Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11 - Wounded Heart


~

NAGISING SI Ava sa malakas na iyak ng batang lalaki. Hindi na siya nagtaka pa kung sino iyon, maybe it's her nephew. Mukhang hinahanap nanaman nito ang asungot nitong amain. Bumangon na siya sa kama at agad na hinanap ng kanyang mga mata ang umiiyak niyang pamangkin na si Rendox, konting panahon nalang makakasama na din nila si Hellion.

Inayos niya sandali ang kanyang buhok. Agad niyang binuhat ang pamangkin na si Rendox upang patahanin ito.

"Nasaan ba iyong tatay mong abnormal. When you saw him, tell him how fuck up he is!" She joked.

Sa ganoon eksene silang naabotan ni Raven. Tumaas pa ang kilay nito at mukhang narinig ang sinabi niya.

Lumapit ito sa kanila at kinuha sa kanya si Rendox.

"Kung ano-anong tinuturo mo sa anak ko! Tanginang 'to!"

Inirapan naman niya ang pinsan. "The heck! Gago ang tatay niya, gaga ang tita niya malamang badboy din iyan kapag laki. Baka nga twelve pa lang yan marunong ng makipag-sex! Duh!" She rolled her eyes.

Nginisihan lang naman siya ng binata at inaya na siyang bumaba upang mag agahan. Nakahain na daw kasi.

Napangiti naman siya ng mapagpantong nagugustohan na niya iyong ganitong buhay. Iyong walang mga plano at paghihiganting iniisip. Dalawang araw pa lang ang nakalipas ngunit narealize na niyang tama ang gago niyang pinsan.

Kahit pala paano'y marunong din pala itong mag isip ng matino.

Iniisip niya kung paano nila makukuha si Hellion, pagkatapos kasi noon ay lilipad na sila patungong Russia at doon na maglalagi.

Void na din ang lahat ng kontrata niya sa pagmomodelo at palalabasin nilang patay na si Ava Diosdado tutal ay magpaparetoke naman ulit siya ng mukha pagdating nila ng Russia, but this time wala ng masamang purpose para makapagbago na sila ng buhay.

Wala sa sariling napalingon siya sa pinsan habang papababa sila ng hagdan. Napangiti pa siya ng humagikgik si Rendox sa kanya. Siguro kung hindi niya dinamay si Raven sa mga kagagahan niya, walang Rendox ngayon sa buhay nito. Anyway, mukhang nag e-enjoy naman ito sa bata pero wala ba itong planong sabihin kay ano na buhay ang anak nila?!

"Dito ka muna, titignan ko lang sa kusina kung okay na." Ani Raven sa kanya.

Hinawakan naman niya ang kaliwang braso nito kaya napatigil ito.

Lumingon ito sa kanya nang may pagtatakha sa mukha.

"What?"

"Wala ka bang balak ipaalam sa kanya," Nilingon niya saglit si Rendox bago ibinalik ang kanyang tingin sa pinsan. "na buhay ang anak ninyo?! Hindi mo ba naisip na baka matuwa siyang malaman iyon?!"

Ngumisi naman ito sa kanya. "Para saan pa?! Hindi ba't magkasama na sila ngayon? Obviously, masaya na siya kasama iyong lalaking iyon at ang mga anak nila."

"Raven mahalagang malaman din niya ang totoo."

Umiling ito bago tumalikod sa kanya. "Aviona, masaya na siya. Ayokong makigulo pa at kahit na sabihin mong dahil sa kagagahan mo kaya mayroon kaming Rendox ngayon, manahimik ka. Tinago ko si Rendox sa kanya para kahit paano'y may ala-ala ako na minsan nagmahal ako ng babaeng katulad niya."

"She's a strong woman."

"I know, she's amazing. Masyado na siyang maraming masasakit na pinagdaan at hindi na ako makikidagdag pa." Bahagya itong lumingon sa kanya. "Kaya manahimik ka, huwag na huwag mo na siyang babanggitin."

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay, tanda ng kanyang pagsuko. "Fine, fine.. Now tell me nalang kung kailan natin kukunin si Hellion."

"Ako lang Aviona, ako lang ang kukuha sa kanya, hindi ka kasama." Iyon lamang at dumiretso na ito sa kusina.

Anong pinagsasabi ng gagong iyon?!

HANGGANG sa pagkain nila ay kinukulit pa din ni Ava si Raven na isama na siya sa pagkuha kay Hellion. Duh! Gusto din naman makapasok sa ETHQ at isa pa parang may nagtutulak sa kanya papunta doon.

She sighed. Wala na siyang naging balita kay Sean magmula noong huli. Ilang beses niya na ngang sinisinghalan si Raven tungkol sa ginawa nito. Tangina kasi! Binaril pa ng gago!

Wala namang atraso sa kanya ang binata. Oo noong una inaamin niya na wala siyang pakialam dito at ang tanging gusto niya lang ay ang gamitin ito para makaganti. But then that night happened, iyong inamin sa kanya ni Sean na mahal siya nito at nasisiguro niya na noong mga oras na iyon ay may alam na ang binata tungkol sa pagkatao niya at sa mga agenda niya.

Hindi siya makapaniwala na pinrotektahan siya ng binata kahit na alam nitong ginamit niya lang ito. See? Kung talagang hahayaan lang siya ni Sean, sana ay noong gabing iyon ay pinadakip na siya nito at isinuplong kina Demon but then, hindi nito ginawa,

Kasi mahal siya.

"Iyan," Napapitlag siya ng marinig na magsalita ang pinsan. "Iyan ang dahilan kung bakit ayaw kitang isama. Masyado kang na-attouched sa kanya at natatakot akong iyan pa ang ikapahamak mo."

Nagyuko siya ng tingin. "Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Tutal.. Huli naman na 'to. Promise Rave, hihingi lang ako ng tawad sa kanya."

Nakita niyang hinilot nito ang sentido tanda na hindi nito nagustohan ang sinabi niya pero gustong gusto niyang maka-hingi ng tawad kay Sean, pakiramdam niya kasi ay kailangan iyon at isa pa, gusto niya ding masigurong maayos na ang lagay nito.

"Raven.. Please.. Huli naman na 'to."

Bumuntong hininga ito. "Fine, mamayang gabi tayo pupunta."

Ngumiti naman siya. Huli na 'to, titigilan na niya ang lahat but she owe him an apology.

Bigla nalang siyang napatingin sa nakahanging sugpo doon. May kung anong dahilan at bigla na lang siyag naglaway kasabay noon ang paghalukay ng kanyang tiyan kaya dali dali siyang tumakbo papuntang kitchen sink at doon niya isinuka ang sikmura niya.

God! What the hell is this?!

"Ilang beses kayong nagsex ng walang proteksyon, Aviona?!"

Natigalgal siya sa tanong ng kanyang pinsan mula sa likoran. Natigilan siya ng ilang segundo bago niya napagtanto ang mga nangyayari.

Holyshit! Morning sickness! Could it be.. Oh God!

PINILIT NA bumangon ni Sean sa kama kahit na sobrang hapdi ng kanyang kaliwang balikat. Malalim ang pakakabaon ng bala sa kanyang balikat kaya masakit pa din iyon hanggang ngayon. Mabuti na nga alang at naging mabilis ang kapatid niyang si Black, kung hindi ay baka wala na siyang buhay ngayon.

Pero mas nag aalala siya sa kung ano man ang kalagayan ngayon ni Ava. After he closed his eyes that time, hindi na niya alam kung ano na ang sumunod na nangyari kay Ava.

Hanggang ngayon ay hindi pa din siya nakapag paliwanag sa mga ka-grupo niya sa mga nangyari noong nakaraan pero ang importante ay nakuha na ni Falcon ang mag iina nito. Akalain mo nga naman naka-kambal ang gago.

Napangisi siya ng mapait. Ilang beses na niyang ginalaw si Ava ng walang proteksyon at umaasa siya na sana ay magkalaman na ang sinapupunan nito.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto, kasabay noon ang pagpasok ng kapatid niyang si Black. Puno nanaman ng pag aalala ang mga mata nito ng makita nitong pinipilit niyang tumayo

Agad siyang dinalohan ng kapatid. "Ano ka ba Kuya! Bakit ka naman tumatayo, hindi pwede. Sariwa pa iyong sugat mo."

Inalalayan siya nitong makabalik sa kama.

"Nakausap ko na si Ate Cherry Anne, nakiusap ako sa kanya na doon ka muna sa kanila hanggang sa gumaling ka." Anito.

Gusto niyang matawa dahil kung dati-rati sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Cherry Ann ay naghahargumento ang puso niya pero ngayon, wala siyang maramdaman na kahit ano at alam niya kung bakit.

Napalitan na kasi sa puso niya ang dalaga.

"Bukas ihahatid kita doon. Doon ka muna hangga't mainit pa ang ulo ng Master dahil sa nangyari," Napalingon siya sa kapatid sa sinabi nito. "Hindi ko alam kung bakit mo ginawa iyon Kuya pero sana inisip mo na baka siya ang maging dahilan para masira ka sa grupo." Umiling ito at saka mabilis na pinunasan ang tumulong luha sa mga mata. "Hindi ko siya gusto para sayo, ikapapahamak mo siya Kuya, please.. Ayoko nang mawalan ng pamilya."

Tipid siyang napangiti, ginulo niya ng bahagya ang buhok ng kapatid at pinilit niyang tumawa kahit na pakiramdam niya ay may milyong milyong patalim ang nakabaon sa loob dibdib niya.

"Don't cry Black, I'm fine.. Maihahatid pa kita sa Altar kahit na ayaw ko sa lalaking iyon."

Tumawa naman ito at pabirong hinampas ang braso niya. Napadaing pa siya dahil bigla nalang siyang nakaramdam g kirot sa kanyang sugat.

Tsk! Alam niyang maraming tutol sa nararamdaman niya para kay Ava.

But please,

Can anyone tell him how to move on?

Kasi hindi niya alam kung paano at saan siya magsisimula.

MALALIM NA ang gabi ngunit hindi pa rin dinadapoan ng antok si Sean. Abala pa din ang kanyang isip sa babaeng mahal niya. Alam niyang mali pero sabi nga ng iba, walang mali pagdating sa pag ibig, basta nagmamahal ka, lahat sa paningin mo ay tama.

Bakit ganoon? Ang lupit sa kanya makipaglaro ng pana ni Kupido. Noong una, kay Cherry Ann na kahit na hindi naman niya kadugo ay minahal niya, in the end siya din naman ang nasaktan and now, kung sino pa iyong kinamumuhian ng buong grupo, iyon pa iyong minahal niya ng higit pa sa sarili niya.

This is his first time to be gentle, yet.. It's still not possible. Fuck!

Bigla siyang kinabahan ng makarinig siya ng kalabog mula sa binata ng kanyang silid. Kahit na kumikirot ang kanyang sugat, pinili niyang abotin ang baril niya na nakatago sa ilalim ng kanyang unan.

Mabilid niyang itinutok ang baril sa bumukas na bintana at iniluwa noon ang usang taong nakasuot ng kulay itim habang may takip ang buong mukha nito maliban nalang sa mga mata at ilong nito.

"Who are you?!"

Inayos niya ang pagkakahawak niya sa baril. Hindi niya malaman kung babae ba o lalaki ang taong iyon.

He gritted his teeth when tha person didn't answer him. "Who. are.you?!"

Dahan dahan nitong itinaas ang kamay at saka marahang tinanggal ang kulay itim na tela na nakatakip sa mukha nito.

Halos kapusin siya ng hininga ng makita kung sino ang nasa likod ng itim na telang iyon. His woman.. His love.. His Ava..

Para siyang nawala sa sarili at ibinaba ang kanyang baril. Para bang natatanging oras lamang iyon sa kanilang dalawa.

"A-ava.." He said almost whispering.

Kaagad naman siyang dinalohan ng dalaga at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Kasabay noon ang pagpikit ng kanyang mga mata at pagtulo ng luha niya.

A real man is not afraid to cry infront of his woman.

Hinawakan niya ang kamay nitong nasa kanyang pisngi. Dinama niya ang init ng palad nito.

"Ava.."

"I came here to apologies."

God! Her voice is so gentle and sweet. He wanna stay like this forever with her.

Idinilat niya ang kanyang mga mata at sinalubong ang mga tingin ng dalaga. "You don't have to, I love you Ava.."

"I'm not Ava.." Pagtatama nito sa kanya.

He shook his head. "Ava or Lizana Aviona, it doesn't change the fact that I love you.."

Tuloyan ng naiyak ang dalaga sa harapan niya. Sinapo na ng dalawang kamay nito ang kanyang mukha habang patuloy naman sa pag agos ang mga luha nito.

"You are so soft Sean.. Too kind for and I doesn't deserve your love. Ginamit kita para makaganti ako. Ginamit lang kita at nagsisisi akong ginamit kita dahil kitang kita kong nasasaktan ka ngayon," She placed her forehead to his. "Patawarin mo sana ako kung pinaniwala kitang mahal kita, patawarin mo sana ako Sean kung hindi ko kayang suklian 'yang pagmamahal mo. Kase sa totoo lang.. Wala talaga akong maramdaman." Hagulgol nito.

Pakiramdam ni Sean ay gumuho ang mundo niya sa sinabi nito. Nakakatawa dahil umasa siya na baka totoong mahal siya nito at the same time, nakakatang ina dahil naniwala siya sa kasinungalingan, hindi naman niya makuhang magalit sa dalaga dahil masyado niya itong mahal.

"Ava.."

She sobbed. "I'm sorry if I'll leave you with a wounded heart.. I'm sorry but.. This is goodbye."

Isang mabilis na halik ang ginawad nito sa kanyang labi bago ito mabilis tumakbo palabas.

Naiwan siya sa silid na iyon. Umiiyak at durog na durog ang puso.

Big time! The great player of all time is now fallen, but it sucks.

**

A/N: Got my first fan art. Thank you so much Purita Chika. I so love it <3 <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro