Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔎Chapter Twenty-six

Amethyst
Nathan

"PSSST, Alle! Kamusta ka na?" pagtawag ko sa isang babaeng nakatalikod dito sa palengke. Kahit nakatalikod sya, alam na alam kong sya iyon noh!

Sya si Allejamz. (Haha. La ko maisip eh😂) Alle for short. Naging kaklase ko sya nuong college ako at matalik ko na ding kaibigan. Nagtitinda sila dito sa palengke ng nanay nya. Pero nung namatay si tita, s'ya na ang nag-asikaso. Humarap naman sya. Bahagyang kumunot ang nuo n'ya ngunit maya-maya'y lumaki ang mata nito animo'y nagulat sa nakita.

Ngumiti na lang ako.

"Amy! Naku, kamusta ka na?" yinakap n'ya ako at agad ding kumalas nang mapagtantong may dala-dala akong mga gulay.

"Okay lang naman ako. Eto oh..." pinakita ko sa kan'ya ang mga bitbit kong gulay. "Magluluto sana ako para kay Gail,"

Oo, tama, para kay Gail. Naisip ko na bilang ina, mali ang mga pinapakita ko sa kan'ya. Simula nung kinausap ako ni papa, Na-realize ko na hindi naman n'ya kasalanan ang nanyari nuon. Gusto ko sya ipagluto. Kumbaga, peace offering. Palagi nalang kasi s'ya kumakain ng noodles. Gusto ko iparamdam ulit sa kan'ya ang pagmamahal ng isang ina na limang taon kong pinagdamot sa kan'ya.

"Uy! Ginagalingan bilang may-bahay ni Jason, ah!" biro nya na ikinatawa ko na lang.

Actually, hindi naman ako naging mabuting ina lalong lalo na kay Gail. Kaya hangga't maaari, gagawin ko ang lahat para maging isang perpektong ina at asawa sa kanila.

"Teka..." tumalikod sya't nag-kilo ng mga patatas 'tsaka binigay sa 'akin.

"Oh 'eto, patatas. 'Di ba paborito ni Jamie ang patatas? Naku, naalala ko pa nun hindi pwedeng wala kang pasalubong na potato fries sa kan'ya," tumawa sya.

Ngumiti na lang ako ng pilit. Natigil din naman s'ya nang mapagtanto at maalala ang nanyari nuon.

"Ay. Ano... hehe," kumamot sya sa ulo nya. "S-sorry,"

Tinapik ko sya sa balikat. "Okay lang. Sige, alis na ako," Tumango naman sya bilang sagot ngunit nanatiling nakakamot sa ulo.

Nagsimula na akong maglakad hanggang sa makalayo ako sa dereksyon ni Alle. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot nang maalala ko na naman ang anak kong lalaki. Sa isang pamilya, ma-swerte daw kung lalaki ang magiging anak mo dahil dadalhin nito ang apelyido niyo kung magka-pamilya man ito. Ang babae kasi, sa oras na magka-asawa, mag-iiba ang apelyido.



Gail

"AHHH!" inis kong tinapon ang kinunot kong papel sa basurahan.

Naiinis ako sa sarili ko! Kahit saan ko ituon ang atensyon ko, palagi ko pa ding naalala ang narinig at nakita ko kahapon sa court. Nagbasa ako ng libro, naglaro sa cellphone ko at nagsulat ng notes pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga nangyari.

"Woah! Relax Gail! Pang-limang tapon mo na yan," rinig kong sabi ni Jc.

Malaya akong makakasigaw dito dahil breaktime ngayon at lahat ng estudyante ay malamang nasa canteen- except sa 'amin ni Jc dahil kinulit ko syang dito sa room mag-recess.

"Ano bang problema mo?" pagtatanong nya habang kumakain.

Napabuntong-hininga ako bago humarap sa kan'ya. Simula nung nagka-problema ang barkada, s'ya na ang palagi kong kasama. Kaibigan ko din naman sya. I'm sure naman mapagkakatiwalaan ko sya 'di ba?

"Mapagkakatiwalaan ba kita?" seryosong tanong ko sa kan'ya.

Tumango naman sya sabay dukot ulit sa kinakain nya na potato chips.

"Eh kasi..."

Sabihin ko kaya sa kan'ya 'yung tungkol kay JC the mysterious guy? Isa pa kasi yun sa pinoproblema ko.

"Spill it," Sya sabay higop sa chuckie na binili nya sa canteen.

Huminga muna ako bago nagsalita. Sya ang unang makaka-alam tungkol dito. Sa kanila Mich nga hindi ko sinabi. Sana lang ay wala syang pag-sabihan ng mga sekreto ko.

"Kasi... may nag-text sa akin na Mysterious guy. Pakilala nya ay JC. Nung una akala ko ikaw yun..." sinilip ko bahagya ang reaksyon nya.

Nakangiti sya.

"But, parang hindi naman. And..." tumigil ako.

"And?" tnong nya.

"And nakita ko kasi... sila Nathan at- Ella kahapon sa court," medyo ilang na pagkakasabi ko. "Feeling ko... meron silang tinatago, eh. I think, secret relationship?" tinignan ko si Jc para malaman ang reaksyon nya.

Ganun nalang nanlaki ang mga mata ko nang mabilaukan sya. Dali-dali nyang kinuha ang chuckie n'ya at ininom ito. Na-alarma naman ako at hindi malaman ang gagawin.

"Jc? You, okay?" tanong ko sa kan'ya.

"Yah. I'm okay,"

Nakahinga na lang ako nang maluwag nang maging okay na ang pakiramdam nya. Akala ko pa naman ay baka may kung anong mali sa pagkain na kinakain nya.

"So, how's that related to my brother?" pagtatanong n'ya nang nakataas ang isang kilay.

"Eh eto kasi..." mas lalo akong lumapit sa kan'ya baka kasi may makarinig. Tinignan ko ang wrist watch ko at may ten minutes pa bago matapos ang break namin.

"Nung una talaga, hindi naman ako naniniwala. Pero nung pinag-connect ko lahat ng scenarios and hints, nagkaroon ng sense." kinuha ko 'yung notebook ko kung saan sinulat ko ang mga hints na ibinigay ni JC sa akin.

"Nagsisimula ang name nya sa letter 'J', see? Jonnathan. Same school, check. Kilala ko, check. See? It's him! Nathan!" S
sinarado ko ang notebook ko na parang nahulaan ko ang salarin sa isang krimen.

Nakita ko naman na pasimple syang nagtipa sa cellphone nya na nasa ibaba ng desk. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nya na ikina-lingon naman nya. Humarap sya sa akin at kinunutan ako ng nuo.

"What? Paano namang magagawa 'yan ng kapatid ko? Hindi lang naman sya ang tao na nagsisimula sa 'J' ang name ah? Me, Jc. Si Jake!" umiling ako.

No! Hindi nya naiintindihan. Si Nathan ay si JC the mysterious guy!

"Tss. Pinipilit talaga," umiling nalang ako sa sinabi n'ya.

Hindi naman sa pinipilit kong si Nathan nga ay si JC. It's just that, malakas talaga ang kutob ko.

"Look, nung una nagpa-load sya sa isang tindahan. Nandun ako kaya nakita at narinig ko lahat. Ayaw nyang sabihin 'yung number na papa-load-an nya kasi baka marinig ko, 'di ba?"

Pagkukumbinsi ko. Umiling naman sya.

"Malay mo naman confidential yung number kaya bawal marinig ng kahit na sino,"

Argh! Bakit ba ayaw nyang maniwala?


"Jc, bakit ba ayaw mong maniwala? When I texted JC, 'yung guy, saktong tumunog phone nya. Nagkunwari s'ya nun na tumatawag ang mommy nya,"

Huminga naman ng malalim si Jc bago sumagot. "Look. For you to know, strict si mommy sa lahat ng bagay. Kailangan bago mag 6pm ng gabi nasa loob ka na ng bahay. And... sya ang favorite son. Natural lang na hanapin sya ni mommy." mahahalata mo ang lungkot sa boses nya.

"But-"

Napalitan naman agad ang reaksyon nya. Kung kanina, kalma lang sya, ngayon mababakas mo ang inis sa mukha n'ya.

"Gail ha, I'm not saying na pinagtatakpan ko ang kapatid ko. Pero, mahirap yan. Pinagbibintangan mo ang kapatid ko! Wala ka namang ebidensya para sabihing s'ya talaga ang nag-text- nor "stalker" mo," medyo malakas ang pagkakasabi nya. Medyo mababatid mong may galit sa boses nya.

"Krimen na ngayon ang stalking. And for you to say na kapatid ko ang stalker mo isn't a good idea," nakatayo na sya habang sinabi nya ang mga 'yan.

Nanatili akong nakatulala sa kan'ya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Suddenly I felt guilty.

"P-pero-"

*KRINGGGG KRINGGGG

Tumunog ang bell at kasabay noon ang pagpasok ng isang estudyante. Hanggang sa dumami ang mga taong nagsi-pasukan kasama na duon si Nathan.

Umupo si Jc sa tabi ko.

"Kung 'di ka pa rin naniniwala," kinuha nya ang cellphone kong nakapatong lang sa desk ko. Nag-scroll sya duon at ilang saglit, binaling ang tingin sa 'kin. "Ba't 'di natin tawagan?" Pinakita nya sa'kin ang cellphone ko kung saan naka-flash ang number ni JC.

"I'm sure dala naman nya 'yung phone nya," saka nya pinindot ang call button.

Tumingin ako ki Nathan na nagbabasa ng libro habang nagri-ring ang phone ko. Pero ilang segundo na ang lumilipas, hindi nya inilabas ang phone nya sign na walang tumatawag sa kan'ya.

It could have been another phone! Yes!

"Baka ibang phone-" inagaw ko sa kaniya ang phone ko at ini-end ang pagtawag.

Tumingin ako ki Jc na ngayo'y nakataas ang kilay sa akin.


"I guess that proves my brother's innocent."

Hindi ko pinansin si Jc at binaling na lang ang tingin sa ibang dereksyon. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng hiya. Pinagbintangan ko si Nathan na walang sapat na ebidensya. Worst, naka-away ko pa ang kapatid nya.

Narinig kong bumuntong-hininga si Jc kaya napatingin ako dito.

"I-relax mo muna iyang sarili mo. Masyado ka ng desperada na makilala iyang Mystery guy slash secret Admirer mo,"

Tama. Baka masyado lang akong stress at pre-occupied sa mga nangyayari. Pero may isa akong tanong sa isip na gustong kumpirmahin. Binalingan ko si Jc na ngayo'y nagtitipa sa cellphone nya habang naka-ngiti pa.

"Jc," pagtatawag ko sa kaniya.

Nawala ang ngiti nya at binalingan ako ng tingin.

"Oh?" inilagay nya ang cellphone nya sa bulsa nya.

"Sorry," paghihingi ko ng tawad sa mga sinabi ko kanina. Tumango naman sya pero bago pa nya alisin ang paningin sa akin ay nagsalita na naman ako. "May gusto lang akong tanungin,"

Hindi sya nagsalita kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"Naging... naging sila Ella at Nathan ba?" napalunok ako matapos ko iyong tanungin sa kaniya.

Lihim pa akong napa-crossed fingers sa ilalim ng desk at parang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot nya. Hindi naman ako magagalit kung malalaman kong naging sila Ella at nathan nuon. Gusto ko lang malaman kung naging sila ba una bago naging kaming dalawa.

Kaya pala ganun nalang ang galit ni Ella kay Nathan. Siguro niloko din ni Nathan si Ella kaya sila nag-hiwalay.

"Hinde,"

Parang nabunnutan ako ng tinik sa dibdib nang magsalita sya. Hindi ko naman mapigilan na mapa-ngiti dahilan para paningkitan nya ako ng mga mata nya.

"Do I smell some jelousy here?" tanong nya. Inirapan ko na lang sya.

"Hmp! Don't worry. Ikaw lang ang babaeng alam kong sineryoso nya,"

Hindi ko sya pinansin pero nakita ko sa gilid ng mga mata ko na ngumiti sya. Itinaas nya pa ang kamay nya na naka thumbs-up. Inilabas ko na lang ang libro ko para ilibang ang sarili dahil pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko.

-------------------------------------
EDITTED VERSION

🌟VOTE
💭COMMENT
💯BE A FAN!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro