Chapter 19 - Hello, Australia
Chapter 19 - Hello, Australia
~
MALAMIG ang simoy ng hangin. Taliwas ito sa bansang kinagisnan niya. Makapal ang suot niyang cardigan habang balot na balot ang kanyang buong katawan. It's snow season here in Australia. Malaki ang pasasalamat ni Belle na hindi inabot ng isang linggon ang proseso ng pagpunta niya dito. Ayaw na talaga niyang mag stay pa ng matagal sa Pilipinas. Alam niya kasi na kahit ano mang oras ay madali lang siyang mahahanap ni Ross doon.
Iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Ang makitang muli ang lalaking bumaboy sa kanya pero sa kabila ng kahayupang ginawa nito sa kanya ay natutunan niya itong mahalin. Mahal niya ito at ang sakit sakit na magmahal ng katulad ng isang Ross Costalles. Lubos siyang nasasaktan, sariwa pa sa kanya ng huling kaganapang nasaksihan niya bago siya umalis sa Club ng binata. Para itong sirang DVD na paulit ulit na nagp-play sa utak niya.
Hindi naman na nagtanong ang mga magulang niya kung bakit biglaan ang pag uwi niya dito sa Australia. Inintindi na lamang siya ng mga ito. Ang buong akala pa nga ng mga magulang niya ay kaya siya nagpasyang magpunta sa Australia dahil hindi na matutuloy ang kasal nila ni Anton. Hindi alam ng mga magulang niya na matagal na niyang nakalimutan ang tungkol sa usaping iyon.
Anton, on the other hand is her friend now. Oo, napagpasyahan nalang nilang dalawa na maging magkaibigan na lamang sila kahit na alam niyang taliwas na iyon sa gusto ng binata. He really wanted to make things up to them pero hindi na talaga kayang isalba ni Belle. Iba na kasi talaga ang tinitibok ng puso niya.
Wala na din siyang naging balita kay Ross magmula ng tumapak siya sa Australia. Mas okay na din iyon para mas mabilis lang sa kanya ang maka-move on.
"Reabelle, you're gaining your weight, hija." Puna sa kanya ng kanyang ina.
Mrs. Realyn Florencia looked younger even if she's already in her fifties. Hanga pa din siya sa ganda ng kanyang ina. No doubt, mahal na mahal ng ama niya na si Mr. Crissanto Florencia ang kanyang ina hanggang ngayon. They are really sweet.
Kinagatan muna ni Belle ang ham and cheese na sandwich na hawak niya bago ito sumagot sa kanyang ina. "Ma, malakas lang po talaga akong kumain." Natatawang sabi niya.
"Why don't you want to work at our company? Para may pinagkaka-abalahan ka." Sabat naman ng daddy niya.
"Cris, hayaan muna natin si Belle na makapag pahinga dito sa bahay." Sabi naman ng kanyang ina.
Ngumiti naman siya ng hagkan ng kanyang ina sa pisngi ang kanyang ama. That's a real lovers. Kahit na gaano pa sila katanda ay hindi pa din kumukupas ang tamis ng kanilang pagmamahalan.
Naiinggit siya sa mga magulang niya. Siguro kung hindi lang nagkagulo gulo ang relasyon nila ni Anton. Malamang ay kasal na silang dalawa ngayon. Malamang ay bumubuo na sila ng masayang pamilya. Napangiti nalang siya ng mapait. Pinagsisisihan niya ang lahat ng nangyari sa kanya. Pinag sisisihan niya ang lahat ng mga naging desisyon niya sa buhay.
Nagpaalam na siya sa mga magulang niya na magpapahinga na muna siya. Gusto niya nalang itulog ng itulog ang lahat ng problema niya. Gusto niyang ibaon nalang ang lahat ng ito sa limot. Hanggang sa tuluyan na niya itong makalimutan.
NAGING madali naman ang pag a-adjust ni Belle sa Australia. Apat na buwan na din siya dito at naging maayos naman ang pagtira niya dito. Sa ngayon, nagtatrabaho na siya sa publishing company ng daddy niya dito sa Australia. Nasa finance department siya dahil iyon naman ang angkop sa pinag aralan niya.
Ang buong akala ni Belle ay nagdadalang tao siya ng minsang delay siyang dinatnan ng menstration. Pero false alarm lang din dahil makalipas ang isang linggo ay dinatnan na siya. Although, a baby can change her life also pero hindi pa din siya handang maging ina at hindi din siya handang magpalaki ng bata na walang ama.
Napangiti nalang siya ng mapait. Wala na talaga siyang naging balita kay Ross magmula ng iwanan niya ang Pilipinas. Mukha naman itong masaya na sa piling ng bago nitong laruan. Tsk! Napailing nalang siya, bakit ba kasi palagi nalang pumapasok sa isip niya ang lalaking iyon! Shit! Naka-move on na dapat siya.
Madalas naman niyang nakakausap ang mga kaibigan niyang sina Zia at Aileen through Skype. Ganoon din si Anton, paminsan nga ay dinadalaw pa siya ng binata dito sa Australia. Binibiro nga siya ng mga magulang niya na ituloy na daw nila ang kasal tutal ay mukhang maayos na silang dalawa.
Tumatawa lang si Belle kapag ganoon ang nagiging usapan ng mga magulang niya. Alam naman niyang imposible ng mangyari iyon dahil hindi na hihigit pa sa kaibigan ang tingin niya kay Anton. Siguro nga ay natuldukan na ang love story nilang dalawa. Hanggang doon nalang talaga sila.
"Belle, hija." Tawag sa kanya ng mama niya. "Nag message si Letizia, tumatawag daw siya sayo. Hindi mo sinasagot."
Nasa loob siya ng kanyang silid. Wala siyang pasok ngayon sa trabaho. It's her day off kaya naman kinukulit siya ni Zia. Alam niyang kanina pa ito tawag ng tawag sa kanya.
Itinalukbong niya anu isang unan niya sa mukha niya ng maramdaman niyang tuluyan ng nakapasok ang kanyang ina sa kanyang silid. Naramdaman niya ang bahagyang paglundo ng kama niya senyales na umupo ito.
"Belle!" Sabi ng kanyang ina at bahagyang tinapik ang braso niya. "Belle, hija. Gumising ka na at sagutin mo ang tawag ng bestfriend mo."
"Inaantokpaakomama." She murmured.
"Pero hija, tanghali na. Kapag hindi ka pa bumangon dyan. Ise-set nanaman kita sa isang blind date." Pananakot nito sa kanya.
Napabalikwas siya ng bangon sa narinig. God! Ayaw na niyang maulit nang minsan siyang isinet ng date ng Mama niya. Damn! Tinakbuhan niya talaga ang ka-date niya. E, paano ba naman kasi, nabigla siya. Hindi naman niya alam na ipagtutulakan siya ng Mama niya sa isang blind date.
"Ma!" She hissed.
Ngumiti naman ang kanyang ina. "Binibiro lang kita, si Antonio pa din ang gusto ko para sayo."
Tipid na ngiti lang ang sinagot niya sa kanyang ina. Hanggang ngayon kasi ay umaasa itong magkabalikan pa sila ni Anton. Which is alam niyang hindi na mangyayari iyon. Buo na ang pasya niyang hindi muna susugal muli sa pag ibig.
Tumayo na siya sa kama. "Ma, hindi na po mangyayari iyon. Napag usapan na po natin ito diba?!" Sabi niya bago siya dumiretso ng banyo para makapag tooth brush man lang. Mamaya na niya tatawagan si Zia. Baka importante din kasi ang sasabihin nito.
Sinundan naman siya ng kanyang ina sa loob ng banyo. "Anak, ano ba kasi ang nangyari at nauwi kayo sa ganito ni Anton. You seemed like a perfect couple together, bakit kayo naghiwalay.?!" Pangungulit pa nito.
Pinagpatuloy at tinapos niya muna ang pag to-tooth brush bago niya sinagot ang kanyang ina. "Wala na kasi talaga, Ma. I fall out of love." Sabi niya nalang.
Totoo naman kasi. She fall out of love. Kasi may iba nang nag mamay ari ng puso niya. Binihag na ng isang Ross Costalles ang puso niya.
"Iyon lang ba, anak?!" Tanong sa kanya ng kangyang ina na para bang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.
She sighed. "Ma, I cheated." Panimula niya. Matamaang nakikinig lang sa kanya si Mrs. Florencia. "May mahal akong iba, Mama. Nagmahal ako ng maling tao, Ma."
Her mother touched her face. "There is nothing wrong when it comes to love, Belle." Anito. "You know what, I thought being in love with your father is the biggest mistake that I ever have. But I was wrong, because being in love with him is the best thing happened to me."
Napakunot ang noo niya sa sinabi ng ina. She witness kung paano nagmahalan ang mga magulang niya kaya paanong inakala ng kanyang ina na mali ang mahalin ang kanyang ama.
"Why'd you thought it was wrong, Mama?!" Hindi na mapigilang itanong.
Her mother sighed in a bit and faced her wall. "Your father once forced me."
Belle gasped. Damn! Nagulat siya sa sinabi ng kangyang ina. Hindi niya iyon alam. Ang buong akala niya ay perfect love story ang kanyang mga magilang. Iyong tipong high school lovers.
"W-what?"
Her mother looked at her. "Yes Belle, your father once rape me because my parents —— your lolo wanted me to marry another man. That time, your father and I are in a secret relationship. Mayaman nga ang pamilya ng daddy mo pero hindi pa rin siya gusto ng Papa. So, I ended what we have when Papa find it out. He was so mad at me and I am so scared so I did broke up with your father. That same night I broke up with him, he forced me, he rape me."
Her mom started crying. Maging siya ay naiiyak dahil may mga bagay siyang naaalala sa sinasabi ng mama niya. "I hated him for doing that to me, for making me a dirty woman. Kinamuhian ko ang daddy mo pero sa huli nahulog pa din ako sa pagmamahal niya. And you know, what's funny, Belle?" Ngumiti ang kanyang ina. "My mom, your grandma, once forced too by your grandpa. History repeat it self nga, ika nila. Pero hindi ko hahayaang mangyari din sayo iyon anak. Ayaw kong maranasan mo ang naranasan namin ng Lola mo. Matindi ang sakit na dinulot noon sa puso namin bago namin nakamtam ang kaligayahan. Ayaw kong danasin mo ang sakit na dinanas ko noon."
Mariin siyang napa-iyak sa tinuran ng kanyang ina. Her heart was ripping into two. Gusto niya lang ilabas ng ilabas lahat ng luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata. Wala naman sigurong masama kung sasabihin niya sa kanyang ina ang lahat.
"Too late Ma, it already happened to me." She cried.
Shocked written on her mom's face. Para ba itong hindi makapaniwala sa sinabi niya. Unti unti itong nailing at naiyak sa sinabi niya.
"Why didn't you tell me, Belle? With whom anak? Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Her mom tear up.
She sobbed and touched her mother's hand. "I'm sorry, Mama. I'm too scared. Alam ko kasing mali pero minahal ko pa din siya, Ma. At hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din siya."
"Then why did you leave him?"
"Because, he doesn't deserve me, Ma. He's a bad man. Siya ang dahilan kung bakit kami nasira ni Anton. Siya din ang dahilan kung bakit mas pinili ko nalang na gumawa ng sarili kong buhay dito sa Australia. Nagmahal ako ng maling tao, Ma." She said while crying like a six year old little girl who had lost her lollipop.
Niyakap naman siya ng kanyang ina. Somehow, she felt relaxed. Parang lumuwag ang pakiramdam niya dahil finally, nai-open up niya ito sa Mama niya. Maybe this is the best choice she ever had. To be in Australia with her loving mother and father.
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro