Chapter 21 - End Game
Chapter 21 - End Game
~
MAGMULA ng mangyari ay komprontasyon sa pagitan nina Aviona at Hara ay bahagyang nanahimik na ang dalaga nitong mga nakaraang araw. Mukhang umiiwas na nga ito sa kanya. Alam naman niya kung bakit, natatakot kasi ito na baka magsumbong siya kay Sean sa mga nalalaman niya. Ha! Why would she do that?! Hahayaan niyang si Sean mismo ang makatuklas sa kabobohan nito. At kapag nangyari iyon, makakabalik na siya sa piling ng mga anak niya.
Sa totoo lang, hindi niya malaman kung matutuwa ba siya o hindi dahil sureball na ang pagkatalo ni Hara laban sa kanya. May parte kasi sa kanya na hindi siya masaya, parang may kaunting kirot pa sa puso niya dahil sa katotohanang hindi niya maintindihan si Sean.
Hindi niya talaga maintindihan ang binata. Parang kailan lang ay galit na galit ito sa kanya dahil nga pinagbibintangan siya ng buong grupo nito na siya ang nagtangka sa buhay ng kapatid nito kahit na si Hara bruhilda naman ang may gawa noon.
Nakaka-disappoint ng sobra dahil hindi man lang inalam ni Sean ang totoo bago siya nito pinagbintangan. I mean, hindi ba't sinabi nitong mahal siya nito? Pero anong nangyayari ngayon? Nasisira sila dahil sa babae nito. Babaeng desperadang makuha ang atensyon at pagmamahal ni Sean na nasa kanya.
Iniisip niya pa, ano kaya ang magiging reaksyon ni Sean kapag nalaman nito ang katotohanang hindi lang si Titania ang anak nila. Wala naman siyang planong ialam. Hahayaan niya itong manatiling walang alam. Nahawa na yata talaga ito kay Hara at naging super bopols na!
Gusto niya kasing matuto ang binata sa mga pagkakamali nito gaya niya, hindi ba't natuto na siya kaya siya lumayo. Napurnada nga lang ang pananahimik niya dahil sa kabobohan ni Sean at kalandian ni Hara.
Bigla na lamang siyang nakarinig ng tunog ng doorbell. Ilanh ulit pa iyong nag-bell ngunit walang bumubukas, nyeta! Ano bang ginagawa ni Hara at hindi nito buksan ang pinto.
Inis na tumayo siya sa kinauupoan niya at nagtungo sa pinto. Ang buong akala niya ay ang bruhong si Sean ang nabubungaran niya pero laking gulat niya ng si Arian Aisne ang nasa likod ng pinto na iyon.
She is indeed a Queen. Kung titignan ito mula ulo hanggang paa, mapapahanga ka sa taglay nitong kagandahan. Sadyang hindi niya lang talaga iyon mapansin noon dahil sa sobrang galit niya sa dalaga.
Binalik niya ang tingin nito sa mukha ng dalaga. Naka-suot pa ito ng sunglasses, bumagay lang sa suot nitong itim na dress.
"How are you bitch?" Bati nito sa kanya.
Humalukipkip naman siya. "I'm fine. How about you, Queen bitch?!" Balik tanong niya.
Tinanggal nito ang sunglasses nito at tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Rude! Let me enter first!" She hissed.
Nginisihan naman niya ito bago niluwagan ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ang Queen bitch.
Hindi niya maintindihan kung bakit wala siyang maramdamang kahit na anong galit ngayong kaharap na niya ito. Hindi tulad noon na halos patayin na niya si Arian Aisne dahil sa ginawa nito sa mga kapatid niya.
Well, inaamin naman niya na maka-ilang ulit niyang pinagtangkaan ang buhay nito. At oo, muntik na siyang magtagumpay noong huli, noong may inutusan siyang mga tao na sirain ang break ng sasakyan nito dahil alam niyang magkakaroon ng car racing ang mga torturers noon. Galit na galit pa nga siya dahil comatose lang ang dalaga, hiniling niya na sana mamatay na ito ng tuloyan pero may sa pusa yata itong si Arian Aisne, hindi mapatay patay.
Ngayon, kung titingnan wala na siyang maramdamang galit. Iyon siguro ay dahil nakapagpatawad na siya at natanggap na niya ang katotohanan. Hindi naman na kasi maibabalik ang buhay ng mga kapatid niya kapag pinagpatuloy niya pa ang pag iinarte niya at paghihiganti.
Feel at home na feel at home naman ang Reyna. She sat at the sofa, her legs were crossed at para bang iniinspeksyon nito ng tingin amg buong unit.
"What are you doing here, Queen bitch?!" She asked.
"Give me a glass of orange juice." She said and obviously, inuutosan siya nito.
Inirapan niya muna ito bago niya sinunod ang utos nito. Takot niya lang, na baka kasi may dala itong baril. Hindi pa naman niya alam kung ano ang pakay nito.
UMUPO SI Aviona sa pang isahang sofa matapos niyang paghandaan ng makakain ang bwesita niya. Mukhang importante pa naman ang sasabihin nito sa kanya. Prente siyang sumandal sa sofa at hinihintay niya kung ano ang sasabihin nito.
"Now tell me, what are you doing here?!" She asked her again.
"Well," huminto ito saglit. "Wala naman siguro dito 'yong isang bitch so makakapag usap tayo ng maayos."
"Ano bang sasabihin mo? Baka dumating na si Sean."
"Nasa Korea siya ngayon. May pinaasikaso ako, hindi niya ba sinabi sayo?!" Anito.
Parang may kumurot sa puso niya dahil hindi man lang ito nag paalam sa kanya bago ito umalis. Sabagay, hindi naman niya ito masisi dahil siya din naman ay umiiwas sa binata.
"Anyway," humalukipkip ito. "I guess hindi ka naman kasing bobo ni Sean para hindi malaman ang mganangyayari." Anito. Nanatili lamang siyang tahimik at nakikinig. "I won't apology for hitting you hard last time, ganti ko na iyon for making me in coma for almost fucking half year."
Jeez! Andami pang sinasabi nito hindi nalang nito puntohin ang gusto nitong sabihin. Although, mukhang nahuhulaan na niya ang gusto nitong sabihin.
"Hara Yvanna Sanchez is the person behind this shits! At gusto kong despatsahin mo siya!" Walang abog na anito.
Kaagad namang umarko ang kilay niya. "Why would I do that? Si Sean dapat ang gumawa 'non dahil bobo siya!" Asik niya.
Tumawa naman ng pagak si Arian Aisne. "Ohh please, I know how much you wanted to kill each other. Ayokong pakasalan ni Sean ang babeng iyon." Tumaas ang kilay nito. "Gusto mo bang tuloyang maagaw ni Hara ang ama ng triplets mo?!"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Paanong nalaman nito ang totoong triplets ang anak nila ni Sean. Napabuntong hininga na lamang siya, para saan pang magtaka siya. Alam naman niyang kayang kaya nitong alamin ang lahat. Pagalawin lang nito ang pera nito ay malalaman na nito ang lahat ng gusto nitong alamin.
Tinitigan niya si Arian Aisne. "Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa 'non?! Bakit hindi nalang ikaw ang dumispatsa sa kanya?!"
"Why not me?!" kaagad nitong sabi. "Syempre, mas gusto kong makita kayong nagsasabong." Ngumiti ito sa kanya.
Tumayo na din ito at mukhang plano na din nitong umalis. Kaya napatayo na din siya.
"Alam ko namang hindi ka magpapatalo." Anito bago sinuot muli ang sunglasses nito. "Hara is fucking Sean's bodyguard. Iyong kalbo." Sabi pa nito bago na tuloyang lumabas sa condo nila.
Natulala naman siya sandali. What did she just said?! So it's confirmed, Hara is nothing but a slut.
FUCK! BWESIT na bwesit si Sean habang nakaharap sa laptop niya. Kanina pa kasi okupado ang isip niya. Tang ina! Nasa Korea nga siya pero lumilipad naman sa Pilipinas ang utak niya. Shit! Muli siyang napatingin sa screen ng laptop niya. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya.
It's a picture..
It's a picture of a three baby.
Si Titania ang isa sa tatlong iyon at sigurado siyang kapatid ito ng anak niya. Meaning.. Fuck! Anak niya din ang mga ito.
Bakit hindi man lang sinabi ni Aviona ang totoo? Na tatlo ang anak nila?! Fuck!
All this time she was fooling him again. Damn it! But then, naiintindihan niya naman kung bakit iyon ginawa ng dalaga. Maybe because she wanted to protect her children. Lalo na ngayon at may Hara sa tabi niya.
And speaking of, bago siya umalis ng Pilipinas ay sinubokan niyang makipaghiwalay kay Hara pero ayaw pumayag ng dalaga. She even kneel in front of him.
Fuck! Alam niyang mahihirapan na siyang tanggalin si Hara sa buhay niya. Ngayon ay hindi na niya alam kung paano niya ba muling susuyoin si Aviona.
Mahal niya ito at alam niyang hindi na magbabago iyon. Pagbalik na pagbalik niya sa Pilipinas, iyon ang una niyang gagawin.
To win her back into his arms.
HININTAY talaga ni Aviona ang pag uwi ni Hara galing sa kung saan, nakatitig pa nga siya sa CD na iniwan ni Arian Aisne sa kanya kanina. Hindi sinabi ni Aisne kung ano iyon pero ng panoorin niya iyon ay ganoon nalang ang pandidiri niyang sex video iyon ni Hara sa iba't ibang lalaki. God! Iniisip niya kung kailan pa ito ginagawa ng babaeng bruha na 'yon.
Eww!
Agad siyang tumayo sa kinauupoan niya ng marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng condo unit na tinitirahan nila.
Sinalubong niya si Hara na mukhang medyo nakainom ito pero pusturang pustura pa din.
"Saan ka galing, malandi?!"
Inungusan lang siya nito. "Ano ka, Nanay ko?!"
Akmang hahakbang ito at lalagpasan niya ng hawakan niya ng mahigpit ang braso nito at marahas na muling ipinaharap sa kanya.
"Hindi ka na pwede dito!" Mariin niyang sabi.
"At bakit naman? Don't you know na ako ang papakasalan ni Sean or nakalimutan mo na, well let me remind you--"
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito ng sampalin niya ito ng ubod lakas. Nanlaki ang mga mata nito at para bang hindi ito makapaniwalang sinampal niya ito.
"Did you just slapped me?!" Nanginginig sa galit na tanong nito.
Imbes na sagotin niya ito ay sinampal niya itong muli. This time tatlong magkakdasunod na sampal ang iginawad niya.
Gigil na gigil talaga siya hindi lang sa kalandian ng babaeng ito maging sa kabobohan ni Sean.
"You bitch!"
Mabilis ang kanyang naging kilos at agad na sinalag ang braso ng dalaga bago pa lumapad ang palad nito sa mukha niya.
"Hindi mo ba narinig na pinapalayas na kita dito o gusto mo pang kaladkadin kita palabas." She mocked her.
Marahas nitong binawi ang braso nito. "At ano namang karapatan mong palayasin ako dito?! Para sabihin ko sayo hindi pa tapos ang laban!" asik nito.
She cocked a brow. "Talaga lang ha?!"
Ngumisi siya dito at saka pinindot ang play button ng remote dahilan para bumukas ang flatscreen TV at magplay doon ang kalandian ni Hara.
Rinig na rinig niya ang malakas nitong pagsinghap dahil sa nasaksihan. Kaagad din naman niyang pinatay iyon dahil kinikilabutan siya sa mga naririnig niyang ungol ni Hara.
"Ano sa tingin mo ang sasabihin ni Sean kapag nakita niya 'yan?" She grinned upon seeing her face in a horrific form. "Talo ka na Hara, accept it. This is your end game. You will have no one because you're nothing but a heartless slut."
"Hindi ka paniniwalaan ni Sean!" Giit nito.
"Really? Baka nga ngayon palang ay nagmamadali na ito pabalik dito sa Pilipinas dahil sa mga videos na pinadala ko sa kanya. Even the recorder one, iyong araw na pinuntahan mo ko sa silid ko? Hindi ba't inamin mo doon na ikaw ang may gawa noon sa kapatid ni Sean? Now tell me, sino sa tingin mo ang paniniwalaan sa atin ni Sean? Ako na ina ng MGA anak niya o ikaw na nagpapakama sa kung sino sino habang wala siya."
Halos isumpa na siya nito sa mga titig nito pero hindi siya nagpatinag. Ngayon pa ba?
Bumuntong hininga ito bago sumagot sa kanya. "Huwag kang magpakasaya. Hindi pa tayo tapos Ava. Abangan mo ang ganti ko."
"Sure why not."
She don't wanna accept that she was defeated. Well, for her this is the end of the game. Its over and she won this battle.
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro