🔎Chapter Twenty-three
Gail
3rd hint
DUMAAN ang mga araw at lunes na naman. Parang kelan lang na nanghihingi ng tulong sa'akin si Jc at nag-text si JC the mysterious guy sa'akin. And speaking of JC, lunes ngayon at makukuha ko na ang third hint ko. Na cu-curious tuloy ako kung ano yun.
Gusto ko na kasing malaman kung sino talaga sya. I dunno, baka kasi kulang lang akp sa pasensya. Hindi ko kaya kasi maghintay, mapapagod ka lang sa wala.
Teka, anong connect?
"Lunes talaga ang pinaka ayaw ko sa lahat," sabi ko sa barkada habang naglalakad kami papunta sa room.
Hindi naman sila nagsalita. The it hits me. Ilang araw na silang hindi nagpa-pansinan at nagki-kibuan. Ngayon ko din nahalata na imbis sila Mich at EB sa unahan, ay sila Jake at EB. Sila Mich at Ella naman ay nasa tabi ko.
LQ ba sila? Hahaha!
Hindi nalang ako nagsalita. Wala naman ako sasabihin eh. Kumunot ang nuo ko nang madaanan namin ang isang room na maraming estudyante ang nagkukumpulan.
"Gail, tara na," nabigla nalang ako nang hawakan ako sa braso ni Mich.
Humarap naman ako sa'kanya at nakita ko sa mga mata nya na parang malungkot sya? Bakit?
"Bakit?" tanong ko sa'kanya.
Bigla naman syang tumalikod sa'akin at linagay ang dalawa nyang kamay sa'kanyang mata. Nakita ko namang nagtaas baba ang kanyang mga balikat.
Wait... is she crying?
"Eric!" napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses nang biglang tinawag nito si EB.
I don't why but I have this attitude na kapag hindi naman ako ang tinatawag, lumilingon na din ako. Curious kumbaga.
Nahagip ng paningin ko ang isang magandang babae. Hmmm, singkit ang mga mata nya. Parang may halong pagka-chinese. Hanggang braso lang din ang kan'yang buhok. Maganda sya.
"O-oy, Qwuen. K-kamusta?" ani EB.
"Ang tagal mo ng hindi nagpaparamdam ah,"
Multo ba sya para magparamdam?
Tapos napatingin sya saamin. Ngumiti naman sya sa'akin kaya ngumiti din ako.
"Ahh, Qwuen. Mga barkada ko pala. Si Ella, Jake, Gail at... " napatingin sya kay Mich na nakatalikod.
'Di tulad kanina, hindi na sya nakahawak sa kan'yang mukha. Bigla naman sya humarap at ngumiti. Halata mong kakatapos lang nyang umiyak dahil medyo sumingkit ang kan'yang mga mata.
"Hi, I'm Mich." tapos naglahad pa sya ng kamay at ngumiti ng na para bang walang nangyayari.
Okay. Parang ang iba lang ng ngiti nya. Parang pilit?
"Ahh. I think nakilala na kita? Hindi ko lang alam kung san?" kinuha nya 'yung kamay ni Mich at nag-shake hands sila.
"Btw, I'm Qwuenette. You can call me Qwen."
"A-ahm, ano bang meron dito? Ba't nagku-kumpulan mga tao?" pag-iiba ni EB ng topic dahilan para mabaling ang tingin sa kan'ya ni Qwen at mabitawan ang kamay ni Mich.
"Ahh, nagbebenta kasi ng pagkain 'yung isa naming kaklase. Alam mo naman mga tao, mga patay gutom." tapos tumawa pa sya. "Tara bili tayo," sabi nya sabay hila kay EB.
Magsasalita pa sana ako ng tuluyan na silang nakisali sa pagkukumpulan ng mga estudyante.
"Uhm. M-may pupuntahan lang ako," ani Mich saka tumalikod at naglakad. Ewan ko kung san pupunta 'yun.
"Ahh, ako din," sabi ni Ella sabay takbo papaalis.
Ano bang nangyayari sa mga barkada ko?
What the heck is happening?
"Huwag mong sabihin pati ikaw aalis?" pagbabaling ko ng tingin kay Jake.
Tumaas ang kan'yang kilay at saka braso bago tumalikod at naglakad papaalis.
Ano bang nanyayari sa mga kaibigan ko? Bakit parang nag-iiwasan sila sa isa't isa? Ano bang nanyayari? Nagkibit-balikat nalang ako at nagsimula ng maglakad papunta sa room namin. Walang gana akong umupo sa upuan ko.
Maya-maya pumasok na ang barkada. Ang pinagtataka ko lang, hindi magkatabi sila Mich at EB. Ganun din sila Ella at Jake.
Ang katabi ni Mich ay si Jake. Habbang si Ella naman ay si EB.
Nabalik nalang ako sa reyalidad nang umupo na sa tabi ko si Jc. Nakangiti pa sya sa'kin habang ako nakakunot lang ang nuo. 'Yung ngiti nya kasi parang may binabalak sya. Hindi ko sinabing masama ah. Parang may binabalak sya na nakakaloko.
Magsasalita sana ako nang biglang pumasok ang teacher namin. Kaya naman umayos ako ng upo.
Nang sa kalagitnaan na ng klase, biglang inagaw ni Jc ang notebook ko at may kung anong sinulat dun. Hindi ko nakikita kasi tinatakpan nya. Pinabayaan ko nalang. Nag-iisip bata na naman sya.
Lumipas ang ilang oras at natapos ang klase. Tapos na din ako maglinis. Yayayain ko sana ang barkada na sabay-sabay na kaming umuwi kaso may kanya-kanya silang dahilan at agad ding umalis.
Ngayon nalang nga ako magyaya sa kanila. Hindi pa nila ako pagbibigyan. Tahimik akong naglalakad pauwi nang tumunog ang cellphone ko.
JC?:
Guess what? Monday ngayon.
Yeah. I know. Dali-dali naman akong nagtipa sa cellphone ko.
Gail:
Yup. So, can I get my 3rd hint now?
JC?:
Owkayyy. Your third hint on your third week of guessing me: Actually, you already know me.😉 no need to guess.
Napahinto ako. Kilala ko na sya? Luh? Naka-drugs ba sya or what? Mag ta-type pa sana ako sa cellphone ko nang maramdaman kong may nakatayo sa harapan ko kaya naman napatingin ako dito.
Laking gulat ko nang makita ang lolo. Agad kong tinago ang cellphone ko sa bulsa at agad na nagmano at yinakap si lolo.
"Lolo! Kamusta ka na po?"
"Hahaha! Naku apo, ang laki laki mo na!" natatawang sabi ni lolo.
"Tandang tanda ko pa nuon naghahabulan pa kayo ni Jamie sa bakuran ng bahay namin ng inyong lola." biglang nawala ang ngiti ko.
Kumawala ako sa pagkakayakap kay lolo at napatalikod nang biglang may luhang pumatak sa mga mata ko.
"Pasensya ka na i-"
"Pa! Ba't nandito kayo sa labas?" boses ni mama.
"Walang kwenta ka talaga Gail! Hindi mo man lang pinapasok ang lolo mo!"
Nang mapunasan ko ang mga luha ko, humarap ako sa kanilang dalawa. Ako pa ngayon ang walang kwenta. Wala palang kwenta bakit mo pa ako binuhay kung ganun?
"Anak huwag ka namang gan'yan. Kinausap ko lang saglit itong aking apo."
Tapos tumingin sa'kin ng masama si mama.
"Tara na po pa. Pasok ka."
Huminga ako ng malalim nang makapasok na sila. 'Di nagtagal, papasok na din sana ako sa bahay nang makita ko si papa na nag-aabang pala sa'kin sa may pinto. Nilahad nya sa'kin ang kamay nya na inabot ko naman. Pero niyakap nya ako.
"It's okay anak, mahal ka ng mama mo. Kailangan nya lang ng panahon para tanggapin ang katotohanan."
Sa sinabi ni papa, hindi ko napigilan ang mapaluha. Palagi nalang ganito sa'kin si mama. Palaging maiinit ang ulo, palaging galit.
"I love you pa,"
"I love you nak. Tandaan mo yan," pagkatapos, hinalikan nya ako sa nuo.
Third person's view
TAHIMIK na pinagmasdan ng ina ang kan'yang mag-ama sa 'di kalayuan. Nakita nitong niyakap ng kan'yang asawa ang kanilang anak na maya-maya'y umiyak. May kung anong biglang kumirot sa dibdib ng ina nang makita ang anak. Ibinaling nalang nito ang atensyon sa kan'yang ama na ngayo'y naka-upo sa kanilang sofa.
"Amy," napatingin ito sa nagsalitang ama.
"Hindi ko gusto ang trato mo sa aking apo. Kahit hindi mo aminin, alam kong sya pa din ang sinisisi mo sa pagkawala ni Jaimee."
Natulala na lang ito sa kan'yang ama. Inaamin nyang naso-sobrahan na sya sa trato nya sa anak. Pero sa tuwing makikita nya ang kaniyang anak na babae ay tila sinasampal sya ng katotohanang namatayan sya ng anak na lalaki. Okay lang sana kung babae ang mawala, pero hindi, nawalan sya ng lalaking anak na ipagpapatuloy sana ang lahi nila.
"Pakibigay nalang ito sa'king apo. Allowance nya 'yan. Hiwag mo ibulsa ha?" Tumawa ito at may iniabot na sobre.
"Oh sya." Tumayo ito.
"Aalis na ako. Ang totoo naparito ako para bisitahin kayo. Mukhang maayos naman ang lahat. Paalam."
Humalik sya sa kanyang ama na paalis na. Nadaanan pa nito ang mag-ama sa may pinto. Ngumiti naman ang dalawa saka sinarado ang pinto. Nang makarating ang dalawa sa sala ay para naubusan sya ng mga salita.
"An- Gail," nagawa lang nyang makapag-salita nang akmang papanhik na sa itaas ang anak.
Nilingon sya nito na sya namang pag-abot nya ng sobre na ibinigay ng kan'yang ama.
"Pinapa-bigay ng lolo mo." inabot naman ito ng kaniyang anak. "Allowance mo daw." pagpapatuloy nito.
Tumango naman ang anak nya at nagdire-diretsyo ng pumanhi. Napabuntong-hininga na lang sya at umupo sa sofa katabi ng kaniyang asawa.
"Hmmm," biglang nagsalita ang kan'yang asawa na ikinalingon nya. "Galit ka pa rin ba?"
Hindi sya nagsalita. Alam nyang ang anak nito ang tunutukoy nya. Nagkibit-balikat na lamang ito at nanatiling tahimik at nanuod sa telebisyon.
---------------------------------------
EDITTED VERSION
🌟VOTE
💭COMMENT
💮BE A FAN!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro