Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7 - Darkest Secret


Chapter 7 - Darkest Secret

~

PUMASOK ng muli si Belle sa trabaho. Napag desisyunan niyang hindi muna guluhin ang isip niya tungkol sa mga bagay na dinadala niya. Alam niyang konti nalang ang nalalabing araw na ibinigay sa kanya, pero gusto muna niyang sulitin ang mga oras na mayroon siya bago niya gawin ang dapat niyang gawin.

May ngiti sa kanyang labi ng makapasok siya sa loob ng building ng Heluxus Hotels. Masigla biya pa ngang binati ang mga gwardya ng building. Kahit ngayon lang sana, kakalimutan muna niyang malaki ang problemang dinadala niya.

Pumasok na siya sa office, namataan niya agad si Zia na mukhang napa-nganga sa kanya. Kumaway at ngumiti lang siya dito bago umupo sa cubicle niya. Natawa siya, alam niyang kating kati nang puntahan siya ni Zia para tanungin kung anong nangyayari sa kanya.

Naupo na siya sa cubicle niya at nag simulang magtrabaho. Mag papaka-busy muna siya para maiwasan ang labis na pag iisip tungkol sa mga problema niya.

Mukhang hindi yata nakatiis si Zia dahil nilapitan na siya ng kaibigan sa cubicle niya. "Belle, okay ka na? Bumalik na si Anton?" Tanong nito.

Gusto niyang tuktukan ang ulo ni Zia dahil pinaalala nito ang tungkol kay Anton. Nakakainis naman kasi e, dahil pinipilit niya ngang iwasan ang usapin tungkol kay Anton kahit ngayong araw lang pero ito agad ang binungad sa kanya ni Zia. Arghhh.

Umiling nalang siya sa dalaga at nag simulang mag-type sa keyboard niya. Hindi pa din umaalis sa tabi niya si Zia.

"Belle, uyyy. Bakit nga kasi ganyan ang aura mo ngayon? Tell me, nakahanap ka na ba ng bago? Grabe Belle huh, agad agad hindi mo man lang hinintay yung tao. Naku, kukurutin kita sa singit. Hindi ka naman ganyan dati——"

"Zia, ikaw anb kukurutin ko sa singit kapag hindi ka tumigil. I was just giving my self a break so shut up." Putol niya sa sasabihin ng kaibigan niya.

Matapos noon ay hindi na siya kinilit pa ng kaibigan. Mabuti na iyon baka makasira lang ng focus niya ang kadaldalan ni Zia. Alam niya naman kung gaano ka-tulis ang dila ng kaibigan at sigurado siyang ma-mimiss niya iyon kung sakali.

After work ay dumiretso agad si Belle sa opisina ng boss niyang si Ms. Clein. Balak niya sana itong kausapin tungkol sa huling offer nito sa kanya. Mabuti nalang at naroon pa sa opisina si Ms. Clein, mukhang marami pa itong tinatapos na trabaho dahil hindi pa ito umaalis.

Marahan siyang kumatok sa pagkakaawang ng pinto ng opisina ng boss niya para mabigyan siya nito ng pansin. Pumihit naman ng ulo si Ms. Clein saka siya nginitian ang sinenyasang pumasok.

Dahan dahan naman siyang pumasok at lumapit sa boss niya. Sana ay okay pa rin ang offer nito sa kanya noong nakaraan.

"Anong atin Ms. Florencia?" Nakangiting tanong nito habang nilalaro ang tech pen na hawak nito.

Kinakabahan siyang ngumiti sa boss niya. "Ahm, Ma'am.. Iyong .. Iyong offer po ninyo noong nakaraan ——"

"Oh, so, magbabakasyon ka?!" Anito habang may ngiting nakaukit sa labi.

Nakahinga naman siya ng maluwag. Mabuti nalang talaga at mabait ang boss niya. "Opo sana, Ma'am. Kaya lang po, hindi ko po alam kung hanggang kailan." Nakayukong sabi niya.

"It's okay Ms. Florencia, abutin man ng taon ang pagbabaksayon mo, asahan mong bakante pa din ang posisyon mo pagbalik mo. You're one of my favorite employee, so, I have no problem with that."

Nakangiti siyang nag angat ng tingin sa boss niya at saka taos-pusong nagpasalamat dito.

ABALA NA sa pagliligpit ng gamit si Belle sa kanyang cubicle ngayon ding hapon na ito. Ayaw na niya kasing ipagpabukas pa dahil masasayang lang ang oras niya. Kailangan niya pang makipag-negosasyon sa walang pusong lalaking iyon. Oh God! Please sana naman ay kayanin pa niya.

Habang nagliligpit siya ay katabi niya si Zia na ngawa ng ngawa habang si Aileen naman ay tinutulungan siyang ilagay ang mga importanteng gamit niya sa kahon.

"Kasi naman, Belle. Bakit kailangan mo pang umalis sa work? Di ba sabi mo, mas mababaliw ka kapag wala kang pinag kaka-abalahan? Bakit ka aalis? Mangingibang-bansa ka na ba? Iiwan mo na ba kami? Bakit, Belle?." Umiiyak na sabi ni Zia.

Napailing nalang siya sa tinuran ng kaibigan. Alam naman niyang nag iinarte lang ito. Her sobs are fake, halatang halata kaya.

Naramdaman niya namang tinapik ni Aileen ang kanyanb balikat. Buti pa itong kaibigan niyang to, may sense kausap. "Basta Belle, kapag kailangan mo ng tulong narito lang kami." Anito.

Ngumiti siya at niyakap si Aileen. "Thank you, Mhie."

"Ayy ganern! Ako itong nag da-drama tapos si Mhie iyong niyakap mo. Unfair, nag-sspeach ako ng mahaba tapos wa-effect, noong si Mommy Ai na, ang tipid tipid ng sinabi ni-hug mo. Napaka un——"

Niyakap niya na din ang dalaga para matigil na ito sa ka-dramahan niya. "Ayan, manahimik ka lang."

Natawa nalang sila sa ka-dramahan niya. At least, kahit paano'y hindi siya nakaramdam ng lungkot bago siya umalis sa trabaho niya. She love her job, isa nga ito sa dahilan kung bakit hindi siya sumama sa mga magulang niyang mag-migrate sa ibang bansa. Masaya kasi siya sa trabaho niya. But looked at her now, she need to sacrifice this for the man of her life.

Hindi niya gugustuhing sirain ang buhay niya, pero mas hindi niya kakayanin ang kaalamang hindi na mabubuhay pa si Anton.

Now, it's time to deal with the devil. Kailangan niyang mag ipon ng lakas ng loob para kayanin ang desisyong pinili niya. Hindi na siya pwede pang umurong. Kung ito nalang ang natitirang paraan para makalaya si Anton ng buhay, she will gladly do it and let her life be ruin.

**

MALAKI ANG ngising nasilay sa labi ni Ross habang naglalakad siya sa hallway ng Evil Torturer Head Quarters. Madalas siyang nag lalagi dito tuwing umaga at hindi nag o-operate ang Club niya. Isa pa, kailangan niya kasing i-report kay Master Demon ang bentahan ng mga prosti sa Club niya. Kama-kailan lang ay nagsidatingan na ang pangalawang batch ng mga babaeng binenta sa kanila na ipagbibili din nila sa mga mayamang negosyante para maging puta ng mga ito. Umiikot lang naman sa kanila ang pera.

Sumisipol siya habang nilalaro ang susi ng Bugatti niya sa kanyang mga daliri habang patuloy lang sa pag lalakad. Napatigil lang siya ng may tumawag sa pangalan niya.

"Ross!!" Anang pamilyar na boses sa kanya.

He face her and give her, his sweetest warm smile, that every woman will shiver every time he do that. Nawala lang ang ngisi niya dahil mukha namang wala itong epekto sa Reyna.

Yes, it's the Queen of their organization. The only woman who passed in their group. She's very stunning even if she's wearing a simple shirt and jeans. Wala na talagang makakapantay sa ganda ng Reyna.

Her powerful ash gray eyes were looking directly on his eyes. Ross smiled playfully and bow his head like a servant to the Queen.

"Yes, My Liege?" He asked.

"You didn't visit me at my room, moron! Ano bang pinagkakaabalhan niyo? Is these something about closing the deal with Mr. Evangelista?." She asked.

He smiled. Mukhang wala sa mood ang reyna. Pansin niya din ang bahagyang pagbagsak ng katawan nito. Marahil ay dahil sa sunod sunod na pag paparusa ni Master Demon dito. Their Master is mad at the Queen for not letting his successor to give life. Yes, the Queen and their Master has this unknown relationship.

Ross just chuckled at her. "Sorry, Queen. I just got busy dealing with some weak peoples."

"Are you toying with someone again, Ross?" Tanong nito. Nakataas pang bahagya ang kilay nito. Well, ganoon naman lagi ang dalaga, but that doesn't change the fact that she really look like a Goddess.

He smirked. "You really know me that much huh? Well, I was just toying a hot woman, Queen. I will make sure that she will suffer in my own hands." Anito at pinagsiklop pa ang magkabilang palad.

The Queen just snorted. "I won't ask you kung anong ginawa sayo ng babaeng iyon. I just need an advice."

Sumeryoso agad ang mukha ni Ross. Alam niya namang malaki ang tiwala sa kanya ni Aisne kaya sa kanya ito palaging nanghihingi ang taktika sa plano. The last time she asked a favor to him is when the Queen's late sister is married and she wanted to ruin their relationship. Mukhang nagtagumpay naman ang Reyna sa plano niyanh iyon. Yun nga lang ay nasobrahan yata dahil nakuha nitong magpalaglag. Ayan tuloy, ang laki ng galit ng Master sa Reyna.

"Spill, My Liege." Magalang na aniya.

She sighed and met his gaze. "I don't know what will I do to the Demon. I just want out."

Ross grinned at her. Nakuha na agad ng binata ang gustong sabihin ng Reyna "Make him love you and leave him like a broken pieces."

"Fuck you! You know that Demon doesn't know how to love." She hissed. "And I-i just can't." Nag iwas pa ito ng tingin.

He grinned at her, again. How lovely seeing the Queen like this. "As expected. But let me tell you something...."

Bahagya siyang lumapit sa dalaga at tinapat ang kanyang bibig sa tenga nito bago bumulong.

"He's ...."

Nakita niya kung paanong nanigas anh buong katawan ni Aisne sa sinabi niya. Napangiti nalanh siya, how silly the Queen to not knowing what he just said. Talaga bang napaka-manhid ng babaeng ito? Tsk.

Bago pa man makahuma ang dalaga ay inilapat na niya ang kanyang labi sa noo nito, tulad ng madalas niyang ginagawa.

"Good to see you again, Queen." Sabi pa niya bago nagsimulang humakbang papalayo sa dalaga.

Napailing nalang si Ross, malamang ay minumura na siya ng Reyna sa isip niyo dahil sa sinabi niya dito. Alam niyang nagulat ito, pero panahon na sigurong makita nito ang damdamin ng kanilang Master para sa dalaga.

He's crazy over you. Ulit ng isip niya sa sinabi sa dalaga.

"Fuck you, Ross!!" Dinig niyang sigaw ng dalaga

Everyone can read the Master's undying love for the Queen. It's just that, the Queen is blind of anger in her eyes, she was too desperate to ruin her sister than to see what they see when the Master looked at the Queen.

Muli siyang napailing, ang planong sinabi niya sa Reyna ay alam niyang susundin nito, alam niya ding hindi iyon mangyayari dahil malakas ang pakiramdam niyang magkapareho lang nang nararamdaman ang isa't isa, for sure na bibigay din ang Reyna kay Master Demon. Masyado lang kasi itong bulag sa galit kaya hindi nito mabasa ang sarili nitong damdamin.

Fuck love! Napapamura nalang siya. Muli siyang lumingon sa kaninang kinatatayuan ni Aisne ngunit wala na doon ang dalaga, siguro ay bumalik na ito sa silid nito.

Muli siyang naglakad, hahanapin niya nalang si Leon para makipag sugal dito. Gusto niyang malibang para matanggal ang kirot sa bandang puso niya.

Do you wanna know his deepest darkest secret?

He's in love.

He's fucking in love with the Queen but it's just that, he's too late because he knows that the Queen is in love with the Master too.

Unang beses niya palang nakita ang dalaga alam na niyang may atraksyon na siyang naramdaman para dito, hindi iyon libog gaya ng nararamdaman niya sa tuwing nakakakita siya ng magandang babae. There's this feeling that he wanna take care her. He wanna protect her, and then he realized that he's madky in love with the Queen, too bad he can't let his self love her. Mahal niya ang buhay niya at siguradong mapapatay siya ni Master Demon kapag inamin niya ang nararamdaman niya para sa Reyna. That secret will always remain as his darkest secret.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro