Chapter 22 - Mental Institution
Chapter 22 - Mental Institution
A year later...
MASAYA siyang sinalubong ng mga kaibigan niyang sina Zia at Aileen sa Ninoy Aquino International Airport. Aileen is here na, last five months pa ata iyon. Hindi naman nag k-kwento ang kaibigan niya tungkol sa biglaang pagkawala nito pero mukha namang maayos ang lagay nito.
Sasakyan ni Anton ang ginamit nila para ihatid siya sa tinutuluyan ni Zia. Doon muna siya habang hindi pa siya nakakahanap ng bagong lilipatan. Naibenta niya na kasi yung unit niya dati. Ang speaking of Anton, may nililigawan na daw itong isang sikat na modelo. If she's not mistaken it's Ms. Larra Chua. The famous Filipino model in Paris. Binibiro niya nga ang binata na sosyal ang bago nitong chick.
“I missed you talaga, Belle.” Sabi ni Zia. Makailang beses niya na nga itong narinig dito.
Binalingan niya si Aileen na nakangiti lang sa kanya. Pansin niyang medyo nawala ang glow sa mga mata ng dalaga. Tsaka niya nalang tatanungin kung ano ba talaga ang nangyari dito. Para kasing malaki ang naging kulang sa dalaga mula noong bumalik ito.
Panay ang kwento ni Zia sa sasakyan. Paminsan minsan ay nakikisali sina Aileen at Anton pero si Zia talaga ang bumabangka. Natutuwa siya at nakasama niya nang muli ang mga kaibigan niya. Somehow, malaki ang pinagbago niya sa loob ng halos magda-dalawang taong pamamalagi niya sa Australia.
She cut her long straight black hair into a bub cut. Hanggang balikat niya na ito dahil medyo humaba na. Kinulayan niya din ang buhok niya ng kulay pula. Hot naman ang itsura niya sa kanyang palagay.
Hindi naman din siya nawalan ng manliligaw noong nasa Australia siya. Madalas ay mga anak ng mga kasyoso ng papa niya sa business. Hindi naman siya nag entertain ng kahit isa sa mga ito. Madalas pa nga siyang tudyuin ng ama na gusto niya daw bang tumandang dalaga.
“Ayy, Belle! Pupunta kami sa Makalaylay Mental Institution bukas. You know, nag sponsor kasi si Ma'am Clein doon so tutulong kami sa mga pasyente doon. Sama ka ha! Ayaw kasing sumama ni Ai e.” ani Zia.
Napansin niya ang biglaang pamumutla ng kaibigan niyang si Aileen. Pinasawalang bahala niya na lang muna iyon. Darating din ang panahon na mag o-open up sa kanila ang kaibigan niya tungkol sa pagkawala nito nang ilang buwan.
Tumango nalang siya kay Zia at ipinikit ang mga mata niya. Gusto niya munang magpahinga mahaba ang naging byahe niya kanina.
BELLE sighed as she woke up in the middle of Zia's guestroom. Tinignan niya ang alarm clock sa gilid ng kama, pasado alas dos na pala ng hapon. Napailing nalang siya, siguro ay binuhat siya ni Anton mula sa sasakyan hanggang dito. Napasarap talaga ang tulog niya at hindi siya nagising.
Kinuha niya ang isang pares ng jeans at plain loose white shir at dumiretso sa banyo. Mag sho-shower muna siya. Balak niyang maglibot libot muna sa syudad. Na-miss niya din ang Pilipinas, lalo na ang pagkain ng balot. Uhm! Bigla tuloy siyang natakam.
Matapos maligo at magbihis ay lumabas na siya ng guestroom. Paglabas niya pa lang ay nakarinig na siya ng impit at halinghing sa tapat na pinto ng guestroom which is Zia's room.
May boyfriend si Zia?! Hindi niya mapigilan itanong sa sarili niya. Hindi naman siya pinanganak kahapon, alam niya ang ibig sabihin ng mga halinghingan na iyon. For sure hindi na din virgin si Zia. Ha! Mabiro nga mamaya. Sa ngayon ay mag lilibot muna siya. Hindi naman niya maaya si Zia dahil obvious naman na may ginagawa itong milagro.
Dumiretso siya ng kusina at kinuha ang susi ng kotse ni Zia sa key holder nito. Nag iwan din siya ng post it note na hiniram niya muna ang kotse nito. Hindi pa kasi dumadating ang sasakyan niya na pina-ship niya pa mula Australia. Sa isang linggo pa ang dating nito.
Belle drove to Manila Bay and feel the sunset there. Naupo siya sa isa sa mga bench doon at pinagmasdan ang tubig habang kumakain ng fishball at balot.
“Refreshing!” aniya. Hay! Grabe! Nakakamiss din pala ang polusyon sa Pilipinas! Natawa nalang siya.
Hindi pa man nakakalubog ng tuloyan ang araw ay umalis na siya. Nag-drive ulit siya hanggang sa makarating siya sa lugar na ayaw na niyang puntahan. Binasa niyang muli ang nakasulat sa itaas ng gusali.
'ETCLUB'
Hindi niya alam pero diti siya dinala ng sarili niya. What for? To see the man who gives a pain in her heart? There are still uncured wounds to her heart.
Marami siyang tanong. Kung kamusta na ba ang binata? Kung ilang babae na ba ang ikinama nito magmula ng umalis siya. Kung may pamilya na ba ito? O kung may babae nang nagpapatibok sa puso nito.
Parang may kung anong kumurot sa puso niya. Damn! Ni hindi niya nga namalayan na may kumawala nang butil ng luha sa kanyang mga mata. Agad niyang pinahid iyon at muling binuhay ang makina ng sasakyan at pinahaharurot iyon pabalik sa unit ni Zia.
Hindi niya na nga pinansin ang malalakas na ungol sa kwarto ni Zia. Hindi pa rin pala tapos ang mga ito. Grabe lang! Anyway, she just wanted to hug a pillow and cry there with all her heart. Hanggang ngayon hindi pa din pala siya nakaka-move on.
“ZIA MAY boyfriend ka na ba?!” Hindi niya maiwasang tanungin ang kaibigan niya.
Belle and her friend Zia, is now here at the Makalaylay Mental Institution. Sumama siya sa dalaga para malibang niya na din ang sarili niya. Magdamag kasi siyang hindi nakatulog dahil sa kakaiyak niya, at isa pa, hindi sound proof ang mga silid sa unit ni Zia, dinig na dinig niya ang malalakas na ungol ng kaibigan kasama ang kung sino mag Poncio Pilato buong magdamag.
Nakita niya ang pamumula ng pisngi ng kaibigan niya. “Narinig mo pala kami?!” Humagikgik pa ito.
Umirap naman si Belle. “Duh! Ang ingay niyo kaya buong magdamag!”
“Pasensya na! Wild talaga iyon sa kama!” Humagikgik muli ito.
Umirap nalang si Belle at pinagpatuloy nalang ang pag aayos ng mga pagkaing ipapakin sa mga pasyente mamaya.
Maya-maya ay may napansing pamilyar na babae si Belle. The woman is wearing a hospital gown, but that doesn't change the fact that she looked like a Goddess in Mt. Olympus. Those ash gray eyes is so familiar to her. Para bang nakita na niya ang mga matang iyon. Hindi niya lang mawari kung saan at kung kailan.
“Shit! Ang ganda noong pasyenteng kasama ni Doctor Hottie!” Dinig niyang sabi ni Zia.
Muling pinakatitigan ni Belle ang babaeng pasyente. Mukhang alagang alaga ito noong gwapong Doctor, sabi ni Zia iyon daw ang nagpapatakbo sa Hospital na ito. May itsura talaga ang Doctor kaya pinagpapantasyahan ng kaibigan niya. Pero ang nakakuha talaga ng pansin niya ay ang pasyente nitong tulala at para bang nakatingim sa malayong lugar.
May dumaang isang nurse na lalaki sa harap nila. Agad niya iyong tinanong.
“Nurse, sino iyong kasama ni Dr. Makalaylay?!”
Tumingin muna ang nurse sa kinaroroonan ng Doctor at nang pasyente nito bago ibinalik ang tingin sa kanya. “Si Patient Zero iyan. Nakita siya nina Doc sa pampang sa Isla nila.”
Tumango lang si Belle at saka nagpasalamat sa Nurse bago ito tuluyang umalis. Pamilyar talaga sa kanya ang babaeng iyon. Bakit hindi niya matandaan kung saan niya ba nakita iyon.
“Kilala mo, Belle?!”
Hindi na niya pinansin ang tanong ni Zia. Wala sa sariling umiling nalang siya at ibinalik ang tingin sa mga ginagawa nila. Panaka-naka ay sumusulyap pa din siya doon sa pasyente hanggang sa ipasok na ito ni Dr. Makalaylay sa loob ng Hospital.
**
MAKAILANG ulit na napamura si Ross sa sobrang haba ng traffic sa EDSA. Fuck! Kararating niya lang galing Zimbabwe tapos traffic agad ang sumalubong sa kanya. Damn! Kanina ay pinasundo siya ni Master Demon sa ET Airport. Yes, they have an Airport exclusive for them only. Nakatayo ito malapit sa ETHQ. Kakatapos lang din ng Airport na ito.
Anyway, pagkababang pagkababa niya palang sa private plane niya. Pinakuha niya na agad ang pinakamamahal niyang Bugatti. Gusto niya kasing magliwaliw muna. Halos isang taon siyang nawala dito sa Pilipinas. At sa loob ng isang taon na iyon, hindi niya mabilang kung ilang bansa na ba ang pinuntahan niya para lang makalimot.
Pero ang plano niyang makalimot ay hindi niya pa din nagawa. Hanggang ngayon ay laman pa din ang puso't isipan niya ang babaeng pinahirapan niya. Ang babaeng sinaktan niya. Fuck! Fuck! Fuck!
Alibi lang ang plano niyang magliwaliw. Ang gusto niya lang ay puntahan ang lumang unit ni Belle para malaman kung naroon na ba ang dalaga. Kung tulad niya ay bumalik na din ba ito sa Pilipinas.
“What?!” Inis na sagot niya sa cellphone niya ng mag ring iyon.
“How are you, heartbroken man? Have you moved on, already?” It's Leon, obviously, he was pissing him off!
“Fuck off!” He hissed. Binato niya ang cellphone niya sa labas. Fuck! Wala siyang pakialam kung basag basag na ito. He can buy a new one, anyway.
Laking pasasalamat nalang ni Ross ng makarating siya sa dating unit ng dalaga. Ginawa niya ang lahat para makakuha ng impormasyon sa kung sino mang nakatira na si unit na iyon. Umaasa siyang si Belle pa din pero mali, matagal na daw binenta ni Ms. Reabelle Florencia ang unit na iyon. Damn! So ibig sabihin talagang nanatili nalang ang dalaga sa Australia kasama ang gagong Buado na iyon.
Inis ma umalis siya sa unit ni Belle. Babalik nalang muna siguro siya sa ETHQ pagkatapos ay magpapakalunod sa alak kasama si Leon. Argh! Bakit pa nga ba kasi siya umaasang babalik pa ng Pilipinas si Belle.
Noong nasa Argentina siya, kating kati siya na pumunta sa Australia kahit na alam niyang malayo. Naglibot gga siya sa iba't ibang bansa para magliwaliw, at sa kahit anong bansa siya magpunta, isang bansa lang ang gusto niya sana ulit na puntahan, iyon ay ang Australia. Ilang ulit niyang binalak kaso natatakot siya na makita kung gaano kasaya ang babaeng mahal niya sa bisig ng iba. Damn! For the first time in his thirty three years in existing, nakaramdam siya ng matinding takot.
Galit na inihinto ni Ross ang sasakyan niya sa bandang gilid ng kalsada. Lumabas muna siya para makapag sigarilyo. Damn! Kailangan niyang ilabas ang frustrasyon na nararamdaman niya kundi ay baka maibangga niya ang sasakyan niya pati na din ang sarili niya.
Nakatingin lang si Ross sa mga dumadaan sa kanya. Napangisi siya ng makita niya kung paano siya titigan ng ilang kababaihan. Kung noon na hindi niya pa nakilala si Bele baka inaya na niya ang mga ito sa kama. Pero iba ngayon, may Belle na kasi siyang minamahal.
Tinapon ni Ross ang paubos na niyang sigarilyo. Tinapakan niya iyon para mamatay ang sindi. Sasakay na sana siya sa loob ng Bugatti niya ng madako ang tingin niya sa gusali sa harapan niya.
Makalaylay Mental Institution
Saglit niya lang iyon tinignan. Mukhang marami kasing tao sa loob at nakita niya pa ang isang truck na may pangalan ng company ng kapatid ni Caleb, nakaparada ito sa harapan ng Hospital.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Reabelle na lumabas galing hospital. Mukhang volunteer ito dahil iyon ang nakasulat sa T-shirt na suot nito.
Wala siyang inaksayang oras at mabilis siyang nagtungo sa dalaga at binuhat ito ng parang sako ng bigas. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga tao. The most important is, Belle is here in his arms.
Belle is fucking here with him! Damn! This is cloud nine.
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro