Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9 - Enough


Chapter 9 - Enough

HUMIHITHIT nanaman ng sigarilyo si Falcon ng umagang iyon. Nanganak na ang Reyna sa pangalawa nitong anak at kitang kita niya ang saya sa mukha ng kanilang Master na si Demon. Hindi niya alam pero nakaramdam din siya ng kaunting excitement sa kaalamang buntis si Roxsan ngunit nanlulumo din siya sa tuwing naalala niya kung paanong nabuo ang batang iyon.

Sana ay sa kanya na lang ang bata.

Tinapon niya ang upos ng sigarilyo at saka nagtungo sa entertainment room. Gusto niya munang libangin ang sarili niya. Gusto niya sanang mag-golf ngunit ayaw naman niyang istorbohin ang mga kapatid niya na madalas niyang kalaro sa golf.

Nakarating siya sa entertainment room at nadatnan niya doon si Sean na naglalaro ng billards mag isa habang kunot na kunot ang noo nito. Madilim ang mukha ng binata.

Hindi siya nagsalita. Tinanguan niya lang ito ng magtama ang kanilang paningin. Dumiretso siya sa mini bar doon at saka nagbukas ng isang scotch.

Shot glass is for loosers at hindi niya kailangan iyon. Gusto niyang magpakalunod sa alak ngayon.

Tinabihan siya ni Sean. Kumuha din ito ng isang bote ng scotch at saka itinungga iyon. Mukhang hindi lang pala siya ang may dinadalang problema ngayon.

"Zup?!" He asked.

Umiling naman si Sean sa kanya. "My sister is getting married."

Hanggang ngayon hindi pa din sila makapaniwalang kapatid nito si Black dahil ang buong akala nila noon ay may something sa dalawang ito. Tsk.

Nakikinig lang siya kay Sean. As usual, tinatamad kasi talaga siyang magsalita. Parte iyon ng trauma niya kaya ganoon ang nangyari sa kanya ng maka-recover siya. Hindi na siya gaanong nagsasalita.

"I don't even like the guy for her! Damn it! I will kill that Robin Makalaylay! Fuck!"

Tinapik niya ang balikat nito at saka tumayo na sa stool. Gusto niya munang maglakad lakad.

Sa paglalakad niya. Nakasalubong niya ang nakakatanda niyang kapatid na si Jaguar habang buhat buhat nito ang pamangkin nilang si Zera.

"Fal." Tawag nito sa kanya. "Mag usap muna tayo."

Tumango siya. Nagpaalam naman si Jaguar sa kanya na ibabalik muna nito si Zera sa Mommy at Daddy nito at hintayin nalang siya sa pool area ng ETHQ.

Ilang sandali pa ay dumating ng muli si Jaguar, may dala dala itong anim na beer in can.

Naupo ito sa kanyang tabi. Nagbukas ito ng beer in can at saka inabot iyon sa kanya.

"I bought a house in China. Ang balak ko, doon na kami titira kapag nabuwag na ang grupo. You know, kapag nag settle down na din kayo ni Sean. Kayo nalang ang wala pang asawa sa grupo."

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Paano siya mag aasawa kung patay na iyong babaeng gusto niyang maging asawa.

Tumungga siya ng beer at patuloy na nakinig sa panganay niyang kapatid.

"Robbie is finally pregnant and I'm so excited with that. Si Zia din, buntis nanaman according kay Leon." Tinapik siya nito. "We'll still waiting for your turn Falcon, hindi habang buhay buo ang grupong ito."

He just shrugged. Wala naman kasi siyang masabi. Naiinggit pa nga siya sa mga kapatid niya dahil alam niyang masaya na ang mga ito at may kani-kanila ng buhay.

Sana kasi, siya nalang ang ama ng anak ni Roxsan. Putang ina!

"Iniisip mo pa din ba si Anniza o mas nangingibabaw sayo ang kagustohang sana ikaw nalang ang ama ng batang dinadala ng bihag mo."

Natigilan siya sa tanong ng kapatid. Bigla ay umurong ang kanyang dila ngunit agad din naman siyang nakahuma.

He looked at his brother who was now waiting for him to answer his question.

"I.. I don't know.." He sighed sharply. "I'm still thinking of marrying Any yet, I'm also wishing that I should be the father of Roxsan's unborn child."

Muli ay tinapik ni Jaguar ang kanyang balikat. "Go to Black. Mukhang may balita ito para sayo."

Nangunot ang noo niya sa sinabi ng kapatid. Ano naman ang sasabihin ni Black sa kanya?!

Tumayo na si Jaguar. "She's still our enemy Falcon. Huwag mong masyadong ilapit ang sarili mo sa kanya. Ayoko ng maulit ang nangyari sayo noon." Iyon lamang at saka umalis na ito.

Siya naman ay tinungo ang klinika ni Black.

"MAY MALI po sa computations ko. Hindi ko agad nalaman iyon dahil hindi ko naman matanong ng maayos si Miss Roxsan tungkol sa huling menstrual period niya. Pasensya na po talaa Master Falcon." Paliwanag ni Black sa kaniya bagay na lalong ikinalukot ng kanyang mukha.

Hindi niya maintindihan. Ano ba ang nangyayari at anong mali sa calculation ni Black at kailangan niya pa iyong malaman?! Wala namang magbabago e, siya pa din ang may kasalanan kung bakit nabuntis ng dalawa niyang taohan si Roxsan.

Nagugulohang tumingin siya kay Black. "What are you talking about?!"

"She's not fifteen weeks pregnant."

Nanalaki ang ulo niya. Ibig sabihin ay hindi buntis si Roxsan?! Mas mapapadali na ang lahat sa kanya, maging ang sinserong paghingi niya ng tawad dito.

"Instead, she's Twenty weeks pregnant."

Fuck! Nanlalaki ang kanyang singkit na matang napatingin kay Black. This is fucking rediculous! Damn it!

Nagyuko ng ulo si Black. "According to you, may nangyari sa inyo and kinalkula ko po iyong exact date noon at ang pagbubuntis ni Miss Roxsan ngayon, walang duda na kayo po ang ama ng-"

"Bullshit!" He exclaimed.

Pinagsusuntok niya ang pader doon. Wala siyang pakialam kung natatakot na si Black sa kanya. Hindi naman siya galit sa pagkakamali nito, it's just that he can't take it!

"Damn! Damn! Fuck!" He was yelling as he punched the concrete wall if the room.

Pinigilan na siya ni Black at ng team nito ng hindi na tumugil ang pag agos ng dugo sa kanyang kamao.

He is the father.

Damn it!

What will happened now?! Ito ang hinihiling niya ngunit hindi naman niya alam kung ano ang gagawin niya. Nakakaputang ina lang talaga!

Ginagamot na ni Black ang sugat niya. Marami pa itong sinasabi, hindi naman niya iyon maintindihan dahil okyupado ang kanyang isip ngayon tungkol sa pagiging ama niya.

Damn!

Tumayo siya bigla. "Master. Hindi pa po tapos gamotin iyang sugat niyo." anito

Hindi naman niya iyon pinakinggan. Gusto niyang makita at makausap si Roxsan. Gusto niyang ayosin ang lahat ng dapat ayosin.

Nagmamadali niyang tinungo ang silid ng dalaga ngunit wala ito roon sa loob ng silid. Binuksan niya ang pinto ng banyo upang silipin kung naroon ba ang dalaga ngunit wala rin.

Fuckshit! Nasaan ba ang babaeng iyon?!

Paupo na sana siya sa kama nito ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang babaeng hinahanap niya. Pugto ang mga mata nito at pulang pula ito kakaiyak.

Napatayo siya bigla. Halatang natigilan ang dalaga sa presensya niya at nakita niya kung paanong nagdilim ang mukha nito ng makita siya.

"Anong ginagawa mo dito?!" Gigil na tanong nito sa kanya.

Akmang lalapitan nita ito ng pigilan siya nito at humakbang paatras.

"Huwag mo akong lalapitan!" Sigaw nito.

He took a step closer. "Roxsan.."

"Huwag mo sabi akong lalapitan!" She was hissing.

Umiling naman siya at sinubokan itong lapitang muli hanggang sa nakalabas na sila ng tuloyan sa silid kaka-atras na ito sa kanya.

"Look Roxsan we need to talk about our child."

Umiling ito at saka tinakpan ang tenga. "Ayokong marinig ang sasabihin mo! Ayaw kitang makita! Halimaw ka!"

Tumakbo ito palayo sa kanya. Fuck! Tumakbo na din siya para sundan ang dalaga.

TAKBO LANG ng takbo si Roxsan. Gusto niyang tumakbo palayo. Hanggang ngayon rumerehistro pa din ang sinabi sa kanya noong Doctor na babaeng si Black na mali ito ng kalkula sa pagbubuntis niya. Kanina niya pa iyon nalaman at 100% sure ang doctor na iyon na si Falcon daw ang ama ng batang dinadala niya.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngunit isa lang ang sigurado. Lalo siyang namuhi kay Falcon Chui. Gusto niyang sumpain ang lalaking iyon.

"Fuck! Stop running! We need to talk!"

Hindi niya pinakinggan ag sigaw nito. Patuloy lang siya sa pagtakbo kasabay noon ang pag agos ng kanyang mga luha. Nahihirapan na siya. Nahihirapan na talaga siya! Napapikit siya ng mariin. Ang sakit sakit na talaga.

"STOP! FUCK! STOP RIGHT THERE!"

Mayroon kakaiba sa pagsigaw nito kaya hindi niya napigilang mapamulat. Ganoon nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mapagtanto niyang nasa dulo na siya ng hagdan at huli na ang lahat para makaatras pa siya dahil dumiretso na pababa ang kanyang katawan.

Nanghina si Roxsan ng tuloyang bumagsak ang kanyang katawan sa kabilang dulo ng hagdan. Nakaramdam siya ng pagkahilo kasabay noon ang matinding pagkirot ng kanyang puson ang pagbulusok ng mainit at pulang likido mula sa pagitan ng kanyang hita.

Bago niya tuloyang maisara ang kanyang mga mata. Nakita niya pa ang imahe ni Falcon Chui na humahangos papalapit sa kanya.

MABIBIGAT ang talukap ng mga mata ni Roxsan ng imulat niya iyon. Nanghihina pa siya at animong walang lakas ang kanyang katawan para man lang maigalaw kahit paano.

May nakakabit na kung ano-ano sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang itanong kung ano ba ang nangyari sa kanya?! Ang huli niyang natatandaan ay hinahabol siya ni Falcon. Tapos.. Tapos..

Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagtanto kung ano ang nangyari sa kanya.

Nalaglag siya sa hagdan!

Dinugo siya! Oh God! Dinugo siya! Please.. Sana maayos lang ang bata sa sinapupunan niya. Sana ay walang nangyaring masama dito. Hindi niya na kasi kayang ihandle iyong pain na nararamdaman niya.

Pinilit niyang bumangon. Agad naman siyang dinalohan noong nurse.

"Huwag po kayong bumangon. Sandali ho! Tatawagin ko po si Dra." Anito at nagmamadaling lumabas ng silid.

Ilang saglit pa ay dumating na si Black. Malungkot ang mukha nito. Nakasunod dito si Queen Aisne na nakasakay pa sa isang wheelchair. Nanganak na talaga ito dahil impis na ang malaki nitong sinapupunan.

"A-anong nangyari?!" Pinilit niyang maupo kaya inalalayan siya ni Black. "K-kamusta ang lagay ng baby ko?!"

Nag iwas ng tingin ang Doctora. Ganoon din ang Reyna daihilan para mapahagulgol siya.

No! Hindi iyon pwede!

"I'm sorry.."

Iyak siya ng iyak. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay nawala na ito sa kanya. "No.. Bakit?! Dapat ako nalang!" Isinubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang palad.

Hinayaan niya ang kanyan g sarili na umiyak ng umiyak. Ni hindi man lang niya ito naramdaman. Kung kailan naman tinanggap niyang buntis siya saka naman ipinagkait sa kanya ang pagkakataong maging ina. Ni hindi man lang niya ito nahawakan.

Bakit? Bakit sa kanya nangyayari ang mga bagay na ito?! Bakit siya pinaparusahan ng ganito?! Kulang pa ba ang mga luha niya?! Puta! Ano pa bang kulang?!

"AHHHHHH!! Ayoko na! Ayoko na!" Humahagulgol siya. Nagsisisigaw hanggang sa mapagod ang kanyang lalamunan.

Kailan ba matatapos ito?! Kailan?!!

Sa huli, naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Aisne sa kanya. Siguro ay inalalayan ito ni Black para makalapit sa kanya.

"Enough Roxsan.. Enough.." Hinahagod nito ang kanyang likoran habang siya ay iyak ng iyak sa balikat nito. "Tutulungan kitang makabangon.."

Sinalubong niya ang kulay abo nitong mga mata. Puno ng galit at pagkamuhi ang kanya.

"Tulongan mo kong gumanti! Kasalanan ito ni Falcon Chui! Ito ang may kasalanan kung bakit nagkagulo ang lahat sa buhay ko. Parang awa mo na, tulongan mo ako."

Hindi na niya nahintay ang sagot nito sa kanya dahil tuloyan na siyang nawalan ng malay.

Enough the pain. Face her wrath.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro