Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17 - Stand by myself


Chapter 17 - Stand by my self

~

DALAWANG araw na din ang nakalipas magmula ng mangyari ang di inaasahang pag haharap nila ni Sean. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa din ni Aviona ang sakit sa dibdib niya, mas masakit pa iyon sa mga sugat na natamo niya. Nag aalala na din siya para sa anak niyang si Titania, hindi kasi siya pinahintulutan na makita ang bata, maging si Roxsan ay hindi na nadalaw sa kanya. Alam naman niyang pinagbawalan na din itong pumunta sa kanya dahil nga noong nangyari 'nong nakaraan.

She sighed. Miss na miss na niya ang mga anak niya. Gusto na niyang bumalik ulit sa tahimik na buhay sa Russia, pero paano? Mukhang hindi naman siya palalabasing buhay ni Sean Swavory sa lugar na ito.

Hindi niya nga alam kung paano niya ba sasabihin sa binata na hindi lang si Titania ang anak nilang dalawa. Natatakot kasi siya lalo na ngayo na hindi naman lingid sa kaalaman niyang galit na galit sa kanya si Sean.

Clueless pa din siya sa mga nangyayari. Iniisip niya kung sino naman ang magfe-frame up sa kanyang ganon. Wala naman na siyang natatandaan na nakaaway niya, unless,

Ang torturers mismo ang may gawa noon sa kanya para tuloyan na siyang madispatsa sa buhay ni Sean.

Napangiti siya ng mapait. Ito na siguro iyong karma niya sa mga kagagahang pinaggagawa niya noon. Grabe! Ang lupit talaga kapag karma na ang lumapit sayo.

Babalik na sana siya sa pagkakahiga sa kama ng bumukas ang pinto. Inaasahan na niyang si Sean iyon at pagbubuntonan nanaman siya ng galit ngunit nagkamali siya.

Si Hara Yvanna iyon. Ang kasalukuyang girlfriend ni Sean.
Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. Mukhang seryoso na talaga ang binata sa karelasyon nito dahil maging sa headquarters ay dinala na nito ang dalaga.

Bagay na hindi nito ginawa noon sa kanya.

Tumingin siya sa bagong dating. Hindi niya ba alam kung ngingiti ba siya o ano dahil may kakaibang hatid ang presensya ni Hara sa kanya sa loob ng silid na 'yon.

Hinintay niyang lumapit ito sa kanya. Hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa mga maya ng babaeng iyon. Alam naman niya na pareho sila ng nararamdaman,

Iyon ay ang pagkamuhi sa isa't isa.

Gusto niyang ngumisi. If Hara is a bitch, she already mastered that attitude. She's bitchier beyond the word bitches.

Mukhang alam na niya kung sino ang may pakana ng lahat ng mga ito. At hindi niya akalain na ang isang malambing at inosente niyang katrabaho sa pagmomodelo noon ay may itinatago palang sungay na kailangan ng putolin.

Umupo ito sa kama niya. "Kamusta ka? I heard about what happened, hindi nga ako naniniwala dahil ala--"

"Hindi ka naniniwala dahil alam mong ikaw ang may gawa non, hindi ba?!" Sansala niya sa sinasabi nito.

Natigilan naman ang dalaga, saglit lang iyon dahil agad naman itong nakabawi.

Lumukot ang mukha nito sa sinabi niya. "A-ano bang sinasabi mo? Bakit ka nagkakaganyan. Binanaliktad mo ba ang mga nangyayari?"

Napaingos siya sa narinig. Nang iinsulto talaga ang babaeng kaharap niya ngayon. Pwede na nga itong ma-awardan ng best actress dahil ang galing nitong umarte.

"Ang galing mo din talagang umarte no? Hindi ka kang pala model, award winning actress ka din pala." Nang iinsultong aniya. Tinitigan niya ito ng masama, "Hindi ako magpapatalo sayo Hara, hindi ko alam kung ano ba ang gusto mo at sinisira mo ako ng ganito."

Marahas na tumayo ang dalaga sa kinauupoan nito. Humalukipkip pa ito at saka tinaasan siya ng kilay habang nanlalaki ang mga mata nito sa galit.

"Matalino ka din pala, alam mong ako ang may gawa non." Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, "Hindi ako mamahalin ni Sean hangga't nandyan ka, kaya gumawa ako ng paraan para dispatsahin ka." ngumisi ito, "See? Naniwala naman ang mga bobong torturers sa mga plinano ko."

Sa galit ni Aviona ay tinanggal niya ang nakakabit na IV sa kanya at saka sinugod ang bruhang si Hara. Tang ina niya! Anong karapatan nitong sirain ang nananahimik niyang buhay sa Russia, muntik pang mapahamak ang mga anak niya dahil sa kagagahan nito. Pinagsasabunutan niya ito hanggang sa mapahiga ito sa sahig. Wala siyang pakialam kung nananakit na ang mga sugat niya, ang importante ay masaktan niya ang babaeng ito. Kung pwede nga lang i-ihaw niya ito ng buhay, kanina niya pa ito itinuhog. Puta siya!

Inupoan niya ang tiyan ng dalag at saka pinagsasampal ang mukha nito. Hindi pa siya nakuntento ng kalmot kalmotin niya ang leeg nito.

"Ouch! Ouch! Get off me!" Sigaw nito.

Hindi niya naman ito pinakinggan at pinagpatuloy lang ang mga pagsugod niya sa dalaga. Siguro kung may hawak siyang baril, kanina niya pa ito tinamaan. Papatayin niya talaga ang gagang 'to!

Sinapak niya ito, siniguro niyang magdudugo ang ilong nito. Hindi ito makalaban sa kanya dahil panay ang sugod niya. Hindi ito makapalag at hindi niya naman hahayaang makapalag ito sa kanya. Kulang pa nga iyan kung tutuosin sa mga pinaggagawa nito sa kaniya. Hindi naman niya kasalanan kung hindi magawang mahalin ni Sean ang bruhang ito. Hindi na dapat siya dinamay pa.

"Wala akong kasalanan sayo!" Pinangigilan niyang sabonutan ang buhok nito, "tang ina ka! Mamatay ka ng hayop ka!"

Tuloy tuloy lang ang mga banat niya kay Hara hanggang sa may bigla nalang humablot sa kanya at tinulak siya kung saan dahilan para tumama ang likod niya sa may pader kasabay noon ang sobrang paghapdi ng sugat niya.

"Oh my God Sean! Huhu, sinaktan niya ko." Arte pa nito.

Tumitig siya sa dalawa habang inaalalayan ni Sean na makatayo ang peste na iyon, panay kalmot ang leeg ni Hara may ilan ilan din ito sa pisngi. Tsk! Iyong sigurado siyang hindi na ito makakabalik pa sa pagmomodelo. Sisirain niya ang hayop na babaeng iyon, gaya ng pagsira nito sa buhay niya.

Halos masuka siya ng yumakap pa si Hara sa binata. Umarte arte pa ito na umiiyak at akala mo kung sinong na-agrabyado. Napakagaling talagang umarte.

"Babe, wala naman akong ginagawa bigla niya nalang akong sinugod." umakto itong humahagulgol, "ang sakit ng ulo ko, sobrang hinatak niya 'yong buhok ko."

Pasalamat lang ito na bumuka na ang pagkakatahi ng sugat niya at nagsimula na itong magdugo ng magdugo, kundi ay muli nanaman itong nakatikim sa kanya.

Binalingan niya ng tingin si Sean. Hindi na siya nagtaka kung napakalamig ng mga tingin nito sa kanya. Wala din siyang paki kung paniniwalan nito si Harang bruha.

Bobo talaga ito kapag pinaniwalaan nito si Hara.

Pinilit niyang tumayo habang nakahawak ang isang kamay niya sa balikat niya upang suportahan ang sugat niyang panay ang dugo.

Taas noo niyang hinarap ang dalawa. Ngumisi siya sa binata. "Bagay na bagay kayo, isang bobo at isang baliw na desperada."

Dumilim ang mukha ng binata. Hindi siya natatakot sa kung anong pwede nitong gawin sa kanya. Hindi siya katulad nang ibang mga babaeng papaapi lang, lalaban siya hanggat kaya niya. Hindi siya papatapak sa isang lalaki lang, babae nga siya pero alam niyang palaban siya at walang inuurongan.

She will stand by herself no matter what happens.

Naglakad na siya patungo sa kama. "Pakitawag nalang 'yung nurse pagkalabas niyo."

Hindi ito sumagot sa kanya kaya muli siyang nagsalita. "Pakisabi na din dyan sa girlfriend mo, na huwag na huwag ng babalik dito baka hindi lang 'yan ang gawin ko sa kanya." Iyon lamang at dumiretso na siya ng higa sa kama.

Tumalikod siya ng higa sa kinatatayoan ng nga ito. Ilang beses pa siyang napalunok upang pigilan ang kanyang mga luha. Ang kakapal ng mga mukha.

Hindi na siya nakarinig pa ng mga salita. Sumunod nalang ay ang pagkakarinig niya sa pagbukas at pagsara ng pinto. Meaning, nakalabas na ang dalawang asungot.

Doon na niya niyakap ang sarili at umiyak ng umiyak. Hindi siya papa-api, hindi kailanman.

TAHIMIK LANG si Sean na nakatingin kay Hara na kanina pa dada ng dada habang ginagamot ng mga nurses nilang taohan ang mga sugat na natamo nito kay Lizana Aviona. Hindi niya pinapakinggan si Hara dahil sa totoo lang ay nag aalala siya sa kalagayan ni Aviona, alam naman niyang napalakas ang paghagis niya sa dalaga at kitang kita niya din ang labis na pagdurugo ng sugat nito.

Gusto niyang matawa dahil galit na galit siya sa dalaga pero hindi niya maiwasang mag alala para sa kalagayan nito. Maging siya ay hindi niya maintindihan ang sarili niya.

Palaban si Aviona, nakita naman niya iyon kanina, ang hindi niya lang alam ay kung bakit naman nito sasaktan si Hara, hindi ba't naging magka-trabaho naman ang mga ito?

There is something odd about this and he needs to know everything.

"Babe are you even listening to me?!" Maarteng tanong ng dalaga.

Tinitigan niya lang ito bago tumayo at pinuntahan si Titania sa crib nito.

"Babe what's wrong?"

Muli ay hindi niya ito pinansin. Wala siyang panahon sa mga sasabihin pa ni Hara. Hindi niya ng alam kung bakit siya pinuntahan ng babaeng ito dito. Malinaw naman noong huli silang nagkita na katawan lang ang habol niya sa dalaga.

"Babe hindi mo ba tal--"

Inis na humarap siya kay Hara. "Can you please leave me alone?!"

"What?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Mas lalo namang nainis ang binata. "Just leave Hara, pupuntahan nalang kita sa condo mo."

"Ano?!" Di pa ito nagpatinag. "Purkit nandyan na siya tinatapon mo nalang ako na parang basura?!"

Napapikit siya ng mariin. "Utang na loob Hara, umalis ka muna bago pa kita ipakaladkad sa mga taohan ko."

"Sean ano ba!"

"One!" Paunang bilang niya.

Hindi nakapaniwalang tumngin pa sa kanya si Hara bago ito padabog na lumabas ng silid. He'll deal with her after this.

Nagulat nalang si Sean ng bigla nalang umiyak ng umiyak si Titania, kanina ay ganito din ang bata naaawa na nga siya dahil nakatulog na ito sa sobrang pagka-iyak kanina. Hindi naman niya alam kung ano ang gagawin niya. Natatakot din siyang buhatin ang bata dahil baka mahulog niya ito.

Mabuti nalang at pumasok sa silid niya si Aileen, iyong asawa ni Caleb.

"Hello," Bati nito. "pumasok na ko kasi naririnig ko 'yung pag iyak niya sa hallway. Gusto mong buhatin ko muna?!" Offer pa nito.

Tumango naman siya. "Yes please."

Nginitian naman siya ng asawa ng kaibigan at dumiretso kay Titania. Gaya ng sabi nito, binuhat nga nito ang bata. Bahagya itong tumahan ngunit agad din naman itong nag iiyak.

"Naku Sean, hinahanap nito ang amoy ng Mommy niya. Mukhang nasanay sa Mama." Anito.

Kunot noong tumingin siya kay Aileen. "What do you mean?"

Ngumiti ito. "Dalhin mo siya sa Mommy niya, for sure tatahan iyan." Nag alangan pa siya sa sinabi nito "Go on Sean, there is really something between the mother and child that you cannot understand."

Nawe-werdohan siyang tumango at kinuha si Titania. Dinala niya ito sa silid ni Lizana Aviona at kitang kita niya kung gaano kasabik ang dalaga sa anak nila. Anak nila..

"Oh my God! Are you okay, Titania? Do you missed mum?" Niyakap nito ang bata.

Tama nga ang asawa ng kaibigan niya. Tumahan nga ang bata ng buhatin ito ni Lizana Aviona. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng kakaibang ligaya na makitang magkayakap ang dalawa, daoat ay purong pagkamuhi na lang ang nararamdaman niya para sa dalaga. Wala na siyang panahon pa para sayangin niya lang ang pagmamahal dito.

"Lubos lubosin mo na dahil ito na ang huling makikita mo siya, ipagkakait ko siya sayo gaya ng ginawa mo sa amin." Tiim bagang na aniya.

Laking gulat niya lang ng tingnan siya ng dalaga na puno ng pagmamalaki ang mga tingin nito sa kanya.

Ngumisi pa ito. "You can never do that Sean, kahit sa korte pa tayo magharap alam mong wala kang laban. Hindi kita uurungan, tandaan mo 'yan."

He lost a word. Damn! Hindi niya alam na hindi ito matatakot sa kanya. Tsk! Nagkamali talaga siya ng pagkakakilala sa dalaga.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro