Chapter 2 - Where are you?
Chapter 2 -Where are you?
~
“BELLE, sabay na tayong mag lunch break. May baon akong dinuguan.” Tawag pansin sa kanya ng kaibigan niyang si Letizia or Zia for short.
Nasa office ngayon si Reabelle, dito siya nagtatrabaho sa isa sa mga pinaka malaking Hotel sa syudad ang Heluxus Hotels. Isa siyang office staff sa hotel na ito as well as her best friend Zia.
Ilang taon na din siyang nagtatrabaho dito, kaibigan kasi ng long time boyfriend at ngayon ay fiance na niya ang general manager ng hotel kaya mabilis lang siyang nakapasok dito. At isa pa, she deserve this job naman. Matalino naman siya at edukada, hindi na lugi ang hotel sa kanya.
Ngumiti si Belle sa kaibigan niya bago niligpit ang gamit niya. Pinatay niya muna ang computer sa harap niya. Ganito siya kasinop kapag naglu-lunch break siya. Gusto niyang maayos ang mga gamit niya sa cubicle niya bago niya ito iwan para kumain.
“Ano ba 'yan napakasinop mo talaga, Mrs. Buado.” Tudyo sa kanya ng kaibigan.
Lagin namang ganyan si Zia sa kanya. Tinutukso siya nito sa fiance niya, hindi lang talaga siya nasanay. Bukod sa masyadong direct to the point magsalita si Zia, wala pang tigil ang kadaldalan nito.
Hinampas niya ng mahina si Zia sa braso. “Tara na sa canteen. Masarap ba yang baon mo? Baka mamaya tulad lang iyan noong nakaraan! Naku Zia, spear me, ayoko nang magpabalik balik sa banyo.” Sabi niya.
Totoo naman kasi, noong nakaraang nagbaon ang kaibigan niya ng luto nitong sinigang ay nagka-LBM siya dahil sa sama ng lasa noon. Goodness! Ewan ko ba kasi dito kay Zia, pinipilit matutong magluto e, obvious namang wala itong future sa pagluluto.
“Grabe ka sakin Belle, halika na nga, kanina pa nandoon si Mommy Aileen.” ani Zia.
Ang tinutukoy nito ay ang isa pa nilang kaibigan na si Aileen na secretary ng boss nilang si Mr. Cavin Heluxus. Ka-edad lang din nila ang dalaga. 'Mommy' lang ang tawag nila dito dahil may anak na ito at single mom. She doesn't know what happen to her child's father. Hindi naman kasi ma-kwento si Aileen, at isa pa, hindi na sila nagtatanong para na din sa kapakanan ng privacy nito. Malay mo, sadyang ayaw ipaalam ng kaibigan niya ang tungkol sa ama ng anak nito.
Belle is happy. In her twenty six years of existing, hindi siya nakaramdam ng pagkukulang. She has an amazing family, kahit na nasa America na ang mga magulang niya dahil noong isang taon pa ito nag migrate, they never lost in touch. Maka-ilang ulit na nga siyang inalok ng mga magulang niya na samahan na siya sa America but Belle can't, hindi niya kayang iwan ang Pilipinas, lalo na ang lalaking nagpapatibok sa puso niya.
Antonio Buado is her love of her life. He is the man of her dreams, matalino, gwapo, gentleman, mabait at may kaya sa buhay. Well, wala naman kahit isa doon ang nagustuhan niya, mahal niya si Anton dahil ito ang tinitibok ng puso niya. Walang kahit anong dahilan. Basta mahal niya.
Nakarating sila ni Zia sa canteen. Medyo madami na ding tao dahil oras na ng tanghalian. Supposedly ang mga tulad nilang office staff ay dapat sa resto na ng hotel kumakain. Ayaw lang talaga nila dahil mas komportable sila sa canteen na para sa mga hotel staff, crew lamang.
Agad naman nilang natanaw si Aileen na naka-upo na isang table sa bandang gilid. Ayaw na ayaw talaga nito ng atensyon. Kabaliktaran ito ni Zia. And she's really happy having these two people beside her.
“Mommy Ai!!” Magkapanabay na sabi nila ni Zia.
Belle sit beside her. Si Zia naman ay sa harap nila na agad na inilapag ang lunch box na hawak nito.
Natawa ng malakas si Belle kung paano namutla si Aileen nang makita niya ang lunch box na hawak ng kaibigan. She feel her, paano'y parehas silang tumambay ni Aileen sa banyo noong huli silang kumain ng luto ng kaibigan.
“I think, o-order na ako ng pagkain!” ani Aileen.
Zia's forehead knotted. “Mhie, madami akong niluto, para sa atin tong tatlo! You don't have to make gastos pa! Sayang kwarta, itabi mo nalang para kay chubby chubby baby Aiton!” Ang tinutukoy nito ay ang tatlong taong gulang anak ni Aileen.
“Zia, hindi ako makakaipon kung ipapakain mo sa akin iyan, for sure sa hospital pa ang bagsak ko pag nagka-LBM ako at ma-dehydrate.”
Napairap nalang si Zia at binalingan siya. “Tayo nalang maghati.”
She laughed. “I guess, bibili nalanh din ako ng sa akin.” Sagot niya at tumayo na para omorder ng pagkain, kasabay na niya si Aileen. Narinig pa nga nila ang pagmaktol ni Zia kaya natawa nalang sila.
Napasimangot si Belle nang makitang puro isdang may sabaw ang ulam na nakahain sa canteen. Hindi naman sa maarte siya pero pihikan talaga siya pagdating sa pagkain at hindi siya kumakain ng kahit anong isdang may sabaw, kung prito pa yan papatusin niya. Pinaniwala na niya kasi ang sarili niya na allergic siya sa isdang may sabaw kahit ang totoo ay wala naman.
“I guess Belle this is your unlucky day.” Ani Aileen.
Bumagsak ang balikat niya. Mukhang wala naman siyang choice kundi ang pagtiisan ang dala ni Zia para sa kanya.
Lukot ang mukha niya ng bumalik sila ni Aileen sa table nila. Nakahain na doon ang dala ni Zia, mukha itong masarap naman pero jusko, alam nila kung gaano kasama ang cooking skills ni Zia.
Umirap si Zia sa kanila. “Di ako ang nagluto niyan, I was just joking. Binili ko din yan doon sa favorite kong kainan. Tinitignan ko lang magiging reaksyon niyo.”
Nakahinga naman ng maluwag si Belle. “Zia, wag mo na kasing piliting magluto. Biro mo, ilang beses ka na bang nag-aral mag luto but you failed. Tanggapin mo nalang girl!”
“Ang mean mo talaga ang sarap niyong sakalin ni Mommy Ai.” asar na sani nito.
They started to eat. Tamang kwentuhan lang sila. One hour naman ang lunch break nila kaya okay lang na magtagal sila dito sa canteen. Hanggang sa napunta nanaman sa kanya ang usapan.
“Kumusta naman, Belle. Punit punit na ba ang hymen mo?” Walang habas na tanong ni Zia sa kanya.
Natawa naman nang malakas si Aileen sa nging reaksyon niya. Sino ba namang hindi, nalunok niya ng buo iyong nasa bibig niya. Kahit kailan talaga hindi na siya nasanay sa kadaldalan ni Zia.
“Letizia!” She hissed.
Zia laughed. “Naku, ikakasal na kayo lahat lahat ni papa Anton tapos wala pa ding nangyayari sa inyo? Ayaw niyo bang magka-anak?”
“Zia, hindi iyon ganoon. Anton wanted our first night to be memorable. Gusto niyang mangyari iyon sa unang gabi ng kasal namin. Goodness Zia, iyang bunganga i-filter mo naman.”
Aileen laughed. “Hindi ka na nasanay kay Zia, alam mo naman iyan, kung makapagsalita akala mo hindi na virgin.”
“Malandi kasi ako, Mhie.” Zia said.
They ended up laughing.
Pero totoo ang sinabi niya. At isa pa, masyado niyang ini-ingatan ang virginity niya. Sabi kasi ng Mommy niya na ang virginity ng isang babae ang pinakamagandang iregalo sa asawa mo. So kahit na naka-ilang boyfriend na din siya noong college life niya. Hindi talaga siya bumigay hanggat hindi pa siya sigurado.
And then she met Anton. So cliche dahil noong una silang magkita sa simbahan iyon. Nabangga siya ng binata at asar na asar siya dito dahil sa lakas ng impact ng pagkakabagsak niya ay nagasgasan ang tuhod niya. Mabuti nalang at gasgas lang iyon.
She nagged him that time. Magmula noob ay kinulit na siya ng binata. Ni hindi niya nga namalayang hulog na hilog na siya dito.
Sinabi niya sa sarili niya na si Anton ang una at huling lalaking mamahalin niya.
MAAGANG nakauwi si Belle, tapos na kasi ang lahat ng trabaho niya sa opisina kaya pina-early out na siya ng head ng department nila. Mabuti naman iyon para makapagpahinga siya. Ilang linggo na din kasi siyang hindi nakakapag pahinga ng maayos dahil madalas niya ding kinakausap ang wedding planner na hi-nire ni Anton para sa kasal nila.
Ang gusto sana ni Belle ay simpleng kasalan lang. Ayaw lang pumayag ng mga magulang ni Anton. They wanted it to become a huge and elegant wedding. Iyon din naman ang gusto ng mga magulang niya kaya hindi na siya nakatanggi pa.
Hindi naman basehan sa kanya kung magarbo ba ang kasal o hindi. Ang importante sa kanya ay makasal sila ni Anton. That man is the most understanding man she ever met. Kaya malaki ang pasasalamat niya na finally, sila na din ang magkakatuluyan.
Nangunot ang noo ni Belle ng silipin niya ang cellphone niya. Supposedly tadtad na siya ng text messages galing sa fiance niya perp bakit ngayon wala?
Ibinalik niya sa kitchen counter ng phone niya at nag suot ng apron. Siguro ay busy pa ang binata kaya hindi pa siya tinatawagan nito.
She started chopping the onion while thinking of her fiance. Alam niya kung gaano kadelikado ang trabaho ni Anton. He is a FBI Agent for Pete sake! Laging nasa hukay ang isang paa nito sa tuwing nasa isa itong misyon. Ilang beses niya na ding sinubukang paalisin si Anton sa trabaho niyang iyon dahil may negosyo naman ang pamilya ng binata. Lagi lang nitong sinasabi na hindi pa pwede.
Napatigil lang siya sa pag iisip at sa ginagawa niya ng mag doorbell ang pinto ng condo unit niya. Napangiti siya, baka kasi si Anton ito at nag surprise visit sa kanya. Dali dali siyang nagtungo sa pinto ang condo unit niya.
Wearing a warm smile on her face, she opened the door. Unti unting nawala ang ngiti niya ng makitang hindi iyon ang fiance niya.
“Are you Ms. Reabelle Florencia?” Agad na tanong ng lalaki sa harao niya.
“Yes. How may I help you?” She politely asked.
The man looked at him sadly. “Your the first person on Agent Antonio Buado's emergency case list. I am Agent Luke by the way.”
Bigla siyang kinabahan. Ngayon lang may nagpakilalang katrabaho si Anton sa kanya. Natatakot siya na baka may nangyari ng masa sa binata.
Nanginginig ang labi niyang nagsalita. “W-what happened to him?”
“I'm sorry Ms. Florencia. Agent Anton abducted by some group after he succeed his last mission.” Sagot nito na dahilan para manghina siya.
“Oh God,”
That's all she could say before she broke down. Mabuti nalang at mabilis siyang nasalo ni Luke. “Are you okay, Madame?.”
Hindi pa din makapaniwala si Belle. All she could know is her fiance is abducted. Goodness! Where is he?
Hinawakan niya sa magkabilang braso si Luke habang patuloy ang pag agos ng mga luha sa kanyang mga mata. She need to know where is he?
“Where is he? Who did this to him? Tell me, please.” She was begging and crying like a baby. No! Not her fiance.
Luke looked down. “I'm sorry madame, but that the least thing I could tell you. Ang grupo na po ang bahalang maitakas si Agent Anton doon. Kami na din po ang nag sabi sa pamilya niya. I'm sorry.”
All she can do is to cry and cry. Where are you, Anton?
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro