Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3 ETClub


Chapter 3 - ETClub

~

DAYS PASSED fast pero hanggang ngayon ay wala pa ding balita si Belle tungkol sa fiance niya. Gabi gabi niya itong iniiyakan, maging sa opisina nila ay hindi siya makapag-focus dahil okupado ang utak niya nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ni Belle ay masisiraan na siya ng bait. Hindi na niya alam ang gagawin niya.

Hindi maalis ang kaba niya sa dibdib. Ano na kayang nangyari kay Anton. At ano ang mga ginagawa ng FBI para makuha si Anton. God! Please not him. Buong buhay niya ngayon lang siya nakadama ng ganitong takot. Natatakot siya na hindi na bumalik na buhay si Anton sa kanya.

Nag aalala na sa kanya ang lahat. Maya't maya ay tinatawagan siya ng mga magulang niya para makibalita at kinakamusta na din siya. Gusto ngang umuwi ng ina niya dito para damayan siya pero pinigilan na niya. Alam naman niya kung gaano ka-hindi sanay sa byahe ang ina niya.

Anton's parents are contacting her too. Madalas ay siya ang tumatawag dahil baka may balita na ang mga ito tungkol kay Anton. Pero tulad niya, wala pa din silang balita.

Napabuntong hininga nalang si Belle. Minsan iniisip niya na sana panaginip niya lang ang pagkawala ng fiance niya. Masyado niyang mahal ang binata, hindi niya lang makita o maramdaman ang presensya ng fiance niya pakiramdam niya ay hindi siya buo. At hinding hindi siya mabubuo hanggang hindi ito nakakabalik sa kanya.

Naramdaman niyang may kumalabit sa kanya. Pugto ang mga mata niya kaya matamlay siyang lumingon kay Zia. Alam naman kasi niyang si Zia iyon.

"Bakit?." Tipid na tanong niya.

"Ang pangit mo, Belle." Anito. Nginitian lang niya ng tipid ang kaibigan. "Pinapatawag ka ni Maa'm Clein." sabi pa nito.

Ang tinutukoy nito ay ang VP ng finance department. Ang department nila ni Zia, si Aileen lang naman ang nahiwalay sa kanila.

Tumango lang siya kay Zia, at saka nagsimula ng tumayo. She seldom talked this past few days. Mukhang naiintindihan naman ito ng mga kaibigan niya dahil hindi siya kinukulit ng mga ito, lalo na si Zia.

Nagpa-alam siya kay Zia na pupuntahan na niya si Ms. Clein Heluxus, kapatid ni Mr. Calvin Heluxus na CEO ng buong Heluxus Hotel. Siguro ay kaya siya pinapatawag ay dahil sa performance niya this past few days. Alam naman niya kasing hindi pa siya makapag-focus sa trabaho.

Kumatok muna siya sa pinto ng office ni Ms. Clein bago siya pumasok. Nakayuko siyang bumati sa boss niya. "Good morning Ma'am Clein, pinapatawag niyo daw po ako?." She politely asked. This time she manage to looked at her boss's eyes.

Ms. Clein smiled. Nakaramdam naman siya ng kaginhawaan kahit paano. Ang akala niya kasi ay galit ito. "Have a sit, Ms. Florencia."

Ngumiti na din siya at nakayukong lumapit sa visitors chair ng boss niya at saka umupo.

"Ms. Florencia. I know why you are not in focus this past few days. Wala naman akong reklamo sa trabaho mo 'cause you are really amazing. Ang sa akin lang, gusto mo bang magpahinga muna hangga't hindi pa natatapos ang pinagdadaanan mo ngayon?"

Belle bites her lower lip. Pinipigilan niya ang maiyak. Mabuti nalang at naiinitindihan din siya ng boss niya. "Ma'am, baka po kasi pag nagpahinga ako sa trabaho e, mas lalo lang po akong ma-upset pag nasa unit lang po ako."

Again her boss smiled. "If that's what you want, Ms. Florencia. Pero kung sakaling magbago ang isip mo, just tell me, papayagan kitang magbakasyon muna."

"Thank you po, Ma'am." Nagpaalam na siyang aalis kaya lumabas na siya sa opisina nito.

Bagsak ang balikat niyang bumalik sa cubicle niya. Nilingon niya muna si Zia at mukhang busy din ang kaibigan niya. Naupo na siya, hay, Reabelle, act professionally please.

Hindi naman purkit malaki ang problema niya ay papabayaan na niya ang trabaho niya. Isa pa, nahihiya naman si Belle kay Ms. Clein, kina-usap na siya nito. Kahit na mabait ang boss niya iti-nuring niya pa ding warning ang sinabi sa kanya ni Ms. Clein.

Hapon na nang matapos niya ang lahat ng trabaho niya. Sinubukan niyang mag focus sa trabaho niya matapos siyang kausapin ni Ms. Clein kanina. Sa awa naman ng Diyos at nagawa niya.

Hindi muna dumiretso si Belle sa condo unit niya. Pupuntahan niya ngayon ang bahay nila Anton. Hindi kasi siya mapakali, pakiramdam niya ay may nagtutulak sa kanyang pumunta doon.

Lulan ng taksi ay nagtungo siya sa bahay ng mga Buado. Welcome na welcome naman siya doon, mabait kasi ang pamilya ng binata. Noon nga ay tinutulak na sila ng mga itong mag live in, nasa tamang edaran naman na daw sila. But Anton decline it, he's really sweet and gentleman.

"Good afternoon po, Tita." Bati niya at saka nagmano sa ina ni Anton na siyang nagpatuloy sa kanya sa loob.

Her fiance's mother is really look sad. Tulad niya ay pugto din ang mga mata nito. Wala dito ang asawa nito dahil nagtatrabaho iyon sa ibang bansa.

Hinawakan ni Belle ang kamay ng ginang nang magsimula na itong umiyak. Naiiyak na din siya, damang dama niya ang pangungulila ng ginang sa anak nito.

She try to hide her sobs. "Wala pa din po bang balita, Tita?"

Mrs. Buado shook her head. "Wala pa hija, ang ilang linggo na siyang wala. Hanggang ngayon hindi pa din siya naibabalik sa atin." anang ginang na patuloy pa din sa pag iyak.

Hinagod niya ang likod ng ginang para patahanin ito pero mas lalo lang itong naiyak. "Tama na po, Tita."

She hugged his fiance's mom to comfort her. Ina ito, alam niyang sa lahat ng taong nasasaktan sa pagkawala ng fiance niya, ito ang pinaka na-aapektuhan sa lahat.

"Wala po bang nasabi sa inyo si Anton kung saan ang huling mission niya?" Tanong niya.

Baka kasi may nasabi ang binata sa ina nito. Baka sakaling makatulong sa paghahanap nila. Hindi na niya aantayin pa ang mabagal na kilos ng FBI's siya na mismo ang maghahanap sa binata. Walang mangyayari kung tutunganga nalang siya sa isang tabi.

"Hija, alam mo naman kung gaano kalihim si Anton pag dating sa trabaho niya." Anang ginang.

Bumagsak ang balikat niya sa naging sagot nito pero hindi pa din siya napanghinaan ng loob. Naisip isip niya, kailangan niyang magpakatatag. Hindi makakabuti kung panghihinaan siya ng loob.

Hinatid niya muna ang ginang sa silid nito. Nagpaalam muna siya kung maari ba niyang puntahan ang silid ng binata. Natawa pa nga siya ng bahagya ng sabihin ng ginang na magiging silid niya na din daw iyon, hindi na niya kailangan pang mag paalam dahil welcome na welcome naman siya dito.

Nakasalubong niya ang kasam bahay ng mga Buado, binilin niya dito na hatiran ng pagkain ang ginang sa silid.

Nang makapasok siya sa silid ng lalaking mahal niya, doon niya ibinuhos ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. She's breaking down into pieces, ikababaliw na niya kapag hindi niya pa nakita ang binata.

Pinunasan niya ang luha niya gamit ang kamay niya. No, hindi siya nandito para umiyak. Nandito siya para alamin kung saan ang huling misyon ng binata. Maaring malihim nga ito pagdating sa trabaho nito dahil kailangan pero hindi naman imposibleng wala siyang makukuhang impormasyon sa silid ng fiance niya.

Dumiretso siya sa study table nito. Agad siyang napangiti ng makita doon ang naka-frame na larawan nilang magkasama. Kuha ito noong unang anibersaryo ng pagiging mag nobyo nila.

Kinuha niya ito at hinaplos ang larawan ng binata. "I miss you." Aniya. Agad niya ding binitawan iyon at umupo sa swivel chair para buksan ang laptop ng binata.

Napahawak nalang siya sa sentido niya ng wala siyang makitang kakaiba doon. Puro larawan at mga files tungkol sa negosyo lang ng pamilya nito.

Sinara na niya ang laptop at lumipat ang atensyon niya sa mga drawer ng study table nito, pero tulad ng sa laptop wala din siyang nakuhang impormasyon doon. Hindi siya mawawalan ng pag asa. Alam niyang worth it ang paghahanap niya dito. Akmang tatayo na siya sa swivel chair ng makita niya ang planner ng binata. She immediately hand it and scan every pages of it. Agad na nagsipatakan ang mga luha niya ng makita doon ang hinahanap niya.

'ETClub- Last mission for this month.'

"Oh my God! Thank you, thank you."

Hahanapin niya ang binata kahit na ano ang mangyari. Ibabalik niya ang lalaking mahal niya dahil papakasalan niya pa ito.

**

HINDI NA mapakali si Belle sa cubicle niya sa opisina. Kanina pa siya kating kati na lapitan ang kaibigan niyang si Zia para itanong kung alam ba nito kung saan makikita ang Club na naging huling mission ng fiance niya bago ito nawala. Hindi man sa pag aano, pero alam niya kung gaano ka-liberated si Zia, baka sakaling napuntahan na ng kaibigan niya ang Club na iyon.

Halos kulang nalang ay mapa-palakpak si Belle ng sabihin ng head nila na pwede na silang mag lunch break. Hindi na niya niligpit ang nasa cubicle niya, agad niyang pinuntahan si Zia na kasalukuyang nag aayos ng gamit. Hinila niya ito palabas.

"Ayyy. Heka lang naman, Belle. Ano? Gutom na gutom lang ang peg?" Anito habang hila hila niya ito.

Nakarating sila sa coffee room. Laking pasasalamat nalang ni Belle na sila lang ni Zia ang tao doon.

"Anong gagawin natin dito, Belle? Dios por Santos, kung kailan tanghaling tapat saka mo naisipang magkape, yung totoo Belle? Anong tinira mo? Alam mo iyan ang epekto sayo ng pagkawala ng jowaers mo e, hindi ka na naka-kakain ng maayos. Tamo, nangangayayat ka! Naku, Belle. Wala ako sa mood mag kape, gutom na ko."Dire-diretsong anito.

Napanga-nga naman si Belle sa kaibigan. Napakadaldal talaga nito. "Letizia, humihinga ka pa ba?"

Umirap ito sa kanya. "Oo naman, anong akala mo sa akin? Alien na mabubuhay kahit na hindi humihinga? Napapano ka Rea--"

"May itatanong lang ako kaya manahimik ka muna pwede?" Putol niya sa sasabihin ng kaibigan.

"Fine."

Reabelle sighed and looked at Zia. "Naka-punta kana ba sa ETClub? Alam mo ba kung saan iyon?"

Kunot noong sumeryoso ang mukha ni Zia. Para bang binabasa nito ang mga mata niya. In fairness, ngayon niya lang nakitang ganito kaseryoso ang kaibigan niya.

"Bakit mo tinatanong? Hindi pwede ang inosenteng tulad mo doon. Kung ako nga hindi ko kinaya ang mga nakita ko doon, ikaw pa kaya. Naku Belle, paano mo ba nalaman ang tungkol sa Club na iyan?"

Napangiti naman ng maluwag si Belle sa sinabi ng kaibigan. Thanks God, mukhang makikita na niya ang fiance niya. Iyon ay kung sasabihin ni Zia kung saan ang lugar ng Club. Wala na siyang pakialam sa babala sa kanya ni Zia, ang importante sa kanya ay makita na niya si Anton. Alam niyang nasa Club na iyon ang kasagutan sa kanya.

"Zia, kailangan kong malaman kung saan ang Club na iyon. Yun ang huling mission ni Anton. Malakas ang pakiramdam kong makikita ko siya doon." Aniya.

Zia's left eyebrow arched. "At paano kung mali ka ng akala? Delikado ang Club na iyon, Belle. At isa pa, hindi ka makakapasok doon hanggat wala kang VIP Card pass."

Doon lang siya nalungkot. Pakiramdam ni Belle ay pinagkakaitan siya ng pag asang makita pa si Anton.

"Zia, gusto ko lang naman siyang makita. Bakit ba nangyayari sa amin ito? Ang sakit sakit na kasi. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa bawat araw na iisipin kong nasa delikado ang buhay niya." Umiiyak na pag amin niya sa kaibigan.

Niyakap naman siya ng kaibigan niya. Kahit paano ay naibsan din ang nararamdaman niya. Alam niya kasing hindi siya nag iisa.

"Fine. Sasamahan kitang puntahan ang lugar na iyon."

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro