Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20 - She's happy

Chapter 20 - She's happy

~

“LETIZIA!!” She was talking to her friend, Zia on her phone. They are video calling. Miss na miss na niya ang kaibigan niya. Maging ang Pilipinas ay namimiss niya na din. Ilang buwan palang siya sa Australia pero na ho-home sick na agad siya.

Bigla siyang natawa. Home sick? Naibenta na nga niya iyong unit niya sa Pilipinas. Wala na kasi talaga siyang balak bumakik doon, liban nakang kung talagang kailangan. Wala na siyang uuwian doon sa Pilipinas, pero alam niyang naiwan doon ang puso niya.

Jeez! Too dramatic! Kaya nga siya narito sa Australia para makapag move on. Ha! Parang hindi naman yata iyon gumagana. Parang kahit saang parte siya ng mundo, si Ross pa din ang tinitibok ng puso niya.

“Belle? Nanjan ka pa? Tulala lang ang peg!” Biro ni Zia.

Seems like she's spacing out. Shit! Kasalanan itong lahat ng malanding Ross na iyon e. Hindi na ito naalis sa sistema niya. Argh! She will never be happy with him, wala siyang mapapala sa isang gagong tulad ni Ross.

Namimiss mo siya, ano? Belle, hindi ka pa din ba nakaka-move on?!” Nanatili siyang tahimik sa tanong ng kaibigan.

Marahil ay hindi pa nga niya nakakalimutan ang binata pero paulit ulit lang niyang nararamdaman ang sakit sa tuwing naaalala niya ito. Sa tuwing naaalala niya kung paank ito nagpapakasasa sa kandungan ng iba. Mabuti na din siguro na hindi siya nabuntis ng gagong iyon.

Nagpaalam na siya kay Zia. Sinabihan niya nalang ito na tatawagan niya nalang ito ulit. Bigla kasi ay parang nanlata siya ng ipalala nito ang tungkol kay Ross Costalles.

Maraming naging what if sa kanya. Paano nalang kaya kung sinabi niya kay Ross na mahal na niya ito. Paano nalang kaya kung hanggang ngayon nasa poder pa din siya ng binata. What if nagkaanak sila. Masasabi niyang hindi pa din siya kumpleto dahil madami pang tanong ang naka-helera sa utak niya. Alam niyang hinding hindi na siya mabubuo dahil ayaw na niyang ibalik sa buhay niya ang lalaking bubuong muli sa kanya. Natatakot na siyang sumugal at masaktan.

Bumaba na si Belle mula sa second floor. May duty pa kasi siya ngayon sa trabaho. Kahit na sila ang may ari ng publishing house na iyon, ayaw na ayaw niya ang nala-late. Ganoon din naman siya noong office staff pa siya sa hotel ng mga Helexus. Bigla tuloy ay namiss niya ang mag trabaho sa hotel na iyon.

Nagulat siya nang maabutan niya kung sino ang prenteng nakaupo sa mahabang puting sofa ng living room nila. Patakbo siyang bumaba ng hagdat nilapitan ito at saka hinagkan sa pisingi.

She smiled. “You didn't tell me that you'll pay me a visit today, Anton!!”

Yes, it's Anton. Komportable na talaga siya sa binata. Mabuting magkaibigan na naman na silang dalawa kahit na alam niyang gusto pa din ng binata na ipagpatuloy ang naudlot nilang relasyon. Hanggang dito nalang talaga ang kaya ni Belle.

“I have a mission here in Australia. Naisip ko na dalawin ka.” Ngumiti ito.

She sit beside him. “Hindi ka pa din pala umaalis sa trabaho mong iyan?” she snorted. “Hindi ka pa nadala! Gusto mo yatang napahamak ka nanaman, Antonio!!”

Tumawa naman ng pagak ang binata at saka hinaplos ang kanyang pisngi. “You're so cute Belle.” Mas lumapad pa ang ngiti nito ng mamula ang kanyang pisngi. “Besides, wala naman akong dahilan para tumigil sa trabaho. You know.” He wiggled his thick eyebrow playfully.

Tinampal niya naman ang braso nito. “Your Mom Anton! Alam mo namang matagal na ding gusto ni Tita na tumigil ka sa trabaho mong iyan.”

“Ayoko Belle.” Lumungkot ang mukha ng binata. “Sa trabaho kong ito nakakalimutan ko lahat ng sakit dito..” tinuro nito ang bandang kaliwang dibdib nito.

“Anton..” She whispered.

“Pasensya na Belle. I promise you that I'll move on, pero wala e, ikaw talaga. And I'm still hoping you to comeback.”

Hindi nakapagsalita si Belle. God! Pakiramdam niya ay umurong ang dila niya. Hindi niya alam na hanggang ngayon ay nag su-suffer pa din si Anton dahil sa kanya.

She was about to say something when her mom interrupt her. Kagagaling lang nito sa kitchen, may suot pa kasi itong kulay purple na apron.

“Mabuti naman at bumaba ka na, Reabelle! Kanina ka pa hinihintay niyang bisita mo! Bakit hindi mo siya samahang mamasyal dito sa Australia.” Nakangiting sabi nito.

Ngumiti din naman siya pabalik sa ina. “I'd love to Mama, kaso I have to go to the office, may duty po kasi ako ngayon.”

“You can stay Belle, pinagpaalam kita sa dad mo.”

Ngumiti lang siya sa ina at binalingan ng tingin si Anton na kanina pa nakatitig sa kanya.

Belle sighed. “Fine, let's try it again.”

Umaliwalas bigla ang mukha ng binata at mukhang hindi nito napigilan ang sarili at niyakap siya ng mahigpit. Hindi naman  siguro masama kung susubukan nilang muli diba? Maybe this is a big help for them. Malay mo at mag work naman sa ikalawang pagkakataon.

Susubukin ni Belle kung totoo nga ang kasabihang Love is sweeter in second time around.

**

“HOLYFUCKSHIT!!” Malakas na napamura si Ross.

Tang ina lang kasi! Ilang buwan na niyang sinusubukan hanapin si Belle pero hanggang ngayon ay wala pa din siyang nakuhang matinong impormasyon! Nakakaputang ina lang talaga. Napakayaman niya nga pero pakiramdam niya ay walang kwenta lahat ng ginto at pera niya dahil hindi naman niya magawang mahanap ang dalaga.

Now he understand Leon's feelings. Masisiguro niyang ganito din ka-frustrated ang binata sa paghahanap nito sa runaway fiance nito na si Vinia. Napakahirap pala talagang hanapin ang taong ayaw magpahanap.

Pinahanap niya na din ang kaibigan ni Belle dahil baka sakaling may mahinita siyang impormasyon dito. Kaso ang tanging isinagot lang nito sa kanya ay masaya na daw si Belle kung nasaan man ito ngayon.

Fuck! That woman! Kung hindi lang importante kay Belle ang kaibigan nitong iyon, malamang ay sinakal niya na ito sa sobrang inis! Damn it!

Binabalak niya nga ulit na kidnapin si Buado. Ang kaso lang alam niyang mas lalong magagalit sa kanya si Belle kapag ginawa niya iyon. Baka mas lang lumayo ang loob ng dalaga sa kanya.

Inis na binato niya ang mamahaling laptop sa harapan niya. Damn it! Walang kwenta! Kung kinakailangan na haluglugin niya ang buong mundo para lang maibalik sa kanya si Reabelle Florencia ay gagawin niya. Fuck!

“Fuck! I told you not to fucking disturb me! You know that I'm fucking busy!!” Galit na singhal niya kay Marvin ng pumasok ito sa opisina niya.

Namutla pa ang tauhan niya ng tutukan niya ito ng baril. Fuck! Wala siyang pakialam! He can't fucking find Belle. Damn it!

Nagyuko naman ng tingin ang tauhan niya. “Pasensya na po Master. Gusto ko lang po kasing ipaalam na may lead na po kung nasaan si Miss Reabelle Florencia.“

Parang iyon ang naging magic word para kumalma si Ross. Damn it! Thanks God may lead na kung nasaan ang babaeng mahal niya. Shit!

IPINAHANDA AGAD ni Ross ang private plane niya ng sabihin sa kanya ni Marvin na nasa Australia si Belle. Fuck! Kanina pa siya hindi mapakali sa upuan niya. Damn! Gusto niyang sakalin ang piloto ng eroplano niya dahil pakiramdam niya ay napaka bagal nitong magpatakbo. Damn it! He's fucking excited to see his woman, his Belle...

Laking pasasalamat nalang ni Ross ng nakapag land na ang eroplano niya sa Airport ng Australia. Damn! Wala na siyang inaksayang pahanon at pinuntahan na niya ang dalaga. Fuck it! He really missed his Belle. Mabuti nalang talaga at hindi uso ang salitang 'traffic' dito sa Australia dahil kung oo man, fuck! Baka kanina pa nabaliw si Ross sa sasakyan niya dahil sa sobrang pagka-atat na makita ang dalaga.

He has a lot of things to explain to her. Marami din siyang gustong sabihin sa dalaga. And he was ready to say that fucking I love you to her. Damn! Ilang buwan niyang hinintay na magkita silang muli. At hindi niya hahayaang may kahit anong humadlang pa sa kanya.

The night he send her out to his Club. That's the saddest time for him. But ut was replaced by a bliss when Marvin told him that Belle's love him too. Fuck! Ginawa niya ang lahat para maabutan ito sa apartment nito noong araw na iyon pero ang naabutan niya lang doon ay ang malamig at tahimik na unit ng dalaga.

Damn! That night, he drowned himself into a liquor. Saksi si Leon sa pagka-wasted niya ng gabing iyon. Tinawanan pa nga siya ng gago kinaumgahan dahil matinding sakit ng ulo ang inabot niya! Fuck! Halos maubos niya kasi ang kalahati ng mga stock niyng alak sa mini bar niya sa office niya. Nasukahan pa nga daw niya si Jaguar kaya nagkukuyupos ito sa kanya ng galit. Hindi naman siya maiintindihan nk Jaguar dahil hindi pa nito nahahanap ang babaeng magpapabago sa takbo ng buhay niya. Si Leon lang ang nakakaintindi sa kanya ng mga oras na iyon dahil pareho silang nawalan.

Bumalik lang siya sa reyalidad ng magsalita ang driver niya. “Master where here.”

Atat na atat na sana siyang bababa ng sasakyan niya ng mapansin niya ang bulto ng babae sa may garden area ng mansiong tinigilan ng sasakyan niya.

It was Belle smiling and talking like a happy princess with her prince. Damn! She's with that fucking Antonio Buado.

Napaurong si Ross. Obviously he's late. He's too late to bring back her woman because she's already happy with her man. She's already have a life with Antonio Buado. He even kissed Bell to her lips. And it's fucking killing him.

Umayos siya ng upo at saka binalingan ang driver niya. “Back to the Airport.” Malamig na aniya.

Hindi naman na nagtanong ang driver niya. Nang umusad nang muli ang sasakyan niya ay binalingan niyang muli si Belle para bigyan ng huling tingin. To his surprise, Belle was looking at his direction also. Para bang nakatingin talaga ito sa kanya but it's just a second dahil bumaling na ang dalaga sa kausap nito at muling nakipagtawanan. Naalala niyang tinted pala ang sasakyang gamit niya so it's fucking impossible that Belle saw him.

Damn! Masakit ang umasa! Fuck!

Masama ang loob niyang bumalik sa Pilipinas. I guess, alak nanaman ang kailangan niya para nakalimutan ang kung ano mang sakit na nararamdaman ng puso niya! Fuck.

Papaakyat na sana siya sa second floor ng Club niya ng makasalubong niya si Leon na nakasuot lamang ng boxer shorts. Mabuti nalang at hindi nag operate ang Club ngayon dahil paniguradong mapagkakamalang macho dancer si Leon dito.

Nagulat pa ito ng makita siya. “Where is she?!”

“She's happy.” Mapait na sagot niya bago tuluyang pumanhik.

His Belle is fucking happy with someone else and he need to fucking move on because he's totally fuck up! Hindi niya alam na ganito pala kasakit ang magmahal. Dahil putang ina! Sana hindi niya nalang hinayaan ang sarili niyang magmahal! Fuck Love! Fuck Cupid! Fuck every words that describes love! Fuck! Fuck! Fuck!

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro