Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18 - Somewhere far away here


Chapter 18 - Somewhere far away here

~

HINDI MABURA ang ngiti sa mga labi ni Falcon habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Roxsan ayaw niyang bitawan ang dalaga. Ayaw niyang pakawalan. Pakiramdam niya kasi, hindi niya kakayanin. He was so happy today, nasabu niya iyong gusto niyang sabihin kay Roxsan. Nasabi na niya iyong nararamdaman niya. He never felt happy like this before. Kakaiba iyong saya na nararamdaman niya ngayon kaysa noong unang beses siyang nagmahal.

Kay Maria Anniza.

He shook his head. Everything about her is all from the past now. Si Roxsan na ang kasalukuyan at gusto niya ding ang dalaga na ang makasama niya sa future. It may sound corny pero iyon talaga ang gusto niya.

Hindi man niya nakuha ang sagot ng dalag sa salitang binitiwan niya. Kuntento na siyang kasama niya ito ngayon, kontento na siyang kasama niya ang babaeng bumuhay muli ng puso niya.

"I still hate you."

He kissed her knuckles. "I know."

Kanina pa kasi iyon sinasabi ng dalaga sa kanya. Hindi naman masakit sa tenga, actually napapangiti pa siya. Damn! Kakaiba talaga ang epekto ni Roxsan sa kanya.

Labis ang kaba niya kanina ng pinagsasampal siya ng dalaga sa silid. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang nangyayari. Hindi niya alam sinabi na pala ni Mang Gini kay Roxsan ang tungkol sa nakaraan niya. Lahat lahat ng mga ginawa sa kanya ni Maria Anniza. Bakit ganon? Dati-rati sa tuwing napag uusapan ang tungkol sa nakaraan niya at sa mga ginawa ni Maria Anniza sa kanya ay nagiging labis ang kanyang pagkabalisa, ngayon hindi na. Nakaramdam na siya ng kaginhawaan. Magaan na ang loob niya.

"Falcon, wala ka na bang balak na bumalik sa torturers?!"

Nabigla siya sa tanong ng dalaga. Honestly, unang araw palang nila ngayon dito sa Pangasinan pero labis na ang pagka-miss niya sa mga kasamahan niya sa grupo, lalo na iyong mga kapatid niya at mga pamangkin niya.

He looked down. "I don't know. Mas gusto kong kasama kita."

"Falcon.."

"I love you and I mean it. I know that it's hard for you to believe after what I had done to you. I did ruined you, I did broke you down and it damn much hurt everytime I think about it." Binalingan niya ng tingin ang dalaga at hinaplos ang pisngi nito. "I'm so sorry for causing you all the pain baby, please let me erase those bad memories, let me replace it with good and happy memories. Let me prove to you how much I love you."

Nakita niya kung paanong napaluha ang dalaga. Siya man ay napapaluha sa tuwing naalala niya lahat ng mga nangyari, at buong buhay niyang pagsisisihan ang ginawa niya kay Roxsan, dadalhin niya iyon hanggang kamatayan niya.

"Ang hirap.." humihikbing anito. "Ang hirap hirap panowalaan iyong mga sinasabi mo Falcon. Gusto ko pa ding bumawi sa mga nangyari sa akin. Hanggang ngayon, nandidiri pa rin ako sa sarili ko sa tuwing naaalala ko iyong mga pangbababoy na ginawa mo sa akin. Kinikilabutan ajo sa tuwing naalala ko 'yon." She said honestly.

Alam niya iyong ganoong pakiramdam. He's been there, alam niyang mas hindi niya kinaya dahil nabaliw siya, nawala siya sa sariling katinoan kaya malaku ang paghanga niya sa dalaga dahil kinaya nito ang trauma. Iyon nga lang, naging katulad siya nito, napuno ng poot ang damdamin at paghigantihan siya. Gayonpaman, hindi niya maitatangging hulog na hulog na talaga siya sa dalaga.

"Sirang-sira na ako Falcon. Paano mo mamahalin ang taong kagaya ko?! Muntik ko ng ibalik sayo ang bangungot na dinanas mo."

"Which is I deserve." Hinawi niya ang buhok nito. "Mahal kita Roxsan, hindi ko nakikita ang sarili ko sa hinaharap na hindi ikaw ang kasama ko."

Determimado siya. Papatunayan niya ang pagmamahal niya sa dalaga kahit na ano pa man ang mangyari.

DALAWANG LINGGO na ang nakalipas magmula ng sinabi ni Falcon sa kanya na papatunayan nito ang nararamdaman nito para sa kanya. Dalawang linggo na din silang narito sa Pangasinan. Hindi naman nahirapang makapag-adjust si Roxsan dahil fit naman sa kanya kahit nasaan siya. She sighed. After his confession and her dramatic speech last last week, napagpasyahan nila ng binata na hintayin munang maghilom ang malaking sugat sa puso niya. Ngayon, itatama na nila ang lahat ng mga pagkakamali nila. Alam ni Roxsan na matatagalan pa siya dahil alam naman niyang may naghihintay sa kanya sa Manila bagay na ayaw na niyang balikan pa.

Napablikwas siya ng bangon ng maramdaman niyang parang hinahalukay ang kanyang sikmura. Gosh! Kahapon niya pa nararamdaman ang bagay na ito. Pakiramdam niya ay lalabas pati ang sikmura niya dahil sa labis na pagsusuka niya.

"Roxsan?!" Dinig niyang tawag ni Falcon sa kanya. "Roxsan, baby?!"

Hindi nama siya makasagot sa binata dahil nakaharap lang siya sa sink sa banyo at doon sumuka ng sumuka.

"Roxsan?"

"C.r." Sigaw niya bago muling sumuka.

Goodness! Wala naman siyang maisuka kundi laway niya o kaya naman ay tubig. Masakit sa sikmura maging sa kanyang lalamunan. Ang bigat bigat pa ng nararamdaman niya.

"Holyfuck!" Falcon exclaimed. Agad itong lumapit sa kanya at hinagod ang kanyang likod. "Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang pumunta tayo sa Hospital malapit sa bayan? Tell me what's wrong?!"

Kung maayos lang sana ang sitwasyo niya ngayon gusto niyang tumawa sa reaksyon ni Falcon kaso nga lang ay dumadagdag pa ang pagkahilo niya sa pagwawala ng sikmura niya.

"T-tubig."

Agad naman na tumalima ang binata at kumuha ng tubig na maiinom. Iniabot nito agad sa kanya. Nakahinga naman siya ng maluwa ng kumalma ang tyan niya.

"Salamat."

Nakakunot naman ang noo nitong nakatitig sa kanya. "Tell me what's wrong?! Are you feeling sick? Why are you throwing up this early?!"

Umirap naman siya sa binata. "Calm down Falcon. Okay lang ako. Kailangan ko lang sigurong magpahinga." Umiiling na aniya.

Naglakad na siya palabas ng banyo at ibinasak ang katawan sa kama. Hindi niya maitago ang kasiyahan na paunti-unti ay nakakalimutan na nila ni Falcon ang mapait na nakaraang pinaranas ng kapalaran sa kanila.

Nakarinig siya ng yabag at pagsara ng pinto ng banyo. Obviously, si Falcon iyon.

"Pahinga?! Maghapon ka na ngang nagpapahinga kahapon. Pahinga nanaman ngayong umaga?! Come on baby, magbreakfast ka muna. Nagluto si Mang Gini ng tuyo at may itlog na maalat."

Umasim ang mukha ni Roxsan sa narinig niyang sinabi ng binata. Gosh! Ngayon pa lang ayaw na niyang bumaba dahil pakiramdam niya hindi niya trip ang amoy ng tuyo ngayon. Kinuha niya ang unan sa kanyang tabi at itinakip iyon sa kanyang mukha.

"I'm super sleepy."

Napa-'tsk' naman ang binata. "Too lazy."

Ipinikit niya pa ng mariin ang kanyang mga mata. "Bababa din ako later. Sige na, mauna ka na. Inaantok pa talaga ako."

"Okay, okay, sleep tight baby." Anito saka hinalikan ang likod ng palad niya.

Hindi niya mapigilang hindi mapangiti. God! Araw araw nalang sa ginawa ng Diyos, ganito ka-sweet si Falcon sa kanya. Hindi niya alam na may ganito palang side ang binata.

Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Tinanggal na niya ang pagkakatakip ng unan sa kanyang mukha at naupo sa kama. Nababaliw na yata siya dahil parang hindi naman na siya inaantok. Napailing na lang siya.

Binuksan niya ang kabinet sa gilid ng kama at kinuha ang cellphone na kabibili lang ni Falcon noong nakaraang linggo. Para daw may pagkaka-abalahan siya.

Napakunot nalang ang noo ni Roxsan ng makita niyang may tumatawag sa viber. Ganoon nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makilala kung sino iyon.

Nanginginig ang kanyang kamay at hindi niya alam kung ssagotin niya ba ang tawag o hindi.

Sa huli, ini-slide niya ang screen to answer the call.

"Ra-raven?!"

"How are you my dearest wife?" Anito sa kabilang linya.

Halos panawan siya ng ulirat. Ito ang dahilan kung bakit hindi sila pwede ni Falcon Chui.

Kasal siya. Kasal siya kay Raven Hauxford.

HAPON na ng makabalik si Falcon sa bahay ni Mang Gini galinh sa bukid. Sinamahan niya kasi ang matanda. Nakakatawa lang isipin na ang bahay na pinatayo niya para sa kanila ni Maria Anniza ay binigay na niya kay Mang Gini. Naisip niya kasi noon, na hindi talaga sila para sa isa't isa ni Any. Nakakatuwa lang dahil ngayon, sila ni Roxsan ang narito. Sila ng babaeng mahal na mahal niya.

Ayaw niya nga sanang iwanan ang dalaga kanina ng makita niya ang kalagayan nito. Panay nalang itong nagsusuka. Iniisip niya na dalhin ito sa bayan at patingnan sa Doctor dahil baka may sakit ang dalaga. Ayaw niya lang makitang nahihirapan si Roxsan.

"Master, tumawag ho si Master Leon kahapon, kinakamusta ka po." Sabi ni Mang Gini.

Ngumiti naman siya sa matanda. Panay natawag si Leon sa kanila, nag aalala lang ang kapatid niya sa kanya. Nakakalungkot lang dahil hanggang ngayon galit pa din si Jaguar sa kanya.

Miss na miss na niya ang mga kapatid niya.

Napakamot sa batok si Mang Gini. "Bakit ho hindi niyo subukang balikan iyong mga kapatid niyo. Alalahanin niyo pong sila nalang ang malapit na kamag-anak niyo."

He smiled bitterly. "Gēgē is mad at me."

"Aysus! Kayo talaga. Hindi ka matitiis ng Kuya mo. Ikaw ang bunso at paborito noon."

Ngumiti nalang siya sa kawalan. Minsan iniisip niya na bumalik dahil sa pangungulila niya sa mga kapatid niya pero kailangan niyang panindigan ang nararamdaman niya. Kailangan niyang panindigan ang babaeng mahal niya.

Pumasok na sila sa loob ng bahay. Si Mang Gini ay dumiretso na sa silid nito. Naabotan naman niya si Roxsan sa kusina. Nagtaka naman siyang makita itong tulala habang nakaupo roon.

"Baby are you okay?!"

Hindi siya nito nilingon. Nanatili itong nakatanaw sa malayo. Napailing naman siya, mukhang malalim ang iniisip ng dalaga ngayon.

Nilapitan niya ito at hinawakan ang balikat ng dalaga. "Roxsan."

Napatayo ito sa sobrang gulat animo'y nakakita ng multo. Kinapos pa nga ito ng hininga dahilan para mapakunot ang kanyang noo.

"Falcon." Parang nabunutan ito ng tinik sa dibdib ng mapagtanto kung siya ang nasa harapan nito.

"Are you alright?! Masama pa din ba ang pakiramdam mo?"

Nag aalala na kasi siya sa mga ikinikilos ng dalaga. Para bang balisa ito ngayon bagay na ikinakatakot niya. Baka kasi ginugulo nanan si Roxsan ng nakaraan nila. Baka binabalikan nanaman ito ng masalimuot nilang nakaraan.

"Falcon.. Umalis na tayo."

Nagugulohan naman siya. "What?!"

"Please kailangan na nating umalis dito."

Naluluha ang dalaga bagay na ikinababahala niya. Bakit namadn nito gustong umalis dito e maayos naman na ang lagay nila dito.

Hinawi niya ang buhok nito pataas. "What's wrong baby?" bumaba ang kamay niya sa bewang nito.

Isinubsob naman ng dalaga ang mukha nito sa kanyang dibdib at nagsimulang humikbi.

Ano ba talagang nangyayari?

"I'm sorry Falcon.. I'm really sorry." Paulit ulit na sinasabi nito.

Hinaplos haplos naman niya ang buhok ng dalaga habang pinapatahan nito. "Shhhh.. What are you saying sorry?! Wala kang nagawang mali at kung mayroon man, hindi noon mababago ang nararamdaman ko para sayo. Wo aí ni, I love you, mahal kita."

Mas lalo pa itong napahagulgol. "Oh please.. Take me somewhere far away here."

Desperada ang dalaga na umalos sa lugar na iyon kaya wala ng nagawa si Falcon kundi ang ipahanda ang chopper niya patungong China.

Iyon lang naman ang lugar lung saan siya komportable bukod sa Pilipinas.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro