Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21 - Sleepless Night

Chapter 21 - Sleepless Night

~

PALAGI pa ding naalala ni Ross si Belle. Walang palya, gabi gabi niya itong napapaginipan. At sa mga panaginip niya, nakikita niya kung gaano kasaya si Belle sa piling ng lalaking iyon. Damn! Those nights are fucking sleepless, kahit anong pilit niya na matulog ay hindi niya magawa dahil paulit ulit lang na pumapasok sa isip niya si Reabelle.

Damn! Pinipilit naman niyang kalimutan. Pinipilit naman niyang tanggalin si Belle sa isip niya. Pero putang ina lang! Hindi niya talaga kaya. Talagang tinamaan na siya ni Kupido. At sa isiping kailanman au hindi mapapasakanya ang pagmamahal ni Belle lalo siyang nawawala sa sarili. He's loosing it! Fuck!

Ni hindi nga siya makapag operate ng maayos sa Club kaya minabuti nalang nila na si Jaguar muna ang mamahala nito. Shit! Mukhang naiinitindihan naman siya ng Master nila dahil parehas lang silang wasted ngayon.

Minahal niya si Aisne, ang Reyna nila pero alam niyang bago pa mamatay ang dalaga ay nabura na ang pag ibig na iyon. Matagal na pala siyang in love kay Belle. At ngayon nasasaktan siya ng sobra. Mas masakit ito kaysa noong una siyang nagmahal! Fuck!

Sino ba kasi ang nagpauso ng salitang pag ibig! Damn! Maayos naman ang buhay niya noong happy-go-lucky pa siya. But when Belle arrived. Fuck! Doon na tumibok ang puso niya. Mas matindi pa ito kaysa noong una niyang napansin si Aisne. Fuck, Love! Fuck forever! Bwesit! Walang forever!

“Bro, bakit hindi ka magbakasyon muna sa Lupain ng grupo sa Pangasinan?” Suhestyon ni Leon.

Kasalukuyan kasi silang naglalaro ng basketball. Silang dalawa lang. Hindi naman kasi nila mahagilap ang ilan. Fuck!

Shinoot niya muna ang bola sa ring bago niya sinagot si Leon. “Nandoon si Caleb ngayon! Hindi mo ba alam?!”

Leon shrugged. Nakakunot pa ang noo nito. “What the fuck is he doing there? Kaya pala hindi namin siya mahagilap ni Jaguar.”

He gave him a light chuckle. “Nakikipag laro iyon ng taguan. May kasamang babae e.”

“Oh! Mukhang si Caleb na ang susunod sa yapak mo, bro!” Biro pa nito.

Umirap lang siya dito at muling itinira ang bola. Fuck! Sablay nanaman, damn it! Hindi talaga siya makapag focus. Maya't maya ay pumapasok sa isip niya si Belle. Kung paano ngumiti ang dalaga. Bawat parte ng mukha niya, naalala niya. Damn! Kung alam niya lang na mag kakaganito ang lahat sana inassure niya nalang na mabubuntis ito. Fuck! Dapat talaga ay binuntis niya nalang si Belle para walang kawala.

Tinapik ni Leon ang balikat niya. “Take a break, bro! Mangibangbansa ka muna kung gusto mo. You just need to be away from here. Nandito sa Pilipinas lahat ng alala niya.”

Napabuntong hininga naman si Ross. Maybe Leon is right. Kailangan niya nga munang lumayo sa lugar na ito. Hindi naman porque wala si Belle dito sa bansa ay hindi na ito mawawala sa isip niya. Narito pa din sa Pilipinas ang mga ala-ala ng dalaga. At alam niyang hanggang ngayon ay mahihirapan siyang burahin. Fuck!

PINAHANDA ni Ross ang private plane niya. Aalis na siya ng bansa ngayon mismo. Nicaragua. Iyon ang bansang pupuntahan niya. After doon ay sa Mexico naman siya, tapos sa Brazil, Argentina, Antarctica, Russia at marami pang iba. Balak niyang libutin ang buong mundo. Yung tipong tatlong araw lang ang ilalagi niya sa bawat bansang pupuntahan niya tapos lilipat nanaman siya ng ibang bansa. Gagawin niya iyon hanggang mag sawa siya.

**

“MAMA, I'm going to the mall with Anton. Be right back!!” Sabi niya habang papalabas ng bahay nila.

She's probably happy to be with Anton again. Unti unti ay nakakalimot na si Belle sa mapapait na ala-alang dinanas niya sa Pilipinas. Balak niya din umuwi sa Pilipinas, siguro ay sa susunod na taon pa. Susulitin niya muna ang mga araw na narito siya kasama ang mga magulang niya. Pa-unti unti kasi ay naibabalik na niya ang dating siya. Ang dating sigla nh buhay niya.

Tama nga siya. To be with Anton again is the missing part of her life. Hindi naman niya minamadali ang lahat sa kanila ni Anton. Alam naman kasi nilang dalawa na malaki ang naging lamat sa relasyon nila. Ang lamat na iyon ay hanggang ngayon nasa puso pa din ni Belle. But she's positive, alam niyang malapit ng mawala ang lamat na iyon. Malapit na malapit na.

Sumakay na siya sa cab at nagpahatid sa mall na pupuntahan nila ni Anton. Hindi niya ginamit ang sarili niyang sasakyan dahil flat ang gulong nito, nakalimutan niya iyong palitan at isa pa tinatamad naman na siyang mag drive. Hindi na din siya nagpasundo kay Anton, alam niyang pagod ang binata dahil kakatapos lang ng mission nito. Plano na nga nitong bumalik ng Pilipinas sa susunod na araw. Ang kaso, pinakiusapan niya pa ito na manatili dito sa Australia kahit mga dalawang linggo lamang. Gusto kasi ni Belle na palaging kasama si Anton. Pagkasama niya si Anton, hindi pumapasok sa isip niya ang lalaking nagbigay ng sugat sa puso niya.

She knew that its bad to use people just to forget someone who gives you a painful heartbreak. Pero alam naman niya sa sarili niya na hindi niya ginagamit si Anton. Alam naman niya na kahit paano ay may kaunting puwang pa din ang binata sa puso niya. It's just that, he can't really surpass the space of Ross to her heart.

Mabilis lang naman ang naging byahe ni Belle. Binigyan niya pa ng tip ang driver ng cab bago siya bumaba. At pagkababang pagkababa niya ng cab, bumungad sa kanya ang lamig ng simoy ng hangin. Shit! Snow season pa rin kasi. Buti na lamang at makapal ang suot niyang damit.

“My Belle!!”

Nilingon niya ang baritonong boses na tumawah sa pangalan niya. Agad naman siyang ngumiti ng makita ang binata.

“Sorry late.” Nakalabing aniya nang makalapit ang binata sa kanya.

Ngumiti naman ng malapad si Anton. “It's okay, I will never get tired of waiting for you, my Belle.” He kissed her.

The moment his lips crashed to hers, walang maramdaman na kahit ano si Belle. Hindi katulad kapag si Ross ang humahalik sa kanya. She could feel those electrifying feeling that made her tingled. Damn, Belle! Bakit mo ba kinokumpara ang halik nila! Shit! Move on.

Isa pa, alam din niyang double meaning ang sinabi ni Anton. Siguro ay nararamdaman ng binata na hindi pa talaga siya handang ibigay ang buong pagmamahal niya rito. Na hindi pa din nabubura ang puwang ni Ross sa puso niya.

MONTH PASSED hindi na talaga kinaya ni Belle. She ended up her relationship again with Anton. Hindi naman nagalit ang binata sa kanya. Naiintindihan naman daw siya nito dahil nakikita daw nito sa kanyang mga mata na hindi na kayang isalba ang kung ano mang mayroon sila.

Nagpapasalamat naman si Belle dahil pumayag naman itong maging magkaibigan na lamang sila. Paminsan minsa ay dinadalaw pa din siya ng binata dito sa Australia. Minsan pa nga ay tinutudyo niya ito sa pinsan niya sa fathet side na si, Yanie. Mukha kasing may future ang dalawa, too bad, Yanie has a boyfriend.

Hindi pa din nawawala ang komunikasyon nila nang kaibigan niyang si Zia. Iyon nga lang si Aileen ay bigla nalang naglaho ng parang bula. Nag aalala talaga siya ng sobra para sa kaibigan niya iyon. Halos isang buwan na daw itong hindi mauwi. Si Aiton —— ang anak ni Aileen—— ay inaalagaan naman daw ng kapatid ng dalaga. God! Walang araw hiniling niya na sana makita na si Aileen ng maayos at malusog. Baka kasi kung napano na iyon. Knowing her country, there is a lot of people that can do bad things to others. Sana naman at walang nangyaring masama kay Aileen.

Nakahiga na si Belle sa kama niya. Tanging ang lamp shade nalang sa kanyang silid ang nagsisilbing liwanag. Pasado alas onse na ng gabi pero hindi pa din siya makatulog. Naalala niya kasi ang nakita niya noong isang araw habang kausap niya si Anton sa garden nila.

Nakita niya si Ross. Sigurado siyang nakita niya ang binata. Hindi naman kasi tinted ang sasakyang gamit nito. Sigurado siyang nakita niya ang kulay berde nitong mga mata. Hindi lang siya masyadong nagpahalata dahil hindi niya naman alam ang gagawin niya kapag kinausap siya ng binata. Somehow, nagpapasalamat siya na hinalikan siya ni Anton sa labi kahit na pabiro lamang iyon. Panigurado kasing nakita iyon ni Ross dahilan para umalis ito.

Tama lang iyon dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin niya kapag kaharap na niya ang binata. Hindi niya pa ito kayang harapin. Hanggang ngayon kasi ay masakit pa din.

Tumagilid nanaman si Belle sa kabilang bahagi ng kama niya. Kanina niya pa iyon ginagawa para lang makatulog siya pero hindi talaga siya nadalaw ng antok. Peste! Pakiramdam niya kasi ay nakikita niya pa din ang kulay berdeng mga mata ng binata.

“Arggggh!” Inis siyang napaupo sa kama niya at ginulo ng todo ang mahaba niyang buhok na nakalugay. “Putang ina mo, Ross! Patulogin mo ko! Arghh!” She hissed.

Hindi naman siya pala-mura pero napapamura nalang talaga siya sa frustrasyon na nararamdaman niya. Argh! Naranasan niya na bang gusto niyong matulog pero hindi naman kayo makatulog? Fuck! That exactly she was feeling right now. Hindi talaga siya makatulog.

This sleepless night started when she saw Ross again. Nakakainis! Kung alam niya lang na hindi siya nito papatulogin gabi gabi. Sana at hindi nalang siya lumingon sa sasakyan nito kahit na aksidente lang ang ginawa niyang paglingon! Damn!

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro