Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Two

Gail
Unniecorn

"OY! Gail tayhin!"

Tumigil ako at humarap sa'kanila na ngayon ay hingal na hingal. Si Ella ay naka pamewang, si Jake hawak hawak ang dalawang tuhod nya. Habang si EB naman, naghahabol ng hininga at si Mich hawak hawak si EB sa likod.

"Anong tayhin?" Tanong ni Jake.

"Hintay. Binaliktad ko lang para maiba naman. " sabay wink ni EB.

"Ahh, ok?" Natawa ako dun. Kasi naman yung mukha ni Jake, parang nawi-wirduhan sya ki EB. Hindi nya malaman kung papabor ba sya ki EB o hindi.

Kahit kalian talaga mga baliw itong mga barkada ko. Ganyan sila minsan. Binabaliktad ang word para daw maiba. Katulad nyan imbis na hintay, ginawa nilang tayhin. May topak din no? Ewan ko ba kung pa'ano ko sila naging kaibigan.

"Nakikinig ka ba?" Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Ella.

"H-hah?"

Wala ako masabi. Galit ako? dahil... nakita ko siya. Sariwa pa kasi sa alaala ko ang nanyari kahit tatlong buwan na ng nakakaraan. Sariwang sariwa! Basta! Pati mga barkada ko nadadamay ko sa galit ko, ayaw ko nito.

"Sabi ko, may problem ba?"

Bago pa ako makasalita ay biglang sumingit sa usapan si Jake.

"One less problem without yah. I got! One less problem without yah! alam mo bebe ung kanta ni Ariana Grande na problem? Ang- aray!"

Biglang napa-aray si Jake dahil biglang kinurot ito ni Ella sa tenga. Ayan na naman ang bebe-bebe nilang iyan. Yuck! Ang baduy talaga ng tawagan nila.

"Alam mo, huwag ka ngang makisingit sa usapan! Hindi ikaw kausap ko, si Gail! Tsaka sabihin mo nga saakin, bakla ka ba?" Pagtataray ni Ella.

"H-ha? Hindi noh! Lalakeng lalaki ako! Straight---"

"NA BAKLA! HAHAHA" pagpuputol ni EB ki Jake.

Akmang babatukan na sana ni Jake si EB nang magsalita ako. Walang mapupuntahan itong usapan na ito e. Puro biro lang ang alam nila. Di man lang sila magseryoso. Tsaka, ako pa ba ang may issue dito or ang pagiging bakla 'kuno' ni Jake?

"Tsk. Tara na nga! Baka nasa room na si Mr. Reyes! Mapagalitan pa tayo nun."

Nag 'ok' naman sila at Pumasok na kami ng room. Umupo naman kami sa kanya-kanyang upuan namin. Sa harap ko nakaupo sila Jake at Ella. Sa likod ko naman sila EB at Mich. May katabi ako sa upuan pero hindi na iyon mahalaga. Actually, walang nakaupo sa kaliwang upuan na nasa tabi ko.

"Bebe naman e. 'Di nga ako bakla. Ikaw lang nga yung mga laman ng room ko eh. Pati puso ko ikaw laman."

"Tss, Corney. Ampucha." bulong ko.

Tsk. Eto na naman ang bebeng iyan! Nakakainis! Bitter na kung bitter. Ang baduy lang talaga ng tawagan nila. Tsaka, ano sabi ni Jake? Puro si Ella lang laman ng Room nya? Hahaha! Sa salita palang na 'Room' parang bakla na. Uso namang kwarto e!

At ang corny ni Jake ah. Natawa ako dun sa sentence niyang, 'ikaw lang nga yung mga laman ng room ko eh. Pati puso ko ikaw laman.' Hahaha! Sarap sakalin in 160 degrees.

Ayaw ko sila pansinin kaya linabas ko ang libro ko at nag-aral muna. Mabait kasi ako! Hahaha!

"B may load ka? Ubos na kasi load ko." Rinig kong tanong ni Mich kay EB

"Wala B eh."

At ito na naman si Mich sa load load na iyan. Di papa-awat! Adik talaga sa load! Magsasalita sana ako para pagtripan si Mich nang biglang may sumigaw.

"Wahhh! Nandyan na si Nathan!"

Yon ang sigaw ng isang malanding bakulaw na babae na patay na patay sa ex ko! Na walang iba kundi si Jonnathan Cruz O mas kilala sa tawag na----

"Nathan! Kya!"

Tulad ng isang chessy romantic novel, palaging may mga fangirl na sumisigaw sa isang gwapong heartrob, varsity sa school nila.

"Ay, bakit may kasamang babae? Napalitan nya na agad si Gail?"

Oo! Ganyan kalandi yang nagugutuhan nyo! Pwe!

Nagsimula ng gumulo ang mga kaklase ko. Yung iba, nag re-retouch ng mga make-up nila. Yung iba, inaayos ang mga damit nila at umupo sa kani-kanilang mga upuan. Pero kakaunti lang iyon kasi ang iba naming kaklase ay hindi naman malalandi tulad nila. Awiit!

Kaklase kasi namin si Nathan. Nasabi ko naman sa'inyo na heartrob sya diba? Kaya wag na kayong magtaka kung ganito sila maka-react. Mga malalandi, amp!

Nang maka-pasok sya, may kasama syang babae. Maganda sya, matangkad, maputi at matangos ang ilong.

Hulaan ko. Sya na ba yung babaeng pinagpalit nya sa'akin?

Wait, I think I know this girl. Sya yung kausap kanina ni Nathan Napa-smirk nalang ako sa nakita ko. I'm not Surprise that one day, he will meet a girl better than- okay, fine! Better than me!

Nagseselos ako.

Wait, what? What did I just said? Maybe I'm just overeacting. Hindi ko sila pinansin at bumaling agad sa libro ko. Okay, Mag-aaral nalang ako. Mas okay iyon keysa sa isipin ko sya, wala naman akong mapapala dun.

Biology literally means the study of life. It comes From the two Greek words 'Bios' means---

"Hi." Even her voice sounds so charming. Ugh! Wag mo silang pansin Gail!

"Ang ganda mo!"

"Oo tama! Wahhh!"

Grabe ah, OA nyo naman! Mga bwiset!

"Goodmorning class."

Okay, Gail. Focus! Focus! Makinig ka sa teacher mo! Makinig ka! Listen! Mag focus ka tapos... ano nga ba? Wag isipin si Nathan! Oo tama! Tama!

"Okay, class. I've heard we have a new student here?"

I think I already know who's that new student. She's with Nathan a While ago. Ngayon ko palang sya nakikita and that makes a sense. Tumayo naman sya. I don't Like this Girl. Isang tingin ko lang sa'kanya, I can say she's maldita or Whatever. Babaeng trying hard maybe?

I thank God that he made Minds. You know Why? Kasi Yung mga negative na comments na gusto mong sabihin sa isang tao, iniisip mo lang at hindi nila malalaman o maririnig kasi nga iniisip mo lang. And I admire God for his Smartness. Gets nyo ba?

"Hi everyone. Uhm, I'm Eunice Carmela Alexandra C. Cruz. I'm very happy to meet you all. Hope to be friends to you... all" she said while smilling.

What? She's a Cruz? Kaano-ano naman nya si Nathan? Asawa? Joker din pala ako minsan? Ngayon ko lang napansin.

"So, kaano-ano mo si Jonnathan Cruz?" Tanong ni sir.

Lahat kami nakatingin lang ki Eunice. Tama ba? Oo yata? Unie nalang ang itawag ko sakanya. Para Unnie-corn! Hahaha. One point for me!

"Uhm, I'm his cousin."

"Ohw okay. Kaya naman pala maganda ka ija. Kasi isa kang Cruz." Ngiti ni Sir. "So you may now seat down."

Nag 'thanks' naman sya ki sir at umupo na sa upuan nya. Katabi nya si Nathan. Seriously, Sir? sabihin nyo nga sa'akin, Type nyo ba yang si Unniecorn? Kasi halata sa mga ngiti nya ngayon. Tss.

Mas maganda ako sa babaeng yan noh!

Nakatitig lang ako dun ki Uniecorn at ki Nathan. Nakita kong nag apir-an pa sila at may binulong si Nathan ki Unniecorn na dahilan ng pagtawa ni Unniecorn.

Hindi kami ganyan dati ni Nathan. Hindi kami ganyang kasaya dati pero ngayon--- Tsk, Nevermind. Parang gusto kong umiyak.

Bumaling na ako ki sir at nakinig dahil feeling ko maluluha na ako. I can't help but to feel Sad and Broken. Why Gail? shoudn't you feel anger? But Why do I have this feeling na...

Na parang nagseselos ako?

"Oy, Gail!" Napatingin ako ki Ella nang kalabitin nya ako mula sa unahan.

"H-huh?"

"Nakikinig ka ba ki Sir?" Pagtatanong nya.

"H-huh?" Pag-uulit ko sa sinabi ko kanina.

Napa-poker face naman sya at napanguso.

"Wala. Pahingi nga ng papel." Sabay kuha ng isang piraso ng papel na nasa desk ko.

Napailing-ling na lang ako. Hindi pa man nag-iisang minuto ay humarap ulit sya sa'akin at nagsalita.

"Huwag kang umiyak. Teary eyed ka na, dai!" Mahina nyang sabi habang tinuturo-tuto pa ang mata ko. "Huwag mong ipakita sa'kanya na nasasaktan ka." At tumalikod na sya.

Napatulala na lang ako sa sinabi nya pero maya-maya'y napangiti na rin. Okay, simula ngayon ay hinding hindi ko ipapakita sa'kanya--- sa'kanila na nasasaktan ako. Fighting!

--------------------------------------------
EDITTED VERSION

A/N; TADA!!!~ Ewan ko pero natatawa ako kapag binabasa ko mga gawa ko? 😑 bakit ba? HAHAHHA. Siguro kasi ang bata ko pa nung sinulat ko toh. HAHAHA. Yun lang? Yata? Ehh? Vomments guys! 😊

VOTE🌟
COMMENT💭
BE A FAN!💮

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro