🔎Chapter Twenty-two
Gail
Tintin
SIMULA nang malaman ko na ampon lang pala si Jc ay sinimulan kong magsulat ng mga kakaunting informations sa notebook ko. Ewan ko ba, pakiramdaman ko isa na akong detective sa ginagawa ko kahit alam ko naman sa sarili ko na nag fi-feeling lang naman ako.
Dalawang araw na ang lumipas at nandito ako ngayon sa kwarto at nakatitig sa ballpen na hawak ko. Sunod ko namang tinignan ang papel na nasa harapan ko. Ayon sa kwento ni Jc, kaibigan ni tita Veronica ang totoo nyang magulang. Kung gayon, kailangang malaman namin kung sino ang kaibigang iyon ni tita Veronica.
Pwede sanang pagtanungan namin si tito Richard pero sayang lang at wala na sya. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko namang mag-vibrate ang phone ko na nasa lamesa din lang naman.
From: JC?
Uy Gail! Hahaha. Kamusta na? Dalawang araw na tayong hindi nag-uusap?
Napatampal ako sa nuo ko nang mabasa ko ang message nyang iyon.
To: JC?
Pasensya ka na JC. Busy lang ako ngayong mga nakaraang araw. Hindi mo naman siguro mamasamain noh? Huwag na muna tayong mag-usap.
Sent!
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nai-type ko ang mga 'yun. Bumuntong hininga ako at nilagay ang cellphone ko sa lamesa at humilata na sa kama dahil bigla akong nakaramdam ng antok.
Bahagya pa akong naginat-inat at humikab. Inayos ko ang pagkakahiga sa kama hanggang sa lamunin ako ng antok.
T
amad na tamad akong umupo sa upuan ko sa roo kinabukasan. Inaantok pa kasi ako. Naramdaman ko naman na may kumiblit sa'akin kaya napatingin ako sa katabi ko na ngayo'y nakangiti. Umayos ako ng upo at hinarap sya.
"Kanina, may nakuha akong isang address ng ampunan." seryoso nyang sabi.
"Pwede bang mamaya puntahan natin?" nakangiti pa din sya habang sinasabi ang mga iyon.
"Baka kasi, alam mo na..." tumaas ang balikat nya. "Nagba-baka sakali lang naman ako."
Tumango nalang ako sa'kanya at sinenyasan na mamaya nalang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon dahil nakita kong papasok na sa silid ang aming guro. Tumango din naman sya na parang naintindihan nya.
Buti naman kung ganun. Atleast may guide na kami or kahit clue man lang sa paghahanap. Nang matapos ang klase, agad naman akong niyaya nila Mich. Pero agad din akong tumanggi dahil may pupuntahan pa kami ni Jc.
"Hmmm, 'wag na. May pupuntahan pa kami." sabi ko habang nag-aayos ng bag.
"Kami? Sino kasama mo?" ani Ella.
"Ako," napatingin kaming lahat sa nagsalita.
Napatahimik ang dalawang babae at napalaki ang matang binaling ang tingin sa'akin. Tinaasan ko naman sila ng kilay. Bahagyang lumapit sa dereksyon ko si Mich at tinusok-tusok pa ako sa tagiliran.
"Ikaw ah? Meron ba kaming hindi nalalaman?"
Umiling nalang ako at napatawa. Itinuloy ko naman ang pag-aayos sa bag ko.
"Sige, mag-iingat kayo sa date nyo ni Jc!" sigaw naman ni Mich.
Natawa ako kasi ready na silang tumakbo pero nang hilahin nila ang dawang lalaki ay ayaw pa nitong gumalaw.
"Mauna ka na Nathan sa bahay. Ma le-late akong uwi eh. Isama mo na si Eunice." ani Jc.
Napatingin ako sa dereksyon ni Nathan na nakaupo pa sa kan'yang upuan habang katabi naman nya si Eunice na nakikinig sa headphone nya. Ayon sa mukha nya, ay halatang naiinis ito. Tumango si Nathan at tumayo na. Hinawakan naman nya sa balikat si Eunice dahilan para matigil ito. Tumayo na din sya.
"Should I tell mom na male-late ka ng uwi, or..." tinignan nya ako. "I'll tell her na male-late ka ng uwi kasi may date ka?" sabi nya sabay smirk.
Tinaasan ko nalang sya ng kilay nang mapagtanto kong matagal na pala sya nakatingin sa'akin.
"Hmmm," inakbayan ako ni Jc. "Bahala ka kung anong gusto mong sabihin. Parehas namang totoo e."
Iyon lang ang mga sinabi ni Jc at hinila na ako papaalis. Buti nalang at mabilis kong nakuha ang bag ko. Tinitigan ko naman sya ng masama at ngumiti nalang sya sa'akin.
Alas singko na ng hapon nang makarating kami dito sa address na sinabi ni Jc. Medyo malayo pero keri na din naman.
"Sabi mo kinuha ka slash kininapp, e bakit nandito tayo sa ampunan?" tanong ko sa'kanya habang papasok kaming dalawa.
"Nakita ko lang'to sa mga gamit ni mommy. Malay ba natin baka may makuha tayong informations, 'di ba?"
Tumango ako.
Tuluyan na kaming pumasok at agad na bumungad saamin ang isang madre.
"Sino ho sila? Ano pong sadya nila?" ani ng madre.
Nagkatinginan naman kami ni Jc bago humakbang paabante. Nang makalapit na kami sa madre ay nagsalita si Jc.
"Good Afternoon po sister," pagbabati ni Jc. "Ammm, Hinahanap ho kasi namin mga magulang ko." dagdag pa nya.
"Eh, sino bang mga magulang mo, ijo?"
Nagkatinginan naman kami ni Jc. Gusto kong matawa sa itinanong na iyon ng madre.
Kung di lang 'toh madre kanina ko pa to sinagot sagot eh.
Napakamot naman sa ulo si Jc.
"Ay ala, Sige. Pumasok muna kayo," wala na kaming nagawa nang pumasok na sya sa loob ng ampunan.
Nakakahiya naman kasi.
Nang makapasok kami agad kong nakita ang mga batang masayang naglalaro. Ang iba nasa-swing, slide at yung iba naman naghahabulan.
Bigla tuloy ako nakaramdam ng lungkot para sa mga bata. Kung iisipin kasi, maswerte pa din ako dahil kahit papaano, kasama ko pa din sila mama at papa. Samantalang sila, iniwan lang at inabandona ng mga magulang nila.
"Okay ka lang ba Gail? Ako nalang kakausap kay sister. Dito ka muna."
Tumango naman ako ki Jc at umalis na sya. Umupo ako dito sa upuan na gawa sa kawayan nang may tumamang bola sa ulo ko. Napahawak naman ako dito dahil pakiramdam ko ay naalog ang utak ko.
"Hala! Ate sorry po!" napatingin ako sa batang babae.
Ngumiti na lamang ako sa'kanya at pinakatitigan sya. Maikli lamang ang kanyang buhok na hanggang balikat lang. Napansin ko rin ang malaki nyang nunal sa bandang baba. Medyo may kamikha sya pero nakalimutan ko kung sino.
"Okay lang," kinuha ko ang bola at binigay sa'kanya. "Sa susunod mag-iingat ka nalang ah?"
Tumango naman ang batang babae at yumuko na parang iiyak sya. Kaya naman nataranta ako at lumuhod sa harap nya. Mahirap na baka sabihin ng iba pinaiyak ko itong batang 'to.
"Hala, Uy. Huwag ka na umiyak." ngunit mali yata ang ginawa ko dahil mas lalo syang umiyak.
Sh*t naman Gail! Ano na gagawin mo?
Hinawakan ko sya sa magkabila nyang balikat at pinaupo sya sa inuupuan ko kanina. Pinatahan ko sya ng pinatahan at salamat, tumahan na din sya.
Bwiset 'tong batang babaeng 'to. Pinakaba ako. Kapag nakita 'to ni sister baka ako pa madali.
Umupo din ako sa tabi nya.
"Ate ganda, ano po pangalan mo?"
"Gail. Ikaw, ano pong name mo?" ngiting tanong ko sa'kanya.
"Hello!" ngiting sabi nya sabay kaway pa ng kanang kamay nya sa'akin.
How cute!
"My name is Tintin. I am four years old." Nakabuka pa ang kamay nya habang sinasabi 'yon.
Ngumiti ulit ako sa'kanya. Ang cute naman ng batang ito. Sayang at iniwan sya ng mga magulang nya dito. Apat na taong gulang pa lang sya pero ang ganda nya.
"Bakit ka nandito sa ampunan?"
Ay ambobo naman Gail ng tanong mo!
Nawala ang ngiti sa'kanyang mga mukha kaya medyo kinabahan ako. Hindi naman siguro ako pi-pilosopo-hin ng batang ito ano?
"Iniwan daw po ako dito sabi ni sister. Sabi nila isang matandang babae ang nang-iwan po sa 'akin dito."
Sinuri kong mabuti ang mukha nya. May kamukha talaga sya! Hindi ko lang matandaan kung sino iyon. Sa palagay ko ay kamukha nya ang isang artista sa tv- pero ewan!
Nagulat nalang ako nang may humawak sa braso ko. Si Jc.
"Tara na?" yaya nya sa'akin. Napatingin naman sya sa batang babae na katabi ko.
"Hi," bati nya sa batang babae. Ngumiti naman ito at kumaway.
"Hello po! My name is Tintin! I am four years old!"
"Paano ba 'yan Tintin. Alis na kami ng ate Gail mo ah?" lumungkot ang mukha nya kaya nagsalita agad ako.
"Babalik naman ako dito e. Promise,
Tumango naman si Tintin at tumayo na ako. Papalabas na kami ng ampunan nang sumigaw si Tintin kaya naman ngumiti na naman ako.
"Inggat kayo ate ganda ni kuya gwapo!"
Naglalakad kami ngayon ni Jc papunta sa bahay. Madilim na din kasi 6:30 na ng gabi. Nang maihatid ako ni Jc, agad naman syang nagpaalam. Medyo malayo din kasi ang bahay nila. Nakakahiya nga eh.
"Bakit ngayon ka lang?" Napatigil ako sa boses na nanggagaling sa likod ko nang makapasok ako sa bahay.
Si mama.
Humarap ako sa'kanya at nakapa-meywang pa sya.
"May pinuntahan lang po." sagot ko.
"Sino yung humatid sa'yo?"
"Kaklase ko lang po."
Nang matapos kong sagutin ang mga tanong nya ay agad naman akong umakyat at pumunta na sa kwarto. Humiga ako sa kama at nakatulalang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Ipinikit ko ang mga mata ko. Dahil na din siguro sa pagod ay agad naman akong nakatulog.
--------------------------------------
EDITTED VERSION
🌟VOTE
💭COMMENT
💯BE A FAN!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro