Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

NAKAUPO lang ako sa isang Bench habang hinihintay si Nathan- ang boyfriend ko. Date namin ngayon at naisipan nyang bumibili ng tubig sa Canteen habang ako ang naiwang naka-tunganga dito sa may Garden.

Gabi na at buti nga pinayagan kami ni kuya Guard na magdate dito sa school. Pinaki-usapan kasi namin sya at nagpa-alam na sandali lang kami. Para maiba naman diba? Most of the couples spend their Dates walking at the park pero ang gusto ko ay naiiba kami. Ayii. Hahaha!

Pero ako gusto ko dito sa School. Dito kasi kaming unang nagkita at dito ko sya unang sinagot. Ayieee kilig ako, hahaha.

"Gail! Ba't nandito ka pa? Dito ka ba matutulog?" ani Ella. She then laughed.

Tumawa nalang din ako habang umiiling. Minsan palabiro din itong si Ella eh. Pero minsan seryoso. Ang gulo nganya minsan e. Yung tipong magbibiro sya, pero maya maya't din biglang iiba ang mood nya.

"Nah." hinawi ko pa ang kamay ko. "Hinihintay ko lang si Nathan bumibili ng tubig sa Canteen. Ikaw, bakit ka pa nandito?"

"Ahhh, may nakalimutan akong kunin sa Room. Eto oh..." sabi nya sabay taas ng hawak-hawak nyang mga papers. "Ah, gets ko na. Date nyo noh?"

Tumango nalang ako habang nakangiti pagkatapos nagpalinga-linga.

Hinanap ko si Nathan. Kanina pa kasi sya umalis pero hanggang ngayon wala pa din sya. Medyo madilim na din dito sa school. Baka ano na ang nangyari sa 'kanya?

"Looking for Nathan?" Ella suddenly asked.

"Yeah. Kanina pa kasi sya umalis, hanggang ngayon wala pa din,"

Nag-aalala na ako. Baka may nangyari na sa 'kanya. Mabilis lang naman ang bumili ng tubig. Ni hindi man lang siguro ito aabutin ng sampung minuto tulad ngayon. Wala na din medyo tao dito sa school kaya sigurado akong makakabili sya agad.

"Punta tayong Canteen? Sunduin natin?" suggestion ni Ella.

Tumango naman ako at kinuha na ang bag ko't naglakad na papuntang Canteen.

Kasama kong naglalakad si Ella. Kaming dalawa lang ang naglalakad sa corridor dahil na din sa kadahilanang nagsi-uwian na ang mga estudyante. Nang makarating kami nagulat nalang ako nang makita kong nakasarado ang Canteen.

Pinihit naman ni Ella ang doorknob pero naka-lock iyon at walang Nathan kaming nakita. Nasan na ba ang boyfriend ko?

"STOP IT! ANO BA?"

Nagka-tinginan kami ni Ella.

Boses yun ni Nathan!

Hinanap ko ang pinanggagalingan ng ingay. Natutok ang mata ko sa daan papunta sa likuran ng Canteen.

Anong ginagawa nya duon?

Akala ko ba bumibili sya ng tubig? Bakit nasa likod sya?

Agad kaming tumakbo sa kinaroroonan ni Nathan.

Ganun nalang ang dismaya ko ng makita si Nathan. I tried not to cry but I can't help it. Biglang may lumabas na isang butil ng luha mula sa mga mata ko.

May kasama syang babae at...

"Gail!"

Nagsisisi tuloy ako na sana hindi nalang ako pumunta dito. Narinig ko nalang ang isang malakas na sampal na pinakawalan ni Ella kay Nathan.

"Pa'ano mo nagawa 'to Nathan? Ha? Pinagkatiwala ko sa'yo kaibigan ko! Ga-gaguhin mo lang?!"

"I-I can---"

Hindi ko na sya pinatapos magsalita at mabilis na tumakbo palabas ng eskwelahan. Narinig ko pang tinawag nya ako pero 'di ako nag-atubling lumingon man lang.

Bakit ang sakit?

Kasi mahal mo sya.

Hindi ba ako enough para sa 'kanya? Anong... anong wala sa 'kin? Anong ginawa ko? Bakit nya ako ginanito? Ang sabi nya hinding hindi nya ako lolokohin. Ang sabi nya, ayaw nyang matulad sa ibang mag-jowa na nag-break dahil may third party. Ako na 'tong si tanga na naniwala.

Akala ko totoohanin nya ang mga sinabi nya. Akala hindi mangyayari yung sinasabi ng iba na mag be-break din kami. Akala ko pa naman sya na. Akala ko magkakaroon ako ng future sa'kanya.

Tama nga ako, akala ko lang lahat ng 'yun.

---------------------------------------
EDITTED VERSION

WARNING!!!:

1. Mabagal mag UD ang author

2. Tamad si author.

3. MATABA---ESTE MAGANDA ANG AUTHOR

4. Uhm. Wala na ako maisip

Anyway, Don't forget to Vote and comment. Kamsa! VOMMENTS are highly appreciated!

A/N: aba, hindi ko aalisin itong warning kasi kahit pa-paano ay may sentimental value ito sa 'akin. HAHAHA! Tsaka, totoo naman kasi ang mga nakasulat dyan. HAHAHAHA!

VOTE🌟
COMMENT💭
BE A FAN!💮

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro