako at pumunta kina Dylan. Baka may padala na naman 'yung mama niya. Counted na din ako as anak ni Tita Melody kaya lagi akong may part sa package. 

Pagpasok ko sa second floor, ang kalat kalat. As usual. Gusto ko tuloy linisin bigla. 

Sabi niya sa kwarto niya iniwan. Pagpasok ko sa magulo niyang kwarto, may something na sobrang in contrast sa kaguluhan. Hindi 'yun ang ineexpect ko. 

Nakapatong sa kama niya (at sa mga madumi niyang damit at bola ng basketball na ewan ko ba kung ano ang ginagawa sa ibabaw ng kama niya), may bouquet ng flowers. 

Nagmamadali kong kinuha ko 'yung bouquet tapos binasa 'yung nakasulat sa card.

To: Bianca

I hope you're having a great day! 

Michael

Si Michael pala ang nagpapabigay. Sininghot ko ng sininghot 'yung mga flowers, hanggang siguro naubos ko na lahat ng amoy nila. Ang bango-bango, parang si Michael lang. Well, hindi naman sila magka-amoy ng bulaklak, pero naiimagine ko siya. Tapos inaabot niya sa akin 'yung flowers. Tapos sabay hawi ng buhok ko. Tapos magtititigan kami.

Wait, saglit lang, 'di ko na kinaya 'yung imagination ko.

"Arya?" boses ni Lisa.

Bigla akong nag-compose ng sarili. "Andito ako sa kwarto ni Dylan."

"Sabi ko na, ikaw 'yung pumanik," sabi ni Lisa nung makita ako. "Wow, kanino galing 'yung flowers? Kay Kuya Dylan na ba?"

"Hindi ako bibigyan ng flowers nun."

"Oo nga eh, parang wala sa bokabularyo ni Kuya 'yun. Pero kanino galing? Or bigay ba kay Kuya Dylan? Kahit na ang weird na siya ang bigyan," sabi ni Lisa, umupo sa tabi ko at tinignan din 'yung buoqet. "Pero malay mo. Alam mo ba na 'yung isa kong classmate ay binigyan 'yung crush niya ng rose?"

"Talaga?"

"Astig nga eh," sabi ni Lisa. "Pero ang ganda ng bouquet. Uy, may card. Ano sabi?"

"Ah, wala eto," sabi ko bigla, sabay tago ng card. "Para sa akin 'yung flowers. Galing sa isang ka-schoolmate. Pinaabot kay Dylan."

"Talaga? Wow, may admirer ka pala," sabi ni Lisa. With matching twinkling eyes. "Sino?"

"Si... wait, pwedeng secret muna? Tsaka ko nalang sasabihin sa'yo pag sure na sure na," sabi ko.

"Sige na nga. O, kamusta naman si admirer? Kaya pala lagi mo ng hawak ang cellphone mo. Siguro ka-text mo na din siya," pansin ni Lisa.

Ayun, 'di pa nagtetext si admirer. Wow, wish ko lang na admirer. Mamayang dinner na siguro ulit 'yun magtetext. 

"May problema nga ako, Lisa."

"Ano 'yun?"

"Hindi ko kasi alam kung paano mag-initiate ng conversation. Or ng magandang topic," sabi ko.

"Madali lang 'yan. Pag-usapan niyo 'yung mga bagay na kakaiba," suggest ni Lisa.

"Katulad ng?" tanong ko, clueless. Ano bang kakaiba? Kagaya ko. Pag-usapan namin si Ariane Chavez? Ganun?

"Alam ko na, maglaro kayo ng truth and dare," sabi ni Lisa.

"Truth and dare? Paano? Sa text lang kami nag-uusap."

"Talaga? Medyo mahirap nga. Pero hindi naman impossible. Try niyo."

"Sige, try ko isuggest. Sana magustuhan niya. Feeling ko kasi nabobored na siyang kausap ako," nag-confess ako. 

"Hindi 'yan. Kung ayaw ka niyang kausap, hindi na 'yun magtetext!"

"Sa'yo talaga ako kakapit for encouragement," sabi ko sa kanya, sabay hug.

"Siya, babush. Tapusin ko lang 'yung project namin. Umakyat lang ako para humiram ng glue gun. Saan nga ba nilalagay ni Kuya 'yun?" 

"Parang dun sa kusina. Tignan natin sa may cabinet. Tabi ng mga noodles niya," sabi ko, nilapag 'yung flowers from my loves sa higaan ni Dylan.

Pumunta kami sa may kusina. Pangatlong kabinet nakalagay 'yung mga noodles ni Dylan. Pagbukas ko, andun nga si glue gun. "Eto, andito nga."

Namangha si Lisa. "Paano mo nalaman na andyan?"

"May dinikit siya nun tapos nagmamadaling umalis kaya dyan niya nilagay pagkagamit. Ang gulo gulo kaya ng taong 'yun. Tignan mo etong second floor, parang hindi tao ang nakatira," sabi ko.

"Pag may time si Mama, umaakyat siya dito para maglinis. Kaso 'yung kambal, sobrang likot. Dun nalang nauubos time ni Mama. Ang kukulit lalo na nung nagsimula sila ng pumasok sa school," sabi ni Lisa.

"Ganun talaga," sabi ko.

"Si Tito Mac nga, hindi na alam kung paanong habol ang gagawin pag naiiwan sa kanya 'yung dalawang bulilit," sabi ni Lisa. Tito Mac ang tawag ni Lisa sa asawa ni Tita Babes. Mga five year old na siya nung kinasal sila Tita Babes at Tito Mac. Bale, stepfather na siya ni Lisa, pero siya na ang nakalakihang ama neto. 'Yung totoong tatay niya ay nasa abroad at may asawa na din. College sweethearts daw 'yung parents niya na naghiwalay din.

So sad.

Pero mabait naman kasi si Tito Mac. Tahimik lang din, at sobrang balanced ng personality nila ni Tita Babes. 

"Bye, Arya," sabi ni Lisa, hawak hawak 'yung glue gun.

"Bye!" sagot ko. 

Pag-alis ni Lisa, hindi ko na talaga natiis kundi linisin ang buong second floor. Habang nagwawalis, tsaka ko lang din na-realize na dapat pala tinanong ko na si Lisa kung saan nagpunta sila Dylan at Andy. Nawala sa isip ko bigla.

Sinandal ko muna 'yung mop sa dingding. Eto na naman. Nauwi na naman sa pagkain ang usapan namin. Siguro kailangan ko na talagang i-open up sa kanya 'yung concern ko.

Tinapon ko 'yung cellphone ko sa may sofa nila Dylan. Syempre, may cushion naman kaya hindi ako worried na masisira. Tapos dinaganan ko ng throw pillow.

After several seconds, nakarinig ako ng magkasunod na reply. Ang bilis. Hala, ayan na. Sobrang ayan na. Ayaw na niya kausapin ako. Ang reply niya siguro ay, 'Goodbye, Bianca. Salamat sa isang linggong pag-ibig.'

Pag-ibig talaga agad-agad.

Inayos ko muna 'yung mga kable ng playstation ni Dylan at hiniwalay sa mga charger niya. Naging isang bola na kasi lahat ng mga cable na ginagamit niya. Hindi ko na nga alam kung paano pa niya nalalaman kung ano ang gagamitin.

After ten minutes ng pag-aayos, naglakas loob na akong tignan ulit 'yung cellphone ko. Bahala na. Bahala na kung this is the end of our isang linggong pag-ibig.

Nag-blush ako bigla. Mabuhay ang mealtime!


~Author's note~

Disclaimer: Hindi po sa akin ang picture ng two cutie doggies. 

And here we go na! Kamusta sa ship niyo? Buhay pa naman kami sa ship ni Michael. 😅

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro