Chapter 18 - Choose One
Chapter 18 - Choose One
~
KUNOT na kunot ang noo ni Aisne habang nire-review ang mga CCTV footage sa ETHQ. Hanggang ngayon ay may katanungan pa din sa kanyang isipan na pilit na naglilito sa kanya. May mga bagay kasinv hindi masagot ng katotohanang si Aviona ang may gawa noon sa kapatid ni Sean.
How come?!
Alam niya kung nasaan si Lizana Aviona noong mga panahong hinahanap ito ni Sean, siya mismo ang natago nito sa binata ngunit hindi niya din alam na nagka-anak ito at si Sean, ang alam niya lang ay nasa Russia ito kasama si Raven Hauxford.
Kung ano-anong mga files ang mga binabasa niya, pinagsama-sama lahat ng impormasyong nakuha niya at may kakaiba siyang nakita.
At the same time of Black's incident, wala namang kahina-hinalang ginagawa si Lizana Aviona sa Russia. Ni wala nga itong kinausap na taong mamaaring utosan nito ng krimen na iyon.
Napahilot ng sentido si Aisne kasabay noon ang matinding pag iisip, may posibilidad nga kasi na wala naman talagang kinalaman si Lizana Aviona sa nangyari kay Black. It could be frame up. Pero sino?
Para bang kalkulado at planado nito ang lahat. Para bang malaki ang nalalaman nito sa buong grupo at sa buhay ni Sean. Isa pa, sino naman ang may galit kay Lizana Aviona para mangyari 'yon? Para ibunton dito ang lahat ng sisi. Oh, God! This is freaking mysterious. Argh!
Napasabunot siya sa sariling buhok. Tang ina! Ang sakit sa ulo ng mga nangyayari kay Sean.
Isinubsob niya ang kanyang mukha sa harap ng laptop niya. Sumasakit talaga ang ulo niya. Narinig niya ang pagbukas sara ng pinto ng opisina niya, kasunod noon ang mga yabag. Napairap pa siya. It's obviously her husband, Demon Hades.
Nag angat siya ng tingin. "What do you want my husband?!"
Hindi ito kumibo sa kanya, sa halip ay pumwesto pa ito sa kanyang likoran ang mabining minasahe ang kanyang balikat.
God! It feel so good.
"You're too busy my Queen." anito.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Something's wrong about Black's incident." Napatingin siyang muli sa laptop niya. "Lizana Aviona may be not the person behind this shits."
Nagulat siya ng bumaba ang mukha ng asawa at ipatong ang baba nito sa balikat niya saka bumulong.
"Hara Yvanna Sanchez.." Bulong nito.
Napatingin siya sa asawa. Ngumiti ito sa kanya at mabilis na hinalikan siya sa labi.
Demon Hades is always right. Alam niyang hindi ito magbibitaw ng salitang walang katuturan.
Hara.. You'll be dead.
NAKATITIG lamang si Aviona sa natutulog niyang munting angel. Masaya siya at nasa tabi na niyang muli si Titania pero mas magiging masaya sana siya kung kasama na din nila ang mga kapatid nito sa Russia. Nag aalala siya para kila Tati at Erzon, baka kasi tulad ni Titania ay hinahanap hanap na din ng mga ito ang amoy niya, ang alaga ng isang ina. Oo, alam niyang hindi pababayaan ng pinsan niya ang mga anak niya ngunit hindi niya pa din maiwasang mag alala, gusto na niyang yakap yakapin ang mga anak niya ngunit alam niyang matatagalan pa iyon dahil ang bobong si Sean ay ayaw magpatalo sa kanya, ayaw din naman nitong maniwala sa kanya. Nakakatang ina lang!
Gusto na niyang umalis sa totoo lang pero gusto niya ding linisin ang pangalan niya sa mga torturers. Wala siyang ginawang masama at ang punyetang Hara na iyon ang may pakana ng lahat.
Lilinisin niya ang pangalan niya kahit na anong mangyari. Hindi dahil mahal niya si Sean kundi dahil alam niya sa sarili niyang wala siyang ginawang masama. Hindi siya ang nasa likod ng lahat ng iyon. Kung ang motibo lang naman ni Hara ay hindi ito kayang mahalin ni Sean kaya siya nito sinisiraan sa buong EET, well newsflash! Isaksak niya sa baga nito si Sean. Wala siyang pakialam, may mga anak naman na siya at kuntento na siya doon.
Bumangon siya sa higaan niya ng may pumasok sa silid. Agad na umarko ang kilay niya ng makita niyang sina Sean iyon at ang impakta nitong girlfriend na naka-angkla pa ang braso nito sa binata.
Gusto niyang sampalin ng plantsa si Hara. At the same time, wala din siyang balak na sabihin kay bobong Sean na ito na ang may pakana ng lahat, para saan pa?! Alam naman niyang hindi siya paniniwalaan ng binata, hahayaan niya nalang itong ito mismo ang makaalam ng kagagahan ng nobya nito.
Humalukipkip siya. "Di ba sabi ko, huwag mong dadalhin dito 'yang babaeng 'yan! Ha! Baka hindi ko siya matantsa!"
Tumikhim naman ng binata. "Don't he rude, she's my girlfriend."
"And I am the mother of your child." Ngumisi siya.
Nakita niyang pasimple siyang pinanlakihan ng mata ni Hara. Wala naman siyang pakialam doon, sa totoo lang ay ang sarap ulit bugbogin ng babaeng 'to. Bwesit.
Nakita niyang lumambing ang mukha ni Hara Bruhilda na humarap sa Bobo nitong nobyo.
"Babe, halika na. Mukhang wala yata sa mood si Miss Ava, gusto ko lang naman makita si Tanya."
Halos masuka siya pero napapalakpak pa siya dahil ang galing galing talagang umarte ni Hara. Tumawa pa siya ng malakas dahilan para magtaka ang binata.
"Why are you laughing?!" Kunot noong tanong nito.
"Bopols! You're son of a bitch girlfriend is a great actress." She rolled her eyes. Binalingan niya ng tingin si Hara, "It's Titania not Tanya."
"Stop bitching out, Lizana Aviona!" Sean's voice boomed all over the room.
Inaamin niya na nagsitayuan ang mga balahibo niya ng sumigaw ang binata, lalo na ng banggitin nito ang pangalan niya. Napalunok pa siya ngunit agad niyang ipinustura ang sarili. Hindi dapat siya mapaapekto, hindi dapat siya matakot.
She faced him, chin up. "Huwag mo akong utosan, hindi naman kita ka-ano ano!" angil niya.
Naningkit naman ang mga mata ng binata sa galit. She smiled secretly. Magalit lang ito, wala naman siyang pakialam kahit na umusok pa ang ilong ito sa sobrang galit sa kanya. Kahit dito man lang ay makabawi siya matapos nitong paniwalaan na siya nga ang may gawa noon sa kapatid ng binata.
Tumalikod na siya sa mga ito. "Umalis na kayo, bawal ang bobo at malandi dito!" Giit niya pa.
Segundo lang ang binilang niya nang may humawak sa kanyang braso at marahas itong ipinaharap. Hinawakan ni Sean ng mahigpit ang magkabila niyang balikat. Bakas sa gwapo nitong mukha ang sobrang galit. He's actually gritting his teeth in so much anger.
Sinalubong niya ang mga tingin nito ng walang takot.
"Huwag kang magmataas Aviona nasa poder kita, dito ako ang masusunod." Puno ng galit nitong sabi.
Hindi pa ito nakuntento nang itulak siya nito sa kama, mabuti na nga lang at hindi niya nadaganan si Titania.
"You're just here because of my daughter." tumalikod na ito at naglakad papalapit kay Hara Bruhilda, "You're nothing but a baby sitter."
Ang huling sinabi nito ang nagpadurog ng puso niya. Ang kapal naman ng mukha nitong sabihan siyang baby sitter lamang samantalang siya ang nagluwal sa mga anak nila. Napaka-gago talaga ni Sean, ngayon ay hindi siya nagsisising hindi niya sinabi ang totoong nararamdaman niya para sa binata dahil sa totoo lang, mas nagsisisi pa siyang minahal niya si Sean Swavory.
Nagbigay pa sa kanya ng huling sulyap si Hara Bruhilda. Kitang kita niya ang satisfaction nito sa mukha.
She mouthed. 'Putang ina mo' with matching dirty finger pa. Kahit na naiiyak na siya sa totoo lang.
Ang gagago nila. Mga walang hiya.
NAGSINDI ng sigarilyo si Sean, nakaupo siya sa pang isahang sofa habang naninigarilyo, nakasuot lamang siya ng boxer shorts dahil kakatapos niya lang makipagtalik kay Hara na kasalukuyang natutulog na sa kama. Mukhang napagod ito ng sobra dahil sa sex niya ibinuhos ang iritasyong nararamdaman niya kay Lizana Aviona. How can she act like that?! Iyong parang walang epekto ang presensya niya sa dalaga. Fuck! Ganoon nalang ba talaga 'yon? Hindi ba talaga siya minahal ni Aviona kahit na kaunti man lang?
Sa inis niya ay pinatay na niya ang sigarilyo niya at muling lumapit kay Hara. Ginising niya ang natutulog na nobya at muli itong inangkin ng inangkin hanggang sa magsawa siya sa katawan nito. Pero habang umuulos siya sa pagkababae ng dalaga, si Aviona lang ang iniisip niya bagay na kinaiinisan niya.
She wasn't healthy for him, she's their enemy, she tried to kill his sister, marapat lang na kalimutan na niya ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa dalaga.
Kailangan na niyang taposin ang kung ano mang nararamdaman niya para kay Lizana Aviona Ybarra.
Uunahin na niya ang pagkuha sa custody ng anak niya.
NASA LOOB sila ng isang silid kasama sina Sean, Hara Bruhilda, si Arian Aisne at ang asawa nito. Hindi naman siya nagsasalita kahit na panay ang pagbibigay ng matatalim na titig ni Hara Bruhilda sa kanya. Umiingos pa nga siya dahil para itong kapit tuko sa braso ni Sean. Kung makakapit naman, akala mo ay tatakbo si Sean.
Ngumisi lang siya ng taasan siya nito ng kilay. Gusto niya sana itong murahin pero nanahimik na lamang siya, hindi na niya papatulan ang babaeng 'yon.
Hinintay niya nalang ang kung ano mang sasabihin sa kaniya ni Sean, iyon naman ang dahilan kung bakit magkakasama sila ngayon sa iisang silid, at mukhang pakikinggan naman sila nina Aisne at ng demonyo nitong asawa kaya naroon din.
Walang buhay ang kanyang mga matang tumingin sa gawi nina Sean at Hara bruhilda. Humalukipkip siya at bored na bored na sumandal sa upoan.
"Tell me what you do you want, I don't have my whole day for you asshole!" Mataray na aniya.
Laking gulat niya pa ng humagikgik si Arian Aisne ngunit agad din namang sumeryoso ang mukha nito.
"I want my daughter's full custody."
Shocked written all over her face. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to para sabihin iyon sa kanya.
"Ha! Mamatay ka!" Gigil na aniya.
Tumayon si Sean sa kinauupoan nito at marahas na ibinagsak ang kamay nito sa lamesa. Tumikhim naman ang asawa ni Aisne para bang naninimbang ang mag asawa.
"Anak ko siya! Pinagkait mo sa akin ang lahat ng pagkakataon para maging ama sa kanya. Hindi mo ako masisisi kung gugustohin kong makuha ang full custody niya." he said irritably. "Madamot ka Aviona kaya magdadamot din ako sayo. Now choose one, you'll give Titania to me and I'll let you leave here or I'll kill you!"
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Naiinsultong ngumisi siya sa binata.
"Why would I choose?! She's my daughter, she's mine!" She hissed. "Now tell me, why would I choose?!"
"Because I'm going to marry Hara."
"What?!" This time it's Arian Aisne who spoke. She seems to be appalled. "What the hell are you talking about Sean Swavory?!"
Nanatiling nasa kanya ang mga tingin ng binata habang punong puno naman ng kasiyahan ang mga mata ni Hara. Habang siya ay unti unting nadudurog ang puso sa sobrang kasawian.
Pakakasalan ni Sean ang babaeng 'yan?
Ganon nalang basta iyon?!
Hindi na siya nakapagsalita pa. Nakatuon lang ang atensyon niya sa binata na nakatitig lang sa kanya. Gusto niyang sampal sampalin ito dahil ang kapal kapal ng mukha nito kaya lang, wala siyang lakas, para bang naubos na iyon dahil sa sinabi ni Sean.
Hanggang sa isang tikhim mula kay Arian Aisne ang bumasag sa katahimikan nila.
"I object, Sean." Anito. "Yes, I don't like Lizana Aviona for you." tumingin ito sa kanya. "And I much don't like Hara Yvanna for you." Bumaling ito kay Hara bruhilda, "I have a very amazing suggestion."
"What?!" Tanong ni Sean.
"You three will live on the safe roof. Matira matibay, kung sino ang tatagal nasa kanya ang huling halaklak." Makahulugang anito.
Matira matibay? Huh! Hindi siya papatalo.
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro